Jonga's POV: Natuod na ako sa aking kinatatayuan dahil sa gulat. Boses babae ito at paniguradong mas malakas ako sa kaysa sa kaniya. Kaya ko siyang labanan kung may hindi man siya magandang gagawin. Huwag lang sila isang pulutong tiyak na wala akong kawala r'yan. Akmang lilingon ako sa kaniya pero mas nilaliman niya ang tutok ng patalim sa leeg ko. Napamura na lang ako dahil ramdam kong bumaon ito ng kaunti. Humapdi ito at halatang hindi nagbibiro itong babae sa tangkang paglaslas sa lalamunan ko. "Do not move! I can slit your throat!" sigaw nitong babaeng bihag ako. Marunong siyang mag-english? Mukhang multilingual ang isang ito kaya nagkaideya naman ako. Hindi kaya siya ang amo ni Bulah? Posible nga dahil marunong siya ng iba't ibang lenggwahe at nandito siya! "I mean no harm, p

