CHAPTER 6

1774 Words
Jonga's POV: Kita ko ang paggalaw ng kahon sa likod ni Cosmo at paglampas ng isang maliit na daga papunta sa gilid niya. Nakita ko rin ang pagtapat doon ng flashlight. Galing iyon sa mga taong nasa likod namin ngayon. "All cleared, walang tao rito. Umalis na tayo mukhang iyong pulube lang ang natira. Marami pa tayong tatrabahuhin at hindi tayo dapat magsayang ng oras. Kilos na ulit at bumalik sa van," rinig kong sabi nung nakasuot ng PPE sa radyo niya. Nakarinig naman kami nang mga yabag ng paang paalis. Nakahinga naman kaming apat nang maluwag nang tuluyang mawala ang mga yabag. Nakaalis na sila atnakaligtas kami sa wakas. Akala ko ay mapapalaban na naman kami nito. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na kami sa pinagtataguan namin. Kita ko naman ang tumatagaktak na pawis sa noo ni Cosmo. Mukhang kabadong-kabado ang isang ito. "Takot ka 'no?" asar ko sa kaniya. "Letse, manahimik ka nga r'yan. Magnakaw na tayo ng mga pagkaing pwede nating madala sa paglalakbay. Mas marami mas mabuti para hindi tayo mauubusan ng stocks," sabi ni Boss Cosmo. Sumaludo naman ako para asarin siya lalo. Napailing na lang ako ng samaan niya ako ng tingin. Ang bilis talagang mapikon ng bansot na iyon. Tumulong na ako sa pagbubuhat. Si Chickie ang nagbibitbit ng mga kahon ng sardinas at tuna para ilagay sa trunk ng kotse. Ako naman ang nagbubuhat ng mga bottled water habang si Tami ay kumukuha ng maliliit na pack ng tinapay. Masaya pala kapag nagtutulong-tulong. Naalala ko tuloy si Jeric at Kinchay. Kumusta na kaya ang dalawa kong kapatid? Ayos lang sila, maayos ang lagay nila. Kailangan kong magtiwala, manalig, at huwag mawalan ng pag-asa. Matatapang na mga bata iyon at hindi mawawalan ng pag-asa. Pareho rin silang matalino at sanay na sa matipid na pagkain dahil sa buhay namin. Pagkatapos naming maghakot ng pagkain ay sumakay na kami sa kotse. Kumuha si bansot ng gasolina para may reserba kami sa byahe. Mahirap na dahil baka wala kaming mahanap na gas station sa paglalakbay. Ayaw naman naming tumirik na lang kami sa gitna ng kawalan. Pagkatapos ay sumakay na kaming lahat sa kotse. Si Chickie ang magdadrive habang si Cosmo naman ay nasa tabi ni Tami. Napaggigitnaan namin ang kapatid niya. Napahikab naman ako pero kailangan kong labanan ang antok. Kailangan kong magmasid habang nagmamaneho si Chickie. Mahirap na at delikado, baka mamaya ay may nakasunod na pala sa amin. Mamaya ay bombahin na lang kami bigla. Napagdesisyunan naming huwag na magpalipas ng gabi ro'n sa may gas station dahil delikado. Baka mamaya ay kung anong mangyari sa amin at bumalik pa ang mga alagad ng IHU, mahirap na. Hindi lang naman sila ang myembro ng IHU ang pwedeng pumunta roon kahit ba nasabing cleared na. Maganda na rin iyong nag-iingat. Napalingon naman ako kay Tami nang humiga siya sa kandungan ni Cosmo. Itinaas niya rin ang kaniyang binti sa hita ko. Sumenyas siya na gusto niyang matulog. Tumango naman ako at ginulo ang kaniyang buhok. Magkamukha talaga sila ni Cosmo. Tinapik naman siya ni Cosmo sa pwet. Kita ko namang antok na rin itong si bansot. Mukha talaga siyang lampa at mukhang mahina rin ang resistensya niya, palibhasa mukhang anak mayaman kaya hindi sanay sa hirap. Kulang siya sa banat ng buto. Sa panahon ngayon ay mukhang matututo siyang magbanat. Iginiya ko ang ulo niya para sumandal sa balikat ko. Kahit medyo nakakailang dahil lalaki rin siya ay ayos lang. Hindi naman ito ang panahon para magmaton pa ako. Maya-maya pa ay narinig ko ang mahinang paghilik ni Cosmo. Napangisi naman ako at napailing. Kaya pala hindi na ako sinungitan ay nakatulog na pala. Kawawang paslit. Napapahikab ako pero kailangan kong magfocus. Halos kalahating oras naman ang nagdaan ng may nakikita na rin akong mga ilaw-ilaw sa malayo. Mukhang malapit na kami sa isang bayan kaso ang problema, baka may mga alagad ng IHU. Mahirap na kung may makaka-engkwentro na naman kami. Delikado para sa amin ang paglalakbay ganoon din ang pananatili sa isang lugar. Wala kaming magagawa ngayon kung hindi tuntunin pansamantala ang sinasabi ni Cosmo na safe place. "Baka may mga tao ro'n, Chickie. Delikado kaya kailangan nating mag-ingat. Ayoko ring mapahamak tayong lahat," sabi ko. "Gisingin mo si Cosmo, sabihin mo look siya sa lappy niya. Watch kayo sa mga CCTV tapos tell me kapag may mga warriors. Maganda iyon para gorabels na lang tayo. Iwas kalaban na rin at the same time," sabi ni Chickie kaya tumango ako. Mukhang kailangan ko nang masanay sa paraan ng pagsasalita ni Chickie. Ang beki language, baka nga sa isang linggo ay marunong na rin ako. Napailing na lamang ako sa aking naiisip. "Hoy bansot, gumising ka na. Kailangan namin ang pro skills mo rito. Tinatawag ka ni Chickie," panggigising ko kay Cosmo. Tumaas naman ang ulo niya at nagkusot siya ng mata. Nasisilaw niya pa akong tiningnan. Nakakasilaw ba ang kagwapuhan ko? Sa pagkakatanda ko ay hindi naman. "Pre, kung nagagwapuhan ka sa akin sabihin mo na. Sasabihin ko naman ang sabon ko eh huwag kang mag-alala. Pero hindi ako naglalagay ng gamot sa mukha dahil natural na pogi na talaga ako," asar ko kay Cosmo. "Hoy Jonga, tantanan mo ako! Sabon ka r'yan, sabon nga namin ang gamit mo! Ilang araw ka ngang hindi naligo at sa totoo lang, amoy imburnal ka na no'n. Naawa lang ako sa 'yo kaya hindi ko sinabi," sabi ni Cosmo. Napanganga naman ako dahil siya lang ang nakapanlait sa akin. Seryoso ba siya? Amoy imburnal ba talaga ako? Nakakahiya naman. Hindi nga pala ako noon nakaligo sa kulungan. "Sorry na, hindi ka na mabiro nambars ka pa. Sabi ni Chickie iyong mga CCTV daw ulit imonitor mo, baka may mga warriors daw. Baka mamaya makasalubong pa natin eh duling ako kaya ikaw na. Saka ikaw ang marunong eh," kamot ulong sabi ko. "Aysus, iyon lang pala. Hindi mo agad sinabi may padahilan ka pa," naiiling niyang bulong. Tulog pa rin si Tami kaya maingat si Cosmo na ginamit ang kaniyang laptop. Nakita ko naman ang mabilis niyang pagtatype at paglabas ng mga codes sa monitor. Sa isang iglap ay kita na niya ang mga CCTV sa may bayan, astig! Parang gusto ko rin iyang matutunan. Tipong ihahack ko pati ang bill namin ng kuryente sa bahay. "Saan mo iyan natutunan?" manghang tanong ko. "Noong bata pa ako, kinahiligan ko na ang mga computers. Noong mga teenager naman ako kasali ako sa mga groups na nagtuturo ng hacking, decoding, at iba pa. Kaya ayon, lalong nahasa skills ko dahil IT pa ang kinuha kong course sa college," sagot niya. Napatango naman ako. Astig talaga ang isang ito, lumampas nga lang sa limitasyon kaya nakulong. Ginamit kasi sa ilegal ang skills, tsk. Ang badass niyang tingnan, ako kaya kapag tinuloy ko ang pangarap kong maging doktor? Jonga, the savage and handsome doctor. Hindi na masama, kung hindi papalarin kahit janitor na lang sa ospital basta may opisina. "Kaliwa Chickie, walang tao. Mukhang wala talagang tao rito. Pero hindi natin alam ang mga nasa loob ng bahay baka mayroon pa. Kailangan nating maglakad. Mas safe sa umaga na tayo gagamit ng kotse," sabi ni Cosmo. "Ayon oh, may motel. Tigil tayo ro'n at magpahinga. Bukas na ulit tayo maglakbay," suhestyon ko. Kita ko sa CCTV ang Delia's Motel. Nagpapatay-patay na ang ilaw niya sa labas pero mukhang mapagtatyagaan naman. "Sige, do'n na muna tayo magrelax. Naiistress na rin ang beauty ko," sabi ni Chickie at kumaliwa. Nasa bungad lang kasi ang Delia's Motel kaya hindi kita ang sasakyan namin. Nagpark kami at may iba pa ritong sasakyan na nakaparada. Mukhang mga naabandona at hindi na nakuha ng mga may-ari. Ano kaya ang nangyari sa mga may-ari ng sasakyang ito? Mukhang alam ko na rin naman ang kasagutan sa tanong ko. "Hinack ko na rin ang CCTV d'yan sa motel. Sira na ang iba pero sa ibang CCTV ay kita ko namang walang tao. Kailangan lang nating maging tahimik at maingat sa lahat ng oras dahil baka may biglang sumulpot na kalaban," sabi ni Cosmo. Lumabas na kami ng kotse at gising na rin si Tami. Kumuha kami ng ilang pagkain mula sa ninakaw namin sa gas station kanina. Si Cosmo ang may bitbit ng ibang pagkain at si Tami. Kami naman ni Chickie ang nagtalikuran para maghanda sa mga biglang lalabas na kalaban. Pagpasok namin sa motel ay nakakatakot na ito. Nagpapatay-patay ang ilaw at mukhang haunted. Ayaw ko na sana tumuloy pero lalaki ako. Bakit naman ako matatakot? "Kaya pala hindi na gumagana ang ibang CCTV, sa second floor lang abot ang kuryente. Huwag na tayong masyadong tumaas," sabi ni Cosmo. Naglakad na kami sa hagdan at pumanhik papunta sa second floor. Stable naman na ang ilaw rito pero may dugo ang mga pader. Masangsang din ang amoy rito at parang amoy dugo. Mukhang may masahol na nangyari noon. Sinubukan naming buksan ang mga pinto. Sa DM104 kami nakapasok dahil ito ang una naming binuksan na hindi lock ang pinto. Ako ang unang pumasok at ininpeksyon ang paligid. Walang tao rito ngunit may mga mantsa ng dugo. Mukhang may hindi magandang nangyari dito. Dalawa ang kwarto rito sa napasukan namin. Si Tami at Cosmo ang magkasama sa unang kwarto habang si Chickie naman ay sa pangalawa. Ako na ang nagbigay dahil pogi naman ako. Kailangan ko ring magbantay. Matapos naming maglinis ng katawan ay kumain na kami. Ninakaw pa ni Chickie ang induction cooker dito sa motel, ang angas. Tatawa-tawa na lamang kami. May mga pagkain sa ref kaya kumuha kami ng ilan at nag-enjoy kumain. Ang sarap talaga kapag last supper ang kainan. Parang bibitayin na pagkatapos. Baka ito na kasi ang huli naming maramihan na kain. Wala namang makakapagsabi kung mananatili pa kaming ligtas sa mga susunod na araw o maging mamaya. "Hinay-hinay lang, parang huling kain mo na ah," saway sa akin ni Cosmo. "Sinusulit ko na, baka nga talaga huli na. Takot ako," biro ko. Binatukan niya naman ako mabuti na lang at napigilan ko ang sarili kong huwag siyang suntukin. Nakatingin ang kapatid niya, ayoko naman bahiran ng kasamaan ang utak ni Tami. Magsumbong pa si Cosmo na binubugbog ko siya. Itapon ko sa labas iyang si bansot eh. Matapos naming kumain ay nagkaniya-kaniya kaming pasok at pwesto sa mga tutulugan namin. Humiga naman na ako sa sofa at itinaas ang aking kumot. Mapait naman akong napangiti at pumikit. Ano kaya ang mangyayari kinabukasan? May araw pa rin kaya kaming masisilayan o huli na namin ito? Hay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD