Jonga's POV:
"Bilisan niyo! Arat na! Paniguradong maraming bantay kaya lumarga na tayo bago pa sila makatunog!" sigaw ni Chickie.
Iniwanan namin ang bangkay ng mga naka-PPE at sumakay sa kotse nila Cosmo. Dali-dali naman akong sumakay sa passenger's seat at napalunok ng laway ko.
Grabe, ang intense ng mga pangyayari. Akala ko ay sa movie ko lang ito mapapanood. Ngayon ay nangyayari na sa totoong buhay.
"Damn, dapat na yata akong masanay sa mga p*****n ngayon. Parang normal na ito ngayon," mahinang sabi ko.
"Ulol, dapat lang! Kapag nag-inarte ka iiwan kita sa daan!" kinakabahang sigaw ni Cosmo.
Nauntog pa ako sa gilid na salamin dahil sa bilis ng pagpapatakbo ni Cosmo. Muntik pa akong mapamura mabuti na lang at napigilan ko. Badtrip siya, baka itapon ako palabas. Ako na nga lang itong nakikisakay.
"Hilow, ako si Chickie. Ano ang pangalan niyo? Hagardo Versoza na is me, so stressing sa labas! Daming chakang kalaban! Mabuti na lang at nakita ko kayo," inis na sabi ni Chickie.
"Salamat ha, ako si Cosmo. Iyang katabi mo ang kapatid kong si Tami. Paano pala kayo nagkakilala ni Jonga?" tanong ni Cosmo kay Chickie habang nagmamaneho.
"Ay, galing din akong kulungan beh. Kakosa ko noon si Jonga sa Kosa Minor kaya knows namin ang each other. Kaya lang kami na lang ang nakaligtas," sagot ni Chickie.
"Ano pala ang kaso mo Chickie?" tanong ko.
"Murder, pero napagbintangan lamang ako ha. Hindi naman ako mamamatay tao 'no. Iyang si Cosmo? Parang narinig ko ang pangalan mo sa kulungan beh. Ang angas mo raw eh," tanong ni Chickie.
"Nanghack ako ng kung ano-ano, natrace tapos nakulong. Kung hindi pa nga nagkapandemya ay hindi ako makakatakas. May tatlong araw ako noon sa kulungan at aware na ako sa mga nangyayari kaya sinikap kong mailigtas si Tami kahit nasa kulungan ako. May lugar din akong alam kung saan safe tayo," pagkukwento ni Cosmo.
"Akala ko ba tutulungan mo akong hanapin ang mga kapatid ko? Saan ba ang IHU na sinasabi mo?" takang tanong ko.
Kailangan kong iligtas ang mga kapatid ko kahit anong mangyari. Nawala na sa akin si tatay, hindi ako papayag na pati si Jeric at kinchay ay mawala sa akin. Si Chog kaya kumusta na ngayon? Buhay pa kaya ang gagong iyon? Hindi ko alam kung nasaan sila at wala akong mahanap na lead. Ang tanging makakatulong sa akin ngayon ay sila Cosmo.
"Kailangan muna nating pumunta sa isang safe place, nalocate ko iyon sa Batangas. Maaaring makatulong pa sila sa atin, iyong ibang mga nakaligtas, para mahanap ang mga kapatid mo. Mas maigi kung marami tayo para makalaban," sagot ni Cosmo.
Tumango na lamang ako pero hindi pa rin ako napapanatag. Lalaki ako, kaya kong tumayo sa sarili kong paa. Pero kahit ganoon kailangan ko pa rin gamitin ang utak ko at hindi iyong puro yabang lang. Delikado ngayon at kahit malakas ako, hindi ako makakaligtas sa putok ng baril.
Natahimik na kaming lahat habang binabaybay ang daan. Si Chickie na rin ang tumingin sa laptop ni Cosmo kung saan ang daan na walang bantay, duling daw kasi ako. Napakamot na lang ako dahil wala akong maitulong sa ngayon. Babawi na lamang ako sa susunod.
Tahimik talaga ang paligid at malamig. Paubos na rin ang gasolina namin kaya kailangan naming tumigil sa isang malapit na gas station para magkarga ng gasolina. Kukuha na rin kami mamaya ng mga pagkain para marami kaming imbak.
Nakakaantok pero kailangan kong hindi matulog. Kalalaki kong tao tapos wala akong ambag, tsk. Dapat bantayan ko pa rin sila dahil mukhang lampa itong si Cosmo. Kapag may kalaban ay hindi makakalaban. Kalalaking tao, tsk.
Binuhay naman ni Cosmo ang radyo at nakinig kami. Medyo hindi na maganda ang signal at nagpuputol-putol ang nagsasalita.
"Patayin na natin, doon na lang tayo sa gas station na mapupuntahan natin makinig ng balita. Kailangan nating maging aware sa mga nangyayari. Baka mayroon pa ring nagbobroadcast at kailangan nating makibalita," sabi ni Cosmo.
Napapahanga ako sa isang iyan. Mukhang matalino iyang payatot, mautak din. Mukha lang talaga siyang tomboy dahil parang ang lambot ng facial features niya para sa isang lalaki.
Bakit ba kasi napakajudgemental ko? Tsk, nahawa na yata ako sa mga kapitbahay naming chismoso at chismosa.
Maya-maya pa ay may nadaanan kaming gasolinahan. Tumigil kami ro'n at ipinark itong kotse. Akala ko ay titirik na lamang kami sa daan.
"Ako na ang maggagasolina, kuha kayong pagkain sa loob o kahit ano. Icheck niyo rin kung may tao. Huwag kayong didikit sa iba dahil sa virus," bilin ko.
"Sige salamat ah. Kaya mo na ba iyan?" tanong ni Cosmo at lumabas na ng kotse.
"Oo naman," sagot ko.
Cosmo's POV:
Nandito ako sa may mini-grocery sa Vhell Gasoline Station. Nakatanaw ako rito kay Jonga na naglalagay ng gasolina sa kotse namin.
Nakatuon ang kamay niya sa may bubong ng kotse habang nakatungo. Ang isa naman niyang kamay ay hawak ang parang baril na labasan ng gasolinang nakasuksok sa may tangke ng kotse. Akala mo ay modelo na kukuhanan ng litrato para sa isang pictorial.
Bigla akong napatayo ng tuwid nang lumingon sa direksyon ko si Jonga. Matamis naman siyang ngumiti at sinaluduhan ako. Muntik pa akong mapatalon dahil sa kaniya.
Awkward naman akong ngumiti at kumaway sa kaniya. Tumalikod na ako at pumasok sa loob ng mini-grocery. Bakit ba sa harap niya ay madalas akong magmukhang tanga?
"Ang harot beh ha, pumapag-ibig."
"Ay palaka!"
Nagulat ako kay Chickie na nasa may gilid pala. Nakangisi siya sa akin at labas pa ang mapintog niyang muscle sa balikat dahil sa suot niyang sando.
"Ginulat niyo naman po ako," sabi ko habang nakahawak sa dibdib.
"Beh, alam kong tingin sa iyo ni Jonga ay lalaki ka. Amoy kita, isa kang girlalu. Amoy ko ring may pagtingin ka kay Jonga ha, humaharot. Pumapag-ibig sa gitna ng krisis," asar sa akin Chickie at mahinang inihampas sa akin ang hawak niyang frozen footlong.
"Hayaan niyo ho siya, ayos lang naman ho iyon para hindi siya mailang. Saka ho wala akong g-gusto sa kaniya 'no, mahiya naman siya sa balat niya. Ganda kong ito eh," pagtanggi ko.
"Oki, say mo eh! Nandoon si bebe Tami sa dulo sa may counter nakuha ng candy. Puntahan mo na lang. Mukhang nag-eenjoy," sabi ni Chickie at bumalik na sa ginagawa niya.
Naglakad na ako papunta sa counter. Nakita ko naman si Tami na dinudutdot ang kaha sa may counter. Kunyare niya pang iniiswipe ang mga candy sa scanner. Naglalaro pala ito.
Napangiti naman ako at inabot kay Tami ang isang chocolate bar. Ngumiti naman siya at iniswipe iyon sa scanner.
Sumahod naman siya sa harap ko na parang nang hihingi ng bayad. Kunyari naman akong nag-abot sa kaniya ng pera.
May pinagpipindot siya sa keyboard at biglang bumukas ang perahan. Nanlaki naman ang mata ko nang makitang maraming pera ang nandoon.
Akmang kukunin ko ang pera na nandoon pero pinalo ni Tami ang kamay ko. Nagsign language siya na bad daw ang gagawin ko. Napakamot naman ako sa ulo.
Ngumiti naman ako kay Tami at sumenyas ng sorry. Ngumiti naman si Tami at kumuha ng plastic sa may cabinet. Natutuwa na lamang ako sa kapatid ko.
Isinilid niya ro'n ang mga candy na kinuha niya. Nagpaalam na siya sa akin at itinuro si Chickie na pupuntahan niya.
Tumango naman ako. Hinintay kong umalis si Tami bago napabuntong hininga.
Pumasok naman ako sa may counter at dahan-dahang kinuha ang mga pera. Nangangatal pa ang mga kamay ko habang isinisilid ang mga ito sa bulsa ko. Nakakaramdam pa rin ako ng konsensya.
"Masanay ka na ring magnakaw. Mas masahol pa nga ang pagpatay na ginawa mo noong nakaraan. Sa panahon yata ngayon ay nagiging legal na ng ilegal."
Biglang may nagsalita sa likod ko kaya bigla akong napatalon sa gulat. Masama naman akong tumingin kay Jonga.
"Huwag mo nga akong gulatin. At saka pakialam mo ba, mind your own business. Doon ka nga," inis kong sabi.
Isinara ko na ang kaha at dere-deretsong lumabas ng counter. Bigla namang may humila sa braso ko.
Napatama ako sa matigas na dibdib ni Jonga. Pag-angat ko ay nakangisi siya sa akin. Ano ba ang problema niya!?
Napalunok naman ako habang nakatitig sa kaniya dahil nag-angat ako ng tingin. Hindi ko pa naramdaman ito noon, may gusto ba ako sa kaniya? Love at first sight? Bakit ganito kabilis ang t***k ng puso ko?
Parang nangangarera ang puso ko sa bilis ng takbo nito. Halos himatayin naman ako nang ngumisi pa si Jonga. Para siyang isang greek god sa kagwapuhan. Noon sigurong nagpasabog ng kagwapuhan ay nagtayo pa siya ng dam para saluhin iyon. Baka ang nakuha ko nga lang noon sa kagandahan ay tulo mula sa bubong namin.
"Iisipin ko ng bakla ka talaga, huwag mo nga akong titigan. Nakakakilabot ka pare ha," sabi ni Jonga na nagpabalik sa akin sa ulirat.
Binawi ko naman ang braso ko sa kaniya at masama siyang tiningnan. Gano'n na ba talaga akong mukhang lalaki? Sabagay, maikli ang buhok ko tapos hindi pa ako pinagpala sa dibdib at pwet. Pero kahit na, may itsura naman ako 'no kahit papaano. Sabi nga ng iba ay maganda ako. Minsan lang talaga ay nagtatalo ang aking confidence.
"I-Ikaw kasi bigla kang nang hihila. Ano ba ang kailangan mo sa akin ha?" maangas kong tanong.
"Init na naman ng ulo mo, tsk. Kung pwede sanang magpalipas muna tayo ng gabi rito. Medyo pagod din ako at walang maayos na tulog. Para sana bukas ay may enerhiya tayo sa paglalakbay," sagot niya.
Tama naman siya, medyo pagod na rin ako. Matapos naming tumakbo kanina at mahaba-habang naglakad ay nakakapagod talaga. Isama mo pa ang stress, bago pa rin ako makatakas sa kulungan ay abot langit na ang kaba ko.
"Sige, dito na tayo magpalipas ng gabi. Itatago ko lang doon sa may garahe ang kotse dahil baka dumaan ang mga alagad ng IHU, mahirap na," sabi ko at nilampasan si Jonga.
"Sige ingat ka! Kukuha na akong pagkain dito! Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka!" rinig kong sigaw ni Jonga pero hindi na ako lumingon.
Lumabas ako at kaagad na sumakay sa kotse. Doon ko napagdesisyunang ipark ito sa may changing oil station para mapagkamalang naiwanan ng mga sibilyan.
Pagkatapos kong magpark ay bumalik na ako sa loob. May narinig naman akong nabasag kaya tumakbo na ako papasok.
"Anong nangyayari dito?" tanong ko.
"Alis! Alis kayo alis! Teritoryo ko ito! Ako may ari nito!" sigaw ng isang madumi at nagwawalang mama.
Sa tingin ko ay isa siyang pulube o baliw. Madumi ang kaniyang suot at gulo-gulo ang buhok. Kita rin ang mga sugat niya sa katawan na nagtutubig at ang iba pa ay may mga nana na. Para na rin siyang malapit nang mamatay.
"Cosmo, huwag kang lalapit sa kaniya! Mukhang infected siya ng virus!" sigaw ni Jonga kaya nanlaki ang mata ko.
Napatingin naman 'yong pulube sa akin. Akmang lalapit siya sa akin pero itinumba ko ang shelf at tumakbo sa direksyon nila Jonga.
Niyakap naman ako ni Tami na nasa gilid ni Chickie. Hinalikan ko naman ang kapatid ko sa tuktok ng ulo niya.
"Lumayo ka sa amin, huwag kang lalapit! Sasaktan talaga kita oras na hawakan mo kami!" sigaw ni Jonga.
"Kayo ang umalis! Ahhh teritoryo ko ito! Alis ahhh!" nagwawalang sigaw niya.
Bigla naman kaming may narinig na tunog ng sasakyan sa labas. Nasa dulong bahagi kami nitong grocery kaya hindi kami kita. Mukhang may tao na sa labas.
Nanlaki naman ang mata ko nang makitang sasakyan ito ng IHU. Kaagad ko naman hinila sila Jonga para yumuko.
"Sumbong ko kayo!" sigaw nung baliw.
Nagtatakbo siyang lumabas at sumisigaw ng 'ahh!'. Nakita naman siya ng mga nakasuot ng PPE na lumabas ng sasakyan. Mabuti na lamang at malayo siya sa amin kaya hindi niya kami mahahawaan.
"Tulong niyo ako-"
Muntik na akong mapasigaw nang barilin sa ulo ng mga nakasuot ng PPE iyong baliw. May lumabas pang mga nakasuot ng PPE na may dalang malaking ice box.
Inilagay ro'n ang bangkay nung baliw pagkatapos ay isinara. Napamura naman ako ng malutong nang makita kong sumenyas iyong mukhang lider sa mga alagad niya na maglibot.
"Doon tayo magtago sa storage room, bilisan niyo. Mas marami tayong mapagtataguan doon,"mahinang bulong ni Jonga.
Gumapang kami at mabilis na pumasok sa storage room. Saktong pagpasok namin ay rinig kong bumukas ang pinto ng grocery.
Nagtago kaming apat sa likod ng mga kahon. Abot langit naman ang kaba ko dahil ang dami nila. Paano kami nito kapag nahuli? Baka patayin nila kami!
Kita ko naman ang anino ng lalaki na malapit na sa amin. Napapikit naman ako nang maramdaman kong parang gumalaw ang kahong nasa likod ko.
Shit, nalintikan na!