Jonga's POV: "Jonga, kumuha muna kayo ng mga pwedeng gamiting resources sa loob ng airport. Mag-aayos lang kami rito ni Kiwi. Bumalik kayo agad ha. Baka magharutan pa kayo. Naku, patay kayo sa akin at nagmamadali tayo. Mag-iingat kayo ha," utos ni Vita. "Sige, mag-iingat kami. Babalik din kami agad mga kalahating oras. Matino kami 'no. Ito naman mag-uutos may kasamang side comment," pabiro kong sabi bago tumalikod. "Tse, ganda ka ha!" biro din ni Vita. Hinanap naman ng mata ko si Cosmo at Bailey. Nakita ko ang dalawa sa gilid na nagmemeryenda. May hawak pa si Cosmo na pouch ng juice habang si Bailey ay may hawak na ensaymada. Sarap na sarap sa kain ang dalawa at nagpapahinga lamang. Bigla rin akong nagutom kaso may iniutos si Vita. Kailangan din namin agad makakuha dahil maya-maya

