Jonga's POV: Nakakatuwang pagmasdan ang mga tanawin dito. Kahit padilim na ay bahagya pa ring nakikita ang baba. Para lamang akong nakatingin sa isang miniature landscape dahil maliit ito rito sa taas. Unang beses ko pa lamang sumakay sa ganito kaya nakakamangha. Masarap pala talagang magtravel sa iba't ibang lugar. Siguro kapag natapos na ang pandemya at maayos na ang lahat, susubukan kong libutin ang buong mundo. Sumakit na ang leeg ko sa kakatingin sa likod kong bintana kaya umayos na ako ng upo. Nakasuot kaming lahat ng seatbelt at nakatanaw kung saan-saan. Lahat kami ay namamangha sa ganda ng tanawin dito. Ang sabi ni Vita ay nasa isang oras lamang ang kayang itagal nitong helicopter na sinasakyan namin. Magsostop over pa ulit kami papunta sa isa pang airport o air base para kumu

