Jonga's POV: Naglakad pa ulit kami palabas ng kakahuyan. Hindi na gumana ang Jaguar na sasakyan namin dahil kay Vita. Masyadong masama ang pagkakabunggo niya sa sasakyan. Mabuti na lamang at nakarating kami rito sa isang parke. May mga nakaparadang sasakyan kaya sa isang Lancer kami sumakay. Ayos na ito kaysa sa kanina. Mas maluwag at paniguradong kahit luma na ay maayos pa naman ang takbo at mas matibay. Tinahak na ulit namin ang daan. Pagod na pagod kami sa paglalakad idagdag pang sobrang init. Ang bibigat pa ng dala namin kanina na isang katerbang eco bag na may lamang pagkain. Ako pa ang may pinakamaraming bitbit dahil ang sasakit na raw ng braso nilang tatlo. "Jonga, pahingi nga akong tinapay. Nagugutom na kasi ako saka tubig. Ichecheck ko lang ang mga CCTV na malapit sa atin,"

