CHAPTER 3

1667 Words
Jonga's POV: "Hoy, pahingi naman akong rasyon! Tanginang iyan kaninang umaga pa ako hindi kumakain!" sigaw ko para marinig sa labas. Tanghali na at ganito lagi ako. Nandito pa rin ako sa bartolina dahil sa pagwawala ko noon. Mainit ang dugo sa akin ni Gordon kaya hindi niya na ako inalis dito. Ito na nga ba ang sinasabi ko, mga maduduming gawain nila! May limang araw na yata akong nandito. Wala akong dalaw ngunit may balita naman ako sa aking mga kapatid. Lihim na dumaan dito ang Kosa Minor para makibalita sa akin. Tinawagan daw nila ang pamilya ko. Mabilis ang naging libing ni tatay dahil na rin sa pandemya. Nasa bahay naman namin sila Kinchay at Jeric. Napabuntong hininga na lamang ako at naupo rito sa semento. Napabahing pa ako dahil sa dumi at gabok dito. Hanggang ngayon ay hindi ko matanggap ang pagkawala ni tatay. Hindi ko man lang siya nasilayan kahit sa huling pagkakataon dahil nakakulong ako. Ang hindi ko rin matanggap, nakulong ako na walang kasalanan. Ano ba ang ginawa ko para maghirap ng ganito? Kung hindi sana kami iniwan ng magaling naming ina ay mas maayos sana ang buhay namin. Tanda kong kwento ni tatay ay mayaman daw ang ina ko. Wala na akong pakialam sa kaniya, wala siyang kwentang ina. Bigla namang tumunog ang bakal na pinto nitong bartolina kaya napatingin ako ro'n. May dalawang nakasuot ng PPE ang lumapit sa akin. "A-Anong kailangan niyo? Lumayo kayo sa akin! Huwag niyo kong tuturukan niyan! Tang ina niyo!" naiinis kong sigaw. May mga humawak naman sa aking pulis at may sumuntok pa sa tiyan ko. Ito ang ayaw ko sa mga mas matataas, pinipilit kang pasunurin kahit hindi naman tama ng mga adhikain nila! "Mayroon pa ba r'yang kulay blue?" tanong nung nakaputing PPE sa kasama niya. "Wala, ito na lang pink na para sa mga babae. Sige na ayos lang iyan, pareho rin naman ng epekto. Ewan ko nga kung bakit hiwalay pa," sabi naman nung nakakulay blue na PPE. "Ilayo niyo sa akin iyan!" sigaw ko. Wala na akong magawa nang iturok nila sa akin iyong syringe. May sumuntok pa ulit na pulis sa tiyan ko kaya napahiga na ako sa maduming sahig. Umalis sila sa selda at lumabas. Kusa namang nagsara na ang pinto nitong bartolina. Napamura na lamang ako at umupo. Ano ba ang nangyayari? Kung hindi itong mga gagong pulis ang problema ko, iyang virus naman. Rinig ko naman sa labas ang boses ng mga nagkakagulo. Nagkibit balikat na lang ako at humiga. Inunan ko ang akin braso. Nakatingin lamang ako sa kisameng puro alikabok na. Kumusta kaya ang mga kapatid ko ngayon? Nakakalungkot pa rin ang nangyari kay tatay. Sa kakaisip ko ng kung ano-ano ay nakatulog ako. Hindi naman siguro masamang magpahinga minsan at tumakas sa magulong mundong ito. - "Ahh!" Napasigaw ako ng may kumalabog sa bakal na pinto nitong selda ko. Parang nangangarera na ang puso ko sa bilis ng pagtakbo nito. Pangalawang linggo ko na rito at wala akong balita sa labas. Namimiss ko na ang mga kapatid ko, nagluluksa pa rin ako sa pagkamatay ni tatay. Sumilip naman ako sa bintana sa itaas, gabi na. Wala na naman ba akong rasyon? Kinginang mga pulis iyan. Dahil sa lagabog ay nacurious ako kung anong nangyayari. Itinapat ko ang aking tenga sa pinto para pakinggan ang mga nangyayari sa labas. Masyadong tahimik, kahina-hinala. Laging maingay dahil sa mga presong naghihiyawan at nagkukwentuhan. Isama pa ang mga pulis na naglalaro ng baraha. Pagkalayo ko sa pinto ay bahagya itong gumalaw. Lalo naman akong kinabahan dahil bukas ang pinto ko. Nagsimula akong magpanic at hindi ko na alam ang gagawin. Para akong babae, ano ba Jonga magpakalalaki ka nga! Lumambitin naman ako sa maliit kong bintana at sumilip. May mga nakita akong truck na papaalis. May nakalagay sa likod ng truck na IHU. Ano naman kaya iyon? Bumaba na ako at sumilip sa siwang ng pinto. Hindi ko na alam ang magiging pangunahing emosyon ko dahil sa kaba at takot. Baka mamaya paglabas ko rito ay may biglang bumaril sa akin! Nakita kong tahimik ang paligid. Dahan-dahan naman akong lumabas at sinilip ang kaliwa't kanang direksyon. Madilim at walang tao. Nakurap pa ang ilaw at parang malapit nang mapundi. Kahapon pa ako walang rasyon ng pagkain at mamamatay na ako sa gutom. Kaya ba walang rasyon dahil wala ng tao? Sinilip ko ang mga selda at marahas akong napabuntong hininga. Wala na ngang tao sa mga selda, ano ba ang nangyayari!? Hindi ko na gaanong tanda ang daan palabas dito. Kailangan kong magmadali, hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero tyansa ko na ito para tumakas. Habang naglalakad ay may narinig akong kaluskos na nasipang bakal. Bigla namang nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Pinulot ko ang nakita kong dos por dos sa gilid. Mahigpit ko itong hinawakan habang dahan-dahang naglalakad at nakamasid sa paligid. Hindi kaya nagkaroon na ng zombie apocalypse? Posible kayang mangyari iyon? Tangina, may virus pa man din ngayon! "Putang ina- hmmp!" Umakyat na yata ang lahat ng dugo ko sa katawan ng may humila sa akin papunta sa isang gilid. Nakita ko ang anino niya kanina at mas maliit siya sa akin. Nakatakip siya sa bibig ko at may nakatutok sa likod kong kutob ko ay kutsilyo. Hindi naman ako gumalaw ng may marinig akong mga yabag. "Sigurado kang wala ng natira?" tanong ng isang paos na boses. "Oo, tara na. Umalis na tayo dito at baka maiwan pa tayo," sabi naman ng kasama niya. Kita ko ang paglampas ng dalawang nakasuot ng PPE. Nakahinga naman ako ng maluwag, akala ko may zombie apocalypse na. Binitawan naman ako nitong nasa likod ko. Pagharap ko sa kaniya ay muntik na akong matawa. Sa palagay ko ay hanggang dibdib ko lamang siya. Sa taas kong 5'11 ay parang nasa 5'4 lamang ang isang ito o mababa pa. Mayroon siyang malaking mata ngunit maganda pa rin naman ito, hindi katangusang ilong, maputing balat, mapulang labi at matabang pisngi. Angas ng isang ito, kung hindi lang siya nakasuot ng panlalaki ay pagkakamalan ko siyang babae. "Salamat pre, akala ko kung ano na eh," pasalamat ko sa kaniya. "Huh, gago ka ba?" sigang tanong niya sa akin. Napangiwi naman ako at itinaas ang dalawa kong kamay. Problema ng isang ito? Ang angas ha. "Tulungan mo akong makalabas dito pre. Pupuntahan ko iyong mga kapatid ko," bulong ko sa kaniya habang dahan-dahan na kaming naglalakad. "Taga-saan ka ba?" tanong niya. "Poblacion lang," sagot ko. "Ako rin." "Bakit hindi kita nakikita?" "Ewan ko, malaki naman ang lugar natin," sabi niya at pinasunod ako. Dahan-dahan kaming bumaba sa hagdan. Pagkaliko namin sa baba ay halos mahigit ko naman ang aking hininga ng may mga dumaang nakasuot ng PPE. Agad kaming nagtago nitong sigang pandak sa isang gilid. Nang mawala ang mga ingay ay lumabas kaagad kami. Umalis na ang mga tao kanina kaya tuluyan na kaming nakatakbo palabas. Parang patay na ang lugar na ito, walang tao at sobrang tahimik. Hindi ko alam ang nangyayari pero kutob kong masama ito. "Magnakaw na tayo ng kotse," sabi ko sa kaniya habang naglalakad na kami rito sa isang eskinita. "Hindi pwede, mahahalata nila tayo. Kailangan nating maglakad hanggang sa makarating tayo sa bahay namin," sabi niya. "Ano ba kasi ang nangyayari?" takang tanong ko. "Mamaya ko na ipapaliwanag. Kalalaki mong tao napakadaldal mo," sagot niya. Napa 'woah' naman ako at tumahimik na. Sa lahat yata ng lalaking inangasan ako ay siya lamang ang hindi ko pinatulan. Nang makarating kami sa eskinitang daan papunta sa bahay namin ay hinila ko na siya patakbo. Kaagad akong pumasok sa bahay namin nang makita kong bukas ang pinto. "Jeric-" "Shhh," saway sa akin ng sigang pandak na ito. Hinanap ko naman dito sa loob ang dalawa kong kapatid. Walang tao kaya sobra na akong nag-aalala para sa kanila. Paano kung nadukot na ang mga kapatid ko? Tanginang iyan! "Baka nakuha na sila ng IHU, masama ito. Bilisan mo kailangan na nating pumunta sa bahay namin," sabi niya. "Ang mga kapatid ko-" "Nakuha na sila ng IHU, kailangan mo silang iligtas. Sa ngayon, samahan mo muna akong puntahan ang kapatid ko," yaya niya kaya sumunod na lang ako. Tumakbo na ulit kami pero hindi mawala ang IHU na iyon sa utak ko. Sino ba sila para kuhanin ang mga kapatid ko? Ano ba talaga ang nangyayari? Ilang minuto kaming tumakbo at tumigil kami sa isang gawa sa sementong bahay. May kaya pala ang isang ito, hindi halata. Kaagad kaming umakyat sa ikalawang palapag ng bahay nila. Pagbukas namin ng pinto ay may nakasuot ng PPE. "Aba, may mga buhay pa!" sigaw nito at sinakal si pandak. Nanlaki ang mata ko at pinagsusuntok itong lalaking nakasuot ng PPE. Naglabas siya ng syringe at muntik na akong matusok mabuti na lang at nakaiwas ako. Bigla namang naglabas ng kutsilyo itong si pandak at sinaksak itong mamang nakasuot ng PPE sa puso. Nanlalaki naman ang mata kong humarap sa kaniya. "B-Bakit mo pinatay!?" malakas kong bulong sa kaniya. "Sa mundong ginagalawan mo ngayon, parang pagpatay sa mga hayop na lang ngayon ang pagpatay sa mga tao. Mas masahol pa nga eh," nakangising sabi niya at tumayo. "A-Anong ibig mong sabihin?" bulong ko at napaluhod sa harap ng bangkay. "Maligayang pagdating sa sirang mundo. Ito na ang katapusan ng maliligayang araw mo. Kapwa tao na ngayon ang pumapatay sa kapwa tao at epidemya. Ito na ang masalimuot na kasalukuyan," sabi niya. "Wala na sa kalahati ngayon ang bilang ng tao sa buong mundo. Dinakip ang mga kababaihan, bata at ginagamit ang mga kalalakihang natira para sa s*x s*****y at pagpaparami. Ako si Cosmo, isa akong hacker at natuklasan ko ito ng hindi ko sinasadyang mapasok ang system ng IHU. Ito na ang pagtatapos ng maliligayang araw natin, kaibigan," dagdag niya pa na nagpangilabot sa buong sistema ko. Tang ina, tama ba ang mga naririnig ko sa kaniya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD