CHAPTER 2

1424 Words
Jonga's POV: "Kosa, gising ka na." "Mukhang malma ang tama ng isang ito." "Estudyante pa 'to, baka napagbintangan lang." "Mga koyah, ang pogi. Pakiss muna ako r'yan habang tulog pa." Nagising ako sa mga bulungang narinig ko. Unti-unti naman akong nagmulat at nanlaki ang mata ko nang makakita ako ng clown. "Putang ina! Kinchay ikuha mo nga ako ng tubig!" sigaw ko at naitulak itong taong nasa harap ko. Ramdam ko ang sakit ng bawat parte ng katawan ko. Para akong binugbog, hindi kaya– "s**t! s**t!" sigaw ko at napasabunot. Inilibot ko ang aking tingin sa paligid, nasa kulungan nga ako. Napaluha na lang ako dahil sa mga problemang nararanasan ko. Tang inang buhay 'to! "Bata, huwag kang umiyak. Kapag nakita ka ng ibang preso ay pagtatawanan ka," sabi ng isang matigas na boses. Nagpunas ako ng luha at nag-angat ng tingin. Nakita ko naman ang isang mamang balbas sarado at may tattoo sa gilid ng braso na rosas. Tama siya, hindi dapat ako umiyak. Kung makikita ako ni tatay na ganito ay malulungkot sila. Teka, paano nga pala sila tatay, Jeric at Kinchay? Hay nako po! "Kailangan ko hong makalabas dito, parang awa niyo na tulungan niyo ho ako. Napag bintangan ho akong nagnakaw sa botika. May sakit ho ang tatay ko at ako ang bumubuhay sa dalawa kong kapatid. Wala ho silang kakainin kapag hindi ako nakauwi," pagmamakaawa ko. Bakas naman sa mga mukha nitong mga kaharap ko ang awa nila para sa akin. Ang akala ko pala kaninang clown ay isang baklang brusko na nakasuot ng wig na pula. "Mahirap iyan boy, si Gordon pa ang nakalaban mo. Mahihirapan kang makalabas," sabi ng mamang balbas sarado. "Sino ho iyon?" takang tanong ko. "Iyong matabang pulis na babaero," sagot naman ng pinakabata sa kanila. Napabuntong hininga naman ako at tumayo. Nang mapatingin ako sa bintana ay umaga na. Paano ang pamilya ko? Hirap na hirap pa akong lumakad. Nang mapatingin ako sa salamin ay ako na ang naawa para sa sarili ko. May pasa ako sa labi at putok ang gilid ng aking kilay. Napakadumi rin ng aking puting t-shirt at may bahid ng dugo. "Hoy totoy, anong pangalan mo?" tanong nung mamang payat. "Jonga na lang ho ang itawag niyo sa akin. Iyon ho ang palayaw ko," pakilala ko. "Ako si Alyas Boy Tapang, pwede mo rin akong tawagin na Boy Distro. Ako ang pinuno ng seldang ito," pakilala nung mamang may tattoo sa braso. "Ako si Chickie, ang seksing preso ng Kosa Minor," pakilala nitong bading na may pulang wig. "Balsador, matagal na ako rito," pakilala naman nitong pinakabata. "Pancho na lang. Panot ang tawag nila sa akin dito," pakilala naman nitong mamang payat. Nagtanong ako sa kanila kung paano ako mabilis na maaareglo. Ang sabi nila dahil sa nakalaban ko iyong si Gorgon, baka abutin daw ng ilang buwan. Sinabi ko naman sa kanila kung kaya nila akong tulungan, hahanap daw sila ng paraan. Dumating ang tanghalian at inihatid lang dito ang pagkain. Hindi raw pwedeng bumisita at lumabas ang mga preso dahil sa Namseong Virus. "Alam niyo, kutob ko panakot lang iyang virus na iyan ng pamahalaan. Tanda niyo iyong virus dati? Hay nako!" sigaw ni Pancho. "Oy Panot, nakakatakot naman kaya telegey. Kapag ikaw nategi, ewan ko na lang sa iyo," sabi naman ni Chickie. Binuksan namin ang TV habang kumakain at nanood kami para makibalita. Parang noong nakaraan ay limang daan lamang ang nahawa, ngayon ay nasa 30,000 na kaagad? "Mali ang balita ng mga iyan, masyadong oa," sabi ni Boy Tapang. "Malay rin ho natin ay totoo, mas mabuti na rin ang nag-iingat," sabi ko at nakinig sa balita. "Patuloy pa rin ang libreng pagbabakuna sa mga pinoy ngayon maging sa buong mundo. Isa ang lagnat sa sintomas ng Namseong Virus kaya makakatulong ang Flu Vaccine. Ayon pa sa mga espesyalista, makakatulong ito upang mapatatag ang ating resistensya laban sa NamV-25," sabi ng reporter. Napakunot naman ako ng noo. Kahina-hinala sila. Hindi kaya may iba namang sakit ang makuha mula sa bakunang iyon? Hindi nila tiyak na pwede nga itong pangontra! Dapat chinecheck-up muna nila ang mga tao bago bakunahan! Hindi rin maaaring tatalab ang flu vaccine kung may lagnat ang tuturukan. "Ayon rin sa IHO, tanging mga lalaki pa rin ang mga tinatamaan ng NamV-25. Tinutukoy pa rin ngayon kung bakit ganoon ang nagiging resulta. Ngunit ayon sa pag-aaral, ang virus ay nakuha mula sa isang artifact na nabuo noong mga nagdaang siglo mula sa Egypt. Dinala ang artifact sa South Korea para pag-aralan ngunit doon na ito kumalat," dagdag pa ng reporter. "Nakakatakot mga kakosa, baka maubos ang lahi natin at mga babae na lang ang mabuhay," biro ni Balsador. "Maaring mangyari iyan, maaaring hindi," mahina kong sabi. "Isa pa ring misteryo para sa buong mundo kung bakit nga ba tanging mga kalalakihan lamang ang tinatamaan ng virus. Hango rin sa pangalan ng virus na Namseong, male ang ibig sabihin sa korean, na mga kalalakihan lamang ang naapektuhan. Pinag-aaralan na rin ngayon ang mga kababaihan dahil ayon pa sa mga siyentipiko, maaaring may lunas sa dugo ng mga kababaihan. Wala pang naitatayang kaso ngayon sa Pilipinas ngunit kailangan na nating mag-ingat. Kapag nakaramdam ng lagnat, rashes, matinding sakit ng ulo at pagpapasa ng katawan ay magsabi agad sa pinakamalapit na pagamutan. Ako si Wendy Dinuro, nagbabalita," huling balita ng reporter. Nababaliw na ba sila? Imposibleng may bakuna sa dugo ng mga kababaihan! Baka naman sinasadya lang na kaming mga lalaki lamang ang tamaan? Lalo akong nag-aalala para sa pamilya ko. Si itay at si Jeric, posible silang mahawa. Paano naman si Kinchay? Baka naman siya ang pag-aralan! Napasabunot ako sa aking buhok at marahas na napabuntong hininga. Rinig ko naman ang pag-ugong ng speaker sa labas kaya napangiwi ako. "Kosa mayor, labas kayo. Babakunahan kayo ngayon at huwag kayong magtutulakan. Isang metro ang layo mula sa isa't isa," anunsyo nila. Nagkatinginan naman kaming magkakakosa. Ito na nga ba ang kinakatakot ko, hindi sila pwedeng basta magturok. Ang masama pa mga preso kami, walang alam sa labas kapag may ginawa silang kababuyan sa amin! "Huwag tayong magpapaturok, hindi iyon ligtas!" sabi ko sa kanila. "Wala tayong magagawa, totoy. Hawak nila tayo sa leeg. Kung mamamatay man ako sana makita ko man lang ang mga anak ko," malungkot na sabi ni Pancho. "Ako sana makabili man lang ako ng lipstick kung sakali," sabi ni Chickie. Napabuntong hininga na lang ako. Mukhang lahat kami ay may hinanaing na dinadala. Kailangan naming mag-ingat simula ngayon, nakakatakot na. "Bata, halika rito. Lumapit ka sa akin," tawag sa akin ni Boy Tapang kaya lumapit ako. Nandito kami sa gilid ng mga kama at nagtatago mula sa mga gwardiya. Nakita ko namang naglabas ng isang cellphone na dipindot si Boy Tapang kaya nanlaki ang mata ko, bawal iyan dito pero makakatulong ito. "Papayagan kitang tumawag, pinaloadan ko iyan pero isang minuto lang ha," sabi niya kaya masaya akong tumango. Idinial ko naman ang numero ng cellphone ko dahil iniiwan ko iyon sa bahay. Tumatawag kasi ako minsan gamit ang cellphone ni Chog para makibalita dahil baka sinusumpong na si tatay. Nagring ito at laking tuwa ko nang mabilis nila itong sagutin. Kaagad ko namang narinig ang paghikbi sa kabilang linya kaya kinabahan na ako. "K-Kuya Jonga, nalaman po namin ang nangyari sa iyo. Naniniwala po kaming wala kang kasalanan," sabi ni Kinchay. "Syempre, mabait si kuya. Kumusta kayo r'yan? Bakit kayo umiiyak nila Jeric?" tanong ko. "N-Nandito po si Kuya Chog, s-sinasamahan kami," sagot ni Kinchay. "B-Bakit na r'yan si Chog? Ipinagluto niya ba kayo? Inalagaan niya ba si tatay? Sabihin mo maraming s-salamat ha," paiyak ko nang sabi. Kinabahan na ako. Kadalasan ay kay Aling Selda lumalapit ang mga kapatid ko kapag uutang ng pagkain. Pumupunta lamang si Chog sa bahay kung emergency. "K-Kuya Jonga, wala na po si tatay. K-Kuya patay na si tatay!" sigaw ni Jeric at Kinchay. Nangatog naman ako at nabitawan ang cellphone sa kama. Napaluhod ako sa sahig at tuloy-tuloy na tumulo ang aking mga luha. "T-Tanginang 'yan, na n-nanaginip lang ako," hindi makapaniwalang sabi ko at sinuntok ang sahig. Nagwala ako at nagsisigaw dahil hindi ko na napigilan ang aking sarili. Kaagad namang pumasok ang mga pulis at pinosasan ako. Hindi ako tumigil sa pagsigaw kaya nagalit ang mga ito. Ramdam ko lang na may pumalo ng malakas sa batok ko bago ulit ako mawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD