Jonga's POV: "Pst, Jonga gising." "Huy, gising." "Punyeta kang gago ka gumising ka naman! Kanina pa kita ginigising!" Biglang nagising ang diwa ko ng may marinig akong malakas na sumigaw. Nagmulat na ako at nagsimula namang mag-adjust ang aking paningin sa liwanag. Napakurap-kurap pa ako. Sinubukan kong maglakad at gumalaw pero hindi ako makaalis sa pwesto, nakakadena pala ako. Ang dalawang kamay ko ay nakataas at may kadena ganoon din ang magkabila kong paa. Nasaan ako? Ano ang nangyayari? Nang mapatingin ako sa taong nasa harapan ko ay si Chog pala ito. Nakagapos din siya katulad ng sitwasyon ko ngayon. Mukhang nanghihina pa si Chog at masama ang pakiramdam. Bakit ba kami na rito? Saka bakit naman kami igagapos? At lalong nasaan kami ngayon!? "Bakit tayo nandito? Anong nangy

