CHAPTER 15

1720 Words

Jonga's POV: Malaki ang kabang nararamdaman ko sa aking dibdib. Para akong sasabog sa kaba at gusto ko na lamang magpakahulog sa dagat. Kapag nagkataong mayroon akong virus, hindi ako makakaligtas. Walang lunas ang Namseong, ngayon ko lang napagtantong delikado pa ito sa delikado. Dapat lahat kami ay mas lalong mag-ingat. Hindi ito biro at wala kaming takas kahit na anong gawin. Maaaring maraming bagay ang kontaminado ng virus at maaaring nakukuha din ito sa hangin. Walang may alam kung ano ang katotohanan tungkol sa Namseong Virus. Pabalik na kami sa isla at mayroong tatlong bangkang nakapaligid sa amin. Mga babaeng sundalo ito mula ro'n sa isla na binabantayan kami. Mukhang dahil sa pagkamatay ni Chickie ay ilalayo kami sa iba. Kami ang madalas niyang kasama at mga nalapitan noon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD