Cosmo's POV: Nang magkaroon ako ng malay ay sobrang sakit ng ulo ko. Parang pinupukpok ng martilyo at gusto ko na ngang tanggalin sa sakit. Bumangon ako at kaagad naman bumungad sa akin ang gwapong mukha ni Jonga. Namiss ko ang isang ito agad. Hay sa wakas, nasa labas na ulit kami at ligtas pansamantala. Wala na kami ngayon sa Pyramid of Khufu at nasa isa akong puting silid. Mukhang nasa clinic ako. May swero pa nga ako sa aking kaliwang kamay. Mukhang nagkasakit yata ako, matanong nga mamaya kung anong nangyari sa akin. Wala rin kasi ako masyadong maalala. Natutulog si Jonga habang nakasandal sa kaniyang inuupuan at nakaharap sa akin. Hawak-hawak niya pa ang kamay kong walang swero. Ang sweet naman niya, hindi niya siguro ako nilubayan. Paniguradong alalang-alala ito sa akin. Hind

