Jonga's POV: Nandito na kami sa loob ng pinasukan naming pintong bato. Nabuksan namin ito kanina at nagkaroon ng awang nang patungan namin ng mabibigat na bato iyong lumulubog na tile. Mabuti na nga lang at bumukas pa iyon kahit kaunti. Nang marating namin ang dulo, bumungad sa amin ang isang pabilog na silid. Mayroong bakal sa gitna na may apat din na bakal na nakapalibot dito pahiga sa itaas na dulo. Ang gulo ng paliwanag ko dahil ngayon lang ako nakakita ng ganito. "Ano iyan? Ito na ang dulo paano tayo makakalabas? Mukhang wala na tayong pag-asa," pagsuko ni Vita. "Hindi ito ang dulo dahil paakyat pa ito. Alam ko kung ano ito," sabi ni Frabulah habang nakatingala. Napatingala rin ako, para pala kaming nasa isang cylinder na silid. May parang dalawang pinto sa harap nito. May mg

