Jonga's POV: "Ilang oras na lamang ang natitira natin?" tanong ko. "2 hours, 26 minutes, and 45 seconds na lang ang natitira bago tayo maubusan ng oxygen. Kaya natin ito, kailangan lang nating maabot ang dulo nitong city. Kapag hindi ay baka rito na tayong lahat mamatay. Huwag naman sana dahil marami pa akong gustong gawin sa buhay. Gusto ko rin ng maayos na burol," sabi ni Neptulah. "Grabe ka naman ate burol agad," side comment naman ni Bailey. "Wala bang paraan o hindi kaya ay lagusan na madadaanan natin kung paano makakaalis dito nang mas mabilis? Kutob ko naman ay mayroon. Imposible ring wala dahil kung may mga nanirahan man noon dito ay may dadaanan sila palabas panigurado," sabi ni Vita. "Kutob ko rin po ay mayroon. May nakita akong riles kanina pero malalim na at natabunan

