Jonga's POV: Tumuloy kami sa isang bahay. Ang style na ito ay parang sa Ancient Egypt houses dahil nasa Ehipto naman talaga kami. Para itong mga gawa sa putik o bricks. Pakahon din ang shape ng bahay at wala gaanong gamit sa loob. "Natirahan na kaya ito?" tanong ni Vita. "Hindi ko alam dahil ngayon lang din ako nakapunta rito. Ni wala ngang may alam na may bahay pala sa ilalim ng Pyramid of Khafre. Grabe, para akong binuhusan ng malamig na tubig. Marami pa pala talaga tayong hindi nalalaman. Mas gusto ko pang magsaliksik sa mga nakatagong misteryo sa mundo. Mas marami pa tayong matutuklasan pero sa necklace of sufferings muna tayo magfocus ngayon," hindi makapaniwalang sabi ni Neptulah. "Ganiyan talaga. Para ngang napreserba ang mga bahay rito. Base na rin sa kinalalagyan natin, mas

