Jonga's POV: "Isa kang babae!?" gulat na tanong ko na nagpalaglag sa kanilang panga. "B-Bakit ano na ga ang itsura ko? Keganda ko kayang dilag aba ay namumuro ka na! Gusto mo gang mamura ha puge!? Aba ay huwag mo akong isusugo sa bukseng! Naku, kahit gwapo ka ay papatulan kita!" sigaw niya sa akin. Nagkatinginan naman kaming lahat at nakaramdam ng awa para sa kaniya. Bakit ganito ang ginawa sa kaniya? Sobra na ang bwiset na mga taong iyan! Wala na silang awa at respeto sa kapwa! Binago nila ang babaeng ito at pinaltan ng isang mukhang panlalaki maging katawan. Naaawa ako para sa kaniya, wala man lang siyang alam. Paniguradong sobrang malulungkot siya kapag tumingin sa salamin ang masama ay mabaliw pa. "Mamaya na namin ipapaliwanag sa iyo ang lahat. Kailangan mo munang sumama sa am

