bc

Ang Lihim ni Andrea (SSPG)

book_age18+
14
FOLLOW
1K
READ
family
HE
age gap
second chance
brave
doctor
single mother
drama
bxg
small town
like
intro-logo
Blurb

Malalim na ang gabi ngunit nakatingin pa rin siya sa kalangitan. Ngayon ang ika-labing walong kaarawan niya ngunit heto, heto at mag-isa siya. “ Ate, dalawang taon na ang nakakalipas pero bakit ang sakit pa rin? Nakaya ko na ng dalawang taon, ngunit kakayanin ko pa bang lumaban muli? ” naiusal niya na lang habang inaabot ang mga bituin. “ H-happy birthday babies. Happy 2nd birthday Analyn Kane, Anabel Kate. A-And your 2nd death anniversary Ate Analisa.” humikbi siya habang nananariwa na naman sa kanya ang ala-ala ng nakaraan.Labing anim na taon siya noong manganak ang kanyang kapatid. Eksakto sa kaarawan niya ang araw na nanganak ito at binawian din ng buhay. Wala siyang nagawa kundi ang umiyak at harapin ang mapait na katotohanan. Walang nakaka-alam na nabuntis ang kanyang kapatid. Tanging siya lang at ang Tiya niyang nurse na namayapa na nitong nakaraang taon. Kaya't inakala ng mga tao ay maaga siyang nabuntis dahil inangkin niya ang mga anak ng kanyang kapatid. Wala siyang pagpipilian, pinilit ng kanyang kapatid na mabuhay ng siyam na buwan para lang makita ng mga anak nito ang mundo. Kahit alam niyang noong gabing namukadkad ang kanyang kapatid ay nais na nitong lumisan sa mundo.Siya si Andrea Kristina, labing walong taong gulang. Walang magulang, wala na rin kapatid at masama ang tingin ng maraming tao sa kanya. Sampong taon siya ng iwan sila ng kanilang ama, sumama sa ibang babae at makalipas ang isang taon ay umalis din ang kanilang ina at hindi na bumalik pa. Ngunit, nagpapadala ito iyon nga lang at hindi sapat. At labing anim naman siya ng mamatay sa panganganak ang kapatid niyang si Analisa. Mapait pa sa ampalaya ang kapalaran niya ngunit nangako siya sa kapatid na magpapatuloy at ipaghihiganti s'ya sa lalaking dahilan ng pagkasira ng buhay ng kanyang kapatid.“ Kristina may bisita ka!” agad siyang dumungaw sa bintana upang silipin kung sino. At para bang tinusok ng kutsilyo sa puso ng makita ang lalaking nakatayo sa may gate ng bahay. Kasama pa ang kanyang Tiya na matagal na niyang hindi nakita.“Siya iyon, ang lalaki tatlong taon na ang nakalipas. Ang lalaking sumira sa pagkatao at pangarap ng aking kapatid.” mahinang usal niya kasabay ng pagpatak ng kanyang luha.Hinding hindi ko makakalimutan ang gabing unang nakita ko siya. Ang gabing nagsimula ang lahat ng aking lihim— siya ang dahilan ng lahat.

chap-preview
Free preview
PASILIP
“ Katawan ni Kristo, ” napako ako sa kinatatayuan ko at nanlamig ang buong katawan sa boses ni Brother. Unti-unti kong inangat ang aking ulo sa kanyang mukha at napasinghap ako. Sa bilis ng t***k ng puso ko ay hindi ko na marinig ang mga tao at awit ng simbahan sa paligid ko. ” N-Nathan, ” mahinang usal ko ngunit blanko lang ang kanyang ekspresyon. Seryoso sa pagsisilbi sa diyos ama. At kung hindi pa ako sinagoy ni mommy ay marahil nakatanga pa rin ako sa kanya. “ A-amen, ” mahinang sagot ko at isinubo niya sa akin ang ostia. Bumalik ako sa aking kina-uupuan, lumuhod at nagdasal ngunit namalayan ko na lang na tumutulo na pala ang aking luha. Apat na taon Nathan, apat na taon kitang tiniis na hindi makita. Apat na taon kitang palihim pa rin na minamahal ngunit, bakit tila hindi mo na ako naaalala mahal? At bakit ngayon ay nagsisilbi ka na sa simbahan? Tinakasan ko ang buhay ko noon sa piling niya kahit na masakit. Siya ang dahilan kung bakit nagpapatuloy pa rin ako sa buhay ngunit tila ba kay damot ng tadhana. Kung kailan natutunan ko na siyang patawarin at muling lumingon pabalik, siya naman itong hindi na makita ang aking halaga. “ Sandali Miss! ” huminto ako pati na ang aking mundo. “ Bago ka lumabas ng simbahan, nagkita na ba tayo noon? Bakit parang pamilyar ka? May hawig ka kay Analisa na matagal ko ng hinahanap. ” mapait akong ngumiti at pilit tinatagan ang aking loob. Analisa— ang babaeng matagal ng nilimot ng mundo. Ang babaeng dahilan kung bakit naging meserable ang buhay ko noon, ngunit nagbigay din ng lakas para magpatuloy ako. Ang babaeng tumayo bilang isang ina't ama sa akin noong maliit pa ako. Si Analisa na kanyang pinaka-mamahal ngunit ng dahil sa isang gabing pagkakamali ay nasira ang lahat kay Analisa. At siya ang dahilan ng gabing halos itakwil ni Ate ang buong mundo. “ I must be mistaken. Pasensya na miss. ” hindi niya maalala ang nakaraan at ang masakit pa— hindi na niya ako maalala. Hindi niya maalalang siya ang dahilan ng pagkawala ni Ate sa mundo. Siya ang lalaking salarin, nang gabing nawala ang lahat kay ate. Ang kanyang sarili, dignidad, pangarap at kinabukasan ay lahat naglaho. Magiging isa na naman ba ito sa lihim ko? Ang ibigin ng patago ang lalaking dahilan ng poot at lungkot ko. I must be blind to fall in love with my sister's r*pist and who also become my stepfather. Pero anong magagawa ko kung sadyang bulag ang puso ko!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
2.1M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
830.5K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
2.1M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
1.0M
bc

A Warrior's Second Chance

read
384.8K
bc

Not just, the Beta

read
361.9K
bc

The Broken Wolf

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook