bc

Agape’s Forbidden Romance

book_age18+
352
FOLLOW
1K
READ
forbidden
one-night stand
HE
mafia
drama
bxg
cruel
like
intro-logo
Blurb

WARNING: RATED SPG.

MILLER EMPIRE SERIES: ANAIS AGAPE MONTENEGRO MILLER

SECOND GENERATION OF MARRYING THE DEVIL BILLIONAIRE

Anais Agape Montenegro Miller—ang pinaka tahimik na babaeng anak ni Lara at Damon Adler. She’s the least favorite of her parents—the family’s black sheep.

Kahit anong gawin ni Anais ay nakakagawa pa rin siya ng kamalian. Wala na siyang nagawa na tama, puro na lang mali. That’s why when she had a chance to prove herself to her family that she also has a good purpose, she grabbed it.

Marrying Fabio De Luca was the biggest sacrifice she made in her whole life.

Walang ibang ginawa si Fabio kundi ang saktan siya, kaya nang binigyan siya ng kanyang kaibigan ng isang exclusive ticket papunta sa isang luxury island ay agad niya itong tinanggap to unwind and stay away from the problems.

Anais went to Forbidden Island to unwind and enjoy—pero dito niya rin makikilala ang lalaking magpapabaliw sa kanya ng todo… ang lalaking magbibigay ng kaligayahan ni Anais na hindi niya naramdaman kailanman sa kanyang asawa.

Would Anais continue her forbidden romance with this mysterious man?

Paano kung ang lalaking ito pala ay may malaki rin na lihim na magpapagulo sa buhay ni Anais?

chap-preview
Free preview
SIMULA
AGAPE’S FORBIDDEN ROMANCE SIMULA “ANO? Negative pa rin ba ang result ng PT mo?” rinig ko na tanong ng aking asawa habang sunod-sunod niyang kinakatok ang pinto ng CR kung nasaan ako ngayon. “Anais! Magsalita ka dyan sa loob! Ano na ang resulta?!” mas lalo pang lumakas ang kanyang pagkatok at ang kanyang boses na ikinakot ko. Nanginginig ang aking mga kamay habang nakahawak sa PT na sinubukan ko kanina at ngayon ay nakita ko na kung ano ang resulta… negative. Hindi ako buntis. Sigurado akong magagalit na naman ang asawa ko kapag nalaman niya ang tungkol dito—sasaktan niya na naman ako. “ANAIS!” Fabio shouted. Napatalon ako sa sobrang gulat. Mabilis kong pinunasan ang aking luha na pumatak sa aking mukha at huminga ako ng malalim bago ko maisipan na lumabas na sa CR at harapan ang asawa ko na kanina pa inip na inip sa labas. Agad na bumungad sa akin ang galit na pagmumukha ng aking asawa. “F-Fabio—” Mabilis na kinuha ni Fabio ang hawak ko na PT at tinignan niya ito. Sobrang lakas ng pagtibok ng aking puso ngayon habang hinihintay ang kanyang magiging reaksyon. “F-Fabio, pwede naman natin subukan ulit—” “D/amn you, b*tch! Anak na nga lang ang hinihingi ko sayo, hindi mo pa maibigay!” galit na sigaw ni Fabio at malakas akong sinampal sa aking pagmumukha. Parang umiikot ang paningin ko sa ginawa ng aking asawa. Buti na lang at agad akong napahawak sa pader para hindi ako tuluyan na ma out of balance. Hindi ko na rin mapigilan ang aking sarili na mapaiyak. Gusto ko rin naman magkaanak dahil baka kapag nabuntis ako ay baka mahalin na ako ng aking asawa. “F-Fabio, pwede naman natin subukan ulit eh! I’m so sorry. Please, forgive me. ‘Wag ka nang magalit sa akin,” umiiyak kong sabi sa aking asawa. Matalim pa rin ang kanyang tingin sa akin ngayon. Umiling-iling siya habang nakatingin sa akin. “Kung hindi ka lang isang Miller ay matagal na kitang iniwan!” sigaw ni Fabio at iniwan niya ako. Hina naman akong napaupo sa sahig at humagulgol habang nakahawak ako sa aking dibdib. Five months ago nang ikasal ako sa aking asawa na si Fabio De Luca. It was an arranged marriage. At kagustuhan ko rin na maikasal ako kay Fabio. Sa aking Ate Athena sana siya ikakasal, pero ayaw ni Ate dahil may iba siyang mahal at si Kuya Lorenzo iyon. Fabio is madly in love with my sister, pero hindi siya magawang mahalin ni Ate dahil may mahal itong iba. At ako? Bakit ko pinakasalan si Fabio? Para magkaroon man lang ako ng kwenta sa pamilya namin. I am the black sheep of the Miller Family. Bata pa lang ako ay pinapasakit ko na ang ulo ng aking mga magulang. Kahit anong gawin ko na gumawa ng tama, ay nadi-disappoint ko pa rin si Mom at Dad. Kaya kahit na hindi pa ako handang pumasok sa ganitong bagay, pinilit ko pa rin. Kahit na ilang ulit na akong pinagsabihan ng kambal ko na si Ares na ‘wag kong ituloy, hindi pa rin ako nakinig. Kasalanan ko rin naman kung bakit ako napasok sa ganitong sitwasyon eh. “Sobra na ‘yang asawa mo, Anais! Isumbong mo kaya ‘yan sa Daddy Adler mo? Sigurado akong hindi na ‘yan sisikatan ng araw!” galit na sabi ng aking kaibigan na si Sariah. Ilang araw nang hindi umuuwi sa bahay namin si Fabio at hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ako sa kanya. Naisipan ko munang makipagkita sa aking kaibigan na si Sariah dahil hindi ko na kayang mag-isa sa bahay—nakakabaliw. Huminga ako ng malalim at tinignan ko si Sariah ng seryoso at nagsalita. “Sariah, hindi pwede. Mahal ko si Fabio. Alam kong papatayin siya ni Daddy kapag malaman niya ang kasamaan na ginagawa ng asawa ko sa akin.” “Tumpak ka dyan! Kaya kailangan mo nang isumbong sa Daddy mo ‘yang walang hiya mong asawa!” Napahilamos ako sa aking mukha at napakagat sa aking labi. Hindi ko kayang gawin ‘yun dahil masisira ang tiwala ni Mom at Dad sa akin. Ako na naman ang sisisihin nila. Mapapatunayan ko pa lalo na wala na talaga akong nagawa na tama. “Ayoko, Sariah.” Bahagyang nagulat si Sariah sa aking sinabi. “Anais Agape! Nababaliw ka na talaga!” bulalas niya. Malungkot akong ngumiti at bumuntong-hininga. “Siguro nga ay baliw na ako. Kailangan ko muna sigurong mag-unwind, Sariah. Wala namang pakialam si Fabio kung saan ako pumupunta eh,” sabi ko sa kanya. Mabilis naman siyang tumango at nagsalita. “Tamang-tama! May napanalunan akong isang three days ticket to Forbidden Island! Alam mo, ikaw na lang ang pumunta doon,” nakangiting sabi ni Sariah sa akin. Kumunot naman ang aking noo sa sinabi ng aking kaibigan. “Forbidden Island? Ano namang klaseng isla ‘yan, Sariah? Ayokong magkasala! Baka may mga kalokohan dyan. Kahit na hindi kami okay ni Fabio ay mag-asawa pa rin kami,” sabi ko sa kanya. Sumimangot siya. “Ang arte mo ah! Isa ‘yang luxury island, Anais. May hotel diyan at masasarap ang mga pagkain—at may mga hot daddies!” nakangiting sabi ni Sariah at kinindatan niya ako. Napangiwi naman ako at napaisip sa sinabi ng aking kaibigan. “Okay lang naman siguro diyan, diba?” Mabilis siyang tumango. “Oo naman, Anais! Sige na, grab mo na ‘to. Sayang din kasi hindi ko ma a-avail ‘to dahil may work ako eh. Ikaw na lang dahil gusto mo naman na mag unwind. Dito ka na lang!” Huminga naman ako ng malalim at napatango sa sinabi ng aking kaibigan at pumayag na ako. Wala rin naman akong gagawin at gusto ko talaga munang makapag-unwind. Tinanggap ko ang ticket na napanalunan ni Sariah at hinanda ko na rin ang aking mga kagamitan. Nang makauwi si Fabio ay sinubukan kong magpaalam sa kanya kaso wala rin siyang pakialam, mas gusto niya nga na wala ako eh. Buo na talaga ang loob ko at pupunta na ako sa Forbidden Island. May sumundo sa akin na van at sumakay rin ako sa isang private jet. Sobrang sosyalin ang transportation papunta sa Forbidden Island at wala pa ako doon ay nag eenjoy na ako. Pagkarating ko sa isla ay agad kong binigay ang aking ticket at agad naman itong kinuha ng receptionist. “Are you Miss Sariah Azurah Maranzano?” “No, I’m her best friend, Anais Agape Miller. Hindi kasi siya makapunta rito kaya sa akin niya na lang binigay ang napanalunan niyang ticket,” sabi ko sa receptionist. Tumango naman ito at may tina-type muna siya sa kanyang PC bago siya muling tumingon sa akin at binigyan niya ako ng susi. “Welcome and enjoy here in Forbidden Island, Miss Miller! Your hotel room is unit 69,” nakangiting sabi ng receptionist sa akin. Ngumiti rin ako pabalik sa kanya at umalis na upang makapunta sa aking hotel room. Sobrang ganda ng kanilang lobby at ang structure ng kanilang hotel. Halatang luxury talaga at mamahalin din ang mga kagamitan. Nang makarating ako sa aking unit ay hindi ko mapigilan na mamangha nang makita kong nasa presidential suite pala ako. Hindi man lang sinabi ni Sariah sa akin ang tungkol dito. Patakbo akong pumunta sa aking queen size bed na kama at humiga rito. Napangiti ako at napatingala at huminga ng malalim. Sa ngayon ay mag e-enjoy na muna ako at hindi ko muna iisipin ang aking mga problema… lalo na si Fabio. Nang dumating ang gabi ay nalaman ko na may foam party pala sa labas kaya pumunta ako doon at nakisaya. Nagpalit din muna ako ng damit ang nagsuot ako ng isang yellow two piece swimsuit at itinali ko rin ang aking buhok. Pagkalabas ko sa hotel ay narinig ko na ang malakas na hiyawan ng mga tao at ang malakas na tugtugin. Basang-basa na rin ang katawan ko ngayon dahil sa mga bubbles. Habang sumasayaw ako rito sa crowd ay may nakabangga ako sa aking likod kaya agad akong napaharap dito at humingi ng tawad. “Oh my God! I’m so sorry—” Hindi ko naipagpatuloy ang aking pagsasalita nang makita ko ang nakabangga ko. Ngumiti siya sa akin at bahagya siyang napakamot sa kanyang ulo. “It’s okay. Hindi naman ako napano. Ikaw, okay ka lang ba?” tanong niya sa akin. Napakurap kurap ako sa aking mga mata. Hindi ako makagalaw ngayon at nakatingin lang ako sa kanya. Sobrang gwapo niya at… at ang laki ng abs niya at biceps. Nakahubad lang kasi siya at nakasuot ng isang hawaiian shorts. “O-Okay lang ako… pasensya na talaga,” mahina kong sabi habang nakatingin pa rin sa kanya. Ngumiti siya at tumango-tango. “It’s okay. Enjoy the party na lang!” sabi niya sa akin. Akmang aalis na siya ng mahawakan ko ang kanyang braso kaya natigil din siya sa kanyang pag-alis at napaharap ulit sa akin. Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha at napatingin siya sa aking kamay na nakahawak sa kanyang braso. Mabilis ko naman na inalis ang aking kamay at nakaramdam ako ng konting hiya, pero ayoko na umalis siya. “May kailangan ka ba, Miss?” tanong niya sa akin. Huminga ako ng malalim at nilakasan ang aking loob. “A-Ano pala ang pangalan mo?” tanong ko sa kanya. Muli siyang ngumiti sa akin at sinagot ang aking tanong sa kanya. “Call me Kael, ikaw?” Kael… his name is Kael. Ngumiti ako sa kanya. “I’m Agape. Can we dance?” sabi ko sa kanya. Tumango naman si Kael at hinawakan niya ako sa aking bewang at mas lalo pa niya akong idinikit sa kanya. Napalunok naman ako sa aking laway at napahawak ako sa kanyang malapad na dibdib. “Il piacere è tutto mio, Agape amore. It’s a big honor to dance with you.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
72.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook