MMAC 17

2174 Words
Nagising ako nang may sunod-sunod na nagdoorbell sa unit ko. Agad ko namang sinuot 'yung bedroom sleepers ko at binuksan 'yung pinto. Bumungad saakin si Ysabelle na amoy alak. Napatingin naman ako sa orasan at nakita kong 5 AM palang ng umaga. Pagewang gewang siya kaya agad ko siyang inalalayan at dinala sa kwarto. Nasapo ko naman ang noo ko dahil sa kalagayan niya. Itong lasinggerang babae na 'to talaga eh! Chineck ko 'yung kusina ko kung may mapapakain pa ako kay Ysa. Buti nalang talaga at sabado ngayon. Out of stock narin pala ako sa pagkain. Napagdesisyunan ko nalang na pumunta sa pinakamalapit na convinience store. Ang sarap talaga ng panahon pag madaling araw. Ang lamig, tapos walang problema. Parang ipinapahiwatig lang nito na may panibagong pag-asa sa buhay. Pagkapasok ko sa convinience store nasapo ko 'yung noo ko nang may nakabangga ako. "Ouch!" Napatingala naman ako sakaniya at laking gulat ko nang makita kung sino ito. "Hey, what are you doing here?" Tanong ni Aldwin saakin. Mapait naman akong napangiti. Napapadalas ata ang pagkikita namin ah. "Bibili ng pagkain. Taga rito ka rin pala?" Sabi ko nalang. "Yeah. By the way, I have to go." Paalam nito. Tumango naman ako at papasok na sana nang humirit pa siya. "See you later." Pagkabalik ko sa condo ko, inasikaso ko ulit 'yung lasing na babae do'n. Ewan ko ba sa Ysabelle na 'to, napakatalino pero winawasak ang sarili. Ipinaghanda ko siya ng breakfast. Pinainit ko lang 'yubg instant boodles at nagtimpla ng kape. Tinoast ko rin 'yung tinapay at nagprito ng itlog. Ginising ko naman agad siya. Paniguradobg tuyong tuyo na ang katawan niya. "Ysa, kain ka muna." Marahan ko siyang niyugyog. "Ugh, masakit pa ulo ko eh." Sabi naman nito. Inalalayan ko siya patayo para makapunta siya sa kusina. Naaawa ako kay Ysa. She's a fine women, tapos makikita ko siyang wasted? "Wala ka bang trabaho ngayon?" Tanong ko rito. Umiling lang siya habang humihigop ng sabaw. Naalala ko tuloy kanina si Aldwin. Bakit siya nandito? Don't tell me, malapit lang rin dito ang tinitirhan niya? Imposible 'yon dahil nasa Makati ang condo niya dati, at nasa BGC naman ako. "Ayoko na talaga uminom!" Sabi pa nito. Malamang ay namimilipit na siya sa sakit. Uminom naman siya ng kape habang ako, ay nagchicheck ng emails sa phone ko. "By the way, nakita ko kagabi si sir Aldwin sa club," panimula niya. Napatingin naman ako sakaniya at naibaba ko ang phone ko. "Oh?" "Nagbago na pala siya. Ang dami niyang babae kagabi. Hindi ko nga ako makapaniwala nung una, kaya tinry ko ding landiin," napatigil saglit si Ysa at tininingnan ang reaksyon ko kung okay lang ba saakin. Pero duh, why not? "Then?" "Tapos hindi na niya ako kilala. Inentertain naman niya ako pero ayun, may paepal na nilayo ako sakaniya." Inikot naman niya ang mga mata niya at tinuloy ang pagkain. Hindi naman agad nagproseso sa utak ko na ang dami na palang babae ni Aldwin. Sabagay, gwapo naman siya. Mas lumakas pa appeal niya lalo na't hindi na niya suot ang glasses niya. Isa pa, magaling naman talaga siya magtago ng mga babae. Naiinis lang ako dahil hindi na ako nagkalovelife mula nung nagbreak kami. Pero siya? Pakalat-kalat lang sa club. E' di siya na may kalandian. Malas din naman makakatuluyan niya. Umalis na si Ysa kaya naiwan akong mag-isa rito sa condo. Nagpahinga lang ako dahil ang aga kong nagising. May party pa pala mamaya akong pupuntahan. Wala akong date kasi hindi naman necessary iyon. Mas maganda ngang single ka, para mas attractive ka sa mata ng mga kalalakihan. Maya-maya rin ay tumawag saakin si Karylle kaya sinagot ko kaagad 'yon. ["Hey, I'll be waiting for you ha!"] Sabi nito sa kabilang linya. I kinda envy Karylle, kasi ang successful niya na. Samantalang ako? Paakyat palang sa success ko. "Oo na. Pero wala akong dalang date ha!" Sabi ko rito. Para naman hindi na siya mag-expect na may dalhin akong kung sino. ["Don't worry, hahanapan nalang kita do'n ng boys."] Pangchicheer up niya. Hindi naman ito ang unang beses na hindi ako nagdala ng date eh. Nasanay na rin si Karylle na sa loob ng 2 years, namuhay Maria Clara ako. Siya pa nga mismo ang nasistress dahil wala akong lalaki. At isa pa, ang dami na niyang nareto saaking kung sino-sino. "Pag walang gwapo do'n, aalis agad ako." Pambibiro ko rito. Wala naman talaga akong balak maghanap. Aattend lang ako dahil boring sa bahay atsaka I need to socialize din naman. Nag-ayos na ako nang naaayon sa theme. Formal party kasi ito, mostly nang mga ando'n is businessman. Pag si Karylle kasi ang naghost, expect mong pangmayaman 'yung party. Sinuot ko lang 'yung long beige gown ko na long sleeves. Backless din iyon at may slit. Nakalugay lang ang buhok kong may kulay na ash blonde. Tsaka naglagay ako ng dangling earrings. Dumiretso ako sa parking lot para pumunta na ng venue. Malaki ang social range ni Karylle kaya expected ko nang maraming tao sa venue. Mga teenager hanggang matatanda. Pinakita ko kaagad 'yung online invitation ko bago tumuloy sa hall. Nagstop muna ako saglit sa may aisle para hanapin sila Xander and Xavier. Ang dami kasing tao na nasa kaniya kaniya na nilang circles. Nakipag-apir naman ako nang makita ko ang mga friends ko. "Uyy kumusta?" Bati nila saakin. Naging busy kasi kami sa mga trabaho namin kaya hindi na kami madalas magkita tulad nung nag-aaral palang kami. Pero 'yung relationship namin, ganun parin. "Ito, stressed sa trabaho," Pambibiro ko sakanila. Lumapit naman saamin si Karylle para ipakilala kami sa iba pa niyang friends. May mga familiar faces akong kilala. Expected ko naman 'yon. Nagulat lang ako dahil pinakilala ako ni Karylle sa mga kaibigan dati ni Aldwin. Nameet ko na sila dati pa, pero hindi ako informed na nasa isang circle lang pala sila. "Long time no see, Jarelle!" Sabi ni Lester. Nakipagbeso naman ako sakanila. May pagtataka parin sa mukha ko. "Lalo kang gumanda ha!" Sabi naman nung Kio. Ngumiti naman ako sakanila with amusement in my eyes. Hindi ko talaga alam na makikita ko sila ulit. Curious lang ako kung magkakaibigan pa ba sila o hindi na. "Mas nagmature kayo," pagpuri ko naman sakanila. Natawa naman sila sa sinabi ko habang si Kio naman ay feel na feel na pinuri ko siya. Ang cute lang nila. Inabutan naman ako ni Lester ng drinks kaya tinanggap ko 'yun agad. Habang si Kio naman ay panay ang tanong sa akin. "May boyfriend ka na ba?" Tanong pa nito. Umiling naman ako bago uminom sa wine glass ko, "Wala. Kayo?" Pambabalik ko sakanila ng tanong pero hindi nila 'yon pinansin. "Ay tamang tama! May irereto ako sayo!" Natatawang sabi ni Kio. Siniko naman siya ni Lester kaya napakunot ang noo ko sakanila. "Sino?" Napatingin naman sila sa likod ko habang may mapangasar na ngiti sa labi. Ang wiweird nga eh. "Hey guys," napaawang ang labi ko nung marinig ang boses na iyon. Unconsciously akong napatingin sa likuran ko nang makumpirmadong siya nga iyon. Nakangiti siya pero nung nakita niya ako, agad ding nawala 'yon. "Hi." Bati niya saakin. Bakit siya nandito? Nalipat naman ang tingin ko sa babaeng kasama niya. Iyon siguro ang date niya. Hindi ko kilala 'yung babae pero binigyan ko nalang rin ito ng ngiti. "Oh, hello." Sabi ko sakanila. Lumingon naman ulit ako kina Lester na may nakakalokong ngiti at tingin saaming dalawa. "By the way, kailangan ko nang puntahan 'yung mga friends ko." Nagpaalam na ako sakanila bago umalis. Napatingin naman sila saakin pero hindi ko na pinansin iyon at nagtuloy tuloy nang maglakad. Bumalik na ako sa table namin. Wala rin do'n 'yung kambal. Baka nakikipagsocialize na naman. Napainom nalang ako sa wine ko. Dumating naman si Karylle na may kasamang lalaki. Eto na naman tayo sa reto. Ang bruha, sineryoso talaga. Pinakilala ako ni Karylle sa lalaki at nagshake hands kami. "Where's your friends?" Tanong saakin ni Alex. Umupo siya sa tabi ko habang may hawak-hawak rin na glass of wine. Inilapag muna niya 'yung iniinom niya bago itinuon saakin ang buong atensyon niya. "Nasa paligid lang. Ikaw, asan mga kasama mo?" Tanong ko nalang rito. Wala na akong ganang makipag-usap sa hindi ko malamang dahilan. Pero dapat subukan ko kahit konti lang. Minsan na nga lang ako nakakagala eh. Nag-usap lang kami about our jobs at about kay Karylle nang mapagdesisyonan kong magpahangin muna. I don't know kung bakit wala ako sa mood tonight. Umalis ako sa table namin at dumiretso sa likod ng event hall kung saan walang tao. Napabuntog hininga ako at tumingin sa kawalan. Ang hirap palang maging adult na. Kung dati, isang pagpapacute ko lang kay daddy, pwede na akong gumastos ng libo-libo. Partida, nababayaran ko pa 'yung grades ko. Ang dali lang lumipat-lipat ng schools. Pero ngayon? Somehow pakiramdam ko ang laki ng sinayang ko. Ang hirap palang mabuhay. Lalo na kapag 'yung mga tao sa tabi mo, unti-unting nawawala. "You're alone," automatic na napalingon ako para tingnan 'yung nagsalita. Papalapit saakin si Aldwin habang nakapamulsa. "Oo, anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sakaniya. Nang magkatabi na kami, humarap siya saakin bago tumingin rin sa malayo. "I want to be alone too," he chuckled. Napatingin ako sakaniya para tingnan kung bakit siya muntik na matawa pero sumeryoso din agad 'to. "But you're here." Dagdag pa niya kaya napatahimik ako. Yeah. And unfortunately, dumating siya. "Gusto mo bang umalis ako?" Tanong ko rito. But somehow, parang iba 'yung naparating ko. Napilitan tuloy akong salubungin ang makahulugang tingin ni Aldwin. "No," diretsong sagot nito. "Asan 'yung date mo?" Tanong ko naman. Bigla kasing naging awkward nubg sinagot niya ang tanong ko. May strange akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag. I don't feel at ease pero at the same time, I was eager for something I don't know. "Probably, talking to some guys." Ahh. So date nga niya iyon? E' di sana hindi niya iniwan. Ano nalang mararamdaman nung babae pag nalaman niyang nakikipag-usap siya sa ex niya? "Ikaw, where's your date?" Tanong nito. Hindi ko alam kung nangangasar ba siya o nagtatanong dahil wala naman talaga akong date. "Date?" Tanong ko rito. Dinilaan niya ang ibabang labi niya, "The one you're talking to." Napakurap naman ako sa sinabi niya. So nakita niya ako? Obviously! Nasa public kami eh. Pero hindi ko naman date 'yon. "Hindi ko date 'yon." Sabi ko nalang. Hindi ko alam kung bakit may ganito kaming conversation ngayon. Pero bahala na. Hindi naman ako masasaktan ulit sa simpleng pag-uusap lang 'di ba? "Then who's your date?" Humarao naman ako totally sakaniya. Tingin ko, hindi siya dapat nagtatanong ng ganung bagay. "Bakit ka ba tanong ng tanong?" Irita kong sabi rito. "Because I'm curious." Napabuga ako sa hangin. He's never curious! At bakit saakin pa? Like, we're nothing but officemates! "Stop. Hindi ka dapat ma-curious saakin." As much as possible, ayokong imention ang past namin. Ayoko nang isipin niya na may epekto pa rin 'yun saakin. "But I am." "Why?" I was out of words. Bigla nalang lumabas sa bibig ko 'yon. Medyo nagulat pa siya dahil sa bilis ng pagkakatanong ko. I was frustrated. Gulong-g**o ako sakaniya. My mind is overthingking dahil sakaniya. Hindi siya nakapagsalita. Nagkaroon ng nakakarinding katahimikan sa pagitan namin. "I want to say sorry." Napatingin ako sakaniya. Pinaglalaruan ba niya ako? "I think I hurt you a lot, and I want to make things up." Dagdag pa niya. "So gusto mong magbati tayo?" It's not like hinihingi niyang magbalikan kami. Tumango naman siya sa tanong ko. Tinitigan ko naman siya para malaman ang tunay na intensyon niya. Pero nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. I don't think I can. Gusto ko siyang patawarim para okay na ang lahat but my heart? It's asking for something else na hindi ko pa mawari sa ngayon. "Pwede ba kong humingi ng pabor sa'yo?" Tanong ko rito. Napakacold ng boses ko at pinarinig ko talaga sakaniyang hindi ko nagustuhan 'yung sinabi niya. Napahawak siya sa batok niya. "Sure." "Pwedeng 'wag mo nang babanggitin 'yung nangyari dati? Mamuhay nalang tayo bilang magkatrabaho. Ayaw kitang maging kaibigan, sana maintindihan mo iyon. At kung tingin mo, magiging okay ang lahat? 'Wag ka nang umasa." Mapait na sabi ko rito. Natulala siya sa sinabi ko. Baka nga gusto na niyang maayos ang lahat. Ayaw niya atang may taong galit sakaniya, but the hell I care. Kung pwede nga, sana hindi ko na siya nakita pa ulit. "You're still angry." Hindi iyon tanong. Sinabi niya 'yon na parang sigurado siya sa sinasabi niya. Natitrigger tuloy ako. "Bakit, wala ba akong karapatan?" Tanong ko rito. "Hinihiling ko nga na sana, hindi ka na nagpakita ulit. Honestly, I'm in the process of moving on. Tapos bigla kang susulpot? Respeto naman Aldwin. Nagsisisi na nga akong sinayang ang oras ko sa'yo eh." I bluntly said. Nagulat naman siya sa sinabi ko. "I was just trying to make things cool with yo--" "Then go! Kung gusto mong maayos ang lahat, 'wag ka nang magpapakita ulit. Please." Halos magmakaawa na ako sakaniya. Galit? Hindi ko alam. Hindi ko alam kung anobg emosyon ang meron saakin at pilit ko siyang pinapalayo. Hindi pa ako okay, 'yon lang ang alam ko. "You really hate me that much?" I can see pain in his eyes. Pero nabubulag na ako ng sarili kong damdamin. "Yes," maikli kong sabi. Napatingin siya sa malayo at saglit na napaisip. Bumuntog hininga siya bago ako nilingon ng may malungkot na ngiti. Kumirot ang dibdib ko sa pinakita niyang emosyon. "Then I guess, I have to stop."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD