MMAC 18

2010 Words
"Excuse me," Tumabi naman ako kaagad sa hallway. Papunta kasi akong faculty at medyo nagmamadali dahil malapit na ang first class ko. Ayoko namang malate pa ulit dahil late na ako last week. Pero biglang dumaan mula sa likod ko si Aldwin. Ang lamig ng boses niya na parang hindi kami nagkakilala. Suddenly, 'yung warmth niya, biglang nawala. "Sorry." Naglakad nalang ako sa gilid para makadaan pa ang ibang faculty o studyante. Nagdire-direyso si Aldwin na parang hindi ako nakita. Wala naman akong pakialam kaya pumunta nalang rin ako sa faculty na parang normal. Nakatanggap ako kanina ng email from the company na inaapplyan ko. Malapit na raw kasing natapos ang term ko sa pagtuturo kaya ihanda ko na raw ang sarili kong magtrabaho sakanila. Finally! Unti-unti ko nang maabot ang mga pangarap ko. At si daddy? Ipapakita ko sakaniyang kaya ko at magiging successful ako. I know na tama 'tong landas na pinili ko. Pagkatapos ko magturo sa first class ko nakasalubong ko 'yung department head namin. Lumapit naman kaagad ito saakin na parang nagmamadali. "Hand this to Sir Aldwin Montero asap. May kailangan pa akong habulin." Sabi nito at agad ring umalis. Napatingin naman ako sa documents na binigay niya. Ang malas ko naman, talagang ako pa magbibigay. Sa faculty rin naman ang diretso ko kaya inilapag ko muna 'yung bitbit kong laptop at usb bago pumunta sa separate office ni Aldwin. Hanggang ngayon, nagtataka parin ako kung bakit may sarili siyang room. Anong special connection ang mayroon siya rito sa school? Kumatok muna ako ng tatlong beses bago binuksan ang pinto. Nakita ko naman siyang busy sa kung anong ginagawa niya. "Sorry sa istorbo, pinapaabot sayo ng department head," sabi ko. Patuloy parin siya sa ginagawa niya na parang wala ako sa harap niya. "Sir?" Pagtawag ko ulit rito, umaasang makukuha ko ang atensyon niya. "Just put it there." Sabi nito habang abala parin sa mga papeles at laptop niya. "Okay." Nilapag ko naman sa table 'yung documents at pasimple siyang tiningnan. Hindi naman niya ako binalingan ng tingin hanggang sa makalabas ako ng office niya. Matapos siyang manghingi ng sorry kagabi, magpapaka-cold siya ngayon? Ang angas niya ha! E' di bahala siya. Akala ko pa naman friendly na siya. How dare he act like I'm nothing? "Oh ba't mukhang badtrip ka?" Tanong saakin ni Arman pagkalabas ko ng room. May ginagawa pa siya eh, pero nung nakita niya akong lumabas na mukhang ewan, bigla siyang lumapit. "Wala. Excited lang akong matapos 'yung term ko." Sabi ko rito at ngumiti. Last semester na, ilang months nalang at hindi ko na kailangang pagtyagaan si Aldwin. Sumunod siya saakin papuntang table ko. Akala ko naman, may importante siyang sasabihin. Makikipagchismisan lang pala. Pagkasapit ng lunch, sa cafeteria kami kumain ng mga kaibigan kong teachers. This time, hindi na ako 'yung naiwan sa table dahil ako naman ang oorder. Nagpasabay rin saaking umorder 'yung isa nam8ng co-prof kaya ang dami ko tuloy dala. Muntik pang mabuhos yung iced tea nang makasalubong ko si Aldwin. Napatingin naman ako sakaniya ay bahagyang napangiti. Baka naman gusto niyang magpakagentleman noh? Pero kesa tumulong, nilagpasan lang ako nito. Hindi pa niya sinuklian 'yung ngiting binigay ko. Wow ha! Hiyang-hiya ako sayo. Nailagay ko naman 'yung tray sa lamesa namin. "Oh ba't parang galit ka?" Tanong ng isa kong kasama. Umirap nalang ako at nagsimulang kumain. Badtrip, sira na ata ang araw ko. Nung uwian, nagkasabay kami ni Aldwin papuntang parking lot. Lumapit naman agad sakaniya 'yung malanding co-teachers ko at nag-usap yata sila saglit bago sabay na pumunta sa kotse ni Aldwin. Magkatabi lang pala kotse namin. Nagtagma ang paningin namin pero umiwas din siya agad bago pumasok sa kotse niya. Buong araw wala man lang pagbati. Not that I'm expecting him to be, pero duh? Ang friendly niya sa ibang teachers tapos saakin hindi? Monday to Wednesday lang ang pasok niya and for the whole month, hindi talaga niya ako pinapansin. Nabobothered lang ako kasi halatang affected pa rin siya saakin. At the same time, napakafriendly niya sa iba. Paano nalang kung may makahalata diba? "Anong ginagawa mo?" Napatingin ako kay Arman na ngayon ay nasa likod ko na. Monday kasi ngayon, tapos sobrang nabored ako nung weekend kaya naadik ako sa mga dating apps. Nakakatuwa kasing malaman kung ilan 'yung nagagandahan sa'yo eh. "Naghahanap ng date," simpleng sabi ko habang nagsuswipe lwft and right. Napaupo naman siya sa tabi ko. Siguro kung kasing dali lang ng dating app maghanap ng lalaking mamahalin ka habang buhay, baka hindi ko na gugustuhing mamatay. After ilang minutes, napansin ko namang hindi pa siya umaalis do'n kaya binalingan ko na siya ng tingin. "Bakit?" Binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti, "Nakahanap ka na," sabi nito kaya gumuhit ang pagtataka sa mukha ko. "Nakahanap ng alin?" "Nakahanap ka na ng date." Tinuro pa nito 'yung sarili niya kaya nagets ko kaagad 'yung gusto niyang iparating. Matagal na ring nag-aaya saakin si Arman paulit-ulit ng date. Pero hindi ko talaga trip eh. Lalo pa't lakas niya makatito. Alam kong wala sa edad ang pakikipagdate, pero 10-years ang age gap namin noh! Itinapat ko ang hintuturo ko sakaniya at akmang nislide iyon saaking kaliwa, "Swipe left," sabi ko kaagad kaya natawa siya. Mabuti nalang at free-time naming dalawa ngayon. Pero hindi ibig sabihin nun na dapat na siyang magsayang ng oras saakin. Well, nagsasayang rin naman ako ng oras sa dating app. "Last term mo na 'to, tapos ayaw mo parin akong pagbigyan?" Nagtatampong sabi niya. Pumayag naman kasi ako isang beses na kumain kasama siya kaso nagkataon na nakasabay namin sina Aldwin. Tinake ko 'yong warning na baka hindi ko nga pwedeng makasama si Arman. "Kaya nga eh. Tingin ko magiging busy na ako sa mga susunod na araw," palusot ko rito. Wala naman siyang nagawa. Tinuon ko nalang ang atensyon ko sa laptop ko para malaman niyang busy ako. Kaibigan ko si Arman, pero hindi naman ako tanga para hindi malamang may gusto siya saakin. Ayoko rin namang bigyan siya ng false hope dahil nga kaibigan ko siya. "Hi Aldwin, dinner later?" Dahil tahimik rito sa faculty, rinig na rinig ko 'yung boses ng malandi kong co-professor. Napairap nalang ako. "Sure, why not?" Napalingon naman ako sakanila. Nakangiti si Aldwin na parang ready'ng ready magpakain kay Clarisse. Napailing nalang ako. Hindi ba niya alam na lahat ng dini-dinner ng babaeng 'yan ay nauuwi sa mapusok na gabi? Bahala na nga sila. Pakialam ko ba? "Alam mo, malapit na rin naman ako umalis. Kaya pagbibiyan na kita." Nagulat si Arman sa sinabi ko kaya halos mayakap niya ako sa saya. "Thank you!" Sabi pa nito. Ang saya niya pero ako, parang hindi ko mahanap kung saan 'yung saya sa sinabi ko. Pinilit ko nalang ngumiti para pantayan 'yung excitement niya. Kinagabihan, tulad nga ng sinabi ko kay Arman ay magdidinner kami. Nag-offer pa ito na lulutuan nalang raw niya ako, pero tumanggi ako kaagad. Kaya sa huli, napagdesisyunan nalang naming kumain sa restaurant ng hotel. "Saan mo gustong pumunta after this?" Tanong niya nang matapos kaming kumain. Nagpapatunaw muna kami dahil katatapos lang naming kumain. Nakatayo kami at nililibot ang mall ng hotel na ito. Habang siya ay nasa gilid ko lang. "Uh, kailangan ko nang umuwi eh," I gave him apologetic look. Pero ngumiti lang siya saakin. Inakbayan niya ako bigla kaya muntik na akong mapatalon. Tiningnan ko naman siya ng puno ng pagtataka. "Just tell me if you want to do something else," bulong biya sa tainga ko. Biglang nanindig ang balahibo ko. Nakaramdam ako ng kaba at pagkataranta. Alam kong hindi ko 'to dapat maramdaman dahil kaibigan ko siya, pero bakit pakiramdam ko, may binabalak siyang iba? "Uwi na tayo. Antok na ako." Pagng-iiwas ko rito. Pero kaysa umalis kami doon ay hinila niya ako papuntang reception area ng hotel. "Anong ginagawa mo?!" Hindi mapakaling tanong ko. Lalo na nung sinabi niya sa receptionist na magchicheck-in daw kami. What the heck? Pumayag ba ako? "Hindi ba't antok ka na?" Patay malisya niyang tanong. Napailing naman ako at unatras palayo sakaniya. "I mean, gusto ko nang umuwi sa bahay," sabi ko rito. Lumapit naman siya saakin at hinawi ang buhok ko kaya nanigas ako sa kinatatayuan ko. "Papatulugin naman kita ng mahimbing eh. Relax." Paano naman ako magrerelax sa ganitong sitwasyon? Halata namang may masama siyang balak! "Bakit kailangan pang sa hotel? May matutulugan naman ako," Palusot ko. Pero hindi parin siya nagpatinag at tumingin saakin na puno ng pamimilit. "Gusto mo rin naman 'to diba? Kaya nga nahahanap ka ng date sa dating app." Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. So ganun ang tingin niya saakin? Napailing ako at muling lumayo sakaniya, "Pero Arman, kaibigan kita." Alam kong may pagtingin saakin si Arman. Hindi naman ako manhid para hindi 'yon mapansin. Pero 'yung ganitong intensyon? Iba naman ata 'to. Ni hindi pumasok sa isip ko na magagawa niya 'to saakin. Akala ko mataas ang respeto niya saakin dahil magkaibigan kami. Mali pala ako. "Pagbigyan mo na ako, kahit isang beses lang." Oo malandi ako dati. Nilalandi ko 'yung bet ko sa bar. Nakikipagmake-out ako sa stranger. Pero iba parin pag tinuring mong kaibigan 'yung isang tao eh. Yung nag-expect ka na ituturing ka rin niyang respetadong kaibigan. "I'm sorry, hindi ko talaga kaya." Naglakad agad ako palayo sakaniya. Gulong-g**o parin ang isip ko. Kaya ayokong makipagdinner sakaniya dahil alam kong bibigyan niya 'yon ng kahulugan. Pero hindi naman ganitong kahulugan. Binilisan ko ang lakad ko palabas ng exit, almost panicking. "Wag!!" Sigaw ko nang may humawak sa braso ko. Napapikit ako habang dama-dama ang lakas ng t***k ng puso ko. "Is anything alright?" Unti-unti ko namang dinilat ang mata ko nang marinig ang boses na iyon. Automatik namang napakapit ako sa braso niya para mawala 'yung pangamba. Napahinga naman ako ng maluwag. "Pwedeng umalis na muna tayo rito?" Sabi ko kay Aldwin. Takang tiningnan muna ako nito bago tumango at ginuide ako palabas ng hotel. Nang makalabas kami, napahawak ako sa dibdib ko. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. "What's wrong?" Tanong bigla ni Aldwin na nakatayo lang sa harap ko at pinapanood pala ako. Binigyan ko naman siya ng ngiti para ipakitang okay na ako. "Wala. Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sakaniya. Malalim lang niya akong tiningnan kaya naconscious ako bigla sa katawan ko. "It's none of your concern," malamig na sabi niya. Naismid naman ako sa biglang pagiging rude niya. Parang kanina lang may pagkaconcern pa siya ha? Humalukipkip naman ako at mataray siyang tiningnan, "Ah, so bawal na palang magtanong ngayon?" Pilosopong tanong ko sakaniya. Naging bipolar din siguro siya. Hindi naman siya ganun dati. "Don't act like you're curious about me," Panunumbat niya. Napaawang ang labi ko sa narinig. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis. "Attitude ka na ngayon? Kinagwapo mo ba 'yan?" Iritang tanong ko sakaniya. Pero hindi siya sumagot. Dumiretso lang siya sa parking lot kung saan andun 'yung sasakyan niya. At ang hindi ko maintindihan, ay kung bakit nakasunod parin ako sakaniya. "Why? You wanna ride?" Tanong nito in a sarcastic way. Nagtaka rin siguro siya na nakasunod pa rin ako sakaniya. Dala ko naman ang kotse ko kaya hindi ko rin alam kung bakit ako sumunod. Para tuloy akong stalker. Tapos kung tingnan pa niya ako ngayon, parang hinahabol ko siya. "Assuming," Sabi ko nalang bago tumalikod. Ayoko nang ipahiya pa ang sarili ko. "Stop." Puno nang pagtataka kong nilingo si Aldwin. Ako ba tinutukoy niya? Bakit naman? "Get in the car," sabi niya bago pumasok sa kotse niya. Hindi pa agad nagproseso sa utak ko na pinapasakay niya ako sa kotse niya. Bakit? Para saan? Pero mas okay na 'yon. Ayoko nang makita pa ulit si Arman. Paniguradong naghihintay 'yon ngayon kung saan ako nakapark. Wala naman kasing kotse 'yub. Ayoko nang mas madisappoint pa sa mga susunod niyang ipapakita saakin. Huminga ako ng malalim bago sumakay sa kotse ni Aldwin. Heto na naman tayo sa weird atmosphere. "Bakit mo ako pinasakay?" Tanong ko rito. Pinaandar naman niya ang kotse pagkatapos kong maglagay ng seatbelt. Nakatingin lang siya sa daan at parang wala akong balak sagutin. Isinandal ko nalang an^ ulo ko sa bintana at pinanood ang kalsada. "We're you harassed?" Biglang tanong niya. Napalingon ako sakaniya pero sa kalsada pa rin siya nakaharap. Naalala ko tuloy 'yung nangyari kanina. "It's none of your concern," panggagaya ko sa sagot niya. Napansin ko namang napatingin siya saakin nang saglit. Malamang ay nagulat siya sa sagot ko. "You're really throwing me away, huh?"  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD