"Sorry na nga."
Halos mapasabunot ako sa buhok ko habang kausap yung co-prof kong si Arman. Nakita ko namang hindi rin niya nagustuhan 'yung nangyari. Pero kahit pa!
Kakatapos lang rin kasi ng klase niya ng sugurin ko siya.
"Atsaka bakit ba big deal sayo 'yon? Cupcake lang naman 'yon." Sabi nito. Malamang ay dahil wala siyang alam sa past namin ni Aldwin kaya akala niya wala lang 'yon. Pero ako? Gusto ko nalang ibaon ang sarili ko sa lupa at maging patatas.
"Ayoko lang mamisunderstood niya na baka gusto ko siya!" Sabi ko rito kaya napataas ang kilay niya na parang sinusuri kung totoo ba yung sinabi ko. "Bakit, hindi ba?"
"Hindi!" Sabi ko kaagad. For unknown reason, bigla siyang natawa na ikinagulat ko. "Anong nakakatawa?"
Humalukipkip siya, "Ang defensive mo kasi pakinggan." Sabi nito at itinaas baba ang kilay niya para asarin ako.
"Kainis ka," sabi ko nalang sakaniya. Tinarayan ko rin ito pero natawa lang siya sa ginawa ko.
"So anong sinabi mo?" Tanong niya bigla.
Naalala ko naman 'yung nangyari kanina.
Dinilaan niya muna ang ibabang labi niya bago nagtanong, "Why did you give me cupcakes yesterday?"
Nagkasalubong naman agad ang kilay ko at nawala bigla ang ngiti sa labi ko, "Ahh 'yon ba? Pinabibigay 'yun ng isa kong studyante," sabi ko rito.
Nadidistract naman ako dahil nakatayo lang siya sa tabi ko.
"I see," sabi naman niya. Napansin ko namang medyo unatras siya saakin kaya napalingon ulit ako sakaniya. "She should have gave it to me personally then." Makahulugang sabi niya.
Mas naging malumanay ang boses niya kumpara dati. Pero duh, ba't ko ba siya iniisip? Erase erase na!
"Hoy! Hindi ka na sumagaot ha." Ipinag-apir ni Arman yung dalawa niyang kamay para makuha ang atensyon ko. Kaya nabato ko siya nung tissue sa table niya.
"I have freedom to not speak." Pagdadahilan ko nalang rito. Minock nalang niya ako na mas kinainis ko.
Minsan talaga, may mga co-workers ka na ang sarap itapon noh?
Hindi kami masyadong close ni Arman, pero napakafeeling close niya saakin. Mula first day ko rito, kinukulit na niya ako.
Minsan, inaasar siya saakin ng ibang professors. Pero nilinaw ko sakanila na wala nang mas ilalalim pa ang relasyon namin. Hanggang ngayon kasi, may pagmamahal akong hindi pa namamatay.
Napabuntong hininga nalang ako. Paano na ako makakamove-on nito?
Alas nuebe ng gabi nang matapos ang klase ko. Iniligpit ko na ang mga ito habang panay ang pangungulit saakin ni Arman na samahan siyang kumain. Konti nalang rin kaming night prof ang natira dito dahil nakauwi na ang iba.
Kaya ayokong mag Tuesday eh, ang panget kasi ng sched ko.
"Gabing gabi na Arman, sa bahay ka nalang kumain." Reklamo ko rito at sinuot na ang bag ko. Nakanguso naman niya akong tiningnan. Nakasandal pa siya sa mesa ko at nakahalukipkip. "Libre ko naman, e."
Kanina pa niya ako kinukulit na magdinner daw kami ngayong gabi. Akalq ko nga makakalikutan niya, pero heto siya ulit at pinipilit ako.
"Uuwi na ako," paalam ko rito pero hindi siya gumalaw sa pwesto niya. Bakas rin ang lungkot at pagkadismaya rito.
Napasingjap naman ako ng makita ang reaksyon niya. "Fine, tara!"
Kainis! Ba't ang hirap tiisin ng mga nag-aaya saakin? O sadyang kaladkarin lang ako?
Palabas kami ng faculty nang makasalubong namin ang head ng department namin. Binati agad namin siya.
"Oh, andito pa pala kayo, gusto niyong sumama sa dinner?" Pag-aaya nito. Nagkatinginan naman kami ni Arman.
"Magdidinner rin po kami eh," alanganing sabi ni Arman. Napangiti naman yung head namin. "Tamang-tama. Libre ko na, let's go?"
"Sure po!" Sabi ko naman. Medyo hindi pa sang-ayon si Arman, pero napilit ko din siya. Tutal magdidinner din naman kami, mas masaya pag marami. Hindi naman din kasi date 'yunng inaaya saakin ni Arman, and it's impossible.
Sumunod kami sa department head namin. Mahilig talaga siyang mang-aya ng staff na magdinner. Minsan lang ako sumasama sakaniya dahil hindi niya ako masyadong gusto. Pero dahil kasama ko ngayon si Arman, siya pa mismo nag-aya saamin.
Minsan nga, iniisip ko kung bakla ba 'to?
"Sorry, did I made you wait?" Napatingin naman ako sa sumalubong saamin at biglang nanlaki ang mata. What the heck? Bakit siya nandito? Gusto ko tuloy magretreat.
"No it's fine. Kasama ko nga pala sila. At 'yung ibang staff ay nasa restaurant na." Sabi pa nito. Ibig sabihin, may iba pang mga kasama?
Napasulyap naman saamin si Aldwin bago ibinaling ang tingin sa head. "Sure, let's go." Casual na sabi nito.
Sumunod naman kami sakaniya.
"Dapat hindi na tayo sumama sakanila," bulong saakin ni Arman. This time, agree ako sakaniya.
"Oo nga." Para naman siyang nagulat sa sinabi ko. Maybe unexpected 'yun marinig saakin dahil mahilig ako sa big crowded.
Ganun talaga kapag only child. Lalo na ngayon na mag-isa nalang ako sa condo ko. Hindi naman ako introvert para enjoyin ang pagiging mag-isa ko. I feel so lonely inside.
"Hindi ko alam na payag ka palang makipagdate saakin," natatawang sabi ni Arman saakin. Napalingon naman ako bigla sakaniya kaya napahinto kami sa paglalakad.
"Date ba 'yung dinner mo?" Tanong ko rito habang nakataas ang kilay.
"Chill. Irereject mo naman ako agad. Friendly date lang." Sabi pa nito at tinabunan ng tawa ang pagkahuli ko sakaniya.
"Jarelle, Arman, why are you still standing there?" Pagtawag ng department head namin. Sabi na eh, may gusto talaga ata 'to kay Arman.
Napatingin rin saamin si Aldwin at nakakunot pa ang noo nito. I can see impatient in his eyes. Sorry naman kung pinag-antay namin siya. "Sorry," sabi ko nalang at sumunod sakanila.
Dumiretso kami sa kotse unfamiliar na kotse. Alam kong hindi 'to sa dp head kaya nagcobclude agad ako na kay Aldwin 'to. Pumasok siya sa driver seat habang si Arman naman ay sa backseat.
Pumwesto rin ako sa backseat katabi ni Arman. Medyo awkward saakin na isang aircon lang 'yung hinihinga namin.
"Bakit nga pala kayo magkasama?" Tanong nung department head namin. Inassume ko naman na kami ni Arman ang tinatanong, pero hindi ako nagsalita.
"Gusto ko sanang idate si Jarelle." Hinaluan naman ni Arman ng tawa iyon para ipakitang joke. Naikot ko nalang mga mga mata ko sa sinabi niya.
"Too bad. Hindi siguro kayo meant to be na magdate," sabi naman ng DP head. Konti nalang talaga, mahuhuli ko na siya eh.
Halos si Arman at yung head lang namin ang nag-usap. Napatingin naman ako sa rearview mirror, pero nung nakita kong nakatingin saakin si Aldwin, iniwas ko agad ang tingin ko at ibinaling nalang sa bintana ang atensyon ko.
"Ba't ang tahimik mo?" Tanong ni Arman saakin nang makababa kami sa kotse. Naglalakad kami ngayon paounta sa restaurant.
"Bakit, bawal?" Sabi ko nalang rito. Pumasok naman kami agad at hinanap 'yung mga kasamahan namin. Dalawa lang pala sila, si Leah at Jerome. Magjowa 'yung dalawang 'yon eh.
Magkaharap si Leah at Jerome kaya tumabi ako kay Leah. Tumabi naman saakin si Arman.
Napainom bigla ako ng tubig nang umupo sa harap ko so Aldwin. Okay, this is so awkward. Bakit kasi umupo yung DP head namin sa harap ni Arman? Ah kasi bakla talaga siya?
Umorder lang kami habang nags-small talk sila about events ng department namin. Nakinig lang ako sakanila, at wala akong balak sumingit.
"Jarelle nagbobonding ba kayo ni Ricco?" Biglang tanong saakin ni Jerome. Napakunot naman ang noo ko at napilitang sumali sa pag-uusap nila.
"Bakit naman kami magbobonding?" Tanong ko kaagad. Lahat sila napatingin saakin lalo na si Aldwin. Kaya siniguro ko talagang hindi magtatagma ang mata namin."
"Kasi pareho na kayong tahimik." Sabi pa ni Jerome at bigla silang nagtawanan.
Meron kasi kaming co-prof na sobrang introvert. Ayaw makipag-usap. kaya pag gathering, mag-isa lang siya sa sulok.
"Hindi naman sa lahat ng oras, kailangan kong mag-ingay." Sabi ko sakanila.
Mabuti nalang at dumating na 'yung mga pagkain kaya hindi na rin nila ako tinanong.
Pinagpatuloy parin nila ang pag-uusap hanggang sa napunta iyon sa foundation week, then dates, at ngayon naman, jowa. Lahat ata gusto nilang itopic.
"Ikaw Aldwin, nakailang girlfriend ka na?" Tanong ni Jerome rito. Iniwas ko naman agad ang tingin sakniya nang magkatinginan kami. Itutuon ko nalang sa kanin ang atensyon ko.
"One," sabi nito. Napalingon ulit ako sakaniya, buti nalang hindi siya nakatingin saakin.
"One hundred?!" Tanong naman ni Arman. Nagulat din ang iba pero umiling lang si Aldwin. "Isang girlfriend lang," sabi pa nito. Napalunok naman ako. Did he even considered me as her girlfriend? "But we never last a year though."
Napainom naman ako ng tubig. Hindi nga kami umabot ng isang taon. Pero hindi na talaga siya nagkaroon ng iba? O baka naman kasi fiancee niya yung isa? Sila parin kaya?
"E' di sino 'yung babaeng kasama mo last time?" Tanong ni Leah. Siguro kasal na siya? Kaya sila magkasama.
"Just someone I know," nagshrug pa ito ng shoulder na parang no big deal sakaniya 'yung babae.
So ano? Niloloko niya 'yung asawa niya? Hindi na talaga siya magbabago? Arggh! Buti nalang hindi kami nagkatuluyan kung hindi, ako yung kabit. Tapos parang wala lang sakaniya na nanloloko siya? Matiwasay pa siyang kumakain ngayon?
"Yes?" Natauhan naman ako bigla nang magsalita si Aldwin. s**t! Ang tagal ko palang nakatingin sakaniya. Nag-isip naman ako agad ng sasabihin.
"Uh..." Act normal please! "Curious lang ako bakit naisipan mong magturo." Sabi ko nalang. Since normal lang naman saakin magtanong ng kung ano-ano. Madalas pa ngang ako yung nag oopen-up ng topic. Ngayon lang hindi. I feel uncomfortable kasi.
Napaisip naman siya saglit. Nakuha rin ang atensyon ng iba pa naming kasama. Curious rin siguro aila kung bakit nagtuturo si Aldwin. "I just love teaching. How about you?"
Nagulat naman ako sa biglang pagtanong niya saakin. 2 years na nakalipas pero tuwing tinatanong ko siya, never niyang binabalik 'yung tanong saakin. I concluded from then, na ako lang talag 'yung interesado saaming dalawa.
"Requirement kasi sa company'ng pagtatrabahuan ko." Sabi ko rito. Hindi ko alam kung may pakialam ba siya, but he asked!
"I see."
Kung ano-ano pang pinag-usapan nila at nakisali na rin ako. Hanggang sa naisipan naming umuwi nang maalala kong naiwan ko 'yung kotse ko sa university!
Ang tanga Jarelle ha!
Si Arman naman ay nagcocommute lang pauwi. Sila Jerome naman ay may dalang motor. I guess, magcocommute nalang din ako?
"I should drive you guys home," sabi ni Aldwin sa DP head. Kakalabas lang namin ng restaurant nang bigla siyang tumigil at harapin kaming tatlo.
"Malapit lang ako riro, no need. Kayo?" Tanong ng head namin saamin ni Arman. Napatingin naman ako kay Arman. Pag magcocommute siya, sasama ako sakaniya.
"Thank you man!" Masayang sabi ni Arman. Akala mo hindi pa nakasakay ng kotse eh. Napabuntog hininga nalang ako. I guess, sasama narin ako.
Umalis na ang DP heas namin habang kaming tatlo ay naiwan para sumakay sa kotse ni Aldwin.
Nagkatinginan tuloy kami ni Arman kung sino sasakay sa shotgun seat. Ayokong katabi si Aldwin noh! Ang awkwars no'n lalo.
"Where should I brought you?" Tanong ni Aldwin habang nakatayo pa kaming tatlo sa labas ng kotse niya.
"Mas malapit ako rito kumpara kay Jarelle," sabi ni Arman. Napatingin naman aaakin si Aldwin. "Then you should sit beside me."
Pumasok na sila sa kotse at ako naman, tinago ko ang kaba ko habang sumakay sa kotse niya. Its been a while. Different vibe, same person from years ago.
"Baka maabala ka namin ha," sabi ko rito. Masyado na kasing tahimik sa loob. Nakakabingi.
"No, it's fine." Lagi nalang niyang sinasabi 'yan! Hanggang ngayon ba naman?
After 10 minutes, bumaba na nga si Arman. Tulad nga ng sabi niya, mas malapit siya kesa saakin.
Nagpaalam naman ako sakaniya at sinabi niyang mag-iingat kami. Nakita ko rin namang medyo alanganin pa siyang iwan kami ni Aldwin, but he needs to.
Then the most awkward ride in my life happened.
"Pwedeng magpamusic?" Tanong ko rito. Masyadong seryoso ang mukha niya kaya hindi ko sigurado kung tama ba na nagtanong ako o hindi.
"Yeah, sure. What type of music do you prefer?" Tanong na naman niya ulit. Hindi naman siya pala-tanong na tao, e.
"R&B sana." Sabi ko. Kinonnect naman niya sa spotify yung stereo at nagpaandar ng music.
Oops, my baby, you woke up in my bed
Oops, we broke up, we're better off as friends
Now I accidentally need you, I don't know what to do
Oops, baby, I love you
Fuck! Bakit ganiyan 'yong nusic? Napa ubo tuloy ako kahit halatang peke iyon. Napatingin naman saakin si Aldwin.
"Is it okay for your boyfriend na kasama mo ako?" Napalingon naman ako kay Aldwin nang bigla siyang nagtanong. Tsaka anong boyfriend? He mean Arman?!
Saan naman niya nakuha 'yung idea na magjowa kami?
"Bakit naman hindi?" Balik kong tanong rito. Hindi ko naman kailangang iklaro sakaniya na hindi kami ni Arman.
"Because I'm your ex?" Hindi siguradong tanong niya. So tinuturing niya pala akong ex huh? Ibig sabihin, ako 'yung tinutukoy niya kanina? Magiging proud ba ako?
"Hindi naman kailangang iannounce na naging ex kita." Napatingin naman ako sa mga daliri niya. "Ba't wala kang wedding ring?" Tanong ko rito.
Bigla naman siyang napalingon saakin, "What? You think I'm married?" Tanong niya ulit. Hindi naman ako nainform na mahilig na pala siyang magtanong.
"Ahh, so hindi pa kayo kinakasal." Sabi ko nalang. Napasandal nalang ako sa upuan at tumingin sa bintana. Nakakainis talaga 'yung kanta ng little mix.
Dumating naman kasi sa condo ko. Buti nalang at may gps 'yung kotse niya kaya sinet ko lang doon 'yung location ko.
"You live here alone?" Tanong niya. Bakit ba siya curious.
"Oo," sabi ko nalang. Tinanggal ko na 'yung seatbelt ko at binuksan 'yung pintuan. Finally! After hell!
"Why?" Tanong pa niya ulit kaya napalingon ako sakaniya. Seriously, nagbago siya! Kung sana dati niya ako tinadtad ng tanong, baka matuwa pa ako.
"Hindi mo na siguro kailangan malaman 'yon."
"I just have to clarify something," Akmang lalabas na ako nang marinig ko pang nagsalita siya, kaya kahit ayoko nang lumingon, humarap parin ako sakaniya. Nagtagma ang paningin namin kaya napalunok ako.
"I'm not married nor enggaged to someone."