"That's it for today, goodbye class."
Nakahinga ako ng maluwag nang makalabas ako ng classroom. Huling klase ko na 'yun kaya tapos na ako for this day!
Papunta na ako ng faculty para isubmit na 'yung mga records na late ko nang natapos, then after, uuwi na rin ako.
Naglakad ako sa malawak naming university na ngayon ay kabisado ko na. Naaalala ko nung 3rd year college ako, naliligaw pa ako rito.
Isa pa, marunong na akong bumasa ng mapa!
"Hi miss," bati saakin ng mga studyante ko. Binati ko naman ito pabalik at pinagpatuloy ang pormal kong lakad.
Maraming ngumingiti saakin, may mga naggigreet, pero meron din namang studyante na hindi ako kilala o wala lang talagang pakialam kaya hindi ako pinapansin. Gayunpaman, marami akong kasundo sa paaralang ito.
Nasa hallway na ako papuntang faculty nang may studyanteng lumapit na naman saakin, "Miss!" Sabi nito na parang excited pa.
"Oh, Monique. May kailangan ka ba?" Tanong ko rito. Bitbit ko pa ang laptop ko at mga papeles. Hindi naman gaanong mabigat kaya hindi na ako nagpatulong sa mga studyante ko.
"Andyan siya miss!" Tila kinikilig na sabi nito. Nagtaka naman agad ako sakaniya.
"Sino?"
Pasilip-silip pa siya sa faculty bago tumingin saakin at may inabot na isang kartong naka gift wrap pa. "Pakibigay naman po 'to miss." Sabi pa niya.
Halata sa balot na pinag-effortan niya 'tong regalo niya. Ipinatong naman niya iyon sa laptop ko kaya mas naging kritikal 'yung mga dala ko at napansin ko pang medyo may pagkabigat iyon.
"Cupcake 'to noh?" Tanong ko kaagad kaya biglang napangiti si Monique. "Alam na alam ha, parang nagawa na dati." Pangangasar niya saakin. Napailing nalang ako sa studyante kong 'to.
"Ako pa ba?" Pagsakay ko sa trip nito. Napatawa nalang siya.
Tumingin naman ako saglit sa faculty, "Kanino ko ba ibibigay 'to?"
"Do'n po sa bagong prof, 'yung sir Aldwin." Napaawang ang bibig ko sa narinig. "Wala na ata siya d'yan eh, nakita ko pa siya bago lang. Pero pakilagay nalang po sa table niya." Sabi pa nito. Tuwang tuwa pa siya na akala mo ay hindi pangtotorture ang ginagawa saakin.
"Teka, kunin mo nga ulit 'tong box." Pagtukoy ko sa cupcake niya.
"Bakit miss?"
Naiisip ko palang na ibigay 'to kay Aldwin nawawala na ako sa mood.
Atsaka seryoso bang andito siya? At magtuturo siya? Hindi ba't engineer na siya? Hindi pa ako handang makita siya! 2 years palang ang nakakalipas.
May kirot pa sa puso ko. Corny pero totoo.
"Sa iba mo nalang ipabigay." Sabi ko naman kaya hindi niya itinuloy ang pagkuha ng box mula saakin.
"Sige na miss, umalis naman ata siya eh. Tataasan ko rating mo sa evaluation!" Sabi pa nito kaya napailing nalang ako.
Bahala na nga, wala naman siya d'yan.
Pagpasok ko sa faculty, inilapag ko kaagad ang mga gamit ko. Napatingin pa ako do'n sa box na pinapaabot ni Monique.
Napangiti nalang ako ng mapait nang maalalang nagbake rin pala ako ng cookies sakaniya dati. Just like how he attracted my student, gano'n din ang ginawa niya saakin dati.
Ano na kayang itsura niya ngayon? Kumusta na kaya siya? Ilang babae na kaya ang naloko niya?
Pero teka, sila parin ba nung fiancee niya?
Napabuntong hininga akong kinuha 'yung box. Hinanap ko rin kung asa'n 'yung table ni Aldwin.
"Anong hinanahap mo Jarelle?" Tanong ng co-prof ko. Binalingan ko naman siya ng tingin at nginitian.
Itinaas ko 'yung box para makita niya, "May studyanteng nagpapabigay. Asan ba 'yung table nung bagong teacher?" Tanong ko rito. Napalinga naman siya sa faculty namin.
"Yung Aldwin Montero ba?" Tanong niya. Napakagat naman ako sa labi ng narinig ang pangalan niya bago tumango, "Oo."
"Nakaprivate room siya eh. Puntahan mo nalang do'n." Turo niya sa pinakadulong room. Nagtaka naman ako agad. Bakit siya nakaprivate room?
Aalis na sana 'yung co-prof ko kaso tinawag ko siya pabalik. "Bakit?" Tanong pa niya.
"Pwedeng pakibigay nalang 'to sakaniya?" Tanong ko. Agad naman niya 'yung kinuha at dinala nga sa room na 'yun.
Ako naman, dali-daling pinasa 'yung records ko at iniligpit na 'yung mga gamit ko para makauwi.
Medyo kinakabahan pa nga ako dahil sa mga oras na 'to ay hindi na malabong magkita kami ulit. Hindi ko alam kung matatakot ba ako, mangangamba, magiguilty, matataranta, magagalit, maiinis o malulungkot. Hindi ko na alam dahil halo-halo nang emosyon ang nasa loob ko.
Hindi pa ako natatapos nang marinig kong bumukas 'yung pinto sa dulo. Buti nalang at nakatalikod ako roon kaya hindi ko makikita si Aldwin.
"You should meet your co-workers," sabi ng head namin at halata namang si Aldwin 'yung kausap niya. Napapikit nalang ako ng marealized na trapped na kami rito.
Pa'no ko ba siya haharapin? Babatiin ko na parang walang nangyari? O wag ko nalang siya pansinin?
Hindi lalagpas sa fifteen 'yung natirang professors rito sa faculty room. Kaya naman 'yung head namin ay isa-isang pinapakilala 'yung faculty at kasama ako do'n!
Napasilip pa ako konti sakanila at sobrang feeling close naman yata ng head namin kay Aldwin. Nakita ko kasing nakaakbay pa ito sakaniya na para silang magtropa.
"This is Lara, strict 'yan kaya maraming natututunan 'yung studyante sakaniya," pag-eexplain nung head namin kay Aldwin. Gustong-gusto kasi nito sa nga strict, and terror-type na teacher since gano'n rin siya. Pero wait, ba't kailangan pa niyang magbigay ng descriptions?
Parang gusto ko tuloy magtago sa ilalim ng mesa ko nang ipakilala niya 'yung professor na nasa tabi ko, "Ito naman si Gerald, mahigpit din 'to sa studyante kaya disiplina ang mga studyante niya."
"Hi," narinig kong sabi ni Aldwin. s**t, malapit lang ako sakaniya. Naririnig ko na 'yung puso kong kinakabahan.
"Welcome here." Sabi naman ni Gerald.
"Oh and this one," sabay turo saakin. Napalunok naman ako ng tapunan ako ng tingin ni Aldwin. Wala akong mabasang reaksyon sa mga mata niya. "This is Jarelle. Favorite ng mga studyante lalo na 'yung mga hindi mahilig mag-aral."
Napaiwas ako ng tingin kay Aldwin. Bakit ganun? 2 years lang naman ang nakalipas pero parang ang laki na ng pinagbago niya?
Mas fit na siya, mas mabango, may maayos manamit, mas astig tingnan. Tapos hindi na rin siya nagsusuot ng salamin.
"Ms. jarelle, greet him." Striktong sabi saakin nung head na parang may mali akong ginawa.
"Welcome, I hope we can get along." Sabi ko. Normal greetings ko 'yun sa newbie kaya 'yun agad ang lumabas sa bibig ko. Pero Nung marealize ko kung ano 'yung sinabi ko, gusto kong sampalin ang sarili ko.
Really? Get along? With him?
Tumango lang si Aldwin at ibinaling na nila sa iba ang atensyon. Halos nakahinga naman ako nang maluwag nang lagpasan nila ako.
Please gusto ko nang umuwi.
Nanatili kami for respect, kaya nang maipakilala na lahat, nauna na akong kunin 'yung shoulder bag ko.
Ayoko ng manatili dito. Pakiramdam ko, sumasama lang akong tao.
"So since may bago, we could grab a welcome party. Contact niyo 'yung mga wala ditong faculty, they can join us if they want." Sabi nung head namin.
Isa-isa namang kinontak nung mga nandito 'yung mga wala.
Hindi ko alam kung bakit masyadong fond yung head namin kay Aldwin, pero nung ako naman 'yung baguhan, walang pa-welcome party.
Halata rin naman sa mga co-prof kong babae na gustong gusto nila. Napasimangot nalang ako, as much as I want parties, ngayon ayoko na.
"Sir, uuwi na po ako. May emergency." Sabi ko sa head namin. Medyo naconscious lang ako dahil ramdam kong nakatingin saakin si Aldwin. Gusto kong mag-act ng normal, pero hindi nakikipagcooperate ang katawan ko.
"What a waste, ikaw pa naman ang entertainer namin." Sabi ng head. Hindi ko alam kung nangangasar ba siya o hindi. Ngumiti nalang ako sakaniya.
Naghahanda na ang ibang staff nang kausapin ako ni Gerald, "Hindi ka talaga sasama?" Paninigurado nito. Lagi kasi akong present pag may event, pero hindi naman kasi 'to masayang event... Well para saakin.
"May emergency e," sabi ko rito at alanganin oang ngumiti. Hinayaan naman niya akong umalis nang harangin na naman ako ng co-prof ko habang palabas sa faculty.
"Hindi ka talaga sasama?" Sabi naman nito. Nginitian ko naman siya at inulit lang sagot ko kanina.
"Jarelleee sabay na tayo uwi!" Sabi naman ng isang prof nung makalabas na ako ng faculty. Napaharap naman ako sakaniya, "'Di ka rin sasama?" Tanong ko rito.
"Oo, may part-time pa ako eh," sabi nito.
Pauwi na ako nang halo-halong emosyon ang bumabalik saakin. Sobrang nagulat ako nang malamang magiging co-prof ko siya.
Akala ko hindi ko na siya makikita pa. Akala ko, taga-gawa nalang siya ng building. Pero anong klaseng pagsusulit 'to? Bakit kami pinagtagpo ulit? Para saan pa?
Paano na bukas? Hindi ko alam kung araw-araw ba siyang magtuturo o part-time lang pero 'yung idea na nasa pareho kaming eskwelahan? Parang gusto kong pagsisihan na nagprofessor rin ako.
Pagbukas ko sa pinto ng condo ko, may nahulog na letter ng meralco. Pinulot ko naman 'yun agad at napasinghap sa nabasa.
Pumasok ako sa kwarto ko at ibinagsak ang sarili sa kama. Grabe, ang hirap ng buhay.
Magmula noong pinili kong nagturo, sobrang nadisappoint saakin si daddy kaya kinailangan kong buhayin ang sarili ko. Umalis ako sa bahay at nag-adjust sa bago kong buhay.
Alam kong kailangan kong panindigan ang desisyon kong ito, lalo pa't 'yung mamanahin ko ang nakataya nang pinili ko ito. Sana lang, hindi ako magsisi sa huli.
Wala akong ganang pumasok sa university kinabukasan. Pinilit ko lang ang sarili ko na bumangon ng maaga para hindi na naman ako malate.
Sakto lang ang pagkarating ko kaya dumiretso ako sa klase. Hindi ko na masyadong napansin 'yung mga co-prof ko.
"Hi miss, anong lesson ngayon?" Tanong ng isa kong studyante. Ngumiti naman ako sakaniya. "Bakit, nag advance study ka ba?" Pambibiro ko rito, pero alam ko namang hindi siya mahilig mag-advance study.
"Hindi, pero baka mainspired ako kung sakaling wala kang boyfriend," pambabanat nito saakin. Binigyan ko nalang ito ng sarcastic na ngiti bago sinimulhan ang klase.
Naging okay naman ang takbo ng klase ko, kahit may mga hindi nakikinig.
Hinatid ako nung maharot na studyante sa faculty. Siya na rin ang nagbitbit ng mga gamit ko. "Diyan mo nalang ilagay."
"Yes miss beautiful!" Sabi nito bago umalis. Inayos ko naman ulit 'yung mga gamit ko.
"Dami mong nabibingwit na studyante ah?" Sabi naman ni Ashley. Co-prof ko rin at katabi ko. 'yung pwesto ko roto sa faculty, sa gitna ni Ashley tsaka ni Gerald.
"Hindi rin, mga friendly lang talaga sila." Pagpapaliwanag ko rito.
"Sus."
Lunch break namin at nagkaayaan kaming magkakaibigan na teacher para kumain. Sa cafeteria lang kami dahil malapit na magklase ang iba. Mayroon ring designated place para saaming mga guro rito.
"Ang swerte nung jowa nung Aldwin noh? Imagine? Mabait, gwapo, matalino tapos ang friendly pa." Pag-oopen topic ng isang professor. Kasama kasi siya do'n sa welcome party kagabi.
"Oo nga. Sayang, hindi ka nakasama Jarelle." Sabi naman nung isa. Napatigil ako sa pagkain at nginitian lang sila. As much as possible, ayokong makisali kapag ang topic ay si Aldwin.
Tahimik nalang akong kumain at hinayaan silang pag-usaoan si Aldwin. Ang dami nilang sinasabing magagandang bagay tungkol kay Aldwin. Nakakaoagtaka lang, kasi hindi naman siya ganun ka-open dati.
Sa sobrang masikreto nga niyang tao, kahit girlfriend niya, hindi niya sinasabihan ng sekreto. E' 'yung jowa kaya niya ngayon? Sana naman hindi niya maranasan 'yung naranasan ko.
Tsaka sana mabago niya si Aldwin.
"Hoy! Ba't distracted ka? Tara na!" Nabalik sakanila ang atensyon ko ng pumalakpak sa harap ko yung isang professor.
Tumayo narin ako at iniligpit ang pinagkainan ko. Sabay-sabay kaming bumalik ng faculty.
"Hi Aldwin." Automatic namang napatingin ako sa gurong nasa harap namin. Siya nga.
"Have you finished eating? Ititreat ko sana kayo ng lunch," sabi nito habang nakangiti. "I guess tomorrow is alright?"
Pumayag naman agad 'tong mga kasama ko. Hindi ako nagsalita pero hindi rin ako ngreact ng kung ano. Napansin ko namang napatingin siya saakin kaya pinilit kong ngitian nalang siya. Baka isipin niyang affected ako, medyo lang naman.
Free time ko at halos tatlo lang yata kaming nandito ngayon.
Nag C.R. pa 'yung dalawa. Yung isa naman busy. Wala tuloy ako makausap. Ang boring.
Chineck ko nalang yung powerpoint na gamimitin ko next week, para lang mabusy ang sarili ko.
Mabuti pa 'tong powerpoint slide, marunong mag move-on. Eh ako?
Inihiga ko nalang ang ulo ko sa table. Siguro iidlip nalang ako ng konti? Mahirap na, kung ano-ano pa namang pumapasok sa isip ko ngayon.
Narinig kong bumukas 'yung pinto sa dulo kaya napalingo agad ako do'n. Huli na nang magsisi ako dahil nagtagma na ang mga mata namin ni Aldwin.
He looks so professional. Mas professional kaysa dati. Atsaka isa sa pinagbago niya ay parang mas naging approachable 'yung dating niya?
"Where's Mr. Beltran?" Napalingon naman ako para masigurado kung ako ba talaga 'yung tinatanong niya. Is he seriously talking to me na parang walang nangyari?
"May klase pa, mga 3 PM, tapos na 'yun." Kaswal na sabi ko sakaniya.
Napatango naman siya pero hindi parin umaalis sa kinatatayuan niya at higit sa lahat, nakatingin parin saakin. Bigla naman akong naconscious.
"May kailangan ka pa ba?" Nakatingin lang ako sakaniya na para siyang normal na tao. Nakalagay lang ang isa niyang kamay sa bulsa niya habang ang isa naman ay may hawak na mga papeles.
"Actually," lumapit ito saakin kaya naalerto ako. Pinanood ko lang ang paglakad niya habang nakarating siya sa pwesto ko. Nakatingala tuloy ako sakaniya ngayon. "Can you hand this to Mr. Beltran?"
Inilagay niya 'yung mga papeles sa table ko kaya naman kinuha ko kaagad 'yun. "No problem." I managed to say.
Amoy na amoy ko siya ngayon. Konti lang rin ang pagitan saaming dalawa.
"And also," napatingala ulit ako sakaniya nang bigla siyang magsalita. "I have to ask you something,"
Kinabahan naman ako sa tono ng pananalita niya. Pero para hindi 'yun mahalata, nginitian ko nalang siya. "Sure, ano 'yon?"
Dinilaan niya muna ang ibabang labi niya bago nagtanong, "Why did you give me cupcakes yesterday?"