-Gray- "KUMUSTA?" Natawa ako sa tanong ni Nelson sa akin. Kakamustahin n'ya ako sa lagay ko na puno ng pasa ang mukha ko, dama ang sakit ng katawan ko at nakagapos pa ako dito sa monoblock na kahoy na ito. Tinignan ko si Nelson. Kaming dalawa lang ang nasa loob nitong maliit na kwarto at nagsisimula ng mairita ang balak ko dahil sa pangit ng lugar. Nakatalikod s'ya sa akin habang pinagmamasdan ang liwanag ng labas. "I'm great, I guess," nakangiti kong sagot. Nasira ang plano namin ni Natalia kaya ano pang aasahan ko kung hindi mamatay na lang ako sa kamay ni Nelson. Hinarap ako ni Nelson na parang matinong tao. Pansin kong mayroon s'yang tinitignan na litrato sa kamay n'ya. "You were a little boy since our last met," nakangisi n'yang saad. Tumango ako. "Pakawalan mo si Natalia," p

