-Natalia- "HINAYAAN kitang mabuhay ng matagal kaya kailangan mo ng mawala," saad nito. Kinasa n'ya ang hawak na baril sabay tingin sa anak nitong nakatayo sa isang tabi. "Madali lang itong pinapagawa ko, pero hindi mo magawa ng maayo—" Tinuhod ko ang maselang parte ng kapatawan ni Tito Hernando sabay agaw ng hawak nitong baril. Mabilis ang pangyayari, pero sa lahat ng narinig ko sa sinabi n'ya ay hindi ko kailangan maging mahina sa harapan ng kaaway ko. Tinutok ko ang hawak na baril sa kan'ya at dahan-dahan na naglalakad patalikod para makaalis na sa lugar na iyon. "Dapat kang mamatay!" galit kong sigaw. "Natalia, please wag mong patayin si Papa!" awat ni James sa akin. Masama ko s'yang tinignan. Kung sinu-sino ang pinagbibintangan ko, pero ang kaibigan ko lang pala ang kaaway ko.

