bc

Swift Repertoire No.1: Didn't Stay Dead (Taglish)

book_age18+
10
FOLLOW
1K
READ
others
bear/werebear
journalists
comedy
bxg
mystery
bold
small town
slow burn
reckless
like
intro-logo
Blurb

Shayana Cortez is a twenty-six-year-old vlogger and influencer. Pinasok niya na yata ang lahat ng raket sa media industry tulad ng gaming, unboxing, mukbang, beach galores at kung anu-ano pa.

At dahil malapit nang mag-Halloween, lumipad ang kanyang one-man team sa isang pribadong isla sa Batanes kung saan naroon ang most luxurious hospice home sa Pilipinas. may napapabalitang may nagpaparamdam umano sa mga bumibisita sa nag-iisang resort dito.

Balita pa ay marami daw ang pumupunta sa isla na hindi na raw muling nasisilayan ng kanilang mga mahal sa buhay.

Ma-unbox kaya ni Shayana ang misteryong nababalot sa isla? Lalo pa't ang nagmamay-ari ng islang ito ay ubod ng gwapo pala na binata.

Ang tanong: unbox or mukbang?

chap-preview
Free preview
#HotCaptainOnBoard
Shayana Cortez is a twenty-five-year-old vlogger. Ang mga gaming, beach get-away, hiking, mukbang, unboxing, food trips at kung anu-ano pa man na aktibidades niya ang laman ng mga vlog niya. Nakahakot na rin siya ng tatlong milyon na subscribers at may marami na rin siyang paid endorsements. Kaya naman kinareer na niya nang husto ang pagba-vlog. Ngayon ay nasa Batanes naman siya para sa isang Halloween special na vlog niya at talaga namang sabik na sabik na siya sa magiging outcome ng gala niya. She’s wearing a white, sleeveless, vest Sara top tucked in her Forever 21, floral print denim shorts. She’s also wearing a pair of beige, Marsala slides of Renegade Folk, her newest endorsement. It is a company based in Marikina, which sells locally-made luxury shoes. Ang suot niyang slides ngayon ay halagang tatlong libo. Medyo nagulantang si Eleth pagbaba niya ng nirentahang kotse sa Basco Seaport sa Batanes. Medyo hilo pa nga siya habang nilalakad ang napakalayong ticket booth dito dahil galing pa siyang eroplano. Pumasok na siya sa loob ng seaport at napamura nang makita ang napakahabang pila. Halos trenta’y minutos din bago siya umabot sa ticket booth. Doon lang niya nalaman na pribado pala ang sasakyan papunta sa Datan Island at hindi binebenta ang ticket nito. Nasanay na kasi siyang ferry lagi ang sinasakyan paapunta sa kung anumang isla. Ika pa ng aleng nasa ticket booth eh hanapin daw niya ‘yong bangkang may pangalan na Fauste dahil ‘yun daw ang maghahatid sa kanya sa isla. Bakit ba kasi hindi ko ni-research ‘to, defuta naman eh! Binuksan niya ang cellphone at binasa ang email sa kanya at nakita niyang provided nga ang boat transfer niya. Nag-book kasi siya para sa isang linggong stay niya sa Fauste Luxury Vacation Homes sa Datan Island. Kaya pala tinanong kung anong oras ng flight niya. Ayan kasi ang hirap sa isang content creator, nagkakabuhol-buhol na yung utak niya. Naloka siya nang mabasang alas nuwebe ang call time para sa transfer niya dahil alas diyes na. Kaya mabilis na hinanap niya sa mga nakadaong ang private ferry. Kinabahan pa siya dahil baka wala doon ang bangka. Pero namilog ang mga mata niya nang makita ang puting yate na may asul na linya sa magkabilang-gilid kung saan nakasulat ang malalaking letra na FAUSTE. Oh my God! This is a yacht! Anong bangka ang sinasabi nun ni Ate? Nakakaloka! Hindi niya na pinalampas ang pagkakataon at binitawan niya ang malaki at kulay rosas niyang maleta, atsaka nilabas ang kanyang iPhone 13 Promax na para bang hindi siya late sa usapan. Kinuhanan niya ng picture ang yate at nag-selfie na rin kasama ang yate nang may biglang nagsalita. “What do you think you’re doing?” masungit na sita sa kanya ng isang matangkad na lalaki. He’s probably six-foot-tall. He has a fair complexion and he’s wearing an army green polo shirt and a pair of khaki shorts. Nakasuot din ito ng shades at baseball cap kaya hindi niya agad ma-judge ang hitsura nito, pero kung sa porma lang naman, five star rating agad ito sa kanya. “Hi!” maarteng pagbati niya rito. Sabi ng ibang bashers niya ay ang arte raw niya magsalita. May iba naman sabi ang konya niya masyado at hindi raw bagay. Well, wala namang pakialaman ‘di ba? “Um, I’m looking for my boat transfer—” Hindi na siya pinatapos nito magsalita. “Do you happen to be Shaya—” “Na Cortez, Yes!” pagputol niya rin dito at itinaas pa niya ang kamay. Nagusot naman ang mukha ng lalaki. “Sorry, na-late ako, traffic kasi eh,” pagsisinungaling pa niya. Dinukot niya ang purse niya sa shorts at kinuha ang ID niya at ibinalandra ito saglit sa pagmumukha ng lalaki. Binasa naman nito ‘yon. Kinabahan pa siya dahil Noelleth ang nakalagay doon sa id niya baka malaman pa nito na vlogger siya. Alam kasi niyang mahigpit sa isla. “Then, we should stop wasting both of our time, and come aboard my boat, quickly, kung ayaw mong abutan ng bagyo,” matabang na pasaring nito. “Pardon?” Nalilito siya sa sinasabi nito. Medyo sabaw pa kasi siya dulot siguro ng jet lag. “Oh, sorry. I haven’t introduced myself yet. I’m Franch Alvin Lim, and I’m the designated captain for your transfer today to Datan Island. We done now?” Kumurap-kurap pa siya habang pina-process ang sinabi nito sa kanya. Ibig sabihin ba nito, siya lang ang pasahero nito? Wait. Ibig sabihin, dalawa lang silang nasa yate, kung sakali? Kinuha nito ang maleta niya at sinundan niya ito. Pag-akyat niya sa yate parang sinasapian siya ng kalandian. Grabe kasi yung vibes dito, parang pang romantic getaway. Behave, Shayana! Lumingon sa kanya si Franch at nagsalita. “I’m taking your luggage to the cabin. Our trip is about three hours, so you better take a rest, if you feel like it.” Ay, ang demanding? Sasamahan mo ba ‘ko mag-rest? “Sure! I want to sleep—” with you. Natigilan siya nang makita ang nakatalikod na babaeng nakaupo sa cockpit. “I’m so sleepy and jet-lagged, so thanks!” Is she his crew or girlfriend? Whatever! Dumeretso na nga lang siya sa cabin at sinubukang matulog matapos lumabas ni Franch. Kaso ay masuka-suka siya habang nakahiga dahil sa alog ng yate kaya minabuti na lang niyang umakyat sa deck at sumilay sa kapitan— este sa karagatan. Hindi alintana kay Shayana ang pagyanig ng sinasakyan niyang yate at nagpatuloy pa rin siya sa pagkuha ng video. Matapos niyang video-han ang katubigan, ang kabuuan ng yate, at kung anu-ano pa, pinindot niya ang video selfie mode at masayang ngumiti at kapagkuwan ay kumaway pa sa cellphone niya. “Hi, Yanians!” maarteng pagbati niya sa mga fans niya. “Who can take a guess kung nasaan tayo ngayon? Dagat yern, kahit parang babagyo? Spoiler alert! We’re gonna unbox the truth behind the mysterious rumors about the newly built luxury vacation homes in a famous island in the north,” bulong niya sa camera. Tumingin siya sa kapitan at kasama nito na busy pa sa pag-uusap. Tumatawa pa nga ang babae. Hindi niya namalayang napa-buntong-hininga siya on cam. “So, kung sino ang unang makakahula kung nasaang isla ako ngayon, ay mananalo ng—” Napatigil siya ng biglang umuga nang malakas ang yate nang hampasin ito ng napakalaking alon. She’s on the promenade deck, the left side deck of the yacht. Mabuti na lang at nakakapit siya agad sa railing. "Ay!" impit na pagtili niya matapos mabitawan ang iPhone niya. Kinabahan siya dahil nahulog ito sa medyo basang sahig ng deck. Agad naman niya ‘tong dinampot. “OMG!” maarteng pagsabi niya, matapos ipahid ang cellphone sa puting beach top niya atsaka nag-aalalang tinignan ito. Mabuti na lang hindi nasira ang cellphone niya kahit nabasa ito nang kaunti. Mabuti na lang hindi ito sa mismong dagat tumalsik. Ni-loan lang kasi niya ito sa Ace Credit sa mall at lagpas isang taon pa niya itong kailangang bayaran. In-off na niya ang video at tinago ito sa bulsa ng maong shorts niya. Mahirap na, baka matuluyan pa ito. At least she caught a huge wave on cam, and her followers will surely love that one. She surveyed the pristine waters of the Pacific Ocean and West Philippine Sea as it continues to intimidate their yacht. Sinamyo niya ang kakaibang hangin-dagat. Nangangamoy bagyo nga. Ayon sa balita ay opisyal nang tapos ang summer. Pag-alis niya sa Maynila ay maayos naman ang panahon pero paglapag niya sa Basco Airport ng Batanes ay makulimlim na kalangitan ang sumalubong sa kanya. At maski ang dagat ay hindi natutuwa sa presensya niya. Kulang na lang kasi ay itaob na nito ang sinasakyan nila. Wala pa siyang natatanaw maliban sa karagatan at nangungulimlim na kalangitan. Ibig sabihin ba no’n malayo pa sila? Isa’t kalahating oras na kasi ang nakalipas simula nang sumakay siya. Hindi naman siya mapirmi sa cabin kaya umakyat siya sa deck para mag-sightseeing at mag-record na din ng video. Nakuhanan na niya kasi ng picture ang lahat ng sulok ng magarang yate. Kaso nga sumama bigla ang timpla ng karagatan. Palalim na nang palalim ang bagsak nila sa tubig at palakas naman nang palakas ang paghampas nito sa sasakyan nila. Kahit kinakabahan ay nagbakasakali siyang lumapit sa kapitan ng yate para itanong sana kung malapit na ba sila. Naglakad siya dahan-dahan papunta sa cockpit habang kapit na kapit sa railing. “Excuse me, Captain Franch?” ngalingngaling pagpukaw niya sa atensiyon ng kapitan at ng katabi nito. Kunot noo namang napatingin sa kanya ang lalaki. It was kind of awkward when he looked at her. Paano kasi, imbes na magsalita eh minabuti pa niyang titigan ang magandang features nito. Ngayong wala na itong shades, hindi niya maiwasang mamangha sa malamlam na mga mata nito. Makapal ang mga labi nito na parang ang sarap kagatin. Sunod naman lumingon sa kanya ang babae at ngumiti ito kapagkuwan at kumaway sa kanya. Akala niya ay isnabera ito. She immediately noticed her resemblance to the handsome man and she sighed in relief. So, no, hindi sila mag-asawa. At ngayon tuloy ay may kakatwang ideya na humihiyaw sa isip niya. Magsasalita na sana siya kaso natuon na ang pansin niya sa napakalaking alon na papalapit sa kanila kaya naman humawak siyang muli nang mahigpit sa railing. “Will you please get back to the cabin?” sigaw ni Franch sa kanya. “No!” matigas na sagot niya. “Paano kung lumubog bigla ang yate, ako ang unang-unang malulunod ‘no! Ay!” “Oh, no!” narinig niyang sigaw ng babae. Mabagsik na hinampas ng alon ang yate at napabitaw siya sa kinakapitan niya at bumagsak siya sa sahig. Mabilis naman siyang kumapit muli sa railing at akmang tatayo na ulit nang mabilis na humampas muli ang kasunod na alon at tuluyan na siyang nawalan ng balanse at gumulong hanggang sa dulo ng yate at kumapit na lang sa kung saan habang tumitili. Hindi na niya napansin ang pagtayo ng lalaki sa upuan nito at mabilis pa sa alas kwatrong tumakbo papunta sa kanya. Unfortunately, the next wave was more powerful and quicker than him. It nudged the boat enough for Eleth, who’s currently holding on to dear life, to fall into the raging waters of Batanes. Of course, she tried to swim. Marunong siyang lumangoy— sa pool na walang alon, kung saan nakakatayo siya. Ang siste ay naunahan siya ng takot at ng susunod na alon. The wave dragged her deeper, at nang tumingin siya sa itaas ay wala na siyang makitang liwanag. Sinubukan niyang lumangoy pataas, pero hindi niya malabanan ang pwersa ng alon kahit anong pagkampay niya sa mga paa at kamay niya. It was draining her energy as she squirmed endlessly, like a worm that came in contact with salt. She gave up. She closed her eyes, afraid of what she might see underwater. Nagpasya siyang ‘wag kalabanin ang tubig, so she stayed still. Goodbye, iPhone 13 Promax. Goodbye, followers. Goodbye, Topi. Goodbye, life. This is Shayana Cortez, signing off.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook