Kabanata 6: NAKARAAN

1000 Words
Pananaw ni Ayesha     "Paanong ako ang pag-asa ninyo? Alam mo bang kahinaan ko ang dugo? Kung ako ang makikipag laban hindi ko kakayanin," natatarantang sabi ko.     "Hindi naman namin kailangang makipaglaban ka dahil ang pamayanang ito ay pinoprotektahan ng mga MMM," sabi nito. Tumingin siya sa mga taong nagdaraan.     "Alam ko, mamaya lang magigising na ako," bulong ko sa sarili ko.     "Hindi."     "Anong hindi?"     "Hindi ka magigising dahil totoo ang lahat. Mangyayari ang Espanyol laban sa Pilipino. At alam kong ang labanang iyon ang babago ng kasaysayan," kumpiyansang sabi ni Lilia.     "At paano ko naman malalaman kung hindi nga ako nananaginip?" Nakangisi kong sabi. Lumapit siya sakin at--     "ARAY!" Napahawak ako sa hita ko kung saan ako kinurot ni Lilia.     "Ngayon naniniwala ka na ba? O baka gusto mo pa sa kabila para pantay?" Nagbabantang ani nito. Fudge! Sadistang bata. Napailing na lamang ako. Muli na siyang naglakad.     "Ngayon, anong gagawin natin?" Tanong ko nang sundan ko 'yong sadistang bata na 'yon.     "Sa ngayon? Kailangan mong malaman ang lahat ng nangyari," sabi nito saakin.     Nakarating kami sa bahay nila. Hindi ko nga alam kung paano pero hindi naman namin dinaanan ang dinaanan namin kanina nang habulin kami ng mga Katipunero. "Paano ko malalaman? Dahil ba ulit sa salamin na 'yan?" Tanong ko sa kaniya.     Hanggang ngayon hawak parin niya ang Salamin. Siguro kung nasa panahon namin 'yan, wala pang isang daan 'yan.     "Siguro?" Pumasok siya sa loob ng bahay nila. "Nay! Nasabi ko na po ang lahat sa kaniya! Simulan na ba natin?" Sigaw ni Lilia nang makapasok siya sa loob ng bahay nila.     Mukhang masama ang kutob ko sa mangyayari ngayon. Sa Pananaw ni Lilia     Alam kong naguguluhan parin si Ate Ayesha sa mga nangyayari. Kailangan naming gawin ito sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit pero ang alam ko lang para sa ikabubuti ng lahat.     Naaalala ko pa noon ang sinabi nI Nanay, 'yung tumatayong Nanay namin na si Lola Clarita.     "Nakita ko sa panaginip ko ang babaeng magtatanggol saatin. Siya ang magliligtas kay Juanita mula sa kamay ni Heneral Santiago."     Hindi ko pa naintindihan noon ang mga sinasabi niya. Hindi ko pa nga alam kung sino ang tinutukoy niya sa mga sinabi niya.     "Ano pong nais ninyong gawin?" Tanong ko kay Nanay. Seryoso siyang nakatingin sa bintana ng bahay.     "Kailangan siyang dalhin dito sa panahon natin," wala sa sariling sabi ni Nanay. Mukhang wala siya sa katinuan kaya mas lalo akong naguluhan.     "Ano pong ibig ninyong sabihin, Nanay?"     "Ang magliligtas saatin ay isang binibini. Hindi lang tayo ang ililigtas niya kundi ang dalawang nagkapalit ng posisyon. Kailangan natin madala ang babaeng iyon dito sa pamamagitan ng salamin," sabi nito.     "Ang ibig niyo pong sabihin. . ."hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Nanay. "Paanong nangyari iyon?"     "Hindi ko alam. Basta ang alam ko, ang tatlong babae, kabilang si Juanita ay magkaka-konekta. Marahil ang isa sa kanila ay Ina o anak. Hindi alam, basta kailangan natin siyang dalhin dito upang maligtas tayo, kung hindi. . ."     "Ano pong mangyayari?"     "Baka paulit-ulit na mamgyayari ito kada mamamatay tayo---ang hindi mailigtas at mamatay."     Noon ding gabi na iyon, sa tulong ng mga kuya ko. Nakuha nila sa Loob ng Bahay ng Heneral ang salamin. Ang sabi ni Nanay saamin, ang salamin na 'yon ang dahilan kaya ang isa ay pumasok at ang isa ay nakalabas.     Hindi ko pa naiinitindihan ang mga bagay-bagay. Pero pinaliwanag din naman ni Nanay saakin na si Juanita ay dinala ng salamin sa hinaharap. At isang babae naman ang napunta dito sa aming panahon.     Nang makuha namin ang salamin, alam namin na nasa panganib na ang buhay namin. Ako ang inatasan ni Nanay na pumunta sa panahon ng babaeng tinutukoy niya na magliligtas saamin.     At doon ko nga nakilala si Ate Ayesha. Dinala ako ng salamin sa kaniya. Sa tulong ng salamin, napakilala ko sa kaniya si Juanita, at ang babaeng mula din sa panahon ni Ate Ayesha, Si Diana.     Alam kong sa panaginip niya iyon nakita. Dahil iyon sa mahika ni Nanay. Si Nanay na lamang ang natitirang Puting mangkukulam. Oo. Si nanay ay isang mangkukulam. Ngunit ginagamit lamang niya iyon sa oras ng kinakailangan.     Ilang araw pa, sinabihan na ako ni Nanay na dalhin na dito si Ate Ayesha. Noong una ay pinagmasdan ni Nanay si Ate Ayesha. Bakas sa mga mata niya ang tuwa dahil alam niyang unti-unting gumagalaw ang nalalapit naming inaasam na Kalayaan.     "A-anong ibig sabihin nito?"napatingin saakin si Ate Ayesha ng palibutan namin siyang lahat. Kabilang na dito si Tatay ang Lolo namin.     "Kailangan mong malaman ang nakaraan," sabi ni Nanay. Seryoso siyang nakatingin kay Ayesha.     "Wala pa ba ako sa nakaraan?" Naguguluhang tanong ni Ate Ayesha.     "Ang nakaraan na tinutukoy namin ay ang Nakaraan ni Juanita," sabi ni Kuya Niko.     "At ang Nakaraan ni Diana," sabi naman ni Kuya Juan.     "'Wag kang mag-alala, mabilis lamang ang mangyayari," sabi ni Kuya Khan.     "Wala kang mararamdaman. Parang sisilip ka lang naman sa mga pangyayari sa nakaraan nila Juanita at Diana e," sabi ni Kuya Hechos na halatang seryoso. Hindi siya nakatingin kay Ate Ayesha.     "Ang tanging mabibilin ko lang, 'wag mong kakausapin ang mga tao sa pupuntahan mo. Hindi pwedeng masira ang nakaraan," sabi ni Nanay.     "Bakit hindi pwedeng masira? Ayaw niyo ba no'n? Atleast hindi na mangyayari ang kaguluhang ito. Hindi na mawawala si Juanita," sabi ni Ate Ayesha. May punto siya pero. . .     "Kapag nangyari 'yon, madaming magbabago. Hindi mo kami maililigtas at mamamatay ka," tugon ni Nanay.     "M-mamatay!?"     "Oo. Kaya kung ako sa iyo, ipikit mo ang iyong mata," ani ni Nanay. Sinunod na lamang siya ni Ate Ayesha kahit na nag-aalinlangan pa ito noong umpisa.     Naghawak kamay kaming lahat na nakapaikot sa kaniya. Nasa gitna namin siya.     "Ibalik sa ayos ang dapat, hanggat hindi pa nahuhuli ang lahat. Taong kasalukuyan, 'wag gawing kamatayan. Taong kamatayan, 'wag gawing kasalukuyan. Kapag nangyari ang hindi dapat, maaaring maisabago ang lahat." Sabi ni Nanay.     Kasabay nito ang mga bulong niya. Humudyat saakin si Nanay. Tinapat ko ang salamin kay Ate Ayesha. "Ipakita kay Ayesha, ang mga nakaraang walang ibang dapat makakita kundi siya," dagdag ni Nanay.     Unti unting nakatulog si Ate Ayesha. Bumagsak siya sa sahig at napahiga.     "Sana maging ayos at klaro ang lahat sa kaniya pagkatapos nito," sabi ni Tatay.     Sana nga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD