KABANATA 7 : TULONG!

1077 Words
Kabanata 7 : Tulong! Ayesha's Point of View Umiikot ang mundo ko. Ang sakit ng ulo ko. Akala ko ba walang mangyayaring masama saakin pero parang dito palang masusuka na ako. Ano bang balak nilang gawin saakin? Hays. Madilim parin pero ramdam ko ang pagikot ng lahat. Hanggang sa unti unting nagkaroon ng kulay at hugis ang lugar kung nasaan ako nakahiga. Teka? Sa pagkakaalala ko ay nakatayo ako kanina? Nasaan na ba ako? Tulad ng kanina, luma ang mga nandito. Mga taong nakasuot ng Camitsino, lumang damit at mga kabayo. Sabay pa dito ang mga kantang kung sa panahon ko patutug-tugin e, creepy na kung tawagin. Tumayo ako mula sa pagkakahiga. Naglakad na ako. Itatanong ko sana sa isang babae kung nasaan ako pero naalala ko ang sinabi saakin ni Lola Clarita kanina. Na 'wag daw akong makipag usap sa mga tao dito dahil. . . Ano ulit? Dahil masisira ko ang nakaraan at mamatay ako? Heck no way. Naglakad-lakad pa ako sa paligid. Masaya ang lahat ng tao. May naapakan akong bato kaya 'di ko maiwasang mapatingin dito. There's something with it kaya kinuha ko ito mula sa lupa. 1869 'Yan ang nakalagay sa bato. "Help! Help me! Please help me! There's a lot of weird guys in there!" Napadako ang atensyon ko sa isang babae. Nakasoot siya ng maiksing maong na shorts, tshirt na pinatungan niya ng Jacket na maong na may sira-sirang style. Humihingi siya ng tulong. Napatingin siya sa dako ko pero sa gulat ko ay para akong kaluluwang nilagpasan niya. As in, dumaan siya sa katawan ko. Tumagos siya sa katawan ko. Mukhang. . .walang nakakakita saakin dito. May kinausap siya sa likod ko. Humihingi siya ng tulong. "Just please help me and my father will pay you," sabi nito sa matanda. Halatang nagulat sa kaniya. "Binibini, hindi ko batid ang iyong mga salita, ngunit base sa iyong lengguwahe, isa ka bang maharlika?" Tanong ng matandang babae sa kaniya. "Maharlika? Ah Yes! I am a Princess! I am Diana Javier. Only daughter of Javier Family!" Tumingin ito sa mga nakapaligid sa kaniya. "What are those look means?" "Iha, humihingi ka ba ng tulong?" Sabi ng isang matandang lalaki. "Yes! There are so many Baduy guys! Mga chakang dinaig pa ang Ghost! Ako dapat ang ni-Lolodi dahil ang ganda ng OOTD ko sa araw na ito," maarteng sabi ng babae. Kung gano'n. Siya sI Diana Javier. Hindi naman makakaila sa mukha niya ang kagandahang taglay niya. Dinaig pa nga niya ako dahil---siguro sa igsi ng maong short na nasusuot niya? Heck I can't do that thing. Para kasing ang laswang tignan. Halata sa mga tao dito na wala silang naintindihan sa sinabi ni Diana. "What? Hindi niyo ba naintindihan ang mga inispluk ko?" Sa mga salita niya, parang bading na pala siya. Spluk? 'Sinabi' ba ang meaning no'n? Umiling lamang ang matanda. "Ano bang ginawa sa iyo? Bakit parang nag-mamadali ka kanina?" Tanong sa kaniya ng matandang babae. Halos lahat ng tao na nakapaligid sa kanila ay nakatingin at nag-aabang sa sasabihin ni Diana. "May mga humahabol saaking mga panget. Nakasoot sila ng. . .ano ulit tawag do'n?" Napahawak sa baba si Diana at nag-isip. Mukhang hindi niya masabi kung anong soot ng taong nakita niya, me neither, buti na lamang at si Lola ay nagsosoot panng gan'to kaya alam ko. "Camitsino?" "Yeah! That one. I don't know who is he, or maybe them. B-but, pl-please help me!" Hinawakan pa ni Diana ang kamay ng matandang babae. Nangungusap ang mga mata nito. "Wag niyong tutulungan ang babaeng iyan! Kung ayaw ninyong patawan ng parusa mula sa Heneral!" Mula sa pinang-galingan ni Diana kanina, isang grupo ng mga katipunero ang lumabas. Kagaya nila 'yong mga humabol saamin ni Lilia noong itinakas namin ang Salamin ng Panahon. Limang Katipunero ang lumabas doon, lahat ng tao nag-si urungan nang dumating sila---maging ang matandang babae. "No! Tulungan niyo ko! Please!" Pag mamakaawa ni Diana. Unti-unting lumapit sa kaniya ang mga Katipunero. Nag-karoon ng mga bulungan sa tabi-tabi. Hindi ko alam kung anong pakikingan ko. Pero isa lang ang punto nila, tinatanong nila kung anong kasalanan ng babae, kung anong kasalanan ni Diana. Halata namang narinig iyon ng mga katipunero. "Ang babaeng ito ay palihim na ginalaw ang Salamin ni Heneral Santiago, nararapat lamang sa kaniya na siya ay paslangin!" Sigaw ng nasa gitna. Malamang ay pinuno nila. Napakunot ang noo ni Diana. "Salamin!? What? I didn't get you deviant!" Sigaw ni Diana. Akmang lalapit na sa kaniya ang katipunero upang dakipin siya ngunit sinipa niya ito sa censored na bahagi ng katawan. "Tsk. Man is always a man, paano ba ako napunta dito," bulong ni Diana sa sarili. Tumingin muna siya sa paligid. Mabilis siyang tumakbo ng makahanap ng isang maliit na eskinita. Hindi kasi naka focus sa kaniya ang apat pang katipunero dahil inalalayan nila ang leader nilang sinipa ang kinabukasan. "Sundan niyo! Habulin niyo!" Sigaw nito habang namimilipit sa sakit na iniinda. Agad na nagtakbuhan ang mga katipunero at sinundan si Diana. "Anong tinitingin-tingin ninyo!? Kilos! Gawin ninyo ang mga trabaho ninyo!" Sigaw ng leader ng mga katipunero bago sumunod ng ika-ika sa mga alagad niya. Hindi ko alam kung bakit nanatili akong nakatayo sa puwestong ito. Kanina pa ako nanunuod dito. Hindi ko nagawang gumalaw. Siguro dahil alam ko naman na kahit ilang tao pa ang dumaan hindi ako matatamaan? Seconds before, tsaka ko lang narealize na wala na ako sa pangyayari kung saan dunating si Diana at ang mga katipunero. Hindi ko alam kung bakit pero, napunta ako sa isang malaking puno, malayo sa mga tao. Pamilyar 'tong puno na 'to saakin pero hindi ko talaga alam kung saan ko nakita. "Help! Tulong!" Napadako ang tingin ko sa pamilyar na boses. May mga nakabangga siyang kalalakihan. "Anong nangyayari sayo binibini?" Tanong ng isang lalaki. Napataas ng kilay si Diana dahil sa lalim ng mga salita nila pero halata sa mukha niyang naintindihan naman niya ang mga ito. "May mga sumusunod saakin! Parang awa niyo na tulungan niyo ako!" Pagmamakaawa ni Diana. Nagka-tinginan ang dalawang lalaki. "Sumama ka samin," sabi nito bago naglakad. Malalaki ang hakbang nila at pumasok sa isa pang eskinita. "Natakasan tayo!" Mula sa pinang-galingan ni Diana, lumabas ang mga katipunero. Malamang, hinahanap siya. "Hanapin niyo sa kanan, ako sa kaliwa!" Nagtanguan sila bago hanapin ang taong hinahanap nila. Kung gayon, si Diana ay napunta sa panahon na 'to? Nakakaloka. Ano ba 'tong nangyayari? Mas malala pa 'to sa hindi nakatulog e. Pero sino 'yung mga lalaking tumulong sa kaniya---wait. Tinulungan nga ba siya? Umiikot muli lahat. Ang sakit sa ulo. Parang feeling ko babagsak ako sa sahig at duduwal. Hindi ko maintindihan 'tong hilong nararamdaman ko. Ang naiintindihan ko lang, kung saan ako napunta. "Petmalu!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD