Eunice Del Pilar
Tumigil ang oras ko ng makita ko syang papalapit saakin. Kasalukuyan akong nasa bus station at di ko akalain na makikita ko sya dito.
"Hi... Eunice" bati ni Miguel at tumabi saakin.
"A-anong ginagawa mo dito?" Nagtataka kong tanong sa kanya.
Papunta akong school at halatang ganun din sya dahil sa backpack na palaging dala nya sa school.
"Huh? Bat parang gulat na gulat ka naman na nandito ako sa bus station?" Nagtaka din sya sa tanong kong iyon.
Napangiti ako ng pilit at tumingin sa kanya " asan na yung kotse mo? Diba ang mayayaman naka kotse pagpupunta ng school? "
"Hay naku... Ganun ba yun?" Diretso lang syang nakatingin sa kung anong tinitignan nya at nilagay ang kamay nya sa bulsa nya. "Nasira yung kotse ko kaya iniwan ko sa shop... Kaya wala akong choice kundi mag commute" pagpapatuloy nya. Sakto namang papaalis na ang bus kaya pumasok na kami.
Umupo ako sa malapit sa bintana, di ako umaasa na tatabi sya sakin. Okay lang din naman kung hindi at okay lang din naman kung oo.
Gaya ng expected ko, sa likod sya umupo kaya inilagay ko ang headset ko sa tenga ko. Ilang saglit pa ay nagulat nalang ako ng bigla syang umupo sa tabi ko at kinuha ang headset na nakalagay sa kaliwa kong tenga at sinuot ito. Tumango lang sya sakin ng mapansin nya ang tingin ko. Di nalang din ako kumibo at hinayaan ko na.
Maagap akong nagising dahil may kukunin pa ako sa Coffee shop na pinagtatrabahohan ko at halos 2 hrs ang byahe kaya naman gusto ko munang umidlip. As in two hours, literal na two hours yung byahe. Kagabi kasi ay sa tita ko ako natulog kaya malayo, wala kasing magbabantay sa pamangkin ko kaya doon muna ako natulog. Ayos lang naman kasi minsan lang din naman ako doon matulog. May apartment kasi ako na 15 mins lang ang byahe mula sa school, malapit lang din naman ito kung lalakarin. Kaya nga minsan makakatipid ako sa pamasahe dahil nilalakad ko nalang ito.
Nakaidlip nga ako at nagising nalang ako dahil sa pagtigil ng bus. Nakasandal na pala ako kay Miguel kaya naman umayos na ako ng upo at nahihiyang tumingin sa kanya.
"Mukhang wala kang tulog" sambit nya. Tumango nalang ako, ganun naman talaga kapag nag aalaga ng bata diba? Halos di makatulog.
"Pasensya na" sabi ko nalang at lalong sumiksik sa gilid. Muling umandar ang bus na sinasakyan namin at masasabi kong malayo pa kami sa destinasyon namin.
Hindi sya kumibo sakin at patuloy lang ang pakikinig namin ng tutog mula sa music ko. Karaniwang pinapatugtog ko dito ay ang mga Underrated Song, mas maganda din naman kasi ito pakinggan para naman may bago.
Mya isang oras pa ay di na rin ako nakatulog at tinignan nalang ang daan hanggang sa makarating kami.
"Thanks..." Sabi nya sabay abot ng kabilang headset na ginamit nya. Ngumiti lang ako saka inayos ang gamit ko.
Kung napapansin nyo na wala ako mood. Yes, wala nga ako sa mood dahil pagod pa ako. And also, kahit na sabihin natin na si Miguel ang katabi ko simula ng umandar ang bus ay talaga namang tahimik ako. Sanay ako ng walang kasama dahil nabuhay ako na ako lang.
"Sandali... Eunice" lalakad na sana ako ngunit pinigilan nya ako kaya napalingon ako sa kanya.
"Alex want to give you this last time but, I think di nya na naiabot kaya binigay nya sakin. That's the official Organization Tshirt na gagamitin natin sa Project" he handed me a black t shirt with a rainbow font color in a plain plastic cover.
"Ah... Oo nga pala. Thank you" ngumiti ako sa kanya.
"Sandali saan ka ba pupunta? Di ka ba sasakay ng Tricycle papuntang School?" Mabilis akong umiling at tinuro ang open na coffee shop sa gilid ng SM city.
"Ah... Dyan ang work mo"
Sumama sya sakin hangang sa pagtawid ng kalsada. Feeling ko ay di pa sya marunong sa kalsada dahil siyempre mayaman yan. Lagi yan nakakotse kaya di marunong mag lakad. Sumama din sya hanggang sa tapat ng coffee shop.
"Wow... Namam Nice. Maagap ka ata ngayon? Anong meron?" Bungad samin ng katrabaho kong baklita na minsan masakit magsalita pero masaya naman kasama. Si Jelo pero jelly ang tawag namin sa kanya.
"Ah kukunin ko lang yung iniwan kong Painting dito kahapon" sabi ko saka pumasok na ako ng tuluyan.
"Ah yun ba? Sige.." sabi nya kaya kinuha ko na ito. "Ohhh... Abah... Nice di mo sinabi na may gwapito ka palang kasama." Ngayon nya lang pala na pansin si Miguel na nasa labas. Nakita ko itong nag wave kay Miguel at sinuklian lang sya nito ng ngiti na nagpakilig sa bakla.
Nagmadali itong pumunta sa kinaroroonan ko at agad na kinalabit ang braso ko.
"Nice... Sino yun? Ang gwapo... Oh my Gosh... Para syang- Ah... Oo! Nakita ko na pala sya... Saan nga ba?"
"Sa Billboard sa tapat ng Club House sa Tulay" nagulat ako ng isang beses syang pumalakpak.
"Oo tama nga!... Alvarez ba yan? Yung anak ng may ari ng Alvarez Wine?" Unti unti akong tumango.
Samantala, sumasakit na ang braso ko dahil sa kilig na nararamdaman nya na saakin binubuntong.
"Jelo... Masakit" napatigil sya dahil doon.
"Eto naman... Eh bakit nga kasama mo sya? Abah bigatin ang nabibingwit mo ah" may pakamalisyang sabi nito.
"Hay naku Jelly... Nakasama ko lang sya sa bus at take note. Kasama ko sya sa sinasabi kong Org. Kaya naman kilala ko sya" paliwanag ko.
"Kilala lang ba talaga?" Di napalitan ang tono nito.
"Hay naku... Aalis na ako kinuha ko lang talaga to eh" paalam ko dito.
Sabay kaming napatingin ni Jelly ng biglang pumasok si Miguel sa loob ng shop. Para talagang nag sslow motion ang lahat sa twing makikita ko sya sa kakaibang pagkakataon.
"Hey... Ako na magdadala" sabi nya sabay hawak sa 1/4 size na cardboard na hawak ko na may painting ng bird view school.
"Ah- hindi, ako na." Hindi na sya nagpilit pa at saka nauna na akong lumakad. Tumingin pa ako kay Jelly na may kakaibang ngiti sa labi. Di ko ito pinansin at nagpatuloy na.
Sa tricycle ay magkahiwalay kami ng upuan. Di kasi kami kasya sa loob kaya sa labas na ako dala ang painting ko.
"Para saan toh?" Tanong nya ng makarating kami. As usual pinagtitinginan kami pero balewala lang sa kanya ito.
"Uhm... Pinagawa sakin ni Dean. Ilalagay nya sa office nya." Sabi ko.
Naghiwalay na rin kami matapos iyon, dadaan pa daw sya sa Org dahil mag attendance sya. Ganun kasi ang mga officers kailangan mat attendance araw araw, mabuti nalang representative lang ako.
"Hey... Eunice..." Pagpasok ko sa room ay may tumawag sakin na Blockmate ko. Si Estrella Marie Valdez. "Uhmm... Pansin ko lagi kayong magkasama ni Miguel..." Tama ang nasa isip ko. Hindi naman ako nito pinapansin kaya anong sadya nila sakin? Eto lang naman pala.
"Uhm... Hindi naman" sabi ko saka nagpatuloy na ako sa pagpasok hanggang sa upuan ko.
"Talaga ba? Well... Kung ganun bakit nakita ko kayo sa coffee shop? Tapos nasa iisang tricycle pa kayo... Eh sa pagkakaalam namin mayaman yun malamang sa malamang may kotse yun" napaiwas nalang ako ng tingin dahil nakikinig na rin pati ang ilan naming kaklase na noon naman ay walang pakealam saakin.
"Uhm... Guys. If you didn't know. Diba? Kinuha akong representative ng CWO? At member din si Alvarez doon. Malamang na magkakasama kami. At doon naman kanina, nasiraan daw sya kaya sumama sakin that's it"
Hindi naman kailangan talaga magpaliwanag sa kanila dahil sino ba sila para makarinig ng paliwanag mula sakin?
"Talaga? Well... Sasabihan lang kita. Joshua Miguel Alvarez is Taken. Kung gusto mong ahasin si Miguel, wala kang mapapala. Dahil mas maganda at mas karapatdapat ang gf nya sakanya ngayon na nasa America. Ni wala ka nga sa yaman noon eh. Kaya kung sayo, iiwasan ko si Miguel dahil baka masira ang relasyon ng dalawa ng dahil sayo. Ayusin mo ang desisyon mo girl" mataray na sambit ni Ella.
Ngunit bigla nalang sila nagulat ng dumating si Miguel sa likod nya.
"What's happening here?" Lahat sila ay napalingon ng marinig ang boses nito. Kanina ko pa alam na nandito si Miguel kaya nanahimik na lang ako.
"Oh.. Migz. A-anong ginagawa mo dito?" Kinakabahan na tanong ni Ella.
"Kailangan kasi si Eunice sa Organization." Napatigil sya at pinagmamasdan ang lahat "gossip is not allowed in Room. And, what's the matter Ella? Kung makita nyo kami na magkasama ni Eunice? She's now a member of our Org. Malamang sa malamang makikita nyo kami na magkasama, lalo pa't she's the one who propose our upcoming project in Organization Month..." Nahihiya naman ako sa sinasabi ni Migz. Pwede naman di nya na sabihin na saakin yung project diba? "Guys... Stop this. Walang katuturan to. Okay?"
Sabi nya saka inaya ako sa labas. Sumonod nalang ako para di na nila ako pagbuntungan ng tingin.
"Are you okay?" Ilang lakad mula sa room ay nagtanong sya.
"Yes... Thank you. Mabuti at ikaw na mismo ang nagpaliwanag sa kanila. Hays.. kakaiba ang fans mo" sabi ko kaya napakunot lang sya ng noo at Kaya napatawa ako sa reaksyon nyang iyon.
Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa office. Laking gulat ko ng may pumutok sa confetti at nahulog ang mga piraso nito sa harap namin kasabay nito ang pagsabi nila ng "CONGRATULATIONS"
Napalaki ang ngiti dahil sa saya na binigay nila. Nakasulat sa white board ang "IT'S APPROVED" kaya di ko maiwasan na mapawow ng mabasa ko ito. Halos lahat ay nandito upang mag-celebrate, mula sa representative, members, officer and Adviser ng Org.
"Congratulations Ms. Del Pilar. Your project is now approved of our Sponsors." Sabi ni Sir Josh kaya naman pumalakpak kaming lahat. "We can now Celebrate!"
Nagsihiyawan naman ang lahat sa sinabing iyon ni Sir Josh.
Masayang masaya ang lahat. Andaming orders na pagkain at maraming estudyante at guro ang nag co-congrats saamin dahil sa success ngayong araw.
Tinignan ko ang bawat isa. Lahat may iba't ibang agenda, kwentuhan at tawanan. In the Middle of the office, I saw him happy and enjoy with Alex. I smile for that moment.