CHAPTER FIVE

2159 Words
Joshua Miguel Alvarez It was a tiring month. Matapos ang one day sleep over namin sa San Vicente ay umuwi na rin kami pagkahapon. Ang local government na doon ang bahala at ilang staff ng company ni papa at ng Emerald design, dahil syempre estudyante lang kami. Sinasabi ko na nga ba na mag iisponsor din ang ED sa project na ito dahil noong nag art project kami ay ganun din ang ginawa nila, same as today. Kalaban na naman ng company ang ED para sa Proponent. Kapag pinili ni Eunice ang Emerald design sigurado ako na bababa ang ratings nila dad kahit na konting pursyento lang ito, malaki iyon para sa company. Pangalan ng company ang laging nakasalalay dito at ang proponent idea. "Miguel... I'm sure kilala mo si Eunice Del Pilar, galing sya sa org nyo. I want you to convince her to choose our company." Dad making sa serious matter in out breakfast. Napatingin ako kay dad at alam kong ganun din si Ate Janice. "Who's Eunice?" Nagtatakang tanong ni Mom. Tulad ng iba, wala ring alam si mommy sa company dahil nasa bahay lang ito. Ni hindi sya pinapahawak ni dad ng papers mula sa company. "It's my co-member mom in our school org. " Sagot ko sa tanong ni mom. Bumaling ulit ako kay Dad. "Dad, di ba halata naman na sa Emerald sya dahil narinig mo naman diba? Anak anakan sya ni Mr. Fernan Dela Fuerte" "Still convince her." Pagmamatigas ni daddy. Nainvite ako sa isang opening party ng hotel sa Vinzons Boulevard. Mayaman at kilala ng daddy ang may ari nito kaya nag sponsor sila ng brandy and wine para sa party na iyon. Kakarating ko lang doon ay maraming ng tao sa labas. Open for all kasi ito kaya naman marami ang nakidalo. Inayos ko ang suit ko at saka lumakad papasok sa loob. "Mr. Alvarez..." Bati sakin ng isang staff ng party at binigyan ako isang drinks at brochure ng hotel. "Ms. Del Pilar..." di pa ako nakakalayo ay nakarinig ko ang pamilyar na apelido kaya napalingon ako. I saw a girl in white fitted dress wearing a light make up and shiny pink lipstick. It was Eunice. I didn't expect her to be here. "Eunice?" Nagulat pa sya ng makita ako. Siguro ay dahil din nya suot ang eye glasses nya, sabagay lagi naman syang magugulatin. Sobrang ganda nya pala kapag walang eye glasses, plus pa yung cute nyang curly hair. "M-Migz?" I saw her use a fake smile to me. Fake smile? Naiilang ba sya? "I didn't expect you to be here..." Nahihiya syang tumango. "Hmm... Actually ngayon lang ako nakapunta sa ganitong opening party." "Ah... So wala kang kasama? Hmm... Gusto mo tayo nalang magkasama tutal wala rin naman ako ditong kilala pinapunta lang ako dito ni Dad dahil marami syang paper works sa company." Napangiti sya sa sinabi ko. "Sigi ba... Tutal pinapunta lang din ako ng tita ko dito kasi sayang daw yung free experience. Staff kasi sya dito and di sya makakapunta dahil may alaga syang bata." Tumango lang ako and as a gentleman, i grab her hands to my arms and sabay na kaming lumakad papasok. "Wow... Sobrang ganda" sabi nya habang tinitingnan ang loob ng venue. Talaga namang maganda at halatang mahal ang ginastos para sa opening na ito. "Joshua..." Suddenly, my Dad's friend Tito Ally called me. "Is that Mony? Your girlfriend? She's quite beautiful and elegant" napatingin ako sa katabi ko. Isang papuri yun sa kaniya ngunit di sya si Monique. "Good evening..."nagshake hands kami. Di ko nalang sinabi na di si Eunice si Monique. Baka ano pang isipin nila at nakakahiya din kay Eunice. "Nice to see you here Joshua. And to you miss" napatingin ako kay Eunice na awkward na ngumiti sa matanda bago ito lumisan sa harap namin. "Bakit di mo sinabi na Di ako yung girlfriend mo?" Nagdalawang isip ako kung sasagutin ko ba iyon o hindi. "Uhm... Hayaan mo na, wala naman nakakakilala dito kung sino si Monique." Napansin ko ang pananahimik nya. Maaring Awkward sa kanya na pagusapan ang wala. "Eunice?" Ilang sandali pa ay may huminto saamin na isang lalake at isang babae. Di ko sila kilala Both. "Ace..." Napansin ko sa boses ni Eunice na nagulat sya sa taong nasa harapan nya. "It was 3 years since the last time i saw you. Tinanggal mo na yung eyeglasses mo pero di ka pa rin swak sa paningin ko" parang kumulo ang dugo ko sa lalakeng tinawag na Ace ni Eunice dahil sa mga sinabi nito. Fyi, kahit ako ay nagandahan kay Eunice dahil sa transformation nya ngayon tapos sya... Nanatiling nakatayo at tahimik si Eunice sa unahan ko. Pinantayan ko ito at hinarap ang lalake. "Excuse me... May problema ka ba?" "Hmm... Ikaw na ba ang bagong boyfriend nito?" Sabay turo nya kay Eunice. Binaba ko iyon gamit ang kamay ko. "Hmm... So nabihag ka rin pala sa kanya... Kawawa ka naman... Isang walang kwentang babae ang nakuha mo..." Tinignan ko lang sya ng masama. Ano bang sinasabi nito? Grabe na ang lumalabas sa bibig nya. Tapos yung babae sa tabi nya parang wala lang sa kanya. "Sandali... Ex ka ba ni Eunice?" Di sya sumagot. "Fyi, si Eunice ang pinakamaganda ngayong gabi at di lang yun, magaling sya sa lahat at eleganteng tignan di tulad ng babaeng katabi mo na konti nalang kita na kaluluwa. Kaya kung sinasabi mo na walang kwentang babae si Eunice, dude you make a big mistakes." Na inis naman ang babae sa tabi nito. "Excuse me? Sino ka ba? Wala kang pake sa pananamit ko ha" medyo mataas na sabi ng babae. Agad naman nakatawag pansin ito sa ilan na naririto. Napangiti ako bago magsalita "I'm Joshua Miguel Alvarez, the son of the owner of Alvarez Wine company. Is there something wrong?" Napansin ko ang pagkagulat ng babae at pagtataka ni Ace sa harapan namin. "And this girl, na ininsulto ng boyfriend mo ay kasama ko. May tanong kapa ba miss?" Hindi pa ata pumoproseso ang sinabi ko sa babae kaya di pa ito nakakasagot. Bigla naman umalis sa tabi ko si Eunice kaya sinundan ko sya ng tingin. Susundan ko na sana ito ngunit nagiwan pa ako ng salita kay Ace. "Next time na iinsultuhin mo si Eunice. Makikita mo na ang hinahanap mo" sabi ko bago ko nilisan ang harapan nila. For me, ayoko ng minamaliit ang mga kasama ko lalo na kapag babae. I know na mahihina ang mga babae, nakikita ko yan kay Mom and Ate Janice, kaya higit sa lahat ayoko na sinasaktan ang mga babae. I found her on side table near at tge fountain. I saw her get a drink on the waiters plate and drink it. "Eunice... Tama na yan " naglalasing ba sya? Kinuha ko ang baso nya at mabuti binigay nya ito. I saw her tears down on her face. Umiiyak pala ito. "You want to talk about something... Na... iniyak mo?" I didn't expect na titingin sya sakin at ngingiti, kahit na may luha sa mga mata nya. Napangiti na rin ako. "You know what... I think tama nga sya. Wala akong kwenta." Kumunot ang noo ko doon "okay... Thank you for defending me kanina. Di ko lang inasahan na yung ex boyfriend ko ay makikita ko dito. And like how we broke up. He insult me, at dala nya pa yung girlfriend nya." Di ko alam kung pano sya nakakangiti ng ganito habang pakiramdam ko ay nasasaktan sya. "Wala kang kwenta? Bakit nya nasabi yun?" "Ganito kasi yun... We are 1 year in a relationship at sa buong relasyon namin, ginagago nya lang ako. Pinapaikot at pineperahan. Kasi alam nyang may subsidy ako galing sa gobyerno buwan buwan at nang marealize ko iyon na ganun lang yung gusto nya sakin, tinigil ko yung pagbibigay ko sakanya ng pera para sa mga gusto nya. Tapos sasabihan nya ako na wala raw akong kwenta... At ipapamukha sakin na wala syang gusto sakin kundi yung pera ko... Ang sakit nun, isang taon nya na pala akong ginagago at wala akong kaalam alam dun..." Doon na sya pumungko sa table at umiyak. Mabuti nalang kami lang dito sa side na ito dahil halos lahat nasa hall para makipag party. Lumipat ako sa kabilang chaif malapit sa kanya at tinapik-tapik ang balikat nya, to comfort her. Di ko alam kung pano mag comfort ng babae eh. "Tara..." Aya ko sa kanya. Tinaas nya ang ulo nya mula sa pagkakapungko at nakita kong basang basa ang mukha nya. I lend a tissue from the table at agad nya naman itong pinunas sa mukha nya. "S-saan tayo pupunta?" Nakita kong magulo ang buhok nya kaya agad ko itong inayos at inilagay sa likod ng tenga nya. Kahit na kulot yung buhok nya, smooth pa rin. "Tara... Mag sasaya tayo... Di pwedeng iiyak ka lang dyan." Hinila ko sya sa may elevator at pinindot ang top. Sa brochure nakita ko ang Casino at Billiards at doon kami pupunta. "Saan toh? May ano sa top?" "Secret..." Nakarating kami doon at gaya ng inaasahan madami rin ang tao doon. Nakita ko rin ang hinahanap ko. Sila Ace, kung di kayang mag revenge ni Eunice kay Ace. Ako ang gagawa para sa kanya. "Ayoko... Nandito si Ace" napansin nya rin pala ito sa may billiards. "Eunice... Look at me" hinanap ko ang mga mata nya na sa iba nakatingin, na patigil pa ako ng makita ito ng diretso, may kulay ba ang mata nya or? Dahil lang sa ilaw dito sa room. "Gaganti tayo... Pangako yan" di na sya nakapagsalita ng hawakan ko ang kamay nya at inilagay ito sa mga braso ko, Sabay kindat at smirk. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ni Eunice, pero hinayaan ko lang ito. "You want a bet?" Hamon ko kay Ace matapos nitong papasukin ang isang bola na may numero 8. "Hmm... Gusto mo bang mapahiya sa harapan ko?" Maangas nyang sabi na mas lalong nagbigay sakin ng interes. "Migz... Marunong ka bang lumaro nyan?" Parang nag aalalang tanong sakin ni Eunice. "Hindi" sabi ko. Nakita ko ang pagtataka na mukha ni Eunice kaya nginitian ko lang sya. "Ang yabang mo humamon tapos di ko pala alam kung paano to laruin?" Natatawang sambit ni Ace sa tabi. "Feeling ko madali lang naman sya. Tatansyahin lang naman yung distance ng bola sa whole tapos siguro techniques na yung iba." "Hmmm... Tignan natin kung saan aabot ang pagtatansya mo" mayabang na sambit nya sabay tasa ng bolo na hawak nya. Nagsimula ang game ay nanalo sya. Kung sino ang makakuha ng 3 points ay tiyak na magbibigay ng 10k tapos may isa pang condition. Kung ako ang mananalo dito, sisiguraduhin kong hihingi sya ng tawad at luluhod sa harap ni Eunice. "Go... Migz" rinig kong cheer sakin ni Eunice ng titirahin ko na ang isang bola na alanganin ang pwesto. Nang itira ko ito ay bumangga pa sa mga kanto at agad namang tumama sa bola at pumasok ito. Napatakbo sakin si Eunice na agad ko namang sinalubong at masaya syang yumakap sakin. Hindi ko alam pero masaya rin ako ng sandali na iyon. Ngunit... Sa huli ay natalo kami. Natural lang siguro ito dahil bagohan lang ako maglaro pero nakakadismaya na hindi namin na kuha ang huling bola. "Pano ba yan... Talo ang isang Alvarez." Pagmamayabang ng dalawa. "Walang kahirap hirap ang 10k sayo..." Dagdag pa nito. Nilabas ko ang tseke na dala ko mula sa coat ko at pinermahan at nilagyan ng 10k gaya ng usapan namin. Inamoy at pinaypay sa hangin. Kita dito na tuwang tuwa sya. Di naman makawalay sakin si Eunice dahil sa pagkatalo namin. "At dahil sa usapan... May kondisyon pa kami" "Anong kondisyon?" "Hm... Abot nyo nga yung papel doon" utos nya sa mga kasamahan nya. "Madali lang naman... Permahan nyo ito, Isang marriage certificate" nagulat pa ako sa sinabi nya. Marriage certificate? Saan nya naman nakuha iyon? Hmmm... I'm sure na di naman iyon totoo. Walang makakakuha ng ganun ng basta basta lang. "Okay..." Sambit ko. "Sandali Migz... Ano bang sinasabi mo." Mabilis kong inilapit sa tenga nya ang mukha ko. "Di yan totoo..." "Ayaw nyo ba?? Sigi... Maghubad nalang kayong dalawa." "Hah?" Biglang bulalas ni Eunice. Napatingin sya sakin at ganun din sa certificate na hawak ni Ace. "Sige..." Matapos noon ay pumirma nga kami at inilagay ang ilang info. "Hmmm... Ganyan ang mga nangyayari sa mga humahamon kay Ace at natatalo... Congrats.. kasal na kayo" sinamaan lang ng tingin ni Eunice ang babaeng kasama ni Ace, saka umalis narin ang mga ito matapos noon. Naiwan kami doon ni Eunice at kumuha kami ng tig isang drinks mula sa waiter na dumating. Ilang minutong katahimikan samin dalawa, ng magkatinginan kami ay saka kami napahalakhak dalawa. Para kaming sira ulo ng gabing iyon. I feel like, I'm very happy to be with this person. I'm glad that i felt this happiness again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD