Eunice Del Pilar
Kanina di ko inasahan na isasabay ako ni Migz at ng ate nya papunta ng school. Laking pasalamat ko dahil di ako ganun ka late. Dumaan muna ako sa room upang iwan ang ilang paper works na ginawa ko saka agad na pumunta sa office ng Org para maghanda na rin upang pumunta sa San Vicente, isang bayan kung saan napili ng sponsors na doon ito gawin.
"Ready na ba?" Tanong ni Alex. Kakatapos lang ng lahat na iimpake ang mga kakailanganin para sa project. Dito kasi iniwan ng sponsors upang ma-check namin kung anong kulang, pasalamat kami dahil okay naman ang lahat.
"Okay! CWO? Let's Go!" Sigaw ni Alex saka binuhat namin lahat ng dalahin. Napunta sakin ang give aways na tshirt para sa mga kasapi ng programa. Lagpas isang daan ang nakilahok na may 5-19 years old na kabataan para sa Art Collection.
"Okay ka ba dyan?" Bumabagal ang lakad ko ng makasabay ko si Atasha na may dalang plastics na snack para sa mga bata. Ngumiti at tumango ako sa kanya.
"We are so happy to have you. Wala tayong Art Collection Program ngayon if wala ka. Sobrang nakaka-excite na makita ang lahat ng makikilahok. And finally, mamemeet mo na rin ang number one sponsors ng ating program." Na-excite naman ako sa sinabi ni Ate Atasha. Totoo nga iyon, dahil ako ang baguhan, di ko pa kilala ang nag ssponsors sa CWO, at isa pa. Sabi nila sobrang yaman daw nun at masungit tignan pero deep in side may malambot na puso.
Katabi ko si Ate Atasha na umupo sa bus at buing byahe kaming nagkwentuhan. May 25 mins, na byahe papunta doon kaya mabilis lang, tapos isang oras na paghahanda para sa ipaliwanag ang gagawin sa programa na ito. Di man ito ang first time pero ngayon nalang na ulit na magtutulog ako na parang camping. Tama, mag iisang araw kaming overnight doon, na inokopa na ng local government doon sa aamin ang matutuluyan naming bahay upang ituloy ang pagsasagawa ng programa para sa mga bata.
"Nandito na tayo!" Sigaw ni Ate Atasha. "Listen! We are all 16. Kung maaari lang, focus on the project, lahat makipag cooperate. And also, we need to check the attendance time to time. I will ask the secretary to do that. And remember to do your other stuffs, like observing about the program, we need it para sa ratings. And also, please check everyone lahat tayo busy but keep in touch baka may mawala saatin, kasi students pa rin naman tayo and para iwas na rin sasakit ng ulo. So now! We can move on!" Sabi nya saka nauna ng lumabas. Napaka seryoso nya talaga minsan, talagang ginagawa nya yung responsibility nya at yung role nya as a officer.
Bumaba na rin kami dala ang gamit namin kanina, sobrang laki ng agro sports complex nila. Parang ito na yung pinakamalaki sa lahat.
"Eunice..." Napalingon ako sa tumawag sakin. Si Alex pala, ang President ng org.
"Sobrang busy ko di kita na congratsss..." Tumango at ngumiti ako sa kanya. We are not that close kaya di ko alam kung ano irereak ko sa kanya.
"Btw. We have two sponsors this month, and may kailangan pa akong idiscuss sayo, since bago ka palang and ikaw ang nag propose nitong project." Seryosong sabi niya. Sakto noon ay kakarating lang namin sa loob ng plaza.
Malinis at sobrang laki, makintab ang floor at madami na ring nakalatag na upuan para sa mga contents, siguro ay tumulong na rin ang municipality nila.
"Come here..." Sabi niya muli saka ko sya sinundan hanggang sa bench kung saan malayo kami sa lahat ng gumagawa sa venue.
"Importante ba yan? Madami kasing ayusin doon" tanong ko at maraan syang tumango.
"Well... It's about the sponsors of this project. Dalawa kasi ang nag-sponsor kaya batid kong mahihirapan kang pumili ng papasukan mo." Naguluhan ako sa sinabi nya at mukhang nakita nya iyon saakin. "Well... Ang rules kasi sa mga sponsors ng ganitong project ay palaging may kapalit sa proponent isang trabaho kung saan bilang isang proponent ay magiisip ka ng isang project na pwede sa company ng nasabing sponsor ngunit ngayon ay dalawa ito, which is you will decide kung saan ka gagawa ng proposal."
"Di ba pwedeng pareho?" Wala sa sarili kong tanong.
"Uhm... Di pwede. Hindi mo kakayanin maghandle ng two project in one time, Hustle yun at alam kong may pasok kapa." Napatango naman ako. "And I'm very sure na mahihirapan ka ngayon pumili ng company, sana lang piliin mo yung alam mong kaya mong gawan ng proposal, dahil kung hindi. Di na mauulit na mag-sponsor ang company na iyon sa mga susunod natin na projects" kinakabahan naman ako. Sa lahat ng projects, napaka importante ng sponsors. Kung walang mag susuporta sa isang Org. Mawawalan ng saysay ang isang organisasyon at lahat ng project na naka-pending nila ay paniguradong mababasura.
"Pwede... Ko bang malaman ang company ng sponsors natin?"
"Uhm... Emerald Design and... Alvarez Wine..." Para akong nabingi sa sinabi nya. Ang Alvarez wine ang isa sa pinakamalaking company ng alak dito sa bansa while ang Emerald design naman ang isa rin sa pinakamalaking design influencer sa bansa, Talagang isang malaking kawalan sa org kung di ko magawa ang project na papasok sa standards nila.
"Let's welcome our Sponsors!" Di namin namalayan ni Kuya Alex na nagsisimula na pala kanina pa ang program at dahan dahan namin na kita ang dalawang sponsors na lumakad sa harap ng madla upang magpakilala. Sa aura ng dalawang personalidad, alam mong may kaya sila at tinitingala.
"Sandali... Tito Fern?" Bigla akong nanlamig sa nakikita kong tao sa harapan namin ngayon. Di ako pwedeng magkamali. Si tito Fern nga yun, ang ama ng kinikilala kong bestfriend simula noong bata palang, si Bobby Dela Fuerte.
"Kilala mo sya ang may aki ng Emerald design?" Napalunok nalang ako sa kanya. Bago pa namatay si Mama ang huling kita ko sa kaniya. Di ako nagkakamali, si Tito Fern nga iyon.
"Thank you! Mr. Dela Fuerte and Mr. Alvarez for sponsoring this project... So matanong ko lang po ah... Is there a specific reason why you choose this project ?"
Naging interesado ako sa magiging sagot ni Tito Fern. Mabait at palatawa ang alam kong personality ni Tito Fern at ngayon ay ibang iba ang aura nya talaga namang masasabi mong mataas at di na sya pwedeng hawakan ng mga tulad ko. Para na rin syang artista, sandali... Asan na kaya si Bobby? Alam kong pumunta sila sa Canada noon, nasa Canada pa rin kaya sya ngayon?
"Uhm... No other reason, my son is part of this project and this is how i support him." Napatingin ako kay Miguel ng sabihin iyon ng papa nya. Napakaswerte nya, ako kasi di ko nakilala ang papa ko, as in baby pa lang ako wala na sya. Namatay sya sa gyera noon.
"For me, i don't have son or daughter that is part of this project, I'm just want to help everyone here because it's an art and you know guys that I'm an artist and as a part of my profession, i choose this. And also, I want to help my... Sons' Bestfriend, Eunice. At First, I'm not sure if she's the person i know but now, looking at her, i know that she's the long time beautiful girl i saw 8 years ago." Para akong maiiyak ng malaman ko na isa ako sa dahilan nya kung bakit nya tinulungan ang project na ito, para ko na talaga syang tatay noon, dahil bestfriend din naman sya ng mama ko kaya malapit kami sa isa't isa.
"Eunice is like a daughter to me, after her father died in the war of military versus the new people's army before. As her mom's bestfriend, my family help them. But suddenly, we went to Canada, and that's the reason why we didn't see each other long time then, last year we're just shock when we heard the news that her mom died in a lung cancer, 2 years ago. That's why, we're here back to the Philippines, to help her in her mean time. Eunice, anak. We're sorry for being late." Di ko namalayan na umiiyak na pala ako sa tabi ni President dahil sa sinabi ni tito Fern. Ang sakit isipin ulit na patay na bith parents ko at ang saya isipin na nandito na ulit sila tito Fern sa Pilipinas sa loob ng mahabang panahon na di ko sila nakita. Halos pangalawang pamilya ko na rin kasi sila.
"Eunice... Are you okay?" Niyakap ako ni ate Atasha. "I'm sorry to hear that... Sana maging matatag ka ngayong wala na pala both parents mo. I'm rooting to Mr. Dela Fuerte to be your shoulder this time."
After that, iniwan ko na ang personal kong emotion, para sa project. Nag start na kaming mag demo at magbigay ng instructions. Mga batang maliit ang pinili ko as well at Marikris, dalawa kaming handle sa mga batang may edad 5-8. Madali lang naman sila turuan at alalayan dahil mga bata pa. Nakakatuwa nga eh na makita silang desidido na gumawa ng arts.
"Nice?" Napalingon ako sa tumawag sakin. It was Tito Fern, wearing his beautiful smile.
"Tito..." Di ko napigilan na di sya yakapin ng sandaling iyon. I felt his hugs and indeed, i miss this kind of feeling, a feeling of family.
Pumunta muna kami sa isang coffee shop ni tito upang magusap noong lunch break. He ordered me a food i want, it's just a beef steak.
"Nice... Di pa rin ako makapaniwala na wala ang mama mo. She's my bestfriend, and i feel like nagkulang ako sa kanya bilang kaibigan nya."
"Tito... Okay na po iyon. Matagal na pong wala si Mama. Halos isang taon din syang naghirap sa sakit nya, mabuti na rin po iyon ng di na sya mahirapan pa."
"I mean... Diba? If nandito sana kami baka nakatulong pa kami sa pagpapagamot nya."
"Siguro nga po... Pero wala na po tayong magagawa. Wala na si mama" pakiramdam ko ay tutulo na naman ang luha ko pero pilit ko itong pinigilan.
"Nice... Okay ka lang ba?" Napatingin ako kay tito sabay tango. "May kailangan ka ba?" Umiling ako.
"May trabaho po ako sa coffe shop... And masaya po ako dun, May ipon rin po ako at si tita Maylene po ang nag aalaga sakin, pero college na po kasi ako. Kaya nag aapartment na po ako para malapit lang sa trabaho at sa school" mariin syang tumango at napa kagat ng labi. Alam ko gusto niya akong tulungan, pero hangga't kaya ko mabuhay mag isa dito gagawin, paraan na rin ito para mag matured.
"Sigi... Mabuti naman at maayos ang kalagayan mo. If you need me, or kung ano mang kailangan mo, problema sa financial or personal na problema mo... Nandito ako at ang tita Bell mo para tulungan ka. You know, you're not just Bobby's bestfriend, you're also like my real daughter. Kaya wag kang mahihiya okay?" Napangiti ako ng malaki sa sinabi nya.
"Thank you po tito... Masaya po ako na nakabalik na kayo"
Matapos ang serious talks namin na iyon ay napunta naman kami sa kumustahan sa ibang bagay. Parang friends talks ba tapos masaya kaming nag kwentuhan tulad ng dati kasama si Bobby. Nasabi nya rin na tatapusin lang ni Bobby ang school year sa Canada ay babalik na rin ito sa pinas para ipagpatuloy dito ang kursong nursing na kinukuha nito.
Nawala man si mama, dumating naman ang isa ko pang pamilya.