Chapter 2

1098 Words
"Ayoko pong umuwi ng Pilipinas." kalmado pero diretso kong sabi, habang nakasandal sa upuan, naka arms crossed. "Maiiwan ako rito sa Amerika. Hindi niyo ba nakikita? Mas maayos ang takbo ng kompanya dito. Mas productive ako rito. At higit sa lahat — walang nagpipilit sa’kin magpakasal sa babaeng hindi ko kilala." Diretsong tingin kay Mama. Hindi ako nagbibiro. "Dark Nathaniel," malalim at matatag ang boses ni Mama habang isinasara ang isa sa lima na maleta. "Handa na ang lahat. Wala nang atrasan ito. Uuwi tayo ng Pilipinas at magaganap ang kasunduan ng dalawang pamilya." "Fiancé? Mama, I'm 28, not 48. Hindi pa ako desperado." sagot ko, medyo sarcastic ang tono. "At saka, hindi ko nga kilala ‘yung babae. Gusto ko ‘yung ako ang pipili, hindi ‘yung parang ipinasa sa’kin ‘tong sitwasyon na ‘to na parang folder ng failed project." "Hindi ito usapang bata, Nathaniel," matigas na wika ni Mama. "Ang pangalan ng pamilya natin ang nakataya. Hindi ka bata para umiwas sa responsibilidad." Responsibilidad agad? wala pa ngang something eeh. saad ko sa aking isip sabay huminga ako ng malalim. Ayaw ko talagang sabayan ang init ng ulo niya — siya ‘yung tipo ng nanay na tahimik pero kung tumingin, parang may laser. Pero kung pipilitin nila ako... may idea ako. "Okay. Since pinipilit niyo akong magpakasal... may kondisyon ako." Tumaas ang kilay ni Mama. Wala siyang sinabi, pero halatang na-curious. "Sabihin niyo muna sa akin, totoo bang ikakasal ako pag-uwi natin ng Pilipinas?" Tinitigan ko siya. Hindi ako bumenta sa “palusot-ligtas” expression niya. "Oo na, sige na," sabi niya, pero halata — she’s bluffing. Kita sa mata. "So totoo nga..." bulong ko. Inangat niya ang tingin. "Ikakansela ko ang wedding proposal sa Pamilya Guerrero, pero may kondisyon."saad niya sa akin. Umayos ako ng upo,sabay tanong. "Ano ‘yon?" "Humanap ka ng babaeng mapapangasawa mo… sa loob ng dalawang linggo." Diretsong tono. Walang halong drama. "Two weeks?!" Natawa ako sa ilong. "Ma, akala ko ba hindi ito laruan? Ngayon parang 'Find the Bride: Limited Time Offer' na?" "Kapag hindi ka nakahanap ng mapapangasawa sa takdang araw, kami ng Papa mo ang magdedesisyon. Itutuloy ang proposal. Period." Tumango ako, mabigat sa loob. Pero lalaban ako. Sa sarili kong paraan. "Fine. Game tayo diyan." Pero sa isip-isip ko, "Two weeks? Kailangan ko ng plano… at posibleng kabaliwan." “Deal is a deal,” seryoso at mariing sabi sa akin ni Mama habang nakatitig sa aking mga mata. Wala nang puwang ang pagtutol. Tahimik akong tumango. Ayoko mang umalis, alam kong wala na akong magagawa. “Lumabas na po kayo... mag-iimpake na ako,” mahinang sambit ko, pilit na tinatago ang bigat ng nararamdaman. “Anong oras po ba ang flight natin?” “Immediately,” sagot niya nang walang alinlangan, puno ng determinasyon ang boses. “Pagkatapos mo diyan, aalis na tayo. Walang atrasan.” Makalipas ang ilang oras, ganap na kaming nasa himpapawid. Tahimik ang loob ng eroplano. Marahang umuusad ang oras habang tanaw ko mula sa salamin ang mga ulap na waring isang puting karagatan na walang hanggan. Sa mga ganitong sandali, mas nagiging malaya ang isipan kong maglakbay—sa mga tanong, alaala, at sa isang damdaming hindi ko inaasahang mararamdaman muli. "Saan ko siya hahanapin?" mahina kong tanong sa sarili, halos isang buntong-hininga. "Paano ako magsisimula sa isang paghahanap na wala man lang kongkreto o malinaw na direksyon?" Muli akong napatingin sa labas habang iniisip ang - "Dalawang linggo lang… kaya ko kayang hanapin ang babaeng magpapatibok sa aking puso?! saad ko sabay Tahimik ako. Ilang sandali pa, narinig ko ang anunsyo mula sa isa sa mga flight attendant. “Ladies and gentlemen, we will be landing shortly. Kindly fasten your seatbelts.” Tumango ako nang bahagya, kahit na ang isipan ko’y wala sa kasalukuyan. Ang pisikal kong katawan ay pauwi na, ngunit ang puso ko'y magsisimula pa lang sa isang paglalakbay—isang paghahanap sa isang taong hindi ko kilala. "Makalipas ang ilang minuto, nasa bungad na kami ng paliparan. Nandoon na ang susundo sa amin—isang pribadong sasakyan mula pa sa Vellamonte Village, ang lugar na pagmamay-ari ng aking mga magulang. Bata pa ako noong huli kong nasilayan ang tahanan namin doon. At ngayon, matapos ang napakaraming taon, muli akong babalik—hindi bilang isang musmos na walang muwang, kundi bilang isang taong may dala-dalang kasunduan , isang kasunduan na hindi ko dapat baliwalain. Habang nasa biyahe kami, hindi ko maiwasang mapatitig sa bintana ng sasakyan. Kitang-kita ko ang mga naglalakihang gusali at matatayog na mga building na halos lumamon na sa buong paligid. Napakarami na palang nagbago. Ang dating lugar na punong-puno ng luntiang tanawin at preskong hangin ay unti-unti nang nawala, napalitan ng sementadong kabihasnan. Wala na ang mga punong nagbibigay-lilim, ang mga bukirin at kabundukang dati kong minamasdan habang binabaybay ang daan patungong Vellamonte. Sa halip, mga konkretong istruktura at billboard na ang bumungad sa akin. Napabuntong-hininga ako. Sa kabila ng pag-unlad, tila may bahagi sa akin ang nawawala—ang simpleng katahimikan ng nakaraan na ngayon ay hindi ko na muling matatanaw. Hindi ko na namalayang narating na pala namin ang bungad ng aming tahanan—ang Vellamonte Village. Tahimik akong napatingin sa labas. Sa bawat pulgada ng lugar na ito, dama ko ang alaala ng aking kabataan. Ngunit ngayon, tila isang banyagang mundo na ito sa akin. Habang bumabagal ang takbo ng aming sasakyan, napansin ko ang mga residente sa paligid. Halata sa mga tingin nila ang pagkamangha. Ngayon lang marahil sila nakakita ng ganoong klase ng sasakyan—makintab, mamahalin, at may presensiyang hindi maikakaila. Ngunit sa kalagitnaan ng maayos na pagpasok, bigla na lamang may dalawang babae ang humarang sa dadaanan ng sasakyan. Wala silang kamalay-malay na may paparadang sasakyan. Abala sila sa tawanan at kwentuhan, wari'y sabik sa bagong pag-asang dala ng araw na iyon. Sila ay sina Lyka at Roxane, magkaibigan na parehong patungo sa Vellamonte upang mag-apply bilang katulong. Nang biglang bumusina ang sasakyan, napatigil ang dalawa at napatda. Napalingon sila, at sa isang iglap, nanlaki ang kanilang mga mata—hindi lang dahil sa sasakyan, kundi dahil sa mga taong sakay nito. Sa loob ng sasakyan, hindi naman naiwasang mapako ang tingin ni Dark Nathaniel sa isa sa mga babae. "Wow…" mahinang sambit niya, halos pabulong ngunit puno ng paghanga. "Napakaganda niya. Pilipinang-Pilipina." Hindi niya maipaliwanag kung bakit tila nahinto ang oras sa kanyang paningin. Sa dami ng babaeng nakasalamuha niya sa Amerika, ngayon lang siya napatitig ng ganoon. May kung anong kakaiba sa babae—payak ngunit kaakit-akit, inosente ngunit malakas ang dating.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD