Chapter 3

1016 Words
"Stop." Mabilis ngunit malamig ang utos ni Dark sa kanyang driver. Hindi siya kailanman sumisigaw, pero sapat ang bigat ng kanyang tinig para huminto ang mundo. Tahimik na tumigil ang sasakyan, kahit pa ilang ulit na itong bumusina sa dalawang babaeng tila wala sa wisyo sa gitna ng kalsada, kalsada kung saan patungong Vellamonte. "Susme! Roxane, lagot na tayo! Baka ang pamilya Vellamonte na ang may-ari ng sasakyang ‘yan o ang anak ng Vellamonte na galing sa America!" bulong ni Lyka, halos hindi na makahinga sa kaba habang hawak-hawak ang braso ng kaibigan. Sa kabila ng lahat, walang bahid ng takot sa mukha ni Roxane. "Relax ka lang, Lyka. Hindi naman tayo kriminal. Naglalakad lang tayo... sa maling lugar. At maling oras. At maling direksyon. Pero ‘di ibig sabihin kakasuhan tayo agad, ‘no?" aniya habang kinakalma ang sarili sa pamamagitan ng pag-aayos ng kanyang gulo-gulong buhok gawa ng biglaang pagkasubsob nito sa kalsada kanina habang naghaharutan sila patungong Vellamonte Palace. "Ha?! Relax daw? Girl, ang tingin niya sa atin parang... parang traffic violation in human form!" pabulong na sigaw ni Lyka, habang pasimpleng tumatalon palayo sa gitna ng kalsada. Bumukas ang pinto ng sasakyan. Mula rito ay bumaba ang isang lalaking matikas, naka-itim na suit, malinis ang hiwa ng buhok, at mukhang may permanenteng kasamang classical music sa likod ng utak. Tiningnan nito ang dalawa, seryoso ang mukha. "Ladies..." aniya, walang kaemosyon-emosyong mukha, pero may pigil na pagkairita sa tono, "You are blocking the road. I advise you to move to the sidewalk... unless you'd prefer to be escorted by traffic enforcers." "Ay. Escorted talaga? Sosyal!" bulong ni Roxane, saka ngumiti sa lalaki, tantiya niya ay bodyguard lang ito ng kung sino mang taong nasa loob ng magarbong sasakyan. "Noted po, Sir." sagot naman ni Roxane. Binigyan pa niya ito ng bahagyang bow, parang nasa Korean drama. Napangiti si Dark habang mula sa loob ng sasakyan ay tahimik niyang pinagmamasdan ang kapilyahan ni Roxane sa kanyang bodyguard. Ngunit sa likod ng malamig niyang anyo, may bahagyang aliw na sumilay sa kanyang mga mata. May kung anong nakakatuwang bagay sa kaswal na kumpiyansa ng dalaga—na para bang walang takot, walang alinlangan, at tila ba sanay makipagbiruan kahit kanino, kahit pa siguro sa kanya. Tahimik lang si Dark sa kanyang sasakyan, patuloy na pinagmamasdan ang dalagang nagbigay sa kanya ng atensiyon. Hindi siya nagsalita, ngunit sa loob ng kanyang isipan, malinaw ang isang bagay: Hindi ordinaryo ang babaeng ito at tila may nabubuong pagtingin sa kanyang puso. "Siya na kaya? Siya na kaya ang babaeng matagal ko nang hinahanap… ang babaeng itinadhana para tumupad sa kasunduan namin ng Mama ko?!" Natigil ang pag-iisip ni Dark nang biglang lumabas ang kanyang Mama mula sa sasakyang nasa likuran niya. Nakalimutan na niyang kasama pala niya ang kanyang mga magulang at nasa hulihan sila ng kanyang sasakyan. Dahil sa labis na nasiyahan si Dark sa eksenang nagaganap sa babaeng kausap ng kanyang bodyguard, hindi na niya namalayang nasa harapan na ng sasakyan niya ang kanyang Mama kasama na ang bodyguard at ang babaeng nagustuhan niya bigla. “Miss... hindi mo ba kami kilala para harangan mo ang daanang ito?!” galit na wika ni Mrs. Vellamonte kay Roxane. "Sino po ba kayo? Pasensiya na po, ngayon ko lang po kasi kayo nakita sa Highway ng Vellamonte Village," magalang na sabi ni Roxane, habang nakatingin ng diretso sa mataray na ginang na may halatang kapangyarihan. (Nakakatawa ang babaeng ito!) bulong ng ilang matatandang nakapaligid, na agad napangiti ng pilit habang palihim na nagkakatinginan. Talaga bang hindi niya kilala ang angkan ng mga Vellamonte? Isang matapang na kabataan, huh! Halos lahat ay nakayuko na—tila ba hangin lang si Roxane sa gitna ng tensyon. Takot silang baka paalisin sila sa lupain ng makapangyarihang pamilya. Bigla na lang siyang piningot ng ina niya, na halos lumipad sa pagmamadaling lapitan siya. Agad itong yumuko sa harapan ni Mrs. Vellamonte, pawisan at nanginginig ang tinig. "Pasensiya na po talaga kayo, Madam Vella. Hindi po alam ng anak ko ang ginagawa niya," saad ng kanyang ina, pilit pinapakalma ang sitwasyon habang hawak-hawak ang braso ni Roxane. Napasapo sa noo si Mrs. Vellamonte, halatang nainis ngunit pinigilang sumabog. Sa halip, tumango na lamang at isininyas na umalis na sila, bago pa tuluyang masira ang kanyang mood. Natatawa naman si Dark sa anyo ni Roxane. Hindi niya napigilan ang mapangiting iling habang pinagmamasdan ang dalaga—nakasimangot pero walang laban sa kurot at pangaral ng ina nito. Parang eksena sa teleserye, pero sa harap niya mismo nagaganap. Habang paalis na ang kanilang sasakyan, nanatili pa rin ang titig ni Dark kay Roxane. Parang may kung anong kuryenteng hindi niya maipaliwanag na humatak sa atensyon niya. Sa dinami-dami ng tao, bakit siya pa? Ang babaeng may tapang humarap kay Mrs. Vellamonte—ngunit ngayo’y parang batang napagalitan. "Gusto ko siya. Gusto ko siyang makilala," sambit niya nang mahina ngunit buo ang loob. Narinig iyon ng kanyang bodyguard, na saglit na napatingin sa rearview mirror, halos hindi makapaniwala sa narinig mula sa tahimik ngunit mapanuring si Dark. "Kikidnapin ko ba siya, Señ? Dadalhin ko agad sa'yo, kahit nakapambahay pa 'yan! Sabihin mo lang, Señ, at isasako ko na!" "Hayaan ka na naman! Inumpisahan mo na naman yang kapilyuhan mo. Sana ganyan ka rin dun sa babaeng kaharap mo kanina—nakaka-awa ka, sa isang babae lang, tiklop na tiklop ka! Para kang sininghot na tuta!" sabay tawa nito na ngayon lang nakita ng kanyang bodyguard. Plak! Plak! Plak! Marahang pumalo ang palakpak ng kanyang bodyguard, na dati’y walang humpay ang tawa—ngunit bigla itong tumigil, lumalim ang kanyang mga mata, at napalitan ng matinding seryosong ekspresyon ang kanyang mukha. At ibinaling na lang ang kanyang paningin sa bintana ng kanyang sasakyan; kitang-kita pa rin niya sa side mirror ang babaeng tumatak sa isip niya. "Kailan ko kaya siya makikilala?" saad ng kanyang isip. Napapikit siya ng marahan, iniisip ang magandang mukha ng babaeng nagbigay sa kanya ng tinatawag na pag-asa, pag-asang mabilis niyang mahahanap ang babaeng pakakasalan niya sa loob lamang ng dalawang linggo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD