"Good morning Uncle at kuya Wesley!" Masayang bati ng isang guwapong lalaking nakita kong kasama ni Razzo noon
sa eskwelahan.
"Magandang umaga din sayo. Tumawag na ba sayo ang Daddy mo? Kailan daw sila uuwi ni Mama? Bati din ni General sa tinawag niyang Franco.
"Hindi pa po Uncle, hinihintay ko nga po tawag ni Daddy kaso mukhang nawiwili
ata sila ni Lola sa States." Tugon niya kay General.
Naabutan niyang kumakain sila. Ang batang si Emily naman ay tuwang tuwang hawak ako sabay haplos
ng malambot kong buhok.
"Mukhang mag jojogging ka Franco, sasama ba sayo si Razzo." Tanong ni Sir Wesley kay Franco.
"Yes Kuya Wesley." Sagot ng nakakainis na si Franco.
Ito yun lalaking ginulat ako, bigla na lamang siyang humawak saking balikat. Pinagmamasdan ko siyang mabuti. Kaaya-aya naman ang mukha niya pero bakit mabigat ang loob ko sa kanya, mukhang wala siyang gagawing mabuti. Franco pala ngalan niya.
"Good morning!" Masayang bungad ni Razzo samin dito sa silid kainan.
Haay ang Prinsipe Razzo ko, Napakakisig niya talaga sa ayos niya ngayon kaso biglang nagbago ang nadarama ko nang maalala ko ang nangyari kahapon na pamimilit niya sakin na makilala ako. Hindi ako natutuwa sa inugali niya kahapon. Para sakin ay hindi dapat ganoon ang pakikipag usap sa isang tulad kong prinsesa. Nararapat kaming kinaukausap ng may pag-galang.
Napangiwi din ako ng maalala ko na hubot hubad siya kanina, hmmp napakasalaula nakita ko tuloy sandata niya.
"Siguraduhin ninyong jogging talaga ang pakay niyo at hindi kayo sisipat lang ng mga babae nag e-aerobics at nagzu-zumba sa clubhouse." Paniniguro ni General sa dalawa.
Tiningnan niya pa ng makahulugan sila Razzo at Franco.
"Uncle naman mag jojogging lang po talaga kami." Preskong sagot nun Franco.
Nakahalukipkip lang si Razzo sa gitna ng usapan ng mga amo ko. Nang mapadako ang tingin niya sakin bigla na lamang nagsalubong ang kanyang mga kilay.
"Emily sayo ba yan manika na yan?" Tanong niya sa batang si Emily.
"Opo Tito guwapo sakin na po ito ngayon, bakit po?" Tugon ni Emily.
"Nagtataka lang ako kasi hindi ka naman nagagawi sa bahay ko, pero nakita ko kanina yan manika pag gising ko." Wika ni Razzo.
"Eh ako nga Tito guwapo nakita ko nga lang to pinaglalaruan ni Bruno." Sagot naman ng nakakawiling bata na si Emily.
"Ang weird! Walang ibang nakakapasok ng bahay ko tapos bigla ko na lang makikita yan manika na yan. Nakita ko rin yan sa pool nun isang araw. Pakalat kalat yan manika na yan." Nagtatakang sabi niya.
Oo nga pala makailang beses na niya akong nakikita na nasa anyong manika kaya pinagtatakhan niya paano ako nagagawi doon.
Dahil sa paningin nila isa lamang akong laruang manika. Nagtataka siya tungkol sakin. Patuloy pa rin siyang nakatingin sakin, habang ako naman ay nangagngalay na dahil sa matagal kong di pag galaw. Hindi ako maaaring gumalaw matatakot silang lahat pag nakita nila akong gumalaw.
"Excuse me po?"
Boses ni Nanay Remedios yun, sa gitna ng kanilang usapan ay lumapit sa kanila si Nanay Remedios. Ano kaya ang sadya niya sa mga amo namin.
Hindi ako makalingon upang tingnan si Nanay Remedios.
"Ano na balita Manang Remedios, Nakita na ba ni Julio ang pamangkin mo?" tanong ni General.
"General, Hindi pa po siya nakiki.. Este nakita ko na po siya...." sambit ni Nanay Remedios.
Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Paano niya akong nakilala sa anyong manika?
Hindi kaya nasaksihan niya ang pagbabago ng anyo ko bilang manika?
"Talaga po Manang Remedios nasaan na po si Ate Lyka?" tanong ni Emily.
"Hawak mo este naroroon pa po sa.." sambit ni Nanay Remedios.
"Saan Manang gusto ko siyang makausap?" tanong ng Ama ni Emily.
"B-bakit po Sir Wesley? Bakit gusto po ninyong makausap si Lyka? " Halata sa tanong ni Nanat Remedios na nag aalala siya para sakin.
"Para makilala ko ang bagong mag-aalalaga kanila Emily." Sagot nito.
"Kuya Wesley, Are you sure of that? Looks like you didn't know kung ano ginawa samin ni Franco ang babaeng iyon." Biglang singit
ni Razzo sa usapan.
"Mukhang di mo pa ata nababalitaan nangyari samin, kung anong ginawa ni Lyka samin ni Razzo." dugtong ni Franco.
"Bakit ano bang nangyari?" tanong ng Papa ni Emily.
"Kuya Wesley halos mabalian kami ng mga buto ni Franco nang ibalibag niya kami." Sagot ng magpinsan.
Gusto kong sumali sa usapan para ipagtanggol ang sarili ko ngunit hindi maari.
"Ng isang babae?" klarong patanong ng Papa ni Emily.
"Yeah Kuya black belter yata ang babaeng iyon, kaya I cannot agree na ipapalaga mo sila Emily at Kobe sa babaeng iyon." Mariing tutol ni Razzo.
Hindi ko naman sinasadyang saktan sila natakot lang ako dahil sa pamimilit nila sakin na makilala ako. Nakakakaba kasi kung paano
sila makipag usap, yun mga titig nila halos basahin na nila ang buong pagkatao ko.
"Pasensya na po Sir Razzo, Sir Franco hayaan niyo pagsasabihan ko po ang pamangkin ko, Kamusta na po pakiramdam ninyo?" Tanong ni Nanay Remedios.
"O-okay na ko Manang maayos na pakiramdam ko. Salamat po pala sa paghilot niyo sakin." Pagkasabi nun ni Razzo ay uminat inat siya ng katawan.
Napakakisig niya talaga.
"Anyway I have to go. Siguro nga I have to see her first kung dapat ko nga ba ipagkatiwala ko ang mga bata."
"Papa alis na ako, Emily Kiss mo na si Daddy."
Bitbit pa rin ako ni Emily nang humalik siya sa kanyang Ama, naamoy ko na napakabango ni Sir wesley dahil dumikit din ako katawan niya.
"Sabay na kami sayo Kuya Wesley." Ani Franco.
Lumabas na sila Razzo at naiwan kami nila General, Nanay Remedios at ng batang si Emily.
"Manang Remedios huwag niyo na ko ipagtira ng pagkain mamayang gabi sa kamalawa pa ko uuwi. Kung sakaling may hindi na naman magandang gawin sila Razzo tawagan niyo ko kaagad." bilin ni General.
"Sige po General." Sagot ni Nanay Remedios.
"Maiwan ko na rin kayo. Ang bilin ko." paalam ni Heneral.
"Opo General mag iingat po kayo." Sagot naman ni Nanay Remedios.
"Bye bye Lolo General." Wika ni Emily sabay halik niya sa pisngi ni Heneral.
"Emily akin na muna ang manika mo ha, lilinisan muna natin tapos kapag malinis na puwede mo na yan paglaruan."
"Sige po, ito po.
Iniabot naman ako ni Emily kay Nanay Remedios at pagkatapos ay binilinan ni Nanay Remedios na magtungo
si Emily sa garden para ayain maglaro ang kapatid niyang si Kobe.
Bitbit ako ni Nanay Remedios patungong silid. Pagkapasok ay inilapag niya ko sa kama.
"Naku bata ka anong nangyari? Bakit nag anyong manika ka naman?" Nagtatakang tanong ni Nanay Remedios.
"Hindi ko alam Nanay Remedios kagabi pa ko nag anyong manika, umaga na pero hindi pa rin ako bumabalik sa dati." Sagot ko.
"Narinig mo naman siguro usapan kanina di ba. Paano kung may kailangan sila sayo hindi maaring makita ka nila ng ganyan."
Napayuko na lamang ako nang biglang nagliwanag ang kuwintas. Nagbago ang aking anyo, nagbalik na sa dati ang katawan ko.
"Hay salamat sa Diyos at nagbalik ka na sa normal. Grabe marunong ka pa lang mag magic!" aniya.
"Oo nga po Nanay Remedios nagbalik na ko sa dati." napayakap ako sa tuwa sa itinuturing kong tiyahin dito sa mundo kung saan ako napadpad.
"Iha ano bang nangyari at bakit nagbabago ka ng anyo, ganyan ka din nang makita ka namin sa bahay namin sa Quezon."
"Palagay ko po sa sumpang iginawad sakin ng mortal na kalaban ng aming kaharian."
Tumanaw ako sa bintana. Pumatak ang aking mga luha nang magsimulang alalahanin ko sinapit ko sa Emerald Kingdom.
Maraming mga itinatanong sakin si Nanay Remedios ngunit ni isa ay hindi ko ito sinagot.
Maski sa sarili ko ay hindi ko alam kung anong nangyayari sakin. Kung paano magmula sa kaharian namin
ay napunta ako dito sa kakaibang mundo. Ang dami kong hindi maunawaan sa mundong ito ibang-iba sa payak ngunit
mahiwagang mundo ng Avarlone.
꧁༺~~~~~~~༺꧂
Razzo Pov
Nagjo-jogging kami ni Franco hindi mawala-wala sa isip ko si Lyka. There is something about her that I couldn't explain. She's very mysterious, jaw dropping beautiful lady. I couldn't help myself believe na may mas gaganda pa pala sa mga girlfriends ko na sina Jessica and Steffi . Even maybe the whole world dahil nakita ko na mga klase ng European chicks when I was living with my Mom in France nun bata pa ko. Kaya kabisado ko na tipo ng mga babaeng Italian, Swedish, German, Czech, Austrian but Her image goes around and around in my brain like a circle.
"Damn it!" I sighed.
"O, Cuz bakit?" Baling sakin ni Franco.
"That Girl drives me crazy." I replied.
Napahinto muna ako sa pag jogging at namaywang sa gitna ng daan ng exclusive subdivision.
"The blackbelter girl ang iniisip mo, kaya pala may sinasabi ko di ka sumasagot." Franco said.
"Alam mo kasi nagtataka lang talaga ako, napakalayo ng features ng mukha ni Lyka kanila Mang Cardo at Manang Remedios, kahit saang angulo tingnan."
"Alam mo Cuz alam kong Womanizer ka, Skirt-chaser, philanderer, lady's Man pero huwag ka naman judgemental. Maganda naman ata si Manang Remedios ng kabataan niya."
"You didnt get my point, Kilala ko mga kapatid nina Manong Cardo at Manang Remedios. Parehas sila na iisa lang ang kapatid at nakita ko na din lahat ng mga pamangkin nila noong sumama ko last summer sa excursion nila sa Zambales. Ni wala nga ako natipuhan."
"So sumama ka para lang makapaghanap ng babae?"
I smirked at my brainless cousin.
"Alam mo mabuti na lang napabilang ka sa clan natin eh, your... Anyway I was just saying kung kaano-ano nga ba talaga nila si Lyka."
"Hmm na gets ko na, let me check it pero this time mag iingat na talaga ako kasi baka kasi di ko pa nahahawakan ang boobs nun eh bali-bali na buto ko."
"Pero let me remind you katulong natin siya, bumababa na ba standards mo sa pagpili ng mga babae?"
My cousin sounds annoying.
"Never!"
Para kong napaso nang marinig ko ang sinabi sakin ng pinsan kong si Franco. Okay given na sobrang ganda ni Lyka pero she's not the type of girl na maaaring ibandera at ipagmalaki. Mas manang pa siya compared to Yaya Julia, napaka weird at aanga anga kausap.
"Alam mo ang tipo ko Cuz yun witty, confident, stunning and seductive. Mala beauty queen ganun ang prospect ko. Not Lyka na kala mo galing syang 15th century na napag iwanan ng panahon." My further explanation.
"I know, maganda lang talaga yun katulong na yun aside from that wala na." Franco agreed.
"Pero on a second thought iba kasi napapansin ko sayo eh, ibang iba sa Cousin na nakasanayan ko." wika ni Franco.
"What do you mean?" I still cant figure it out kung ano gusto niya palabasin.
He get a silly smile after he get his phone. Ipinakita niya sakin ang picture ko na sinisilip siya na naglilinis ng pool.
"f**k off! Burahin mo nga yan, baka mamaya ipost mo pa yan."
"Oo ito na binura ko na."
Lets go back na!" i said nawalan na kasi ko ng gana sa pang aalaska sakin ng pinsan ko.
Humakbang na ko pabalik ng biglang harangan ako ni Franco.
"Wait lang Cuz may pupuntahan tayo."
I saw the excitement in his smile while his hand forcing to come back .
"Saan naman dont tell me sa clubhouse na puro matatanda mga naroon."
"Akala mo lang, mababanat mga buto natin mamaya pag dating natin doon, matagal tagal na rin di ko nagagamit itong toy ko," sabay tawa ng nakakaloko
"Make sure matutuwa ako mamaya or else." banta ko.
At the clubhouse
"Just what I expect matatanda nga ang mga nandirito, Nasaan dyan ang prospect? hindi ko alam na napatol ka na rin ng mga matrona."
I folded my arms in dismay.
"Maghintay ka lang may ipapakilala din ako para sayo."
Kumaway ang cousin ko sa babaeng zumba instructor, the cougar gives a beautiful smile.
"Not bad!" komento ko.
"Sabi ko sayo Cuz may pamangkin yan unless ayaw mo ng mga tita, pero she's totally hot in bed."
"Nakuha mo na siya?" Tanong ko.
"Of course hindi lang naman ikaw ang fuckboy Cuz, FYI Alam mo ba na ang s*x ratio ng population ngayon. Between 18 to 30 years old ay 3:20, ang saya nun napakaraming babae ngayon tapos tayong mga lalaki kunti lang, so ibig sabihin niyan marami marami tayong girls na hahuntingin yeba!!"
"1 boy to 20 girls." Naimagine ko yun ratio na yun bahagya akong natawa sa pinsan ko.
"Nice asswhole, pag datingan sa kalokohan napakahaling mo."
"Cuz ayan na siya Jenny."
Hinagod ko ng tingin ang sexy zumba instructor magmula sa malalaking legs, napakalaking balakang at malaking dibdib. May laban din ang ganda nito, di ko tuloy maiwasan mangiti at magnasa. Naimagine ko tuloy kung paano siya makipaglaro sa kama sa pinsan kong si Franco.