That Girl is Dangerous

3867 Words
"Kakaiba pala ang palasyo dito at saka ang daming mga tao mukhang abalang abala sila." "Ate lyka it's not a palace, that is a building. Dito kami nag-aaral" sagot sakin ng batang si Emily. "Yaya inday, Ang weird na naman ni Ate lyka, saan ba siya nanggaling?" Napatingin ako sa nakatatandang kapatid ni Emily na si Kobe. Ipinasuot ni Inday ang mga knapsack bag ang mga bata. "Hay naku huwag ninyo nga ginaganyan si Ate Lyka ninyo. Hayaan niyo na lang siya kapag yan umalis ako na naman mahihirapan mag alaga sa inyo." "Kuya Kobe kasi is so kulit di ba Yaya Inday?" "Sinabi mo pa." sang-ayon ni Ate Inday. "Ako na naman, ako lang talaga makulit ha?" "Tama na yan mga bata, Let's go to your classroom na." Naririnig ko naman ang ingay ng mga batang makukulit at ni Inday subalit abala ko sa pagsipat ng mga nakikita kong mga bagay dito sa bagong mundong kung nasaan ako ngayon. "Lyka, dito ka lang ha babalikan kita maya-maya, ihahatid ko lang sa mga room nila mga bata o kaya nakikita mo ba yun mga lamesang iyon maupo ka lang dun babalikan kita doon." Napatango na lang ako sa bilin ni Inday, kaya habang pinagmamasdan ko ang mga paligid at pagdaan ng mga tao dahil malapit sa daan ang lamesang bakante na aking inuupuan. Sa dami ng taong nagdaraan para na kong mahihilo sa mga galaw nila. Ibang iba ang mundong ito sa Avarlone, di ko tuloy maiwasan maalala aking Amang Haring si Dionysius at mga kapatid kong sila Fortress, Nympha, Myst at Shielda. Napahawak ako sa kuwintas na ibinigay sakin ng aking Ina na si Reyna Aurora. Ano na kayang nangyayari sa Avarlone? Hanggang kailan kaya ako makakabalik sa mundong aking kinagisnan. Nakapalumbaba tuloy dahil sa lungkot ko. Sa kalagitnaan ng aking pagmumuni ay nabulahaw ako ng mga lalaking napahinto saking harapan "Uy pre look oh, ang ganda ng chick na yun oh." "Oo nga nuh pero parang hindi naman ata siya estudyante parang..." turan pa ng isa. "Your right para siyang maid." sabi ng isang lalaki. "Sayang sobrang ganda niya, kaso hindi ko type mga maid." dinig kong sabi pa ng isa sa mga dumadaang lalaki. Nagtawanan pa ang mga lalaki na nang makalampas sa kinauupuan ko. Bakit ba ko napaupo dito napapansin tuloy ako ng mga bawat nagdaraan. Gusto ko sanang pasalamatan sila sa papuri sakin ngunit naalala ko ang bilin sakin ni Mang Cardo o tatay Cardo. "Lyka ito tatandaan mo, huwag na huwag kang makikipag usap sa ibang tao lalong lalo na sa mga lalaki" aniya. "Kapag kinausap ka ng lalaking nakangiting aso sa iyo, tiyak may binabalak na masama sayo yun." Bumuntong hininga ako sabay bulong ng.... "kakaiba talaga dito sa mundo na ito. ang mga lalaki pala dito nag aanyong aso at ngumingiti pa, makatatagal ba ko rito." Napatingin pa ako sa mga lalaking nagdaraan nakangiti silang lahat sakin kahit walang dahilan. "Inday nasaan ka na? Bakit hindi ka pa nagbabalik?" Inilayo ko na lang ang paningin ko sa malayo hanggang may lumapit sakin na isang babae at may kasamang di ko mawari kung lalaki o babae. Nakangiti sila parehas sa akin kaya ginantihan ko na din sila ng ngiti, nakaupo sila sa kabilang lamesa. lumipat sila ng upo sa lamesang kinauupuan ko. "Hi Im Ann, Anong pangalan mo ganda?" "Zuleika ang pangalan ko pero savi nang nakapulot sakin mas bagaw daw sakin ang pangalang Lyka." tugon ko. "Ako naman si Tiffany, transferee ka ba kasi ngayon lang kita nakita dito sa University." wika ng isa na di ko malaman kung babae o lalaki. "U.....Uni..." tinangka kong banggitin ang kakaibang salitang narinig ko. "University, Nag aaral ka ba dito?" Tanong babae. "Hi-hindi eh, hindi ako nag aaral dito." sagot ko. "Eh kung hindi marahil may binibisita ka dito sa school, right?" Aniya. "Sabi ni Inday maupo lang ako dito inihatid niya yun mga alaga namin," "Inday, Alaga?" sabay na sabi ng dalawa. "Omg your a maid?" sabay na sabi ng dalawa. "Oo nga maid siya besty." sabi ng di ko maintindihan kung lalaki o babae. "Hindi ako m...maid isa akong Prinsesa ako, isa akong Prinsesa." wika ko. Pero tila di nila pinansin ang aking sinabi. "Alam mo friend nakakaloka ah. hindi lang siya basta katulong. ilusyunadang katulong, Prinsesa daw siya." natatawang sabi ng isa kanila. "Grabe ka bakla sa ganda at kinis ng kutis niya keri naman. Puwede siyang Poor Princess." sabi ng babae. "Saglit lamang ano yun bakla at ano yun keri, hindi ko maintindihan ang lenguwahe ninyo." tangkang tanong ko. Biglang silang nagtawanan. "Bakit kayo tumatawa?" "Alam mo Girl nuknukan ka ng ganda pero nakakaloka ka, Saan ka bang galing bundok?" wika nang tinawag na bakla. "Maraming bundok sa Avarlone, humigit kumulang na apatnapung bundok." sagot ko. "Bakla ka ng taon, pag bakla, bakla lang ah hindi ka bully kaya huwag kang mang bully." sabi ng nagpakilala si Ann. "Pero totoo naman talaga maganda si Ate mukha siyang beauty queen, naiimagine ko nga parang may nakapatong na korona sa ulo niya." patuloy niya. "I agree ang ganda talaga ni ate kaya tingnan mo friend oh! yun mga crush ng bayan nakatingin sila mukhang papunta dito satin. nakita ata nila itong si Ate girl. Feeling ko." wika nun Anne. "Hala bakla pinapangarap kong makalapit sa kanila at ma-notice man lang. Thank you sayo ate Girl. Because of you makaka close encounter ko mga hearthrobs dito sa Campus." sabi ng nagpakilalang Tiffany. "Bakla ikalma mo yan pempem mo malapit na sila." "Gaga wala ako nun." patawang sabi nun Tiffany. "Ops nauna akong nakakita sa kanya, ako muna makikipagkilala sa kanya." Isang lalaki ang nakasuot ng puti ang nangunang magpakilala sakin. "Hi Im Zac, what's your name Miss Georgeous?" sabay abot ng kamay sakin. Napaawang na lang ang bibig ko sa lalaking sumandal sa lamesang kinauupuan ko. Matangkad, maputi at singkit ang mga mata nito. Bakit niya iniaabot sakin ang kanyang kamay? "Wala Zac tablado ka ni Miss Beautiful!" tukso ng mga kasama niya. Hindi ko alam ang nangyayari kung bakit pinagtatawanan nila ang lalaking nagpakilala. "My turn, Ako nga pala si Lee ang title holder ng Mr. Saint Matthews University." sabay abot ng kamay niya. Napatingin lang ako sa kanila ayaw ko silang kausapin dahil mukhang hindi sila mapagkakatiwalaan may nakatago sa kanilang mga ngiti at mga mata nila ay nagbabadya ng masamang nais sakin. "Wala ka rin Lee. Deadma ka ni Miss." wika ng isang lalaki na pinakamatangkad sa kanilang lahat. Sigaw ng iba, lalong umiingay ang grupo ng mga lalaking ito. Naguguluhan ako sa mga ingay nila, napatingin naman ako sa dalawang kausap ko para silang lumulutang sa alapaap. Ang mga mata nila parang nagniningning at napakatamis ang kanilang mga ngiti habang tinitingnan ang mga lalaki. "Ang sabihin niyo hindi kayo type ni Miss Beautiful." saad ng isa pang lalaki. "Miss your so timid? naiintimidate ka na ba samin." wika ng lalaking maputi. "Uy Ate Girl napaka choosy mo naman, mga crush ng bayan mga lumalapit sayo tapos dedma ka lang kaloka ka." baling sakin nagngangalang Tiffany. "Im sorry Papa Lee at Papa Zack may something kasi si Ate girl, para siyang may pinagdadaanan, Her name is Lyka." sabi ni Tiffany. "Lyka? Is that your name bagay na bagay sa kagandahan mo," wika ng naunang lalaking nagpakilalang Zac. "Omg mamamatay na ata ako sa kilig Ann, Oxygen please." Saad ng di ko maitindihan kung babae o lalaki. Halos maglupasay siya sa harap ng mga nag guguwapuhang mga lalaki. Napangiti naman ang lalaking nagpakilala Zac, lumabas ang mapuputi, pantay pantay na ngipin nito at napansin kong napakapula ng kanya mga labi. "Huy ate magreact ka naman." sabi nun Tiffany. "I think Lyka is different from other girls here, She's a conservative one." wika ng lalaking kalbo. Naguguluhan na talaga ako sa kanila masyado silang maligalig at maiingay, may ibang mga lalaki pang tumabi na saking kinauupuan at akoy masusing pinagmamasdan. Nakaramdam na tuloy ako ng pagkailang sa kanila. Bakit ganito ang mga lalaki sa mundong ito magagaslaw kumilos, mga presko at hindi kapita pitagan. "Nandyan na si King oh my God, nakatingin din siya sayo." halos mamilipit sa tuwa si Ann sa taong parating. Tiningnan ko ang lalaking paparating matangkad ito, makisig na tila isang prinsipe ng Avarlone ang kanyang tindig. Lahat ng taong masalubong niya'y siya ay binabati at nangingiti. May natatandaan akong kamukha niya pero di ko maalala. "Hi what's up here?" Wika ng baritonong boses ng lalaking malayo pa lang ay akin ng tinitingnan. Napakisig niya sa malapitan ,Alon-alon ang manipis na buhok nito na kulay na maihahalintulad sa tansong pananggalang ng mga kawal. Makakapal ang mga kilay na bagay na bagay sa malalim niyang mga mata, mapungay ang kanyang mga pilik mata at napakatangos ng ilong. Pero bakit sa kabila ng perpektong mukha niya nakikitaan ko ito ng magaspang na pag uugali. Natulala ang napakaguwapong lalaki saking harapan. Ganoon din mga taong nakapaligid sakin kabilang ang dalawang magkaibigan na nakipag usap sakin kanina. "Your like an angel from heaven." pagkasabi niya'y ngumiti ito ng napakatamis. Siya nga yun lalaking yun na nakita ko sa kabilang bahay. Kung kanina ay mukha itong salbahe pero nang ngumiti na siya, tila may kagandahan loob din itong taglay. Tulad nun una ko siyang makita, bigla na lamang tumibok nang mabilis ang puso ko. halos pakiramdam ko luluwa ito saking dibdib. Nakaramdam ako ng hiya ng magtama ang aming mga mata. Binasa niya ang ibabang bahagi ng kanyang labi sabay muling ngumiti. Kaagad akong umiwas ng tingin. Nakaramdam na ko ng pagkailang nang lalong lumapit sakin ang naturang lalaki. Bakas sa mukha niya na nais niya talaga kong makilala. Siya lang ang tanging lalaking nagpatibok sa puso ko ng sobrang bilis. Papalapit na siya sakin ng husto bawat paglapit niya'y nagpapasikip ng aking lalamunan kaya nagpasya na kong umalis. "Paumanhin kailangan ko nang umalis." Hindi ko na makayanan ang presensiya ng lalaking ito pagkapaalam ko ay tumayo na ko saking kinauupuan at saka umalis. "Sandali lang Miss aalamin ko lang ang pangalan mo." wika ng napakaguwapong lalaki. "Paraanin mo ako, Pakiusap." malumanay kong sabi sa kanya. "Her name is Lyka, Tol." wika ng nang ngangalang Zac. "Maaari ba ako'y aalis na!" napalakas na ang boses ko senyales ng pagkainis ko. "Wait Lyka, I want to know you more." hinabol pa ko nito. "Cuz, Razzo huwag yan siya yun...." Sigaw ng isang lalaking bagong dating. Namumukhaan ko siya, siya ang lalaking ibinalibag ko sa ilalim ng puno. "Please stay Lyka!" Aniya sabay hablot saking braso. Nagulat ako sa kanyang pagpupumilit nagdulot ito sakin ng matinding takot, kaya buong puwersa kong kinuha ang kanyang braso. gamit ang aking dalawang kamay ay ibanalibag ko ang lalaki sa sahig. "Woaaawwhhhhh!" bulalas ng lahat ng nakakita. Lalong dumami ang mga taong nasa paligid. Nang tingnan ko ang mga taong nasa paligid, may mga nabigla sa kanila at mayroon napasimangot tanda ng hindi nila nagustuhan ang ginawa ko. "Babe what happened to you?" Isang babae ang lumapit sa lalaking pinatumba ko. "How dare you to this to my Babe!" patuloy ng babae. Nagaalala ito sa lalaking hirap bumangon. "Hindi ko sinasadya!" paliwanag ko. "Lyka, Anong ginawa mo kay Sir Razzo?" Napalingon ako sa babaeng nagsalita, si Ate Inday na hindi makapaniwala sa nangyari. "Lyka siya si Sir Razzo, anak ng amo natin." aniya. Ang lalaking nakita kong naglalaro ng bola ay anak pala ng amo ko. Napatakip ang bibig ko ng aking kanang kamay habang ang kaliwang kamay ko ay nakaturo sa anak ng amo ko. Siya yun...pinakabata sa mga anak ni General. Hirap bumangon ang anak ng amo ko. Nakawak ito sa kanyang balakang. Tinangka kong tulungan siya pero hinawi niya ang mga kamay ko. Ang kanina'y napakakisig na mukha ngayon ay nang gagalaiti sa galit marahil sa sakit na nadarama at pagkapahiya sa maraming tao. Halos parang wala na kong mukha na nakatingin sa kanya. nahihiya rin ako sa ginawa ko. "Uh oh mukhang may malalagot dito kay King Razzo." Wika ng di ko matukoy kung lalaki o babae na si Tiffany. Pinagmasdan kong mabuti ang lalaking namimilipit sa sakit. Siya nga yun lalaking nakita kong naglalaro ng bola. Yun pala ang pangalan niya... "Razzo." ꧁༺~~~~~~~༺꧂ "Patawad po General sa nagawa ni Lyka." sabi ni Tatay Cardo. "Hindi ko po sinasadya patawad po." nakayuko ako at hindi ako makatingin ng diretso kay General. "Huwag na kayo mag-alala wala naman napilay na buto kay Razzo, Lalaki ang anak ko kaya huwag na kayo mamoblema." Wika ng Ama ni Razzo. Makisig din itong kagaya ni Razzo marahil dito siya nagmana, May mga puting buhok sa kanyang ulo at pati sa bigote, matikas itong naglakad at pinatay ang sindi ng kanyang tabako. "Maalala ko nga pa, Kagaya ni Razzo ikaw din ba ang nagbalibag kay Franco?" "Opo General, bigla niya po kong hinawakan sa balikat natakot po ako kala ko kung ano ang gagawin niya sakin." Napatawa ng malakas si General. "General bakit po kayo natatawa?" Tanong ni Tatay Cardo. "Wala naman mukhang may katulong na ko sa pagpapatino sa dalawa." "Naku po General baka maging problema lang po ang pagtira dito ni Lyka." nag aalala si Tatay Cardo habang sinasabi niya yun. "No Mang Cardo, Sabihin na natin mukhang may nahanap ng katapat si Razzo." Sinundan pa namin ng tingin ni Tatay Cardo ang paglabas ng bahay ni Razzo si General. "Ano pong ibig sabihin niya Tatay Cardo?" "Anak iwasan mo na lang si Sir Razzo, mabait na bata naman yan kaso nagrerebelde lang sa Papa niya. Kapag may itinanong sayo si General huwag ka na lang umimik o magsumbong." "Naintindihan ko po." sagot ko. "Naku, naku mabuti na lamang at di napilayan si Sir Razzo." "Kamusta naman Remedios paghilot mo sa kanya." "Hindi ko alam kung okay na siya eh pinainom ko na lang ng pain reliever para mabawasan pananakit ng likod niya, makakatulog na din yun maya maya," "Mabuti naman kung ganoon." "Cardo akoy magliligpit sa bahay ni General, tulungan mo ako ha napagod na ko sa buong maghapon heto naghilot pa ko." "Lyka bantayan mo muna si Razzo pag tumawag lapitan mo agad, huwag mo ng painitin pa ulo niya." "Eh bakit si Lyka pa baka mag away yan sila." tanong ni Tatay Cardo. "Gusto mo matulog dito Cardo." "Hindi, Pero Lyka kung tulog na si Razzo iwanan mo na lang at matulog ka na din." Bilin sakin ni Tatay Cardo. "Sige po Tatay Cardo." "Sumunod ka na kagad Lyka ha sisilipin kita mamaya sa kuwarto niyo ni Inday." Lumabas na ng bahay sila Tatay Cardo at Nanay Remedios. Naiwan akong sa sala ng bahay ni Razzo. Napasilip pa ko sa bintana napakaganda pag masdan ng magkakalayong bahay ng Pamilya Thompson. Tatlo silang magkakapatid Si General , Si Sir Peter na ama ni franco at isa pang kapatid nilang nasa France. Napakalaking lupain ang pag aari ng mga Thompson, magkakahati ang pamilya nila sa lupain kaya naman may kanya kanyang bahay na nakatirik ang mga ito. Sa pamilya ni General isa sa mga anak niya ang nasa ibang lugar kaya wala pa itong sariling bahay. Si Sir Wesley naman ay halos nakadikit sa bahay ni General, Ganoon naman din sa dalawang anak ni Luis. Nasa gitna matatagpuan ang malaking swimming pool at court sa gilid naman nito. Sobrang magkakalapit sa isa't isa ang mga Thompson kaya naman magkalapit na magkalapit ang magpinsan Si Razzo at Franco. Magkasing edad ang dalawa, pitong buwan lang ang tanda ni Razzo kaya magkapatid ang turingan nila at laging magkasama sa mga kalokohan. Napagmasdan ko ang larawan ni Razzo sa mga frame na nasa mahabang mababang cabinet na hanggang baywang. Mga kuha ng mga bata pa siya kasama ang mga kapatif niya, litrato nila ni Franco at family picture. Nakakuha sakin ng atensiyon ang litrato ng buong angkan nila. May isang babae ang naiiba ang mukha sa kanila. Siya kaya ang ina ni Razzo. "Napakakisig mo naman Razzo." sambit ko. Naisipan kong akyatin sa ikalawang palapag ang kuwarto ni Razzo. Dahan-dahan akong pumanhik ng hagdan para tingnan si Razzo. Kagaya ng nasa ibaba ay maluwag din itong nasa taaas. May kung anu-ano akong nakita sa mga gamit, hindi ko mawari kung ano ang mga iyon kaya binuksan ko ng dahan dahan ang pinto ng kuwarto ni Razzo. Madilim ang loob nito at liwanag lamang ng buwan ang tumatanglaw sa loob ng kuwarto ni Razzo. Napakabango ng kanyang kuwarto, nakaaayos lahat ng kanyang mga gamit. Nakita kong nakadapa si Razzo sa kanyang hinihigaan, gusto ko sana siyang lapitan kaso natatakot ako baka makita niya ako. "Hmmm." ungol niya. Napatago ako sa malaking bagay na malambot lambot. Biglang tumayo si Razzo at pumunta sa isang pinto. Maya- maya lumabas ulit ito muling nahiga sa hinihigaan nag ganoon pa ring ayos. Naawa tuloy ako kanya, hindi siya makahiga dahil masakit pa rin ang kanyang likod. Nanatili pa ko sa aking pinagtataguan , nakikiramdam sa bawat pag galaw ni Razzo. Nang matiyak kong tulog na si Razzo dahan-dahan akong lumapit sa kanya. "Sana makatulong sa iyo ang kuwintas," bulong ko. Pagkahubad ko ng kuwintas ay unti-unting nagbago ang aking anyo at buong katawan at naging manika. Marahan kong inilagay sa likod ni Razzo ang kuwintas at humiling na pawiin ang sakit mula sa pagkakabalibag ko sa kanya kanina. Tiningnan ko ang napakakisig na mukha ni Razzo, hinaplos ko ng aking maliit na kamay ang pisngi niya maski ang matangos niyang ilong ay aking hinaplos. "Ano kaya mangyayari kapag nakita mo ko sa ganitong anyo?" "Magugulat ka ba o matatakot, Pero hindi puwedent makita mo ako sa ganutong anyo. Hindi mo dapat malamang ang sikreto ko. Napatingin ako sa buwan at umusal ng panalangin para lahat mg mahal ko sa buhay sa aking pamilya at ang Emerald Kingdom ganoon din sa pamilyang kinabibilangan ko na ngayon,, Nagising ako sa huni ng mga ibon. Nang imulat ko ang aking mga mata ay papasikat na ang araw, Mag uumaga na. Nasaan ba ko? Inilibot ko ang paningin ko hindi ito ang silid namin ni Inday. Napablikwas ako ng bangon nang maalala kong ginamit ko pala ang kuwintas kaya naging manika na naman ako. Dito pala ako nakatulog sa matambok na puwet ni Razzo. Kinapa ko ang aking katawan nasa anyong manika pa rin ako, Naku paano na ko nito! Kailangan magbalik na ko sa normal kong anyo.Naalala ko ang bilin ni Nanay Remedios kagabi na titingnan niya ko sa silid namin ni Inday. Pero bakit hindi niya ko pinuntahan dito kagabi, siguro ay nakatulog agad si Nanay Remedios. kailangan ko ng bumalik sa malaking bahay tiyak na hahanapin na niya ako. Lumundag ako mula sa kama at lumagapak ako sa sahig. Hindi pa din ako nasasanay sa ganitong anyo. Pagbangon ko ay siya naman malakas na paghikab ni Razzo. Lagot ako gising na siya baka makita niya ako! Hindi niya ako maaring makita. Narinig kong tumunog ang kanyang hinihigaan hudyat na siya'y babangon na. Naramdaman kong lumapag ang mga paa niya sa sahig. Hindi ako dapat lumingon, hindi ako dapat lumingon. Kitang kita mula sa reflection ng salamin na nakaupo si Sir Razzo nakatingin sa salamin tulala, magulo ang buhok niya. Nagtama ang aming mga mata, napakunot noo ito at dahan-dahan niyang ako aabutin. Napapikit na lang ako sa mangyayari sakin nang makarinig ako ng tunog mula sa kung anong bagay. Nakita kong may kinuha siya isang bagay, haay salamat at hindi na niya ko pinagtuunan ng pansin. Pero nagtataka ko, Ano yun wala siyang kausap pero bakit siya nagsasalita. Pagkakataon ko na para makaalis, Tumakbo ako para makaalis ngunit bigla siyang napatingin sa aking pinanggalingan. Nagtago ako sa isang sisidlan na punong puno ng mga damit, patong-patong ang mga ito at wala sa ayos. napasinghap ako sa amoy may mabango at mabaho sa kanyang mga damit. Nanlaki ang mga mata ko ng hubarin ni Sir Razzo ang kanyang mga damit ibinato niya yun sa pinagkukublihan ko. Nanlamig ang mukha ko ng makita ko ang buo niyang katawan pati ang nasa pagitan ng kanyang malalaking hita. Palakad lakad si Sir Razzo na nakahubot hubad. Napailag ako sa mahuhulog niyang panloob saking kinatatayuan. Pumasok si Sir Razzo sa isang pinto pagkatapos noon ay nakarinig ako ng paglagaslas na tubig. Pagkakataon ko na para lumabas ng bahay ni Sir Razzo mabilis akong kumilos. Binilisan ko pa ang aking pagtakbo patawid sa mas malaking bahay kung saan nanunuluyan kami nila Tatay Cardo at Nanay Remedios. Sa malayo'y natanaw kong kausap ni Tatay Cardo ang mga tagapagbantay ng bahay , nababanaag sa mukha ni Tatay Cardo ang pag aalala. Nais ko sanang lapitan si Tatay Cardo ngunit hindi maaari dahil makikita ako ng dalawang tagapagbantay. Sa aking pagtakbo bigla na lamang tumambad sakin ang asong may maputi at makapal na balahibo. Hindi!! Napahinto ako sa takot dahil baka lapain niya ako, palukso-lukso itong papalapit sakin at panay kahol. Tulong, sana may tumulong sakin. "Bruno! Stop!" sigaw ng batang babae. Bigla na lang may dumampot sakin. "Wow ang ganda ganda mo namang manika." Wika ni Emily. "No Bruno!!" aniya ng patuloy parin sa pagtahol at paglundag ang aso para akoy abutin. "Bad dog, Mabuti na lang nakita ko kita kung hindi baka nginatngat ka na ni Bruno." Dali daling pumasok sa loob ng malaking bahay si Emily bitbit niya ako. Laking pasasalamat ko kay Emily dahil iniligtas niya ako sa panganib. Patungo kami sa mahabang lamesa. Nakita ko si General ang amo namin at isang lalaking nakatalikod. "Good morning Daddy, Good morning lolo." Sabay halik sa pisngi ni Emily sa kanila General. "Good morning too Baby." sagot ng lalaki kay Emily. Napatitig ako dahil napakakisig niya, kamukha niya si Razzo siya siguro nakakatandang kapatid niya. May balbas ang kanyang panga na nagpalitaw lalo ng kanyang kakisigan. Matipuno ang pangangatawan at malapad ang kanyang mga balikat. "Daddy look oh, I have a new Doll." "O may bago ka naman doll sino nagbigay sayo niyan." "Wala po Daddy nakita ko lang sa labas na pinaglalaruan ni Bruno." "Mabuti at nakuha mo yan manika kung hindi matutulad lang yan sa mga laruan mong itinapon na lang." "Oo nga po Dad mabuti na lang lumabas ako kasi hinahanap ko din si Ate Lyka?" "What happen to Lyka nahanap na ba siya?" tanong ni General. "Sino si Lyka Papa?" tanong ng makisig na lalaki kay General. "Oo nga pala, hindi mo pa pala siya nakikikilala, Pamangkin siya nila Mang Cardo at Manang Remedios, ipinakiusap nilang dito muna magstay ang pamangkin kasi di nila maiwanan sa quezon." Naku po hinahanap na nila ako. Paano na ito hindi maaaring harapin ko sila na ganito ang itsura ko matatakot silang lahat. "I see, Papa gusto ko siya makausap para pabantayan at alagaan sila Kobe at Emily, alam kong abala na si Inday dito sa bahay dagdag pa itong mga bata." Walang kakakurap kurap ang aking mga matang nakatitig sa kanya. Napakagaan sa pakiramdan niyang pagmasdan habang siya ay nagsasalita. Mukhang mabait at mapagmahal sa kanyang mga anak. "Dont worry Wesley nakausap ko na siya di ba Apo?" "Opo Papa nakausap na siya ni Lolo kapag nakita mo siya napakaganda niya, kasing ganda ni Mommy." Bigla na lamang itong nalungkot sa tinuran ng kanyang anak na si Emily. "Nasaan nga ba siya at bakit siya nawawala? Baka napano na yun!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD