"Ikaw ba ang nakatakda?"
Nakakatakot na tinig ng isang lalaking nasa kalagitnaan ng bulwagan ng aming palasyo. Ikinumpas nito ang kanyang mga kamay na nagliliyab at umuusok. Ang suot niyang mahabang damit ay may mga aninong humihiyaw sa hinagpis, nakiririmarim saking pandinig. Tinakpan ko ang aking dalawang tainga upang hindi ko madinig ang mga palahaw na iyak. Nanunuot saking kaluob looban ang kanilang panaghoy.
"Halika Mahal na Prinsesa nais nilang mapabilang ka sa kanila." Pagkatapos magsalita ng misteryosong nilalang ay humalakhak ito.
"Hindi, Hindi maaari!" nagsisigaw ako sa takot.
"Prinsesa gumising ka, Nanaginip ka Mahal na Prinsesa!"
Pagdilat ko'y bumungad sakin aking dama, Napatingin ako sa paligid ng aking silid.
"Napakasamang Panaginip! Wika ko.
Pakiramdam ko'y may malaking bato ang nakadagan sakin at nahihirapang huminga.
"Baka nga po nanaginip kayo, pero Mahal na prinsesa mag gayak na po kayo. Nais ng hari na isuot niyo ang pinaka magarang ninyong damit. Nakarating na po sa palasyo si Prinsipe Apollos." Wika ng aking dama.
"Prinsipe Apollos sino siya? bakit parang bago saking pandinig ang pangalan niya?"
Nagkibit balikat lamang ang dama at pagakatapos nagwika.
"Nanggaling daw po sa malayo o sa ibang mundo ang Prinsipe Mahal na Prinsesa." Sinusundan ko ng tingin ang aking dama na inihahanda ang aking mga susuotin.
"Galing sa ibang mundo? Hindi kaya siya ang tinutukoy ni Paroa ang lalaking may magiging malaking kaugnayan sakin."
Nakadama ako ng pananabik sa sinabi ng aking dama. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nadarama ko.
"Madali aking dama, akin na ang aking kasuotan. Kailangan ko makita agad ang Prinsipe."
Kaagad akong nagbihis at pagkatapo ay inayusan ng aking dama. Pagkalabas ng aking silid nagmamadali akong lumalakad sa pasilyo.
"Zuleika bakit ka nagmamadali?"
Paglingon ko ay si Namre Myst ang nakasunod sa akin.
"Totoo bang may bisita tayong pandangal?" Sangguni ko.
"Ganoon na nga Zuleika." aniya.
"Bakit daw siya naparito?" tanong ko kay Myst.
"Hindi ko Alam kung bakit marahil naghahanap ng mapapangasawa." wika ni Myst.
"Ha? Mapapangasawa kung ganoon babalik na lang ako saking silid." saad ko at nagpasyang babalik sa aking silid
"Halika na Zuleika dinig ko napakakisig daw ng Prinsipe." mabilis na kinabig ng aking kapatid na si Myst ang aking braso kaya napilitan na lamang akong sumama sa kanya.
Nadaanan namin ang hindi magkandatuto sa paghatak ng mahabang damit si Namre Fortress.
"Nahihirapan ka ba Namre Fortress sa iyong kasuotan?" tanong ni Myst.
"Bakit kailangan natin magbihis ng ganitong damit. Halos malinis na natin sa pamamagitan nitong mahabang damit ang pasilyong ating dinaraanan." Reklmo ni Fortress.
"Ngayon ko lamang nabatid na napakaganda mo pala Namre Fortress." masayang sabi ni Myst.
"Tigilan mo ang pagbibiro mo Myst hindi ako natutuwa sa ganito kong ayos." Singhal niya samin dalawa.
Lihim kaming napapangiti kay Namre Fortress mukha siyang higanteng lalaki na binihisan ng magarang damit.
"Tumutunog na ang mga trumpeta, marahil nariyan na ang panauhin." Sambit ni Myst.
Mabilus kaming lumalakad sa pasilyo habang hinahatak namin ang mga napakahabang laylayan ng aming mga damit. Patungo kami sa bulwagan ng palasyo kung saan doon bibigyan ng pagpupugay ang bisita.
Hindi maganda ang aking pakiramdam, tila may hindi magandang mangyayari sa araw na ito. Naabutan namin na nakahanay na sa gilid ang iba kong kapatid na si Prinsesa Shielda at Nympha. Nagkasuot din sila ng pandangal na kasuotan.
Bumukas ang napakalaking pintuan ng palasyo. Marangal na sinalubong ng mga mananayaw na may iba't ibang makukulay na damit. Sila ay paikot-ikot na umiindak sa gitna ng bulwagan habang nagsasaboy sila ng mga talulot ng bulaklak sa aming panauhin.
Nagtataka ako, bakit nakasuot ito ng baluti ang bisita ng aming kaharian. Napansin kong kakulay ng pagsikat ng araw ang kanyang kulot na buhok na hanggang balikat, mahaba ang mukha nito at natatakpan ang mga mata niya ng kanyang buhok. Ang kulay ng kanyang kutis ay maihahalintulad sa niyebe ng Aming Inang Reyna. Sobrang napakaputi.
Nagkanda haba ang mga leeg ni Myst at Nympha sa pagtanaw saming panauhin na nasa tapat pa lamang ng pinto. Matapos ang maikling pagtatanghal ng aming mga mananayaw. Tumungo na sa gitna ng bulwagan ang aming panauhin at sa wakas ay namansayan ko na ang kanyang wangis.
"Maligayang pagdating sa aming kaharian Prinsipe Apollos ng Abyssal Kingdom." Malugod na pagbati ng aking Amang Hari.
"Maraming salamat Haring Dionysius sa malugod na pagsalubong niyo sa akin." wika ng Prinsipe.
"Nagpahanda ako ng piging para sa ating paguusap. Nais namin na makipagkalakalan ng ating mga kaharian,"
"Maraming salamat Haring Dionysius." sagot ng estranghero.
"Maaari ko bang malaman kung nasaan matatagpuan ang iyong kaharian?" Tanong ni Ama.
Habang nakikipagtalstasan ang estranghero saking Amang Hari ay may mga bagay na sumagi sa isip ko. Ang pangitaing na ipinahayag sakin ng aking Inang Reyna at ni Paroa.
Hindi maari ito siya ang nakita kong lalaki sa pangitain!
"Namre Myst hindi tayo maaaring makipag ugnayan sa kanya siya ang nakita ko sa pangitain."
"Nakakasisiguro ka ba sa iyong sinasabi, paano magiging masama ang ganyang kakisig na lalaki?"
Halatang di naniniwala sakin ang aking kapatid.
"Oo nasisiguro ko, kailangan malaman na ito ng ating Amang hari." Sambit ko.
"Mahal na hari hindi nararapat na papusakin natin sa ating kaharain ang lalaking iyan, Siya ang lalaking nakita ko sa pangitain. Ang babala ni Ina tungkol sa kanya." Malakas kong sigaw upang babalaan ang lahat.
"Prinsesa, Anak ano yan mga sinasabi mo?" Kitang kita ko ang mukha ni Ama na hindi maunawaan ang aking sinasabi.
"Mahal na Hari siya mismo ang nakita ko sa pangitain! Kapamahakan ang dulot niya sating lahat!" Muli kong sabi.
"Mahal na Prinsesa Zuleika mabigat na paratang ang sinasabi mo, yaman din lamang na siya'y iyong pinararatangan may katibayan ba inyong sinasabi?" saad ng Punong Eunuko.
"Mahal na Hari, Kayapaan ang sadya ko dito sa inyong kaharian." Giit ng estranghero.
"Prinsesa Zuleika nasaan ang lathala ni Paroa tungkol sa iyong nakitang pangitain? Hindi ba inatasan kayo na sumangguni sa Paroa." Tanong ng Ama kong Hari sakin.
Bigla ko na lamang naalala ang libro at plumang kusang nagsusulat ay naiwan namin sa yungib ni Paroa.
Napalugmok na lamang ako saking kinatatayuan sa harap ng lalaking aking pinaparatangan. Wala akong maipakitang pagpapatunay saking mga sinasabi. Kasalukuyan din nawawala sila Eyhan, Wiseman at ang Paroa.
"Prinsesa Zuleika," sambit ng aking mga kapatid.
Tinulungan ako ng aking mga kapatid na maitayo.
"Ano ba itong sinasabi mo Prinsesa Zuleika?" tanong ni Namre Shielda.
"Amang Hari bakit hindi muna natin pakinggan si Prinsesa Zukeika kasalukuyan pinaghahanap pa ang Paroa batid ninyo ang nangyari sa pagpunta namin doon." paliwanag ni Fortress.
Nagbulungan ang mga eunuko at ang buong kapulungan ng konseho.
"Maniwala po Kayo sa aking Mahal na Hari tanging ang alalay ko lamang ang kasama kong naparito." sabi ni Prinsipe Apollo.
Sa kalagitnaan ng aming usapin biglang bumukas ang malaking pintuan ng bulwagan, nagmamadaling lumapit ang tagapagdala ng balita ng sandatahan.
"Mahal na Hari kasalukuyan pong sinisira ng mga Orcs at ng mga kampon ni Black Phantom ang mahiwagang harang ng Crystal Tower. Bukod po doon masdan niyo po ang nangyayari sa Crystal Tower."
"Heneral ng aking sandatahan pakilusin mo ang mga kawal magsipaghanda ang lahat sa paglaban sa mga Orcs, Ipagtanggol ang Emerald Kingdom." Mahigpit na utos ng aking Amang Hari.
Nagmamadali kaming tinungo ang balkonahe. Kitang kita namin unti-unting bumibigay ang mahiwagang liwanag na harang ng aming kaharian.
"Hindi ito maaari, Anong nangyayari!" bulalas ng aming Amang Hari.
Nagkakagulo ang mga mamamayan ng Emerald Kingdom sa gawin kanluran kung saan unti-unting nagkakaroon ng butas ang mahiwagan harang. Nagpahayag din ng pagkatakot ang mga Eunuko at lahat ng miyembro ng konseho.
Nang ibaling ko ang aking paningin sa silangan bahagi ng aming kaharian. Nakita kong lumalamlam ang liwanag ng Crystal Tower kung saan nagmumula ang mahiwagang harang.
"Inang Reyna...." sambit ko.
"Amang Hari ang Crystal Tower!" turan ni Fortress.
"Bakit nangyayari ito!" napahawak sa balkonahe si Ama tila nanghina sa namamasdan sa buong sakop ng Emerald Kingdom.
"Mahal na Prinsesa Fortress kailangan namin ang inyong lakas para pamunuan ang paglusob sa mga Orcs, Prinsesa Nympha gamitin ninyo ang iyong kapangyarihan upang itaboy ang mga Orcs. Prinsesa Shielda kailangan namin ang inyong pananggalan Tulungan pi ninyo ang sandatahan para labanan ang mga Orcs." pakiusap ng Heneral.
"Prinsesa Myst at Prinsesa Zuleika pangalaagaan po ninyo ang Mahal na hari at Reyna." pakiusap naman ng mga Eunuko.
"Tayo na, Huwag na tayo mag aksaya ng panahon!" sigaw ni Fortress.
Nagsipagkilos ang lahat sa paghanda sa paglikas naiwan kami ng Amang Hari, Myst at ng Punong Eunuko.
Pagbalik namin muli sa bulwagan nakita namin na nakaupo sa trono ang prinsipeng panauhin na umiinom alak.
"Tampalasan bakit mo inupuan ang trono ng Hari!" sigaw ni Namre Myst.
Tumingin lang samin ang Prinsipe habang nakapalumbaba. Bigla na lamang may lumitaw na tungkod sa kanyang gilid at kaagad niya iyon hinawakan.
"Anong ibig sabihin nito?" tanong ng aking Amang Hari.
Bigla na lamang ibinaba mula sa itaas ang walang buhay na Punong Eunuko ng aming kaharian.
"Ang Punong Eunuko! Ikaw ba ang pumaslang sa Punong Eunuko?" Tanong ko.
Paglingon namin nagbago ng wangis ang aming Punong Eunuko at naging isang malaking Orc ito. Nakakatakot ang itsura nito na matatalim na mga pangil nito sa bibig ang taas niya umaabot ng walong pulgada sa sobrang. Napakalaki nito sa pangkaraniwang Orcs na aking nakita.
Mga Kawal protektahan ang Hari!" sigaw ni Namre Myst.
"Wala kang kaluluwa pinatay mo ang aming Punong Eunuko, sinasabi ko na nga ba ikaw ang nakita ko sa aking pangitain!" Wika ko habang nanginiginig ang aking mga kamay.
Tumatawa ang Prinsipe na tila wala nang katapusan.
"Tama Prinsesa Zuleika." saad niya. sabay tayo nito sa tronong kinuupuan.
"Hayaan ninyo ako ipakilala ang tunay kong wangis, Tawagin ninyo ako sa pangalang Haring Black Phantom."
Mula sa napakakisig na Prinsipe nagbago ang kanyang wangis sa isang nakakatakot na hukluban, mahaba ang puti nitong buhok hanggang tuhod, walang puti ang mga mata nito. Ang damit niya ay gaya sa panaginip ko. Nababalutan ang kanyang damit ng mga gumagalaw na mukha ng mga nilalang nakakatakot ang wangis.
"Kamusta Haring Dionysius!"
Bigla na lamang humaba ang katawan nito, patiwarik ang itaas na bahagi ng katawan nitong lumapit samin kahit nanatili ang ibabang bahagi ng kanyang katawan sa trono.
"Huwag na huwag mong kakantiin ni daliri ang aming Amang Hari!" ani Namre Myst.
"Sinasabi ko na nga ba, hindi ka dapat pinapasok sa aming kaharian!" patuloy ni Namre Myst.
Pilit kong inaaalala ang nasa pangitain, naghahanap ng maiisip na gagawin.
"Aking alaga Dakpin ang Hari!" utos ni Black Phantom sa higanteng Orc."
Kinuha ko ang espadang nakasabit sa dingding ng aming palasyo itinutok ko ito sa tyan ng halimaw.
"Hanggan diyan ka lang! Hindi ka magtatagumpay magdadaan ka muna sa aming bangkay na magkapatid pero uunahan na kita!" Babala ni Myst sa masamang salamangkero nangahas pumasok saming kaharian.
Nagliwanag ang mga kamay ni Myst. gumawa siya ng malakas na hangin para itaboy ang malaking orcs ngunit hindi tumalab kay Black Phantom ang kanyang kapangyarihan.
"Mukhang wala sa inyong dalawa ang tinutukoy sa propesiya mahihina kayong nilalang." matapos kaming kutyain ay tumatawa siya ng malakas.
"Mahal kong mga anak tumakas na tayo o iwan niyo na ko. Iligtas niyo ang mga sarili ninyo habang maaga pa." wika ni Ama.
"Hindi Amang Hari, hindi ka namin maaring iwan!" tutol ko.
"Hindi ninyo kaya ang kapangyarihan ni Black Phantom tanging si Wiseman lang ang nakakaalam kung paano siya tatalunin at kapangyarihan ng inyong Inang Reyna."
"Hindi Ama magtiwala ka sa kakayahan namin ni Zuleika."
"Tama na usapan ihanda niyo na inyong paglilibingan at mapapasa akin ang buong Avarlone pati ang Emerald Kingdom." Wika ng nagpakilalang si Black Phantom.
Gumawa ng malaking ipo ipo si Myst.
"Kumapit kayo Ama!"
Nilipad ng ipo-ipo ang lahat ng nasa paligid napakapit kami ng husto upang hindi kami tangayin. Pagkatapos noon ay iniangat ng malaking ipo-ipo si Myst sa himpapawid at sinugod si Black Phantom.
"Liwanag Pag asa dinggin mo ang aking panalangin tulungan mo kami sa aming kagipitan, Bigyan mo ko ng lakas upang maipagtanggol ko ang kaharian at mapanatili ko ang kapayapaan ng Avarlone." usal ko ng panalangin.
Habang ako'y nanalangin patuloy ang sagupaan ni Myst at Black Phantom puntirya nila ang isa't isa ng kanilang mapanirang liwanag mula sa kanilang kapangyarihan. Nakita kong kumuha ng espada ang aking Ama upang labanan ang malaking Orcs kasama ang mga iilang kawal.
Kitang kita kong humampas ang katawan ni Myst sa dingding habang ang higanteng Orc ay buhat-buhat ng isang kamay nito ang Aking Amang Hari.
"Mga Mahihinang nilalang heto na inyong katapusan!!!"sigaw ni Blaco Phantom.
Sabay sa pagpatak ng luha ko ang kawalan ng pag asa nang biglang nagliwanag ang aking katawan. muli isang nakakasilaw na liwanag ang bumalot sa buong bulwagan ng palasyo.
"Hindi! Ang nakakasilaw na liwanag. Ikaw ang nakatakda sa propesiya!!!!" sigaw ni Black Phantom.
Pagkawala ng liwanag tiningnan ko ng matalim si Black Phantom na nagdudulot ng kaguluhan sa buong Avarlone.
"Ang Valkyrie!" sigaw niya habang susugurin ako.
Inihampas ko ng aking pananggalang sa higanteng Orcs at tuluyan itong tumalsik palabas ng Bulwagan ng palasyo.
"Ang Valkyrie!" sigaw ng mga tao at kawal mula sa labas ng palasyo.
"Umalis ka na Black Phantom, kung ayaw mong masawi!" wika ko.
Iwinasiwas ko ang aking mahabang espada, ngunit pinaulanan ako ng apoy ni Black Phantom. Kaagad kong iniligtas si Myst na nanghihina marahil ay nagamit niya ang kanyang lakas. Mabilis kong tinagpas ang mga gumagapang na malalaking ugat ng kahoy na pumipigil sakin upang lapitan pa ang iba para makatakas.
Nang matiyak kong ligtas nakalabas na ang lahat pati ang aking Amang Hari at si Namre Myst. Ubod lakas kong nilundagan si Black Phantom at inumang ang aking sandata. Pumailanlang pa ang alikabok nang madurog ang semento at mga bato ng nilalagakan ng trono ng Hari sa lakas ko, ngunit naiharang ni Black Phantom ang kanyang tungkod.
"Tunay ngang malakas ka Valkyrie pero tingnan mo ang nasa likod mo." pagkasabiniya nito ay tumawa siya ng nakakasindak.
Huli na nang lingunin ko ang aking likuran biglang nabutas ang kisame ng kastilyo. isang malaking dragon ang humablot saking katawan. Sa higpit ng pagkakahawak sakin ng Dragon ay hindi ako makawala. Pumailanlang sa kalangitan ang Dragon. Kitang kita ko mula sa ibaba na nakatingin ang lahat ng mamamayan ng Emerald Kingdom, mga kawal ng sandatahan at pati ang aking pamilya.
"Tingnan niyo mga mahihinang nilalang ng Emerald Kingdom, tingnan ninyo kung paano ko papaslangin ang inyong bayani." dinig sa buong sakop ng Emerald Kingdom ang tinig ni Black Phantom.
"Hindi ka magtatagumpay Black Phantom." mariing tutol ko.
Biglang bumulusok ang Dragon pababa kasama ako. Dama ko ang sakit nang inihampas ng Dragon ang aking katawan sa lupa. Pagkatapos noon ay idinidiin ako na parang batong dudurugin ng napakalakas na kamay ng Dragon.
Binitawan ko ang aking espada at pananggalang at buong puwersang itinulak ang Malaking Dragon. Pagkakuha ng aking pananggalang ubos lakas kong nilundagan ang Malaking Dragon upang tuluyan kong puksain, gamit ang pananggalang ay hinampas ko ito sa kanyang ulo na nagdulot ng pagkabuwal nito sa lupa.
Nanginginig na sa sakit ang buong katawan ko. Nakakita na rin ako ng pagdurugo sa ibang bahagi ng aking katawan. Sa paligid naririnig ko ang pag iyak ng mga bata at mga kababaihan na umiiyak sa tindi ng kalingkutan. Kitang kita ko ang mukha ng mga kalalakihan bakas ang kawalan na ng pag asang naghihintay para sa Emerald Kingdom.
Iginawad ko ang aking kamay sa direksyon ang aking espada upang kusa itong lumapit sakin ngunit bigla na lamang may mga matitibay na ugat at baging ang kumapit saking mga paa at mga kamay.
"Hindi ako makakilos...." sambit ko.
Dali-dali lumapit saking ang ibang mga kawal upang tulungan akong makawala ngunit lahat sila'y naging bato.
Isang napakalakas na tinig ni Black phantom ang pumailanlang sa buong paligid rinig na rinig ito hanggang sa himpapawid, tila umuusal ng engkantasyon. Unti unti akong nakaramdam ng panghihina nauubos ang aking laka dulot ng engkantasyon.
Kasunod nun ay unti unting nagbabago ang aking wangis nawala ang ang baluti na aking suot gayundin ang espada at pananggalang ay naglaho.
Ibinato sa harapan ko ni Black phantom ang tila isang babasagin sisidlan na naglalaman ng maraming usok.
"Prinsesa Zuleika!' sigaw ng isang malambing at malamig na boses na matagal ko ng gustong marinig.
"Ina....." nakita ko siyang yakap ng aking Amang Hari. Parehas lumuluha ang aking mga mahal na mga magulang.
"Mga Kawal tulungan ninyo ang Prinsesa!" sigaw ng aking Amang Mahal na Hari.
Kitang kita kong bumitaw mula sa kawal si Namre Myst gamit ang natitira niyang kapangyarihan, nagpalitaw ng liwanag mula sa kanyang kamay ngunit isang mabilis at matalas na tuod ang tumama sa dibdib ni Myst.
"Myst kapatid ko!!!!!!!!!!!!!!!!!"
Dahan-dahan bumagsak sa lupa ang aking kapatid na si Myst, tila bumagal ang takbo ng oras sa puntong iyon. Nakita kong kaagad na niyakap ng aking Inang Reyna si Myst. Nawala ang mga baging at ugat na nakakapit sakin nang hihina man ay pinilit kong makalapit kay Myst kunting dipa na lamang ng bigla akong lumagapak sa lupa.
"Myst kapatid ko." Lumuluha kong sabi.
Inaabot ng aking mga kamay ang kamay ni Myst, biglang nanlabo ang mga mata ko dahil sa luha. Hinang hina ako at wala ng maramdaman ang katawan ko.
"Myst....."
Malulutong at nakakatakot na tawa ni Black Phantom.
"Kung kusang loob niyo na lamang ibinigay sakin ang inyong kaharian wala sanang masasawi isa man sa inyo."
"Drecko kunin mo ang mo ang itinakda." Dinig kong boses ni Black Phantom
Kinuha ko ng Malaking Dragon gamit ang kanyang matigas matitibay na kuko. halos wala na kong mahugot pang lakas kaya inisip kong masasawi din ako katulad ni Namre Myst. Minabuti ko na lamang mamaalam sa aking mahal na kaharian , aking mamamyan na nasasakupan at sa aking pinakakamamahal na pamilya.
"Paalam Emerald Kingdom,"
Mula sa ibaba ay nakita ko ang aking Inang Reyna, gayundin ang Crystal Tower. Naalala ko ang ibinigay niyang handog sa akin ang kuwintas at ang tipak ng yelo.
"Tama ang niyebe ni Ina."
Inilabas ko saking bulsa ang yelo. kumislap ito at nagdulot ng nakakabibinging panaghoy ni Black Phantom at ng malaking Dragon. Kitang kita ko mula sa ibaba na tinubuan ng niyebe at yelo ang mga nakapasok na mga Orcs sa aming kaharian.
Pagbaling ko ng tingin kay Black Phantom at ang Malaking Dragon ay tinutubuan na rin ng makapal na yelo ang kanilang buong katawan. Dahil dito'y sama-sama kaming babagsak sa lupa. Napapikit na lamang ako sa aking tiyak na kamatayan.
"Paalam Mahal kong Eyhan."
꧁༺~~~~~~~༺꧂
Lyka Pov....
Bakit ganito ang anyo ko mis....mistula akong isang......isang manika!?
Tumambad sakin mula sa repleksiyon ng salamin ang itusara ko na isa na kong manika. Napahawak pa ko sa mukha at mga braso ko kung totoo upang masiguro kung totoo nga ba ang nakikita ko.
Anong nangyari sakin bakit manika ang anyo ko?
Napahinto muna ako saglit, iniisip ko kung bakit at paano ako nagkaganito. Nasaan ba ko? Kaninong silid ito. Nabahala ako dahil naiiba ang silid ma ito kumpara sa silid ng aming palasyo.
Lumundag ako mula sa tukador, nagmamadali akong makalabas ng pinto. Iba ang nararamdaman ko sa lugar na ito. Hindi ko na nagugustuhan ang pumapasok sa isip ko. Sobrang lakas ng kaba ng dibdib ko. Ibang iba sa nakagisnan ko ang mga bagay na gumagalaw na hindi ko mawari kung ano ang mga iyon.
Pagbukas ko ng pinto, namasdan ko ang nakakamangha paligid. Ibang iba sa kagubatan ng Avarlone. Maayos na nakatanim ang mga puno't halaman. Magkakahanay ang magkakaparehas na mga bulaklak at halaman samantalang masukal naman ang kinagisnan kong kapaligiran ng Avarlone.
Napahakbang ako palapit sa lawa na hindi naman umaagos. Bakit ganito ang lawang ito puro tubig lang, walang mga timri (maliliit na diwata) at mga nympha (mahiwaga at magandang babae na nangangalaga sa lawa at mga kakahuyan) na mga naglalaro. Madalas akong makipaglaro ng bata pa ko sa mga timri at mga nympha sa tuwing mamamasyal ako kakahuyan.
Nang lingunin ko ang nilabasan kong silid, isang tila palasyo pala ang silid kung titingnan ito sa labas.
Napansin ko din ang isang mataas na bahay na nasa tapat ng lawa. Napagtanto kong wala nga ako sa Avarlone, nasaan ako? Anong lugar itong napuntahan ko?
Kailangan kong alalahanin ang mga huling naganap bago ako napunta sa lugar na ito, at bakit ganito na ang anyo ko?
Ang huling naalala ko ay ang paglalaban namin ni Black Phantom. Tama yun nga huling nangyari
Ang itim na sisidlan na ibinato sakin ni Black Phantom ang maaring dahilan kung bakit ako naging manika.
Bukod sa huling labanan namin ni Black Phantom sumagi din sa isip ko ang dalawang matandang nakita ko. Marahil tinulungan nila ako ng panandalian akong nawalan ng malay. Sugatan ako mula sa pakikipaglaban at ubos ang lakas. Sila ang namansayan ko bago ako muling nawalan ng malay.
May namuong takot at pangamba sa dibdib ko nang maisip kong paano ako makakabalik sa Emerald Kingdom, paano ako makakaalis sa mundong ito.
Napaluha ako ng maisip ko ang mga bagay na iyon.
"Liwanag ng Pag asa bakit ninyo ko pinabayaan? Bakit hinayaan mo ako mapunta sa mundong ito?"
Pumatak ang luha ko sa lawa. Nakita ko ang repleksyon ko sa tubig na malayong malayo sa dating anyo ko. Sa gitna ng pagdadalamhati ko napalingon sa taong paparating.
Basang basa ang suot niyang damit ng pawis. Natuon ang pansin ko sa nakalitaw na mga naglalakihan niyang mga braso at bisig.
Paulit-ulit niyan pinatatalbog ang bola sa lupa. Malakas ang tunog ng bolang iyon tumatama sa lupa, malakas ang pwersa ng taong iyon na halata naman sa kanyang matipunong katawan at naglalakihang mga braso. Isa kaya siyang prinsipe o kawal dito sa palasyo pero bakit naiiba ang kasuotan ng lalaking iyon masyadong maiksi at litaw ang kahubugan ng kanyang katawan
"Bruno? Where are you?" sabay sipol ng makisig na lalaki.
Napakasarap sa pandinig ng malalim at malakas niyang tinig. Sino kaya siya?
Biglang napalitan ang nadarama kong lungkot ng kaba at saya nang makita ko ang lalaking iyon na galing sa likuran ng bahay. Nasa kalagitnaan ako ng pagkilatis sa napakakisig na lalaki nang maiba ang direskyon kanyang bagay na pinaglalaruan.
Mabilis na gumugulong ang bilog na bagay papunta sa akin. Napapikit na lamang ako at hinintay ang pagtama sakin ng bagay na yun.
Nagtaka ako kung bakit hindi natuloy ang pagtama sakin ng bola. Idinilat ko ng aking mga mata, nasa harapan ko na napakakisig na lalaki habang hawak ang bola. Mabuti na lamang at nakatingin siya sa malayo kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na pagmasdan siya ng mabuti. Napakakisig niya pala lalo sa malapitan.
Biglang umalis ang lalaki at nagtungo sa loob ng bahay. May kung anong nagtulak sakin na sundan ang lalaki. Ipinihit ko ang pinto ngunit nakasara na ito, kaya nag isip ako ng ibang paraan para muli pang masilayan ang lalaki.
"Ayun may bintana." saad ko.
Natuwa ako nang makita kong may upuan at lamesa malapit ng bintana. Aakyatin ko din yun lamesa kagaya ng pagakyat ko sa tukador.
Buong pwersa at pinilit kong makaakyat sa lamesa gamit ang upuan. Mahirap man akyatin ang lamesa pero ang laki ng tuwa ko nang duwangin ko na ang bintana.
Hubad baro na ang makisig na lalaki na umiinom ng tubig. Mas matipuno pa siyang lalo tingnan na walang damit pang itaas. Napakagat labi pa kong nang makita ko siyang kumakain ng prutas. Hindi lang pala ang panga na may mumunting balahibo pati rin sa kanyang dibdib ay may maninipis na balahibo.
"Hello?" saad niya habang may nakalapat na isang bagay sa kanyang tainga.
"Tinamad akong pumasok eh, maybe tomorrow. Malayo pa naman ang play off ah"
"Walang binatbat satin yan varsity team ng school na yan, remember last year di ba. Tinambakan lang natin sila ng score."
"Saan na siya napunta?" sambit ko nang maglaho na siya sa paningin ko.
Pilit kong itinulak ang isang bagay na nakapatong sa lamesa, upang magkaroon pa ko ng espasyo sa pagdukwang sa bintana.
"Anong ingay yun, May tao ba diyan?"
Nakalikha ng ingay ang bagay na nahulog mula sa lamesa.
Kitang kita ko mula sa gilid ng aking paningin na lumabas ang lalaki. Tiningan niya sa labas kung ano ang pinang galinangan ng ingay.
"Wala naman Bro may nabasag lang na figurine dito sa labas. Akala ko may tao eh pero wala pala."
Mula sa pagkakasandal ko sa dingding ay hindi pa rin ako gumagalaw hanggat hindi siya pumapasok muli sa loob.
Hindi niya ko puwedeng makita, magtataka ang makisig na lalaking ito kung paano ako napunta dito sa lamesa, samantalang dinampot niya yun bola ay naroon ako maliit na lawa.
"Basta Bro usapan ha." wika ng napakakisig na lalaki na dali daling pumasok sa loob.
Dahil sa sobrang kaba na muntik na niya akong makita. Nagpasya akong tumakbo pabalik kung saan ako nang galing kanina. Nilingon ko pa ang bahay ng lalaki.
Mukhang may maganda na kong dahilan para manatili sa lugar na ito. Sumilay ang ngiti saking labi ng maaalala ko ang mukha ng lalaki.