"Natatanaw ko na ang batis Mahal na Prinsesa!" saad ni Eyhan.
"Fortress?!" sambit ko nang makita ko ang aking kapatid na si Fortress. Nakatanaw sa malayo habang nakatapak ang isang paa nito sa malaking bato.
"Fortress!" sigaw ko habang kumakaway sa kanya, papalapit na kami sa dulo ng sapa nasa gitna ng kagubatan ang batis.
Ayon sa mukha ni Fortress mukhang nagtataka itong nakita ako, Kunot noo at nakaawang ang bibig niya. Ibinaba niya ang malaking palakol na nakapatong sa kanyang balikat.
Nang makalapit na ang aming bangkang dahon ay iginawad ni Fortress ang kanyang kamay upang ako'y makatuntong sa sa batuhan.
"Maligayang Araw Wiseman, Anong sadya niyo dito sa mahiwagang batis?" Matikas na bungad samin ni Namre Fortress.
"Maligayang araw din Fortress, Naparito kami upang sumangguni kay Paroa." sagot ni Wiseman.
"At ano ang isasangguni ninyo kay Paroa? Ipapatukoy mo din ba Zuleika kung sino ang iyong lalaking makakatipan mo sa hinaharap?" pagkatapos akong tingnan ng masama ni Namre Fortress ay nagpatuloy siya sa pagsalita.
"Pare-parehas kayo nila Myst, Nympha at Shielda naroon sila ngayon kay Paroa at nagpapahula ng kanilang magiging mangingibig."
"Namre Fortress, mali ka ng inaakala. Naparito kami upang makita pa ng husto ang pangitain ipinakita sakin ng Inang Reyna." paliwanag ko.
"Tama ba ang narinig ko, Kalokohan! Paano ka bibigyan ng pangitain ng ating Inang Reyna? Samantalang matagal na siyang nahihimlay sa Crystal Tower. Hinahadlangan niya ang pagpasok ng ating mga kalaban sa mga sakop ng ating kaharian."
"Ako makakapagpapatunay Prinsesa Fortress kasama ako ni Prinsesa Zuleika na nakapasok sa loob ng Crystal Tower." wika ni Eyhan.
"Prinsesa Fortress totoo ang kanilang mga sinasabi." Pagsang-ayon ni Wiseman.
"Kung hindi lang kay Wiseman ay hinding hindi ako maniniwala sa inyo." saad ni Fotress na may pag aalinlangan pa rin samin ni Eyhan.
Natigil ang usapan namin ng biglang nagsipaglitawan sa paligid ang mga timri.
Timri (pixie) mga diwatang maliliit, mabibilis at maiingay ang huni kadalasan ay wangis ng uri ng bulaklak o di kaya tuod.
"Mga Timri!" saad ko.
May isang Timri ang lumapit sakin tila may sinasabi ngunit hindi ko ito naiiintindihan.
"Mimili mili, mimili milili," huni ng Timri.
Lumipad ito at lumapit sa ibang kasamang mga Timri sinundan ko sila ng tingin. Nakita kong natutuwa si Wiseman sa isang timri na dumapo sa kanyang kamay habang si Eyhan ay naiinis na kinukulit ng apat na Timri. Hinahatak ng dalawang Timri ang kanyang damit at ang dalawang timri ay kung hindi tengga ang hinahatak nila ginugulo naman ang buhok ni Eyhan.
Nagsama-sama ang napakaraming Timri upang palibutan ako tila sumasayaw at umiindak sila sa tuwa. Nakatutuwa silang pagmasdan masayang-masaya silang nakikipaglaro sakin. Nanggilalas ako ng makita ko ang ibang mga Timri na may dala dalang isang koronang yari sa mga pinagdugtong-dugtong na bulaklak. Ipinutong nila ito saking ulo.
"Mimili milli, mimiimilli milli," huni ng napakaraming mga Timri nakapalibot sa akin.
"Kaya pala naririnig kong masayang-masaya ang mga Timri dahil naririto na pala ang itinakda."
Isang kakaibang na nilalang na babaeng bulag ang nakatawag sakin pansin. lumalakad siya papalapit sakin, may mga anim itong pakpak na maitutulad sa isang paboreal. Ang bawat pakpak ay may napakaraming mga mata.
"Paroa?" anas ako.
"Maligayang bati tagapagligtas ng Avarlone!"
"Anong sinasabi niyo Paroa?" Bulalas ni Fortress.
"Si Prinsesa Zuleika ang tagapagligtas ng Avarlone? Ang mahina kong kapatid na si Zuleika?" paglilinaw ni Fortress.
"Huwag kang manibugho magiting mandirigma ng Emerald Kingdom, may mahalaga kang gagampanan sa hinaharap." saad ng Paroa.
"Paroa, Kamusta ka?"
Napalingon kami kay Wiseman na kasalukuyang papalapit sa Paroa.
"Wiseman? Napakatagal na natin hindi nagkikita. Halika sa yungib at marami tayong pag uusapan."
"Pati kayo mga Prinsesa ng Emerald Kingdom at makisig na mag aaral ni Wiseman." Wika ng Paroa samin.
"Paano niyo nalaman na makisig ako samantalang bulag po kayo?" tanong ni Eyhan na tila tuwang tuwang pinapurihan ng Paroa.
"Nakikita niya ang lahat pati ang iniisip mo kaya huwag kang mag asal bata diyan." Seryosong sabi ni Wiseman sabay tingin niya kay Eyhan na namapang uyam.
Namula ang pisngi ni Eyhan sa pagkapahiya sabay kamot ng ulo.
Pumasok kami sa yungib, nagsisipaghagikhikan ang aking mga Namre Myst, Nympha at Shielda, nakatanaw sila sa nagliliwanag na bolang crystal.
Napahanga ako sa Paroa bulag siya kung pagmamasdan ngunit kung kumilos ay para siyang nakakakita.
Tumikhim sila Wiseman at Eyhan kaya napatigil ang aking mga Namre, Napatayo sila't nagsipag ayos ng kanilang mga sarili mula sa pagkakaupo sa harap ng malaking bolang kristal.
"Hindi namin inaasahan magtutungo din kayo rito?" bungad samin ni Prinsesa Shielda.
"Huwag na tayo mag aksaya ng panahon. Nararamdaman kong papalapit na ang pwersa ng kasamaan." babala ni Paroa.
"Sang ayon ako Paroa gawin na natin ang isinadya namin dito." ani ng Dakilang Wiseman.
Naupo si Paroa sa kanyang pugad.
"Halika Prinsesa Zuleika akin na ang mga kamay mo."
Pagkabigay ko ng aking mga kamay ko. Bumukadkad ang kanyang pakpak na may maraming mga mata. Parehas namin nakikita ang mga pangitain ko, kasabay nito ang ay kusang gumalaw ang panulat sa blankong papel, kakaibang mahika isinusulat nito sa papel ang pangitain nakikita ko,"
"Mag-ingat sa magbabalat kayong makakapasok sa kaharian, ito ang pagsisimulan ng kaguluhan at digmaan. Nakikita kong maraming masasawi, humahalakhak si Black Phantom tanda ng matagumpay niyang pagpasok sa palasyo." nakakapangilabot ang boses ng Paroa.
"Mimimilli milli, mimili mili," huni ng isang Timri.
"Nagkakagulo ang mga Timri, anong nangyayari?" bulalas ni Shielda
Nagsipagpasok ang napakaraming Timri tila mga hindi mapalagay, ang iba'y hatak-hatak ang aming mga damit at iginigiya kami palabas.
"Nais tayong lumisan ng mga Timri, mukhang may panganib na darating. lisanin na natin ang lugar na ito." pansin ni Myst.
"Magmadali lumabas na tayo ng yungib!" utos ni Namre Fortress.
"May mga witawit na paparating," sigaw ni Eyhan mula sa b****a ng yungib.
"Sandali lamang Prinsesa Zuleika may nakikita pa akong mangyayari sa iyo, ukol sa iyong hinaharap."
Napabitaw ako sa mga kamay ni Paroa.
"May iba pang pagkakataon halinat umalis na tayo " mariing sabi ni Wiseman.
"Prinsesa Zuleika, halika na." sigaw ni Eyhan
Paglabas namin ng yungib ay inatake kami ng mga lumilipad na witawit. Napakarami nilang lahat.
"Myst itaboy mo ang mga witawit," utos ni Shielda.
Pumailanlang sa kalangitan si Myst dahil may kakayahan itong lumipad. Lumikha siya ng malaking ipo ipo para tangayin ang mga witawit. Sa sobrang lakas ng hangin ay kumapit kami sa mga puno, nahabag ako sa mga Timring tinangay din ng mga hangin.
"Ang mga Timri!" saad ko.
"Wala na tayong magagawa Zuleika ito lang paraan para maitaboy ang mga witawit."
Pagkasabi noon ay hinugot ni Shielda ang kanyang espada at sinugod ang mga witawit na paparating.
"Umalis kayo sa mga bangka namin," sigaw ni Namre Fortress sa mga witawit na sumisira ng mga bangkang dahon.
"Eyhan gamitin mo ito!" inihagis ni Wiseman ang nagliliwanag na bola kay Eyhan, naging pana ito para magamit sa mga witawit.
"Huwag kang lalayo saking tabi, Mahal na Prinsesa!" mariin sabi ni Eyhan habang pinapana niya ang mga witawit.
"Mabilis sumakay na kayo ng mga bangka!" utos ni Nympha.
"Paroa, mauna ka na sumakay ng bangka." Utos ni Wiseman habang iwinasiwas ang tungkod na may nakakasilaw na liwanag.
"Sumakay na kayo sa mga bangka, dumadami pa ang mga witawit," sigaw ni Fortress.
"Lalo pa silang dumadami, umalis na tayong lahat."
Ani ni Shielda habang sumasampa sa bangka, kasunod niyang sumakay si Nympha, Paroa at Wiseman.
"Prinsesa Zuleika sumakay ka na ng bangka,"
Ginawad ni Shielda ang mga kamay ko para makasakay ng bangka.
Pang huling sumakay si Eyhan. At nang makasakay na kaming lahat.
"Kumapit kayong mabuti gagamitin ko ang aking kapangyarihan. gagawa ako ng rumaragasang tubig upang mas mapabilis ang ang paglayag natin,"
Nanlaki ang mga mata namin nang makita namin mula sa malayo may malaking bahagi ng tubig paparating, halos wasakin ng rumaragasang tubig ang mga dinadaanan.
"Woahhhhhhh!" sigaw namin.
Bumubulusok ang aming mga bangka kasabay ng pagragasa ng tubig ngunit hinahabol pa rin kami ng witawit mula sa kalangitan.
Kumapit kaming mabuti sa bangka, para kaming inaalog na sa sobrang lakas ng tubig. Niyakap ako ni Eyhan para maprotektahan, habang sila Myst at Nympha ay yumakap sa napakalaking katawan ng aming panganay na kapatid na si Fortress.
Tiningnan ko si Shielda na gumagawa ng enkantasyon pakiwari ko'y gagamitin niya ang kanyang kakayahan upang gumawa ng pananggalan. Ganoon nga ang nangyari lumabas ang mga pananggalang bawat bahagi ng bangka. Sa wakas at mangilan ngilan na lamang ang mga witawit na sumusunod sa amin.
Nagmasid si Paroa sa buong palibot ng bangka at nang matiyak niyang ligtas na kami sa panganib hinawakan niya ang aking balikat at biglang napatingala.
Bagamat hindi ibinubuka ni Paroa ang kanyang bibig tila umaalingawngaw ang kanyang sinasabi tungkol sa pangitain mangyayari sakin. Naririnig namin ang lahat ang sinsabi niya tungkol sa pangitain kanyang nakikita.
"Mag iingat ka Prinsesa na makaharap si Black Phantom, kung maari ay huwag magkrus ang iyong landas dahil gagawaran ka niya ng sumpa galing sa itim na mahika. Ang sumpa na ito ay dadalhin mo habang buhay. Panatilihin mong buhay at ligtas ka dahil ikaw lamang makakapigil sa kasamaan ni Black Phantom. Sa pamamagitan ng iyong natutulog na malakas na kapangyarihan na nagmumula sa iyong busilak mong puso. Nakikita kong ikaw ang magtatakda ng pagkakaisa ng bawat nilalang dito sa Avarlone, ngunit bago mangyari ang lahat ng itinakda makikilala mo ang isang lalaki mula sa ibang panahon at mundo. Malaki ang magiging bahagi niya sa buhay mo sa hinaharap, Maraming magaganap. Maaring dahil sa kanya ay tatalikuran mo ang nakatakdang mangyayari sa Avarlone. Iwasan mo siya dahil siya amg nakatakdang wawasak ng lahat ng nilalang sa Avarlone."
"Sino ang lalaking iyon, Ano ang kanyang ngalan?" nababagabag ang kalooban ko sa mga pangitaing mangyayari?" tanong ko.
"Kumapit kayo mahuhulog tayo sa talon!" babala ni Namre Fortress.
"Ang pangalan ng nilalang na iyon ay..."
Hindi natuloy ang sasabihin ni Paroa dahil tuluyan ng nahulog ang
bankang dahon na aming sinasakyan. Mistula kami mga batong mabilis na nahulog mula sa itaas ng talon at sumunod na nangyari ay ang paglubog namin sa pinakailalim na bahagi ng tubig.
Razzo Pov...
"Razzo!"
"Razzo!"
"Razzo!"
"Razzo!"
I was about to shoot my free throws, I cant find my focus shooting the ball inside the ring. The scream and shout coming from my fans and schoolmates are getting wilder and wilder. Halos hindi ko na marinig ang sinisigaw ng team captain namin dahil halos dumadagundong ang buong stadium ng kalaban namin university. Lahat sila ay todo ang pinapakitang support sakin at kapwa ko varsity team.
Kitang kita ko ang mga hawak na banners tarpoline ,pictures ng mukha ko pati ang number one na number ng aking jersey.
"Razzo number 1 ka sa puso namin!"
Sigaw ng grupo ng mga babae at bading sa kanang bahagi ng court.
Malakas kong hinampas ang bola sa sahig ng dalawang beses.
"I-shoot mo sa puso ko," sigaw ng cheerleader ng kalaban namin university.
Napangiti ako sa kanila sabay dila sa gilid ng aking labi, Mapang akit ang ginawa kong iyon halos mabaliw sa kilig ang mga manunuod at saka ko ishinoot ang bola sa ring. Pagkapasok sa ring halos kalampagin sa ingay ng mga estudyante ang blinchairs na kinauupuan nila.
Tapos ang laban nanalo ang ang school namin sa score 115 at 99 namam sa kalaban. Parang zombie na inatake ako sa gymansium. dinumog ako ng mga ka schoolmates ko pati ang mga estudyante ng kalabang university.
Kilig na kilig ang mga kababaihan na yumayakap sakin at hindi pa nagkasya ang iba na parang gusto pang lumambitin sakin. Panay kuha ng litrato kasama ako. Hindi ko na malaman kung saan ko ipapaling ang mukha ko dahil habang kinukunan ako ng picture ay may nakikipagbeso-beseo sakin.
"Wait girls punong puno ako ng pawis." sabi ko.
"Okay lang Razzo, sana pawis na lang ako na gumagapang sa katawan mo,"
Nilingon ko ang babaeng nagsalita, na biglang napatigil naman ang mga fans ko dahil sa sinabi ng magandang cheerleader. Mukhang mestisa ang features ng mukha niya kahit na morena ang kutis niya, mapupula at sexy ang lips nito. Tuwid, brown blonde ang buhok niyang hanggang balikat, matangkad kaya naman very stunning ang presensiya niya sa maraming tao. Napalunok ako ng laway ng mapadako ang tingin ko sa napakagandang hubog ng kanyang katawan.
"Hi Im daphnie by the way, Ang Queenbee ng Princeton University"
Gee I like the confidence self proclaim Queen, well to be honest totoo nga naman siya ang pinakamaganda sa lahat ng babaeng nariritong pinagkakahulugan ako.
"Hi Im Razzo Franz Thompson, please to meet you."
Aabutin ko sana ang kamay niya ngunit may mabilis na kumapit saking balikat.
"Cuz please, not her! bf niya si Joemar Advincula, chancellor ng fraternity ng school nila." bulong ni Franco.
"Lets Go," utos ng team captain.
"Im sorry girls and Daphnie, we have to go," sabay matamis na ngiti ang iniwan ko sa lahat.
"Ahm bye bye my Boyfie!"
"Bye bye Baby Razzo, my loves!"
Paalam sakin ng mga chicks. Naiimagine ko silang lahat na nakasuot ng bikinis and underwear. Napalingon pa ko sabay ngiti sa mga naiwan kong fans sa Princeton University. Malayo pa lang sa pinarkingan ng aming team, Nakita ko may gasgas ang honda civic na kulay blue kong kotse.
"Damn s**t! who did this to my car!?"
"Ako bakit may reklamo ka?" Sabi ng lalaking skin head ang gupit, maporma at maangas kaming sinalubong nito.
"Lets go, huwag na lang natin pansinin mga yan!" utos ni Team captain
"But how about my car?" mariin kong sabi habang nag uumpisa na kong sumiklab sa galit.
"Then puntahan na lang natin ang office of student affairs dahil sa ginawa nilang ito," suggest ng shooting guard namin si Mike.
"Cuz halika na huwag na natin silang patulan." hinahatak ako papalayo ni Franco.
"Next time huwag kang masiyadong pabida-bida lalo na sa girlfriend ko."
Mabilis akong kinuwelyuhan sa jersey ko.
"Get your fithy hands off me, hindi ko kasalanan kung naghahanap ng mukhang tao ang girlfriend mo!"
"Gago ka lakas ng loob mo sabihin sakin yan!"
Isang sapak ang naglanding sa pisngi ko.
"Pare! pare chilax lang huwag kayong mag away," saway ng mga kapwa kasama namin mga tropa.
"Oo nga naman masama makipag away pero mas lalong masama kung hindi ka gaganti. lalo na kung ikaw ang nasa tama!" litanya ko habang hinahanda ang sarili ko sa binabalak ko.
Isang malakas na suntok ang pinakawalan ko deretso sa ilong ni Joemar. Sa palagay ko yun hot chick na nagpakilalang daphnie ang tinutukoy niyang syota. Nawalan siya ng balanse at napasandal sa isang kotse. Napahawak ito sa kanyang ilong na dumudugo.
Sumiklab ang pambuno namin kasama ang ka team ko at tropa ng Joemar, banatan kung banatan , bugbugan kong bugbugan wala na kong paki kung sino masuntok ko sa hanay ng mga tropa ni Joemar lalo na nang makitang kong pumutok ang labi ng pinsan kong si Franco.
꧁༺~~~~~~~༺꧂
"Ano na naman ba 'tong pinasok ninyong gulong magpinsan?" galit na sigaw ni Papa.
Parehas kaming may pasa sa mukha ng cousin kong si Franco. dinadampian ng Ice bag ang mga pasa namin.
"Tito General hindi naman po kami yun nanguna yun mga bumanat po samin ang nanguna. Gumanti lang naman kami."
"Kahit na hindi pa rin rason ang makipagbasag ulo hindi namin kayo tinotolerate sa ganyang pag uugali."
"How about my car pa ang laki ng gasgas ng kotse ko."
"Kahit na You dont understand kumpadre ko ang may ari ng school na iyon at nakakahiya sa parte ko dahil isa akong militar. Anong sasabihin niya sakin na hindi ko kayo tinuruan ng disiplina, Sana naman minsan Razzo magpaka-matured ka naman aba'y hindi na kayo mga bata."
Nakaramdam ako ng galit kay Papa, galit na nararamdaman ko noong bata pa ko dahil sa paghihiwalay nila ni Mama. It really seems that he doesn't care about me. Mas worried pa siya sa sasabihin ng kumpadre over sa mararamdaman kong wala siyang paki sakin at sa kotse ko.
"Sana lang din Papa naipagtatanggol niyo kami! Sana iniisip niyo din ang nararamdaman ko, Alam niyo first year highschool pa lang ay pinagipunan ko na kotse na ang kotse ko, kasama pa ang pera ni Mama ang pinangbili ng kotse ko."
"You know how much important that car to me, yun na lang naiwang alaala sakin ni Mama!" Muli ko pang sabi.
Pagkatapos maisabi ko ang nasa loob ng dibdib ko ay nagwalk out ako palabas ng bahay, kahit na paulit-ulit akong tinatawag ni Papa ay hindi ko siya nilingon.
Pagkadating ko sa garahe pumasok ako sa loob ng kotse ko. My head lay on the steering wheel.
"I miss you so much Mama, bakit mo ba ko iniwan ng wala man lang paalam."
"Bigla ka na lang nawala Mama noong bata pa ko at hanggang ngayon ay hindi mo pa rin ako binabalikan. Nasaan ka na ba?"
Sa kuta ng tribo ng mga Orcs....
Pusikit ng kadiliman ang hagdanang bitak bitak ang sahig. Nagkalata ng mga matatalas na mga bato. Gumagapang ang mga apoy sa buong paligid. May mga malalaking tipak ng bato na sing laki ng mga tao. May isang nilalang asabay na humahakbang sa tuyot na lupa. Sinalubong ng nakabibinging sigawan ng mga Orcs ang taong paparating. Bumabalot sa gitna ng madilim na lugar na sanktuwaryo ng mga Dark wizards at Warlocks. Nakakatakot ang paghiyaw ng mga malalaki at malilit na mga Orcs.
"Magsitigil kayo," isang malakas na pagsabog dumagundong sa sanktuwaryo. Nagmula sa misteryosong nilalang ang itim na kidlat. Tulad ni Wiseman mahaba din ang kanyang damit. tanging ang kamay na may mahahaba at matalim na kuko lamang ang nakikita sa taong naglalakad pababa ng sanktuwaryo.
Itinaas niya ang kanyang mga kamay at bumigkas ng
"Lahavarga!!"
Isa-isang nagsilitawan ang mga batong umuusok at lumulutang. unti unti'y nagkaroon ng liwanag sa paligid. Isang malaking anino ang sumanib sa nilalang na balot ang katawan katawan ang kasuotan.
"Anino mula sa nabaon ng kahapon
Halina akin kitay tinatawag
maki-aliw sa muling pagkakataon
mabuhay muli at mamayagpag".
Isang nakakatakot na sigaw ang bumalot sa buong paligid tila sigaw ng muling pagkabuhay mula sa hukay pagkatapos nito ay kusang bumukas ang aklat.
Mula sa aklat ay may dugong lumabas dito, Tila may sariling buhay na naglakbay ito sa mga kagamitan sa pag gawa ng pangungulam. gaya ng sunugan ng insenso, mga mamahaling dyamante , mangkok at tasa gawa sa tanso , pandikdik ng mga sangkap , panulat, papel , punyal at iba pa.
Kinuha ng taong nakapandong ang ulo ang punyal, hiniwa nito ang kanyang palad at pinatulo ang dugo sa baul na may mga nakatagong bungo. Lumabas ang itim na usok mula dito pumalibot ito sa kanya pagkatapos noon ay nahati ito sa apat. Ang apat na usok ay nag anyong kaluluwa na nakasuot din ng pandong.
"Maligayang pagbabalik aking mga ninuno" saad ng taong nakapandong sa apat na kaluluwa.
"Ikaw na tumawag sa amin , ihayag mo ang iyong katauhan"
nakabibinging sigaw ng isang kaluluwa
Sumunod ang taong naka-pandong ang ulo, itoy walang iba kundi si Black Phantom
Isang matatalim na kidlat at kulog ang lumitaw sa langit.
"Bakit mo ginambal ang aming pananahimik?" sigaw ng ikalawang kaluluwa.
"Sa tingin ko'y napapanahon na upang sakupin ng kadiliman ang buong Avarlone".
"Hindi pa napapanahon tampalasan! hindi pa sapat ang aming kapangyarihan". sagot ng ikatlong kaluluwa.
"Paunmanhin po aking mga ninuno." sabi ni Black Phantom na lumuhod sa gitna nito.
"Hindi pa ngayon ang nakatakdang panahon, ihanda mo muna ang daan sa aming pagbabalik bago mo kami tawagin. Hindi mo nga nagagawang maramdan ang dalawang malalakas na pwersang hahadlang sayo Black Phantom Hahahahahaha". sagot ng ika-apat na kaluluwa.
"Anong ibig ninyong sabihin!!!"
"Ipakita sa akin ang sinasabi ng aking mga ninuno!"
Lumitaw sa nagngangalit na apoy ang imahe ng kalakhang Avarlone . tila isang liwanag na nagmumula sa Emerald Kingdom at ang isa pang liwanag na nanggaling sa napakalayong mundo , hindi abot ng kapangyarihan ng masamang manggagaway.
"Mag ingat ka Black Phantom isinasaad sa kalangitan na may dalawang nilalang na hahadlang sayo ayon sa mga grupo ng mga bituin ni Cassiopeia at ang Orion, saad ng unang kaluluwa.
"Hindi maari ito" nanginginig sa galit si Black Phantom kumuha ito ng papel at panulat pagkatapos magsulat ay inihagis ito apoy.
"Hanapin niyo ang pinagmumulan ng mga kakaibang mga liwanag sa Avarlone.
Mula sa usok naging mga anino ito na pumailanlang sa langit nakakatakot ang kanilang mga hiyaw.
"Gamit ang inumin na ito makakapasok ako sa Emerald Kingdom ng walang kahirap hirap."
Ininom ni Black Phantom ang nasa kopa at pagkatapo ay isang malulutong ang mga halakhak ang bumalot sa loob ng makakatakot nayungib. Habang tumatawa si Black Phantom ay unting-unting nagbabago ang kanyang wangis.