Samantala......
May isang mundo mula sa ibang panahon at oras. Isang kakaibang daigdig na may malawak na lupaing sakop ng mga iba't ibang uri ng mga hindi ordinaryong nilalang kagaya ng mga Diyos at Diyosa, mga Orc tribes, Elementals, Witches, Warlocks , WereAnimals (mga taong may kakayahan maging mapanaganib na hayop, at Dragon Riders. Nababalot ng kasamaan, karimlan at kaguluhan ang mundong ito na tinatawag na Averlone.
Bagama't namamayani ang kasamaan sa mundong ito may kaharian na nagtataguyod ng kapayapaan at kabutihan sa mundong ito. Ang Emerald kingdom. Sila'y mga nilalang na mula sa salinlahi ng mga Diyos at Diyosa ng Bundok Olympus. Ang anak ni Zeus (Chief God of Mount Olumpus) na si Dionysus (God of Wine and Festivity) ay napadpad sa mundong ito.

Dito siya nagpasyang mamuhay kasama ang kanyang Asawa na si Aurora. Ang Diyosa ng niyebe. Malayo sa mga kapatid na mga Diyos at Diyosa ng bundok Olympus.
Salamat sa kagitingan at kabayanihan ng mga magkakapatid na warrior-princess na sina Fortress, Nympha, Myst, Shielda at Zuleika sa pagpapanatili ng kapayapaan ng sa lupaing sakop ng Emerald Kingdom.
Kasalukuyan nagtatanghal ng palabas ang limang magkakapatid na prinsesa para sa pagdiriwang ng kaarawan ng kanilang Amang Hari na si Dionysius.
Nagsisipaghiyawan at sigawan ang mga mamayan ng Emerald Kingdom sa kagalakan dahil sa ipinapakitang galing ng mga prinsesang nakikipagpambuno sa mga halimaw na korteng Aso.
Patakbo sila papasok ng malaking arena kung saan ginaganap ang mga labanan na mga warriors.
"Humanda sa pagdating ng mga halimaw na aso!!" Matapang na sabi ni Shielda.

Shielda
Si Shielda ang nagtataglay ng makapangyarihan baluti laban sa anumang uri ng sandata, mapa apoy man o anumang uri ng mahika ng kalaban. May sungay siya sa ulo na kagaya ng isang kambing na bahagyang natatakpan ng itim niyang buhok, balingkinitan ang pangangatawan, kulay berde ang kanyang mga mata. Ang kanyang kalasag ang nagbibigay sa kanya ng tibay at lakas kahit saan ay parati niyang dala ang makapangyarihan kalasag.
"Napakarami nila!" nangangambang sabi ni Zuleika.
Si Zuleika ang pinakabunso sa lahat ng magkakapatid, ang pinakamaganda at pinakamamahal ni Haring Dionysius at Reyna Aurora. Kakaiba si Zuleika kung titingnan mabuti, walang kakaiba sa kanyang wangis bilang isang diyosa.

Zuleika
"Humanay ka sa likod kung bakit hindi pa rin lumilitaw ang iyong espesyal na kakayahan, Walang Silbi!" mabalasik na sagot ni Fortress.
Si Fortress ang pinakapanganay sa magkakapatid may taas ito anim na talampakan, ahit ang gilid at ibabaw nitong buhok at nakatali ang natitirang buhok niya sa kanyang likurang hanggang batok. Malalaki at maraming muscle ang katawan ni Fortress na maihahambing sa maskuladong lalaki, kaya walang nangangahas na magkagusto sa kanya dahil sa nakakatakot niyang wangis.

"Ako ng bahala sa dumaragsang mga halimaw na aso, kayo na ang bahala sa mga witawit na nasa himpapawid!!" wika ni Nympha.
Mula sa mga kamay ni Nympha lumitaw ang liwanag at naging mahiwagang truncheon. Kasabay noon naging buntot ng isda ang kanyang dalawang paa. Pagkatapos noon ay gumawa siya ng malaking daluyong upang tangayin ng malaking rumaragasang tubig ang mga halimaw.

"Nariyan na ang mga witawit!!" babala ni Mist.
Mga uri ng maliit na payat na halimaw na hugis tao, may kakayahan itong lumipad simbilis ng mga paniki.
"Deymaro at saybira!" Engkantasyong binigkas ni Myst na ang ibig sabihin ay hangin at masamyong amoy. Itinaboy ng hangin ni Mist ang mga witawit sa ibat ibang dako.

Sa pamamagitan ng mga kapangyarihan nila Nympha at Mist nabawasan pa ang dumaragsang mga halimaw.
"Suggggggooooddd!!!" Sigaw ni Fortress
Malakas na lumundag si Fortress, sinalubong niya ng malaking itak ang mga halimaw. Bawat pagpaslang niya sa mga halimaw ay nakasisindak na sigaw mula sa kanya.
"Dito ka lamang sa tabi ko Zuleika at huwag kang lalayo pro-protektahan kita ng aking baluti." ani ni Shielda.
"Maraming salamat Namri Shielda."
(Namri na ibig sabihin ay nakakatandang kapatid.)
Sama-sama nilang pinuksa ang mga halimaw, ubod ng tapang ang magkakapatid na mga warrior princess. Sa tindi ng labanan sa loob ng Arena ay dumadagundong sa katuwaan habang nanunuod ang mga mamayan ng Emerald kingdom. Kanya-kanya pa sila ng sigaw ng pangalan ng mga prinsesang hinahangaan nila.
Napatingin si Zuleika sa mga manonood namamalas niya ni isa ay wala man lang sumisigaw ng kanyang pangalan.
"Zuleika sa likuran mo!" sigaw ni Myst.
Isang witawit ang susugod sa likuran ni Zuleika ngunit kaagad itong napadpad sa malayo dahil sa malakas na hangin ni Mist.
"Maraming Salamat Namri Mist."
Ilang segundo pa ay may paparating pang laksang-lakasang mga halimaw. Patuloy sa pagdami ang mga halimaw.
"Walang mapapagod, walang magpapabaya, Isipin ninyong nanganganib ang Emerald Kingdom." Matapang na sabi ni Fortress.
"Sugod para sa kapayapaan ng Emerald Kingdom!!!" ubod ng lakas na sigaw ni Fortress.
Pagod na pagod na si Zuleika sa pagsugpo ng mga halimaw ngunit may nag iisang tinig ang ang nangingibabaw sa mga manunuod.
Kaya mo yan, Zuleika!!" sigaw ni Eyhan. Na nakikinuod din ng palabas.
Si Eyhan ang matalik na kaibigan ni Zuleika, isa siyang mag aaaral at apprentice ni Wiseman. Kasama ni Eyhan na nanunuod ang kanyang alagang ibon nagliliwanag at ang kapatid niyang si Eyho.
Dahil dito ay nawala sa konsentrasyon si Zuleika sa mga kalaban kaya may witawit na nakalapit sa kanya at tinarakan siya nito ng matatalim na kuko sa kanyang tiyan.
"Zuleika!!!" sigaw ni Eyhan sa pag alala sa kaibigan.
Mula naman sa entebladong nanunuod ang Hari at matataas na mga opisyal ng kaharian.
Napatayo si Haring Dionysus sa kinauupuang trono nito nabigla sa pangyayari.

Dionysius
Greek god of wine and Festivity.
One of the son of Zeus
"Heneral itigil na ang palabas malala ang tinamo ni prinsesa Zuleika."
"Mahal na Hari ipinapayo kong huminahon muna kayo, isipin na lamang ninyo na nasa totoong digmaan ang mga prinsesa, tingnan natin kung hanggan saan ang kaya nilang gawin sa sitwasyon ng kagipitan."
"Tama po ang sinabi ng Heneral, masusi pong nagsanay ang mga prinsesa sa pakikipaglaban, maghintay pa tayo ng mangyayari, nakahanda na ang mga mangagamot natin." Saad ng pangunahing Eunuko.
"Nag-alala ako sa anak kong si Zuleika." Wika ng nababahalang Diyos ng mga Alak na si Dionysus.
Kasalukuyan naman nanghihina ang pinakabunso sa magkakapatid na si Zuleika dahil sa tinamo niyang sugat.
"Zuleika ayos ka lang ba? Kasalanan ko ang lahat at hindi kita nabantayan ng maigi." Nag-alala din sabi ni Shielda. Dahil dito ay kumilos si Shielda upang lunasan ang sugat ni Zuleika. Biglang lumitaw ang apat na maliliit na panangalang na yari sa liwanag at pinalibutan ang katawan ni Zuleika.
"Aking mahiwagang baluti bigyan ng kalasag panghilom ng sugat si Prinsesa Zuleika."
"Ayos ka lang ba si Zuleika? " tanong ni Myst. Ikatatlo sa magkakapatid na prinsesa.
"Nilalapatan na siya ng panghilom ng aking kapangyarihan ngunit pansamantala lang ang bisa nito." Saad ni Shielda.
"Hindi ka kasi nagiingat. hindi ka naparito Zuleika para maging alagaing musmos nasa gitna tayo ng laban, magiging pabigat ka lang kung parati kang ganyan," panghahamak ni Fortress sa kay Zuleika.
Mapapait na salitang binitiwan ni Fortress nang makalapit siya kanila Shielda, Myst at Zuleika.
"Tama na ang pag uusap, dumaragsa na naman ang mga halimaw!" sigaw ni Nympha na mala sirena ang anyo.
"Bilog na tahanan!" Mabalasik na sigaw ni Fortress.
Mabilis na pinalibutan ng apat na magkakapatid si Zuleika para ito'y protektahan at harapin ang kalaban.
"Mahirap na ang sitwasyon natin, napapalibutan na tayo ng mga halimaw." wikang muli ni Nympha.
"Kung may kapangyarihan lang sana ako." wika ni Zuleika.
"Huwag mong sisihin ang sarili mo, isipin mong pagsasanay na rin ito." wika ni Myst.
"Anong nangyayari?" bulalas ni Fortress nang mapansin niya ang itim na anino na pumapailanlang sa kalangitan.
"Masamang kapangyarihan, humanda kayo hindi na ito isang palabas." babala ni Shielda.
Binalot ng dilim at mga aninong humihiyaw na nakakatakot ang buong kalangitan ng Emerald Kingdom.
"Mahika ito ni Black Phantom humanda kayo!!" matapang na sigaw ni Nympha.
"Heneral ang mga Prinsesa ko, Ipatawag si Wiseman at ilabas sa Arena ang mga prinsesa." Utos ni Haring Dionysus nang makita niyang lalong sumasama ang sitwasyon at nanganganib na ang mga anak niyang mga prinsesa.
"Kanina pa po Mahal na Hari ngunit tingnan ninyo ay hindi makapasok ang ating mga kawal may mahikang humaharang sa buong Arena." Mabilis na tugon ng Heneral ng sandatahan.
"Mga Kawal ilikas ang Mahal na Hari." Mahigpit na utos ng Heneral sa mga kawal bantay.
"Hindi ako makakapayag kailangan kasama ko ang mga anak kong prinsesa. Mga Annnnnnaaakkk!!!!" Ubod ng lakas na sigaw ni Haring Dionysius sa kanyang mga anak.
"Kamalasan! Walang susuko, lalaban tayo hanggang sa huli." utos ng panganay sa magkakapatid na si Fortress.
"Mahal na Hari!" wika nilang lahat ng marinig nila ang sigaw ng kanilang Ama.
"Sugod!!!!" Sigaw ni Shielda.
Buong tapang at lakas na sumugod ang apat na magkakapatid na prinsesa, naiwan si Zuleika na namimilipit sa sakit dahil sa natamong sugat.
"Kung may kapangyarihan lang sana ako, Mahabaging bathala tulungan po ninyo kami." wika ni Zuleika habang tumutulo ang kanyang mga luha.
Isang nakasisilaw na liwanag ang tumanglaw kay Zuleika nagliwanag ang kanyang katawan dahil sa liwanag na bumalot sakanyang buong katawan.
"Anong nangyayari?" tanong ni Zuleika sa kanyang sarili.
Isang tinig mula sa kawalan ang kanyang narinig.
"Zuleika, ikaw ang pinipili ki upang maging liwanag na tatanglaw sa madilim at karimlan, ikaw na may busilak na puso, mapagkumbabang loob, tapat na lingkod ng liwanag ng pagasa damhin mo, yakapin mo ang kapangyarihan galing sa liwanag."
"Sino ka?" tanong ko.
"Ako ang liwanag ng Pag-asa na matagal nang nanahan sa iyong kalooban. Magliwanag ka upang sugpuin ang kasamaan."
Matapos maglaho ang liwanag napatingin ang lahat kay Zuleika na nagbago ng anyo.

"A-ang Valkyrie." wika ni Wiseman na tumatakbong papalapit sa kinaroroonan ng hari.
"Anong nangyayari kay prinsesa Zuleika?" tanong ng Haring Dionysius.
"Ang maalamat na Valkyrie Kamahalan."
Lumulutang sa langit si Zuleika ubod ng bilis na sinugod at pinaslang ang mga kalabang halimaw. Hindi makapaniwala ang mga manunuod at ganoon din ang apat na prinsesa na may mandirigmang ubod ng bilis at lakas na pinapatay ang mga kalabang halimaw......
Lyka Pov...
Nanlalabo aking paningin nang pagmasdan ko ang nasa paligid. Hindi ito silid ng palasyo. Nakarinig ko ang isang huni ng ibon. Ito ang mahiwagang alaga ibon ni Eyhan na nagliliwanag. Nasa silid ako ni Wiseman. sa isip isip ko.
"Magandang umaga, Prinsesa Zuleika!" Bati sakin ng matandang salamangkero.
Mahaba ang kanyang damit, natatakpan ng kamay ang kanyang kamay ng mahabang manggas. Gayundin ang laylayan ng kanyang damit na sumasayad sa sahig. Luma man ang kanyang damit ngunit napakabango nito na amoy kape o tsaa na niluluto niya mula sa ibat ibang uri ng halamang gamot.
"Magpahinga na muna kayo Prinsesa upang makabawi pa kayo ng lakas,"
Lumipad patungo sakin ang alagang ibon ni Eyhan. Iniharang ko ang aking braso para matakpan ang nakakasilaw nitong liwanag.
"Ferbus, mabalik ka dito masyadong maliwanag ang ilaw mong taglay!"
Dumapo muli sa sabsaban ang napakaliwanag na ibon humuhuni na tila nalulungkot.
"Sapat na ang liwanag na ito para sa silid." pagka sabi nito ni Wiseman itiniro niya ang isang kandila at kusang nagliwanag ito, pagkatapos ay sumunod na nagliwanag na din ang ibang mga kandila.
"Anong nangyari sakin Wiseman?" tanong ko.
"Anong nangyari? hmmm. Ano nga ba ang nangyari Prinsesa Zuleika?"
Lumapit si Wiseman sa lumang lamesa at naupo paharap sakin,
"Pagkarating ko'y nadatnan ko na lamang na nagbago ka ng anyo. Sinugpo mo ang napakaraming mga halimaw. Isang mahiwagang pangyayari ang nakita ko Mahal na Prinsesa .lumabas sa iyo ang nakakasilaw na liwanag pagkatapos ay nagapi mo ang masamang mahika na dulot ni Black Phantom."
Sinundan ko siya ng tingin ang gingawa niyang pagtitimpla sa kanyang lumang tasa na may sangkap na kumikinang. Nakakamangha.
"Pagkatapos ay nawalan ka ng malay." Pagkatapos nun ay sinamyo niya ang usok na nagmumula sa tasa at saka tinikman ni Wiseman.
"Wiseman yun na po ba ang espesyal kong kakayahan?" Naisipan ko siyang tanungin tungkol sa naganap sakin nitong huli.
"Napakahirap na katanungan, Pero nanahan sayo ang ma-alamat na tinatawag na Valkyrie, ang sugo na mula sa liwanag. Ayon sa lumang kuwento, Pinamunuan ng Valkyrie ang labanan ng mga sinaunang nilalang dito sa Avarlone. Malagim ang pangyayaring iyon sa pagitan ng kabutihan at kasamaan. Marami ang nasawi at naging mapanglaw ang buong paligid. wala kang naririnig kundi mga iyak at hinagpis ng mga naulilang mga kabiyak na nawalan ng asawa, ng mga magulang na nawalan ng anak at mga supling na nawalang ng magulang."
"Kaya hindi ko alam kung ano ang maisasagot ko sayo Prinsesa, Hindi rin magandang pangitain na mula sa iyo nagpakita ang Valkyrie." Patuloy ni Wiseman.
"Ngunit Wiseman bakit ako ang kinasangkapan ng Valkyrie upang mapigil ang maraming halimaw sa pagtatanghal?"
"Bakit di mo tanungin Mahal na Prinsesa ang puso mo, marahil may mga bagay na hindi nasasagot ng isipan ngunit nasasagot ng mabuti at malinis na puso.
Napatingin ako kay Wiseman ganoon din kay Ferbus na alagang ibon ni Eyhan. Tumitig sakin ang ibon kakaibang pakiramdam ng tumingin ako sa mga dilaw na na tila bolang crystal sa sobrang linaw ang mga mata nito.
꧁༺~~~~~~~༺꧂
"Mahal na Prinsesa hintay!" Sigaw ni Eyhan.
Mabilis namin tinatakbo ang bundok na nalalatagan ng malalambot at mababang damo.
"Bilisan mo Eyhan napakupad mo!"
Nakasunod sakin si Ferbus habang tinatahak namin paitaas ang patag na tuktok ng bundok. Kitang kita ko ang maulap na kalangitan at napakalawak na sakop ng Emerald Kingdom. Masagana ang aming kaharian at payapa naman hangganan nito. Sa dulo nito ay kabaliktaran naman. madilim napupunong matatalim na kidlat ang nakikita ko na sakop namam ng mga Orcs, Wereanimals , Warlocks at iba pang masasamang nilalang na kumakalaban sa aming kaharian.
Habang pinagmamasadan ko ang buong paligid ng Avarlone, ang siya namam biglang paglitaw sa harap ko ni Eyhan.
"Huli ka Prinsesa!"
"Nakakagulat naman, ang daya mo gumamit ka ng mahika para lamang makahabol samin ni Ferbus."
"Wala tayong usapan hindi ba ,Na bawal gumamit ng kapangyarihan." Wika ni Eyhan sabay hagikgik.
Lumitaw ng husto ang kanyang kakisigan habang siyay tumatawa. Pantay-pantay ang mga mapuputing ngipin nito, mapula ang kanyang labi, sa pagtawa niyang niyon lumitaw ang malilit na biloy sa sa kanyang pisngi. Kulay abo ang buhok niyang maalon na nahahati sa gitna. Mas mataas sakin si Eyhan ng ilang pulgada. Malapad ang kanyang balikat at pati ang kanyang dibdib na natitiyak kong masarap humimlay sa parteng iyon. Nakalitaw ang maumbok niyang dibdib dahil dahil nakabuka ng bahagya kanyang damit na kulay tsokolate. Hapit na hapit sa kanyang katawan ang kanyang suot maski ang kanyang pambaba ay bakas na bakas ang bilugan niyang mga hita hanggan sa suot nitong mga bota.
"May problema ba Prinsesa?" Wika niya ng mapatulala ako sa kanya hinahangaan ko ng sobra ang kaibigan ko.
Nagulat ako ng itulak ako ni Ferbus mula sa aking likuran kaya napakapit ako sa matitipunong mga braso ni Eyhan.
Napatitig sakin ang mga mata ni Eyhan na kulay berde na kagaya ng turquoise, nabighani ako sa kanyang mga titig.
"Prinsesa?"
Isang malakas na hangin ang bumuwal samin napahiga kaming dalawa sa damuhan isang pulgada lang ang pagitan ng aming mga mukha, tila parang kumukulog sa kaba ang aking dibdib na lalong sumidhi nang haplosin ng kamay ni Eyhan ang mukha ko.
Throwback
Napakaraming mamamayan ang nailikas at naligtas ng aming mga kawal mula sa pagsalakay ng mga orcs sa kanayunan. Inipon silang lahat sa plaza upang doon muna maghintay sa naiwan pang iba.
"Naawa ako sa kanila Namre Fortress." wika ko.
"Totoo kaya kapag lumaki ako ang haharap sa mga mababaho at nakakadiring mga Orcs na mga yan." Matapang na sabi ni Namre Fortress.
"Napakasasama talaga ng mga orcs palibhasa'y mga halimaw sila." saad ni Namre Myst.
"Zuleika saan ka pupunta?" Sigaw sakin ni Nympha ng makababa ako ng hagdan patungo sa plaza. Dala ko ang isang balot ng tinapay para bigyan ko ang isang batang nagiisa at nakaluklok sa sulok malaking poste.
Umiiyak itong nakasubsob ang ulo sa mga brasong nakapatong sa kanyang tuhod.
Dahan dahan akong lumapit tumingin tingin sa paligid dahil baka may mga kawal na makakita sakin.
"Bakit ka umiiyak?" Tanong ko sa batang lalaki.
Patuloy lamang sa pag iyak ang batang lalaki na nasa edad marahil ay pitong taong gulang. Lumapit ako at hinawakan ko ang kanyang balikat.
"Huwag ka ng umiyak, magiging maayos din ang lahat. Matatapang at magigiting ang mga kawal ng kaharian. Tiyak matatalo nila ang mga Orcs at makakabalik ka rin sa inyong tahanan."
"Wala na akong pamilya pinaslang sila ng mga Orcs, kaya hindi ko na sila makakasama." aniya.
"Nakakalungkot naman. Heto oh may bigay ako sayo." sabay abot ko sa kanya ng pagkain.
"Kunin mo na para sayo yan.Ako nga pala si Zuleika, ikaw anong ngalan mo?"
"Eyhan ang pangalan ko, Salamat dito ha." Malungkot niyang sabi
"Maganda ang damit mo marahil isa ka sa mga dugong bughaw. Bawal kaming lumapit sa inyo." akmang aalis ang batang lalaki ngunit kaagad ko itong pinigilan.
"Bawal ay kung mahuhuli nila tayo di ba?" sabay tawa ko.
Huminto sa pag iyak si Eyhan sa wakas ay sumilay ang ngiti nito sa kanyang labi.
"Nakakahawa ang pagtawa mo," at tumawa na din ito kasabay ko.
"Zuleika anong ginagawa mo dito?"
"Ang mahal na hari," bigla itong yumukod sa harapan ko.
Paglingon ko ang Amang hari nga ang aking nasa likuran,"
"Amang Hari!" bulalas ko.
"Pasensya na kamahalan at nakalapit ang batang ito sa prinsesa, nasawi na ang kanyang mga magulang at mga kapatid kaya naririto siya sa plaza,"
"Sandali lang Ama kasalanan ko po, ako ang unang lumapit sa kanya nakita ko siyang umiiyak kaya binigyan ko siya ng pagkain."
"At gusto ko siyang maging kaibigan." patuloy ko.
"Hay naiiba ka talaga sa lahat aking prinsesa." binuhat ako ng aking Ama.
"Huwag niyo po siyang paalisin dito sa palasyo kawawa naman po si Eyhan kaibigan ko na po siya simula ngayon."
Nangiti sa akin ang aking Amang Hari.
"Kung ganoon batang lalaki simula ngayon ay kukupkupin ka na ni Wiseman, Si Wiseman na iyong magiging pamilya."
"Marami po kong alam tungkol kay Wiseman at sa kanyang mga pagmamahika. Maraming maraming salamat po."
"Lalaki kang marangal na binata sa kay Wiseman."
Umalis na kami ni Ama sa plaza habang akoy karga sa kanyang mga bisig.
"At ikaw munting Prinsesa lalaki kang isang mabuting reyna ng kaharian na ito."
Hindi ko batid ang sinabing iyon ni Ama dahil nakalingon ako kay Eyhan habang kumakaway papalayo sa bago kong kaibigan. Ito ang una naming pagkikita ni Eyhan.
End of throwback
Nagulat ako ng sumalpok sa mukha ni Eyhan si Ferbus na kanyang alagang ibon. Natawa ako ng malakas dahil dito. Hinabol niya si Ferbus ng itoy makalipad muli, marahil ay napahiya si Eyhan sa nangyari.
Isang malakas na puwersa ang nabangga nila, nagtataka kami kung ano itong bagay na unti unting lumilitaw.
"Isang pinto sa mataas na tambak ng lupa?"
Namangha ako kung ano mayroon sa pintuan. pagkalapit ko ay kusang bumukas ito.
"Prinsesa huwag baka mapanganib dyan!"
"Mag-iingat naman tayo halika na nang makapasok na tayo sa loob." Sabi ko.
Sa una ay madilim ang aming tinatahak na daan ngunit paunti untiy nagliwanag ang buong paligid, mula sa hinahakbangan kong hagdan ay tila mala crystal itong aking pagmasdan.
"Ano kaya mayroon sa lugar na ito?" tanong ni Eyhan mula saking likuran.
Sa dulo ng hagdan ay maliking bulwagan na napupuno ng mga kristal, mula sa sahig at itaas ay nababalutan ng kristal. Nagkalat din ang mga kristal na maliwang at makinang, tila nagsasagutan sa pagkislap ang mga kristal na naroon. Ngunit banayad sa mga mata ang hatid.
"Eyhan napakagandang lugar na ito mukhang alam ko na kung anong lugar ito!"
"Sang-ayon ako Prinsesa Zuleika, ito ang silid ng crystal tower ng palasyo." Wika ni Eyhan na nakasunod sakin.
"Ina." sambit ko para hanapin ang aking ina.
Dito nahihimlay ang aking ina upang maging pundasyon ng mahiwagang harang ng buong kaharian.
Biglang dumilim at naglaho sa paligid ang lahat ng aking nakikita.
"Eyhan nasaan ka?" sigaw ko sa napakadilim na lugar.
"Ferbus?"
"Nadi Zuleika," isang napakalamig na boses ang aking narinig.
(Nadi na ibig sabihin ay Anak.)
"Ina, ikaw nga ba yan? Ina magpakita ka sakin."
"Zuleika..."
"Mahal na mahal kita Ina, pakiusap magpakita ka sakin."
Isang kapirasong liwanag ang lumitaw at naging hugis dyamante. makulay ang kinang nito na lumapit sakin.
Inabot ng dalawang mga kamay ko ang dyamanteng lumulutang.
"Narito ako Anak, kamusta ka pinakamamahal kong prinsesa."
"Nasasabik na ko makita ka Ina kailan tayo muling magkakasama?" tanong ko.
"Pakiramdam ko'y malapit na Anak ang takdang araw ng isa sa inyo ang hahalili sakin, upang maging pundasyon ng lakas nitong Crystal Tower. Batid mo ang kahalagahan nitong Crystal tower."
"Opo Ina, kayo at ang Crystal Tower ang humagadlang sa pagsalakay ng mga kalaban ng ating kaharian."
"Anak makinig ka at dapat ikaw lang ang nakakaalam ng bagay na ito, lumapit ka saking hinihimlayan,"
Lumitaw mula sa dilim nag isang malaking kristal na hinihigaan ng aking ina, mabilis ko itong nilapitan.
"Napakarikit niyo aking Ina." Sambit ko nang makita ko ang kanyang mukha.
"Zuleika kunin mo ang kuwintas ng luha ng buwan." Utos sakin ni Ina.
"Ano ang bagay na ito Ina."
"Mahalaga ang kuwintas na iyan magagamit mo iyan sa tamang panahon, Magpalakas ka at tibayan mo ang iyong loob. Paparating na ang mga Orcs at si Black Phantom, naghahanda sila ng malaking digmaan laban satin."
"Opo Ina."
"Kunin mo ang tipak ng yelo na ito. Magagamit mo iyan kapag nakasagupa mo si Black Phantom. Gamitin mo sa tamang pagkakataon ang tipak ng yelo isang beses lang ang bisa nito."
"Inang Reyna. Ano po itong nakikita ko sa paligid?"
"Mga bahagi ng magaganap sa kasalukuyan at hinaharap, Zuleika."
"Sino po ang lalaking nagbago ng wangis? At sino po yun lalaking mukhang galing sa ibang mundo?" Tanong ko sa bagay na nakakuha saking kuryusidad.
"Isangguni mo kay Paroa ang iyong nakikita siya ang may kapangyrihan makakita ng mga bagay bagay na mahiwaga, Paalam Anak magiingat ka palagi."
"Inang Reyna saglit lamang!" Sigaw ko habang papalapit sa hinhimlayan ng aking Inang Reyna.
Muling nagliwanag ang aking paligid nakita kong muli si Eyhan kasama si Ferbus.
"Mahal na Prinsesa lumabas na tayo."
Kinuha ni Eyhan ang aking kamay patungo kami sa napakalaking pintuan na nalalantayan ng ginto at pilak pagbukas namin ng pinto. Naalerto ang mga kawal humanda sa pagtugis sa amin na nangaling sa loob ng Crystal Tower.
"Mahal na Prinsesa! Anong ginagawa niyo sa loob ng Crystal Tower? bakit kasama ninyo ang mag-aaral ni Wiseman?"
Sunod-sunod na tanong ng Punong tagapagbantay ng Crystal Tower.
Dinala kami ni Eyhan sa bulwagan ng palasyo.
"Mahal na hari natagpuan galing sa loob ng Crystal Tower magkasama si Prinsesa Zuleika at si Eyhan na mag aaral ni Wiseman?"
Iniharap kami ni Eyhan sa Amang Hari kasama ang ilang opisyal ng sandatahan ng palasyo at mga Eunuko.
"Anong ginagawa niyo sa loob ng Crystal Tower? Alam nating lahat na ipinagbabawal ang sino man lumapit sa himlayan ng Reyna Aurora," tanong ng Punong Eunuko.
"Ang Crystal Tower ang tanging sandigan ng ating proteksiyon laban sa ating mga kalaban at nagtatangka sa seguridad ng Emerald Kingdom." dugtong ng Heneral ng sangdatahan.
"Prinsesa Zuleika, mahal kong anak bakit nasa loob kayo ng crystal, alam mo may karampatang parusa ang sino man papasok doon." ani ng Mahal kong Ama.
"Ama nasa itaas kami ng patag na bundok ng may makita kaming isang pinto ni Eyhan, wala sa loob namin pumasok kami doon at narating namin ang loob ng himlayan ng Inang Reyna."
"Tama po ang sinasabi ni Prinsesa bigla na lamang kaming nakarating sa loob." sabi ni Eyhan.
"Manahimik!" Wika ni Wiseman sabay kumpas ng kamay upang patumbahin si Eyhan, lumagapak sa sahig ang pang upo ni Eyhan.
"Ama, ang sakit noon." reklamo ni Eyhan.
"Magsalita ka lamang kapag ikaw ang kinakausap." wika ni Wiseman.
"Alam naman natin na may kapilyohan ang mag aaral ni Wiseman. Hindi kaya ginamit niya ang karunungan at kapangyarihan niya upang makapasok sa loob ng Crystal Tower." wika ng isa sa mga konsehong miyembro binuo para sa alyansa pangkapayapaan.
"Hindi totoo yan Mahal na Hari, bigla na lamang nagsalita ang Inang Reyna sa akin. Binigyan niya ko ng babala tungkol sa mga mangyayari." Paliwanag ko
"Mahal na Prinsesa huwag ninyong pagtakpan ang ginawa ng magaaral ni Wiseman." wika ng Punong Eunuko.
"Nag iisa lang sa tana ng buhay ko ang mag aaral kong si Eyhan, itinuring ko ng tunay na anak ang binatang ito simula nang mamatay ang kanyang pamilya." Pagtatanggol ni Wiseman.
Tumingin pa si Wiseman kay Ehan bago mulung nagsalita.
"Kaya bakit ko tuturuan ng maling kaugalian ang aking mag aaral na kalaunay papalit din sa akin, pakatandaan ninyong isang libong taon na ko nabubuhay kaya bakit ako hihirang ng pasaway na mag aaral."
"Bilang Hari ng Emerald Kingdom dahil nilabag niyo ang batas Prinsesa Zuleika at si Eyhan na mag aaral ni Wiseman, Pinapatawan ko kayo ng parusang isang linggong hindi magkikita , Ipinagbabawal kong pumasok ka sa Palasyo Eyhan." Gawad na parusa ng Amang Hari.
"Ngunit Amang Hari tutol ako sa inyong pasya kung hindi natagpuan ni Eyhan ang pinto sa ng tuktok ng bundok ay hindi maipapahayag sakin ng Inang Reyna ang kanyang pangitain." Pagpupumilit ko.
"Ano ang pangitain iyong nakita Prinsesa Zuleika?" Tanong ng Heneral.
"May isang tao ang kinasangkapan ni Black Phantom at ang sumunod ay paglusob ng mga Orcs, mga halimaw. Nagkaisa ang mga tribo ng mga caleb (mga taong nag aanyong hayop), mga warlocks at mga dragon riders upang lusubin tayo.
Nagbulong bulungan ang mga opisyal at eunuko kasama ang Mahal na Hari at lumikha ng usapin sa kanila ang isiniwalat ko.
"Heneral, higpitan ang pagbabantay sa bawat himpilan ng mga tarangkahan at toreng humahadlang sa mga kaaway ng Emerald Kingdom, Wiseman isama mo si Prinsesa Zuleika isangguni ninyo kay Paroa ang pangitain nakita niya." Utos ni Ama sa Heneral.
"Masusunod po Mahal na Hari." tugon ni Wiseman.
Tila nabalot ng pangamba ang buong palasyo dahil sa isniwalat ko, Laksa laksang kawal ang pinalabas sa palasyo upang magbantay sa dadarating ng mga araw.
꧁༺~~~~~~~༺꧂
Isinama ako ni Wiseman patungo kay batis ni Paroa.
Sakay ng bangkang dahon ay nilandas namin ang ilog patungo sa batis ni Paroa.
"Wiseman sino si Paroa?" Tanong ko.
"Mahal na Prinsesa si Paroa ay isang Celestial, ang Celestial ay mga uri ng nilalang na may natatanging kapangyarihan at walang katulad. walang nakakaalam ng kanilang pinagmulan hindi sila sakop ng ating kaharian o ng anuman tribo." saad ni Wiseman
"Pinili ni Paroa ang makipag ugnayan sa palasyo ng Emerald Kingdom dahil gusto ni Paroa ng katahimikan at namamalas lang niya iyon ang kapayapaan sating kaharian, taglay niya ang kapagyarihan makita ang nakalipas at paparating na panahon, nakababasa siya ng isip at puso maski mga pangitain ay kanyang nakikita."
"Ferbus? Bakit mo kami sinundan?" bulalas ko namg makita ko ang mahiwagang ibon.
Umiikot ang maliwanag na ibon sa akin tila tuwang-tuwa na may ibig ipakiwari.
"Paanong hindi tayo susundan ni Ferbus dahil namdirito rin ang amo niya,"
"Lumabas ka na dyan, Eyhan!" Mariing utos ni Wiseman.
Bigla na lamang bumukas ang malaking baul na pinagtataguan ng kagamitan.
"Masayang paglalakbay, Mahal na Prinsesa."
Malapad ang ngiti niya sa amin. Naniningkit namann ang mga mata ni Wiseman dahil sa palihim na pagsama ni Eyhan sa amin. Kasama na namin si Eyhan sa paglalakbay patungo sa batis ni Paroa.
"Tila hindi yata kayo natuwa ng ako'y inyong makita." napapakamot pa ng ulo si Eyhan.
"Yaman din lamang narito ka na igiya mo ang angkla para mabilis ang ating paglalakbay."