Chapter One
Empire University, Art Room
I love men who cry. Dahil para sa’kin, ang luha nila ang patunay ng pag-ibig nila sa mga babae.
Napangiti si Antenna nang makita ang kanyang masterpiece. It was a portrait of a man with his hands covering his face. Ngunit mapapansin sa larawan ang pagdaloy ng luha nito sa pisngi nito. Charcoal ang ginamit niya sa pagguhit. Nakuntento siya sa ginawa niya.
“Beautiful!”
Nalingunan niya si Miss Serenity, her beautiful twenty-nine year old art teacher. Bakas sa maganda nitong mukha ang labis na pagkamangha habang nakatitig sa portrait niya. “What do you think, Ma’am Serenity?”
Nakangiting nag-two thumbs up ito sa kanya. “As expected from one of my top art students, it’s perfect.”
Naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang magkabilang pisngi. Natutuwa siyang malamang nagustuhan ng favorite teacher niya ang kanyang obra. Ngumiti niya. “Salamat po.”
Humalukipkip ito habang sinusuri ang portrait niya. “May fascination ka talaga sa mga lalaking umiiyak, 'no?”
Nagkibit-balikat siya, saka niligpit ang kanyang mga gamit. “Mataas po ang respeto ko sa mga lalaking umiiyak.” She sighed dreamily. “Sana balang-araw, iyakan din ako ng isang lalaki. Sa gano’ng paraan ko lang masisigurong mahal niya ko.”
Natawa ito ng marahan habang umiiling-iling. “Antenna, dear, matatayog ang pride ng mga lalaki – hindi sila iiyak para lang sa isang babae. It’s romantic, yes, but sadly, walang lalaking iiyak sa totoong buhay.”
Bumungisngis siya. “Basta po. Makakahanap po ako ng lalaking iiyakan ako.”
Natawa ito ng marahan. “Well, if you find him, don’t let him go.”
“I surely won’t, Miss Serenity.” Dumako ang tingin niya sa kamay nito nang kumislap ang diamond ring na suot nito. “Ah, muntik ko nang makalimutan. Engaged ka na nga po pala sa boyfriend mo. Congratulations po!”
Tiningnan nito ang suot nitong singsing. Ngumiti ito pero tila malungkot iyon. “Thank you, Antenna. Yes, I’m now engaged.”
Alam niyang may mali pero hindi niya ugaling mang-usisa. Isa pa, guro niya ito. Kahit malapit sila, hindi pa rin tamang manghimasok siya sa pribago nitong buhay. Nasa unibersidad pa man din sila. “I’ll miss you, Miss Serenity.” Malapit na kasi itong mag-retire sa pagtuturo dahil ikakasal na ito. Mukhang ayaw yata ng mapapangasawa nito ang career nito bilang art teacher.
Nag-angat ito ng tingin sa kanya at doon muling bumalik ang matamis nitong ngiti. “I will miss you, too, Antenna.”
Niyakap siya nito na buong puso niyang tinanggap. Malapit sila ni Miss Serenity sa isa’t isa dahil ito ang tanging teacher na nakakaintindi sa kanya. As an artist, she had some quirkiness in her. Kung saan siya ma-focus, ang bagay na 'yon lang ang ginagawa o pinapansin niya.
Pero kahit makipot lang ang daang nakikita niya pagdating sa pagpipinta dahil nga “may sarili siyang mundo” kahit sinasabi ng marami na malaki ang potensiyal niya na maging mas mahusay pang artist, hindi siya hinahadali ni Miss Serenity. She had let her grow in her own pace.
Pagkatapos ng munting moment nila ni Miss Serenity ay nagpaalam na siya rito.
Tinetext niya ang pinsan niyang si Crayon nang hindi sinasadyang makarinig siya ng isang pamosong break-up line.
“It’s not you, it’s me. I’m really sorry, Lazer.”
Natigilan siya sa pagliko. Napasandal na lang siya sa pader habang nakikinig sa usapan ng magkasintahan. Wala naman siyang magagawa dahil hindi pa siya puwedeng dumaan do’n.
Lazer, huh?
“Okay,” kaswal na sagot ni Lazer.
Hindi ka pa rin nagbabago.
“Okay lang? Gano’n lang kadali 'yon, Lazer?”
“Hey, lady. You were the one who said you’ve fallen in love with that guy, right? Inaasahan mo bang luluhod ako sa harap mo at magmamakaawa sa’yo?”
Isang malakas na sampal sa pisngi ang narinig niya. “I hate you!”
Nakita niyang umiiyak ang babae nang dumaan ito sa harap niya. Bumuga siya ng hangin at lumiko na. Tulad ng inaasahan, naroon pa rin si Lazer. “Yo,” bati niya rito.
Ngumiti ito pero bahagyang nakakunot ang noo nito. “Yo? Hindi ko alam kung paano mo nagagawang batiin ng ganyan ka-kaswal ang ex boyfriend mo na walang kaabog-abog mong hiniwalayan for one pathetic reason – I didn’t cry over you.”
Napatitig na lang siya sa guwapong mukha ni Lazer. Walang bahid ng sarkasmo o paghihinakit ang boses nito. He said those things in wonder.
Lazer was her ex boyfriend. Sinagot niya ito noong eighteenth birthday niya dahil nakukulitan na siya sa panliligaw nito. On their first year anniversary, sinubukan niya ang pagmamahal nito sa kanya. Nakipaghiwalay siya rito. Inaasahan niyang iiyak ito at pipigilan siya sa pinaplano niyang pagkikipaghiwalay. But he had just let her go. Naisip niyang hindi talaga siya nito mahal dahil hindi ito umiyak, kaya hindi na niya binawi ang pakikipaghiwalay dito.
Pagkatapos ng isang taon, ngayon lang uli sila nagkausap. Sa isang taon na lumipas, naisip niyang mali siya sa ginawa niya, dahil na rin sa pangongonsensiya ng magaling niyang pinsan na si Crayon.
“Sorry, Lazer,” sinserong paghingi niya ng tawad sa binata.
Natawa ito ng marahan. “Your apologize has been long overdued, Antenna. Pero sige, kalimutan na natin 'yon.” Napaisip ito. “But did you really love me?”
Siya naman ang napaisip. Her head was filled with their memories. Naging mabuti naman ito sa kanya. Nakaramdam siya ng kaunting pag-iinit sa kanyang puso. “Siguro.”
“You’re really heartless!” natatawang bulalas nito. “Anyway, fascinated ka pa rin ba sa mga lalaking umiiyak?” Alam nito ang tungkol do’n dahil nang tanungin siya nito kung bakit siya nakipaghiwalay, sinabi niyang iyon ay dahil hindi ito umiyak.
“Oo,” matipid na sagot niya.
Ngumiti ito habang iiling-iling. “A guy like that doesn’t exist.”
Eksaheradong sumimangot siya saka ito nilagpasan. Wala siyang oras makipag-debate.
“Antenna, I’m sorry if you were offended!” sigaw ni Lazer.
Kumaway lang siya rito nang hindi ito lumilingon. Nakakita na siya ng mga lalaking umiiyak sa telebisyon. Pero hindi iyon ang klase ng iyak na gusto niyang makita. She was looking for a man who would cry honest tears for her.
Makikita ko rin ang lalaking 'yon. Tiwala lang.
“CRAYON, malapit na ko,” natatawang wika ni Antenna sa pinsan niya. She was talking to her cousin on her mobile phone, with earphones plugged into both ears. Minamaneho kasi niya ang chevy truck niya ng mga sandaling iyon. “Ano bang meron d’yan?”
“Er, I don’t know. Nagpa-House Party si Ate Ellie, kaya pumunta ka na lang dito sa bahay nila para may kasabay akong umuwi mamaya.”
“All right.” Pagkatapos makipag-usap dito ay tinanggal na niya ang earphones niya.
Childhood friend nila si Ate Ellie. Twenty-two years old na ito pero nag-aaral pa rin ito sa Empire. Nag-shift kasi ito ng kurso. Mula sa Business Management ay nag-Broadcasting ito. Malapit sila ni Crayon dito dahil ito ang tumatayong ate sa kanila. Mabait ito at mahilig sa party.
‘House Party’ was a code for Empire U’s students. Isa iyong kasiyahan kung saan ang panauhing-pandangal ay ang elite college band ng kanilang unibersidad – ang HELLO. The band was known to do cover songs of famous artists. Sikat ang bandang iyon sa eskwelahan nila dahil lahat ng miyembro niyon ay guwapo. Kaya lang, mahal ang bayad sa mga ito kaya iyong mayayaman lang talaga ang nakakakuha sa serbisyo ng mga ito.
Nagmimistulang jamming session ang isang House Party kung saan kakanta at tutugtog ang HELLO. Mostly, mga babae ang kumukuha sa mga ito. But often times, aside from partying, those girls had ulterior motive – to flirt with the band members. The boys were celebrities in their university after all.
Nang iparada niya ang truck niya sa garahe ng bahay nina Ate Ellie ay napansin niyang maraming tao ro’n at karamihan ay mga babae. Gano’n naman talaga sa isang House Party.
Pagpasok niya sa bahay ay agad niyang nakita si Crayon na nakaupo sa windowsill. Pero himbis na sa banda, kay Logan – Ate Ellie’s younger brother – lang nakatutok ang atensiyon nito. In love kasi ang pinsan niya sa binata.
“Hi, Antenna!”
Nalingunan niya si Ate Ellie. Ngumiti siya. “Hi, Ate Ellie. Bakit naisipan mo namang magpa-House Party ngayon?”
“Well, nanalo ang volleyball team namin sa friendly match namin versus East Sun University so as the captain, naisipan kong magpa-House Party. Mukhang enjoy naman ang buong team namin. Pati nga mga kaklase ko, sumama,” excited na kuwento nito.
Lumingon siya sa paligid. Pulos kababaihan pala ang naroon. Lahat ng atensiyon ay nasa gitna ng sala kung nasaan ang apat na miyembro ng HELLO.
Nakaupo ang mga ito sa silya. Napapagitnaan ng dalawang gitarista si Riley – ang lead vocalist ng banda at nagkataong kaklase niya. Sa kaliwa ng binata ay ang nakatatandang kapatid nito na si Connor. And to his right was the lead guitarist, Bread. At sa kaliwa naman ni Connor ay nakaupo sa cajon – iyong instrumentong hugis kahon na kailangang tapikin ang harap niyon upang mag-produce ng sound – si Shark, ang drummer ng banda.
Napansin niyang tahimik ang lahat habang nakikinig kay Shark.
“Ano’ng nangyayari?” pabulong na tanong niya kay Ate Ellie.
“Kinukuwento ni Shark ang paghihiwalay nila ng girlfriend niya,” malungkot na sagot nito.
Nagulat siya. Ngayon lang niya narinig na may love life pala ang isa sa mga miyembro ng HELLO. Na-curious siya kaya nakinig siya sa pagkukuwento ni Shark.
“I love her – she’s my first love,” kuwento ni Shark sa napakalungkot na boses. “I would have fought for her if she asked me to. But she didn’t.”
Tumingala sa kisame si Shark saka bumuga ng hangin. Nang magbaba uli ito ng tingin, nagkataong nagtama ang mga mata nila. May kung anong kumirot sa puso niya nang makita ang emosyon sa mga mata nito. His eyes were very sad!
“Siguro hindi niya ko minahal katulad ng pagmamahal ko sa kanya,” pagpapatuloy ni Shark na hindi inaalis ang tingin sa kanya. “At iyon ang pinakamasakit para sa’kin. Hindi niya ko binigyan ng pagkakataong nakawin ang puso niya.”
Bigla siyang nahirapang huminga. Pakiramdam niya, sa kanya sinasabi ni Shark ang mga salitang iyon dahil sa kanya ito nakatingin. Damang-dama niya ang matinding lungkot at sakit sa boses nito. Pero sa kabila ng pagkabigo sa mga mata nito, naroon pa rin ang pagmamahal para sa babaeng ikinukwento nito.
“Today I said goodbye to her, dahil siya mismo ang nakiusap na pakawalan ko siya. It was f*****g painful, but I had to because I wanted her to be happy,” pagtatapos ni Shark sa kuwento nito. Then, tears slipped from his eyes.
Napasinghap siya. Shark was crying! Umiiyak ito dahil sa isang babae! Nanikip ang kanyang dibdib at bumilis ang t***k ng kanyang puso.
He must had loved that woman so much for him to cry over her. Kung gano’n, tama nga ang hinala niya na may lalaking nag-e-exist at magpapatunay na may wagas na pag-ibig sa pamamagitan ng mga luha nito.
Hindi niya alam kung bakit pero habang pinagmamasdan niya ang malungkot na anyo ni Shark, umusbong sa puso niya ang pagnanais niyang alisin ang sakit na nararamdaman nito. He was crying with all his heart for that girl. Nararamdaman niya iyon.
Nararamdaman din niya ang paglihis ng t***k ng kanyang puso.
In love na siya kay Shark!
“SHARK ANTHONY Sylvestre? Sino 'yon?”
Eksaheradong sumimangot si Antenna sa sagot ni Crayon nang tanungin niya ito kung may alam ito kay Shark. Kasalukuyan silang nagtu-toothbrush sa banyo no’n. “Iyong nakaupo sa cajon kanina. Iyong drummer ng HELLO.” Naitanong na niya kay Ellie kanina ang full name ni Shark at na Electrical Engineering ang kurso nito. Nangangalap na lang siya ng karagdagan pang impormasyon.
“HELLO?”
Pinandilatan niya ito ng mga mata. “Oo, HELLO. 'Yong banda kanina na tumugtog sa bahay nina Ate Ellie.”
Nagmumog muna ito bago sumagot. “Hindi ko napansin. Nag-uusap kasi kami ni Logan kanina.”
She rolled her eyes. “Logan, Logan. Puro ka Logan. Kaya wala kang alam sa nangyayari sa paligid mo. Sigurado ka bang gusto mong mag-journalist?” Journalism kasi ang kurso nito kahit may sarili itong mundo at hindi updated sa nangyayari sa paligid nito.
Natawa lang ito. “Anyway, kung gusto mo siyang makilala, kumunsulta ka kay Pareng f*******:. Good night, Antenna.”
“Good night, Crayon.” Tinapos niya ang pagsesepilyo saka pumanhik sa kaniyang kuwarto.
Tumira siya sa bahay nina Crayon simula nang mamatay ang ina niya noong labindalawang taong gulang pa lang siya. Si Tita Catelia na ang kumupkop sa kanya – ang ina ni Crayon at nakatatandang kapatid naman ng mommy niya. Dahil do’n kaya lumaki silang parang magkapatid na ni Crayon.
Pagdating niya sa kuwarto niya ay agad niyang binuksan ang laptop computer niya. Hinanap niya sa f*******: ang account ni ‘Shark Anthony Sylvestre.’ Agad naman niyang nakita iyon dahil may litrato ang binata. Pero nang i-click niya ang Add Friend button, nadismaya siya sa lumabas.
Sorry, this user has already reached the maximum number of friends.
Sumimangot siya. Ngayon na nga lang siya nagkaroon ng interes sa isang lalaki, ganito pa. She just clicked the Subscribe button, para updated pa rin siya sa status nito kahit hindi sila ‘friends.’ Habang nag-i-scroll down siya sa sss wall niya ay isang status update ni Shark ang nabasa niya:
“'Gonna clean up my friends’ list. Too many strangers in it. 'Gonna accept new requests from my dear schoolmates. ;)”
Kumabog ng mabilis ang t***k ng puso niya. Mabilis pa sa alas-kuwatro na nag-send siya ng friend request dito. Impit na napatili siya ng mabilis pa sa alas-kuwatro rin nitong in-accept iyon.
Shark Anthony Sylvestre has accepted your friend request. Write on his timeline.
Hindi siya nagsulat sa timeline nito – ch-i-n-at niya ito! Nanginginig ang mga kamay niya habang nagta-type ng mensahe. Nagdasal pa siya bago iyon i-send.
Antenna Louise Gomez: Hi, Shark! Thank you for accepting my friend request!
Napakalakas ng t***k ng puso niya habang naghihintay kung sasagot ito o hindi. After a minute or two, muli siyang napatili nang makita ang pulang notification na 'yon: (1)
Shark Anthony Sylvestre: Hello, Antenna! No sweats. You have a nice name!
Parang mapupunit na ang mga pisngi niya sa pagkakangiti niya. Hindi rin magkandaugaga ang mga paru-paro sa tiyan niya. Gano’n pala ang feeling na maka-chat mo sa f*******: ang crush mo – nakakakilig, nakaka-tense, nakakakaba pero masaya!
I-se-send na lang niya ang sagot niya nang may nakaka-shock siyang nabasa.
Shark Anthony Sylvestre has logged out.
Impit na napatili siya sa sobrang frustration. Nakakainis naman ang lalaking ito, ang lakas mambitin! In-stalk na lang niya ang timeline ng binata. May announcement na kumuha ng atensiyon niya. Isang contest.
Shark’s twenty first birthday is coming! And every girl has a chance to spend that special day with him! All you have to do is join the contest. Here’s the mechanics:
Create your own birthday gift for Shark – it must be self-made! (example: birthday cards, scrapbooks, knitted bonnet, etc.)
Upload a photo of your gift with yourself on his timeline or on our fanpage.
The winner shall be determined by the highest number of ‘Likes’.
A romantic candlelight dinner with our favorite drummer boy awaits the winner!
–Admin Issy of Handsome Shark’s Official Fansclub
Napangiti siya. Create something for him, huh? Nakakatuwa rin pala ang pakulo ng mga fansclub. Nakaisip na siya ng ireregalo kay Shark. Kinuha niya ang sketchpad at lapis niya.
I’m going to win this contest. Maghintay ka lang, Shark Anthony Sylvestre! Magde-date tayo sa birthday mo!