Chapter Ten

2054 Words
“HERE.” Inabot ni Antenna ang dala niyang canvass na nakabalot sa puting tela kay Miss Serenity. “Advance wedding gift ko 'yan sa’yo.”     Nagtataka man ay ngumiti pa rin ito. “Thank you. Can I see it now?”     She smiled and nodded. “Go ahead.”     Hinila nito ang kulay gintong ribbon no’n. Nalaglag ang puting telang nakabalot sa canvass at nalantad dito ang sketch niya. It was a portrait of Miss Serenity. Sa larawan, nakangiti ito at may bulaklak ng gumamela na nakaipit sa tainga nito.     “Hindi ko kasi alam kung anong dapat iregalo kaya 'yan na lang ang naisipan ko. Sana nagustuhan mo,” wika niya.     Hindi ito nagsalita at nanatili lang nakatitig sa canvass. Hindi niya alam kung anong emosyon ang naglalaro sa mga mata nito dahil nakayuko ito.     Inimbitahan siya ni Miss Serenity sa parehong coffee shop kung saan sila nagkasagutan noon pagkatapos niya itong komprontahin. Pero ngayon, wala na ang negatibong tensiyon na nakabalot sa kanila.     Pagkatapos nang naging huling pag-uusap nila ni Shark, nakapag-isip-isip siya. Tama ito na hindi dapat paghihiganti ang naging solusyon niya sa problema nila. Hindi rin naman kasi niya inakalang masasaktan niya ito dahil nang panahong iyon, may duda siya sa totoong nararamdaman nito para sa kanya.     Noong inakala nitong totoong may amnesia siya ay hindi pa rin siya nito iniwan. He had still put effort for them to be together. Inakala niyang hindi na nito maibabalik ang tiwala niya. Subalit sa mga ginawa nito, napatunayan niyang mali siya.     Humikbi si Miss Serenity na ikinagulat niya. Tumingin ito ng diretso sa mga mata niya. She was teary-eyed.     “I’m sorry, Antenna. Alam kong malaki ang naging kasalanan ko sa’yo. But believe me, hindi ko sinadyang saktan ka. Nadala lang ako ng damdamin ko. I was only supposed to say goodbye to him... b-but I felt this strong urge to let him know how I truly felt about him.” Malungkot na ngumiti ito. “But I was rejected. I guess it’s natural because before it happened, he confessed to me his undying love for you.”     Ngumiti lang siya. “Miss Serenity, talagang mahal mo si Shark.”     Hinawakan nito ang kamay niya. “Antenna, mahal ko siya pero hindi na sing tindi gaya noon. Dahil nang ma-realize kong hindi niya ko mahal gaya ng pagmamahal ko sa kanya, pinigilan ko ang damdamin ko at lumayo ako sa kanya. Siguro, nang araw na magpaalam ako sa kanya, do’n ko lang naramdaman na talagang mawawala na siya sa’kin. Ayokong pagsisihan na hindi ko naipalam sa kanya ang nararamdaman ko.” She smiled sadly again. “Nakakahiya. Ako itong matanda sa inyo, pero ako pa ang naging dahilan nang hindi niyo pagkakaunawaan. I’m sorry, Antenna. I really am.”     Nangilid na rin ang mga luha niya. “Miss Serenity, sa totoo lang, hindi ko pa alam kung lubusan na kitang naiintindihan at napatawad. Pero sa ngayon, matatanggap kong hindi mo ginustong makagulo. Gusto ko lang din humingi ng tawad sa’yo dahil naging bastos ako no’ng huli nating pagkikita. I’m sorry.”     Umiling ito. “Naiintindihan kita, Antenna. Hindi mo kailangang humingi ng tawad. Umaasa ako na balang-araw, tuluyan mo na kong mapapatawad.”     “Time will tell, Miss Serenity. Pero nararamdaman kong malapit na,” nakangiting wika niya.     Kahit paano, nabawasan na ang sakit na nararamdaman niya. Alam niyang darating din ang araw na maibabalik nila ni Miss Serenity ang pagkakaibigan nila. Sa ngayon, masaya siyang napalaya na niya ang sarili niya. She needed to take one step at a time.     She smiled sadly as her mind wandered off to the boy she still loved very much.     Shark, sana dumating na rin 'yong oras kung kailan pareho na tayong handang magkapatawaran at magmahalan uli. One month after... “CRAYON, nakapagtataka naman na manlilibre ka ngayon,” nagduduang komento ni Antenna habang nakatingin sa pinsan niya na nagmamaneho ng kotse nito ng mga sandaling iyon.     “Kinupitan ko si Logan kaya may pera ako ngayon. Gusto ko lang i-share ang blessing ko sa’yo.”     Napasinghap siya. “Sira ka talaga! Ginagawa mong human ATM si Logan!”     Natawa lang ito. “We’re here,” anunsiyo nito habang pina-park ang kotse nito sa establisyementong pinuntahan nila.     Sabay silang umibis ng sasakyan nito. Nakaramdam siya ng kalungkutan nang makitang iyon ang paboritong restaurant ng kanyang ama at ng pamilya nito.     “Antenna, let’s go.” Hinawakan siya ni Crayon sa kamay saka hinila papasok sa restaurant.     Nagulat siya nang pagpasok nila ro’n ay napakadilim ng buong lugar. Marahil ay nakapatay ang mga ilaw at nakasara ang mga bintana. Pero may kutob siya na sinadya iyon. Nanlamig ang mga kamay niya dala ng kaba at pagkasabik na hindi niya alam kung saan galing.     “Crayon, ano bang nangyayari?” natatarantang tanong niya nang maramdaman ang pagbitiw ng pinsan niya sa kanyang kamay.     Bago pa siya mag-panic ng tuluyan ay bumukas na ang mga ilaw. Tila napako siya sa kinatatayuan nang bumungad sa kanya ang isang taong hindi niya inaasahang makikita niya ro’n – ang kanyang ama!     Her mind was spinning and her knees were turned into jelly. Ano’ng nangyayari?     “Antenna... anak...” His father ran towards her and hugged her tight. “Ikaw nga... ang laki mo na.”     Hindi siya makagalaw. She felt so overwhelmed.     Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at pinagmasdan ang kanyang mukha. “Antenna, my daughter... aren’t you happy to see your father? Wala ka bang sasabihin?” nakangiting pag-uudyok nito upang mag-react naman siya.     Naramdaman niya ang pagpatak ng mga luha niya. “Can I do it? Can I really call you... Papa?”     Lumuha na rin ito. Sunud-sunod itong tumango. “Of course. Say it, daughter. Say it.”     “P-Papa... Papa...” Napahikbi siya. “Papa.”     Niyakap uli siya nito. “Antenna, I’m sorry if I wasn’t there for you while you were growing up. Bago ako nagpunta dito, nagkausap kami ng Tita Catelia mo. Ngayon ko lang nalaman na pumanaw na pala si Althea,” anito na ang tinutukoy ang kanyang ina. “I’m sorry. Nang huli kaming mag-usap ng mama mo, wala sa usapan namin na ilalayo ka niya sa’kin, kaya nagulat ako nang puntahan ko uli kayo sa bahay niyo ay wala na kayo ro’n. Naisip ko no’n na marahil ay labis ko talaga siyang nasaktan at mas makakabuti sa inyo kung hahayaan ko na kayong mabuhay ng tahimik.     Pero kung alam ko lang na maaga ka niyang iiwan, sana ay hinanap ko kayo. It must have been tough on you. I’m sorry, Antenna. Patawarin mo ko kung napakalaki ng naging pagkukulang ko sa’yo. 'Wag kang mag-alala, simula ngayon, hinding-hindi ka na mag-iisa. Sana bigyan mo ko ng pagkakataong maging ama sa’yo, anak.”     Kumalas siya rito. “Pero paano na ho ang pamilya niyo? Ayokong magulo kayo...”     “Hush, daughter. Nag-usap na kami ni Katherene tungkol sa’yo.” Ngumiti ito at pinunasan ang mga luha niya gamit ang daliri nito. “Gusto ka niyang makilala. Gano’n din ang kapatid mong si Kimberly.”     “H-hindi sila galit sa’kin?”     He chuckled. “Silly. Bakit naman sila magagalit? You saved Kimberly’s life, Antenna. We are all very thankful to you.”     Napangiti siya sa kabila ng pagpatak ng mga luha niya. “Papa, paano niyo nga pala ako nakita? Kayo ho ba ang naghanda ng lahat ng ito?”     Nakangiting umiling ito. “Totoong simula nang nakita kita sa ospital, hinanap na kita. Pero may naunang nakahanap sa’kin at kinausap ako para sa planong ito. Para magkita at magkaayos na tayo. We should be thankful to him.”     Kumabog ng mabilis ang puso niya. Mukhang may ideya na siya kung sino ang may kagagawan ng lahat ng iyon. Nang umalis ang ama niya sa harap niya, saka lang niya nakita ang isang lalaki sa likod na bahagi ng restaurant. Nakaupo ito at nakapangalumbaba sa mesa. Nakatingin ito sa kanya subalit hindi niya alam kung anong nasa isip nito dahil blangko ang mukha nito.     “Shark...” mahinang usal niya.     Tumikhim ang kanyang ama. “I should accompany your cousin outside. Siya muna ang pagkukuwentuhin ko tungkol sa’yo. Will you be alright, daughter?”     Tumango siya. “Yes, 'Pa.”     With one last hug, her father went out. NANG SILA na lang ni Shark ang nasa loob ng restaurant na sa tingin niya ay naka-reserve para sa kanila ay lumapit ito sa kanya. Nakapamulsa ito at seryoso pa rin ang itsura.     “I’m glad na nagkaayos na kayo ng papa mo. Pasensiya ka na kung pinangunahan kita,” paumanhin ni Shark sa sinserong boses.     Marahang umiling siya. “Hindi mo kailangang humingi ng pasensiya. Sa totoo nga niyan, nagpapasalamat ako sa ginawa mo. Masyado akong takot sa mga mangyayari kapag nakilala ako ng papa ko. Kung hindi mo pa 'to ginawa, hindi ko pa malalamang wala naman pala akong dapat ipag-alala.” Ngumiti siya. “Thank you, Shark.”     “You smiled, finally.” Ngumiti na rin ito. “And that’s what I do it for.”     Natunaw ang puso niya. He did everything just to make her smile. Napahikbi siya. “I’m sorry, Shark. I’m sorry if I hurt you.”     He chuckled as he cupped her face. “Apology accepted, Antenna. Napangunahan lang ako ng pagtatampo no’n dahil nasaktan ako. I wasn’t mad. Naiintindihan ko na kung bakit mo nagawa 'yon. Nasaktan kasi kita. Ako nga ang dapat na paulit-ulit na humingi ng tawad sa’yo dahil nasaktan kita. I’m sorry, baby. I really am.”    Pinatong niya ang kamay nito na nasa kanyang pisngi. “Napatawad na kita, Shark. I won’t let a single mistake make me forget the thousands of things you did to make me happy. Pero ipangako mo na hindi na mangyayari uli 'yon.”     Sunud-sunod na tumango ito. “Of course, I won’t let it happen again. Alam kong marami kang dahilan para iwan ako, kaya hindi ko hahayaang mawala ang nag-iisang dahilan kung bakit hindi mo ginagawa 'yon – ang pagmamahal mo sa’kin.     Sa halip, gagawa pa ko ng maraming-maraming dahilan para mapasaya ka, para mas mahalin mo ko at para manatili tayong magkasama habambuhay.” Binigyan siya nito ng magaang na halik sa mga labi. “I love you, Antenna. I love you so much I thought I was gonna die from missing you.”     Natawa siya kasabay ng pagpatak ng mga luha niya. “You finally said it, Shark. I’ve heard you say you love me, at last.”     Napapikit siya nang ilapit nito ang mukha nito sa kanya. Naramdaman niya ang paglapat ng mga labi nito sa kanyang magkabilang pisngi na para bang inaalis nito ang mga luha niya sa pamamagitan ng magaang na halik na pinapaligo nito sa mukha niya.     “I’m sorry for making you wait this long, Antenna. Pangako, magsasawa ka naman ngayon sa kakasabi ko sa’yo na mahal kita hanggang sa huli nating hininga.”     Nagmulat siya. “Aasahan ko 'yan, ha?” aniya sabay kindat dito.     Natawa ito. “Na-miss ko 'yan. Sobra.” Niyakap siya nito. “Na-miss talaga kita. Pasensiya ka na kung natagalan ako sa pag-aayos ng sorpresa ko sa’yo. Kinailangan ko pang kumbinsihin sina Crayon at Tita Catelia tungkol sa plano kong pag-ayusin kayo ng ama mo.”     “And I appreciate your effort.” Pinalupot niya ang mga braso niya sa baywang nito saka ito tiningala. “Shark, tuloy pa rin ba ang kasal ni Miss Serenity?”     Tumango ito. “Yes. Serenity gave Liam a chance to make her fall for him. Apparently, he loves her and wants to marry her because he wants to and not because of their parents’ agreement.” Bumakas ang pag-aalala sa mukha nito. “Antenna, about Serenity and I...”     Nakangiting umiling siya para pigilan ito sa pagsasalita. “Nagkausap na kami ni Miss Serenity. Shark, let’s attend their wedding together, hmm?”     Ngumiti ito. “Thank you, Antenna. Thank you.”     Alam niyang alam nito na ang kahulugan ng sinabi niya ay tuluyan na niyang napatawad si Miss Serenity. Maaaring nasaktan siya nito, pero naniniwala siyang nangyari lamang iyon para masubok ang pagmamahalan nila ni Shark. Kung may buti man 'yong naidulot, 'yon ay lalo nilang minahal ng binata ang isa’t isa ngayong nalagpasan na nila ang lahat ng pagsubok.      “Antenna, my parents want to meet you. Actually, last month pa sana kita ipinakilala sa kanila, pero hindi pa tayo okay no’n. Can you come over to our house this weekend?”     Tumango siya. “Sure.” Napangiti siya nang maalala kung paano sila nagkaroon ng ugnayan ni Shark. “Hindi ko akalain na 'yong lalaking friend ko lang sa f*******: noon, boyfriend ko na ngayon.”     Ngumiti lang ito. Unti-unti nitong binaba ang mukha sa kanya upang marahil halikan uli siya. Handa na siya nang tila may maalala ito kaya ito lumayo sa kanya. Dinukot nito ang phone nito mula sa bulsa nito. “Nabanggit mo ang f*******:, mag-i-status update muna ako.”     Eksaheradong sumimangot siya nang kutintingin na nito ang phone nito. “Talagang inuna mo pa ang pag-update ng sta –” Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang bigla siya nitong siilin ng halik sa mga labi. Niloloko lang pala siya nito!     She smiled while kissing him back. She was glad to know he would rather kiss her than update his f*******: status.     Shark Anthony Sylvestre: I love Antenna Louise Gomez and I’m very happy that we finally got back together!     Chrissa Anne Palma and 4,024 other people like this status. -WAKAS-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD