Nang malaman ni Daddy ang dahilan kung bakit ako na-sprain kahapon ay mas lalo pa 'kong na-bad shot sa kaniya. "Kung hindi puro kalokohan ang nasa isip mo, Solar. Hindi 'yan mangyayari." Naalala kong sinabi nito sa 'kin bago siya umiiling-iling na umakyat na sa taas para makapagpahinga pagkatapos ng maghapon na inilaan niya sa opisina. "Good morning, Honey!" Mommy greeted my beast of a Dad. "Good Morning, Daddy." Bati rin ni Zachary sa kaniya. At dahil wala sa bokubularyo ko ang magpakumbaba. Ipinagpatuloy ko lang ang pagkain ng cereals bilang umagahan. Ayon sa pagkakaalala ko ay wala talaga akong kasalanan sa kaniya. Kung tutuusin ay siya pa nga ang may ginawang mali sa 'kin dahil s*******n nila akong mag-aral sa Science Academy na pugad ng mga nerd at mayroong cheaply-designe

