Mababakas sa mukha ni Calvin ang pagkabigla at tila hindi ito naniniwala sa isinagot dito ni Ellerie. Nagtataka din si Ellerie kung bakit hinayaan na ng kanyang asawa na malaman ng pinsan nito ang tungkol sa kanilang dalawa kung ano ba talaga ang relasyon nila. Nagulat kasi siya ng biglang mag-message si Calvin na kesyo magtutungo daw ito sa bahay nila para makausap siya at sigurado daw ito na may nangyayaring hindi maganda sa kanya, kaya hindi na siya pumapayag na magtungo ito doon sa bahay ni Charles kasama si Meng. Kahit na sinabihan na kasi niya ito na hindi na maaaring magtungo ay nagpupumilit pa rin dahil isang linggo na nga naman na kahit na sa tawag ay halos hindi niya ito sinasahod. Hindi niya ito sinasagot dahil sa takot na baka magalit si Charles sa kanya, pinagsabihan na

