Tuluyan na ngang pinagbawalan ni Charles ang kanyang mga pinsan na magtungo sa kanilang bahay. Ayaw na niyang makita pa ang mga ito sa kanilang bahay, lalo na ang Calvin na iyon ba batid niyang matindi ang tama sa dalaga. Pero kahit na nakakaramdam na siya ng ganon, wala pa ring pagbabago. Hindi pa rin niya nagawa na ipakilala bilang asawa si Ellerie dahil na rin sa natatakot siyang mahusgahan ng lahat. Ang alam pa rin ng kanyang mga pinsan at maging kanyang mga kapitbahay ay kasambahay niya si Ellerie at katulad ng trato niya dito hindi pa rin nagbabago. Iniisip kasi niya na wala naman itong magagawa kung ano ang gustuhin niyang gawin dito. Nasa kanya ang pera nito at kahit na magmakaawa pa ito sa kanya hindi niya iyon ibibigay hangga't hindi niya ito nagpapapayag na manatili lamang

