Hindi na nagreklamo pa si Ellery ng sabihin ni Charles na ayaw nitong malaman ng ibang tao na magkasama silang dalawa. Kaya nga kabilin-bilinan nito ay huwag na huwag ditong didikit at kung maaari ay sundan lamang niya ito. Tila ba may nakakahawa siyang sakit kaya ayaw nitong makisabay sa kanya. At animo may kinakatakutan ito na kung ano dahil ayaw nito na malaman ang mga taong nasa paligid na magkasama sila. Para wala ng gulo ang ginawa niya ay sinunod na lamang niya ang nais nito, dumistansya siya dito pagpasok nila sa mall. Medyo kinakabahan siya pero hindi talaga niya inaalis ang paningin sa lalaki. Napansin niya na tumitingin sa kanya ang mga tao, hindi niya batid kung paghanga ba iyon, pagkauyam o pagkainis. Pero tuloy-tuloy lamang siya sa paglalakad iniisip niya na baka mawa

