“Isuot mo ito, pupunta tayo ng bayan para mabenta na ang mga ginto na ito at ng makapamili na rin tayo ng mga kagamitan mo. Hindi kasi maaari na lahat ng isusuot mo ay damit ko, dapat may sarili ka ring damit at saka wala ka pang panty at bra kailangan mo iyon hindi maaaring pagala-gala ka dito ng ganyan ang kasuotan mo.” Wika ni Charles kay Ellerie na noon ay katatapos lamang maghugas ng kanilang pinagkainan. Matapos kasi niyang magluto, sabay na silang mag-almusal na dalawa at iyong niluto nito ay kinain na lamang din nila kesa naman masayang. Isa pa Gusto din naman talaga niya ang itlog iyong nilaga sa umaga tsaka napansin niya na talagang gutom na pala ang babae. Sinabihan niya na kumain na ito ay talagang tudo kain ito dahil iyong sinaing nito ay sinangag niya. Nagluto din siya ng

