“Mamaya na lang pala Calvin pakisabi na lang din kay Meng mamaya na lang tayo mag-usap dahil may pinapagawa si Charles sa akin, okay lang ba? Tawag na lang ulit ako mamaya pagkatapos namin mag-usap ha,” wika niya kay calvin na noon ay kausap niya sa messenger. May napansin siyang kakaiba kay Calvin, kakaiba ang kilos nito para bang bigla-bigla itong nalungkot at hindi na lamang nagsalita. Tumango na lamang, ang ginawa naman niya ay kumaway na lang siya dito. Napansin din niya ang pagsimangot ni Charles habang kausap si Calvin. Nasa harap pa rin kasi siya nito at hinihintay siyang tumayo. Sabagay hindi man lamang nga pala niya nakita na mag-bonding ang mga ito, pupunta doon si Calvin pero simpleng tango lamang ang ibinibigay dito ng kanyang asawa. Maging si Calvin ay gano'n din pe

