Ilang linggo pa ang matuling lumipas. Naging regular ang pagdalaw nina Calvin at Meng sa bahay nila Charles para makipagkwentuhan sa kanya. Hindi naman makatanggi si Charles dahil si Meng pala ay close na close nitong pinsan at dahil sa nakagiliwan na ng dalawa na lagi siyang kausapin, naging palagay na rin ang kanyang loob sa mga ito. Lalo na kay Meng na para bang kapatid na ang turing niya dito. At sa tingin niya ay ganon na rin ito sa kanya. Pero simula ng maglagi ang mga ito doon kadalasan naman na umaalis ay si Charles. Hindi niya alam ang sahilan nito, pero wala naman na siyang pakialam pa. Katulad ng pangako niya sa dalawa noong huling mapag-usapan nila ang tungkol sa ginto. Hindi na ulit nila napag-usapan iyon at hindi na ulit niya nabanggit sa kahit na kaninong tao dahil nat

