“Ginto?! Totoo ba ito? Sa akin na lamang ito kapalit ng manok na kinatay mo? Diyos ko, saan mo ito nakuha hija?!” Hindi makapaniwala tanong ng matanda na kanina ay galit na galit. Ngayon ay namimilog ang mga mata habang nakatuon sa bato na kanyang binigay na nakalagay sa palad nito. Manghang-mangha ito habang nakatuon ang mata sa tipak ng ginto na iniabot niya dito. Pagkuwa'y kinagat nito ang hawak-hawak na ginto na iyon sabay palatak na totoong ginto ang ibinigay niya dito. Maging sina Meng at Calvin ay nagulat din dahil sa sinabi ng matanda tila hindi makapaniwala ang mga ito na may gano'n siyang hawak na bato. Doon niya napagtanto na talaga palang importante sa mga tagapatag ng batong ibinigay sa kanya ng kanyang mga magulang. At sa nakikita niya ay parang nasisiyahan naman ang

