“Lagot Ellerie, mukhang hindi ligaw na manok ang nadali mo kundi ang panabong ni Mang Gustin. Galit na galit siya, patay tulog pa naman si Kuya Charles. Nag-aamok pa naman ang matandang iyan kapag na pakialaman ang kanyang mga alaga, ang masaklap pa mukhang manok na panabong pa niya ang nakuha mo.” Wika ni Meng sa kanya na mukhang kilala nito ang matandang lalaking sumisigaw sa labas ng bahay . “Ha sino si Mang Gustin? Atsaka papaano sinasabing manok niya yung niluto ko ay wala naman siya doon kanina sa bakuran na maraming manok.” Sagot niya kay Meng na noon ay nag-aalala dahil siguro sa galit na nga matanda. “Hindi mo talaga siya doon maaabutan kapag tapos na siyang magpakain iyan yung kapitbahay ni Kuya Charles na mahilig sa manok. Pinakamarami niya na alaga ay mga panabong kaya sa t

