KINAGABIHAN “Sheesss… Yung hilaw kong asawa nandito pala.” wika ni Charles pagkakita sa kanya. Kababa nito ng sasakyan pero inaalalayan ito ng dalawang lalaki at nakilala niya ang isa na si Calvin, iyong pinsan nito na nagpakilala kahapon sa kanya sa mall. “A-Asawa?” Kunot noong ulit ni Calvin sa sinabi ni Charles. “N-Naku, kung ano-ano lang ang sinasabi niya dahil siguro kapag lasing kaya pagpasensyahan ninyo na lamang.” Wika na lamang niya sa mga ito. Batid niya na ayaw ipaalam ni Charles ang tungkol sa kanilang dalawa sa mga tao kaya pinasubalian na lamang din niya ang sinabi nito. Mahirap na baka kapag nalaman ng mga tao ay sa kanya na naman magalit ang lalaki lalo pa itong si Calvin dahil kamag-anak ito ng lalaki. “Gano'n ba pasensya ka na….. E-Ellerie hindi ba?” Wika nit

