[Hailey's P.O.V.]
"Kamusta na kaya si Brent?" tanong sakin ng katabi ko na si Jess. Kanina pa 'to nagtatanong sakin kaya naiirita na ako dahil hindi ko din naman alam kung okay na ba si Brent o hindi pa.
"Alam mo Jess, kanina ka pa. Bakit ba ako ang tinatanong mo? Ayaw mong puntahan nang malaman mo sagot?"
"Oo nga 'no?! Bakit di ko naisip yon?!" umakto pa siyang nagulat sa sarili niyang katangahan, ugh this girl!
"Miss Yoon! Why are you shouting?!" napalingon kami sa sumigaw, hala! si Sir Madilim-- este Diliman. Grr, I forgot na nasa klase nga pala kami. Wala naman kasi akong marinig sa nile-lesson niya. I don't care din naman dahil nabasa at naaral ko na lahat ng tinuturo niya ngayon.
"Mr. Madilim-- este Diliman, why are you shouting too?" panggagago na tanong din ni Jess kaya lalong nag-init ang ulo ni Sir Madilim. b***h please, bakit kami matatakot? Jess lang malakas.
"What the?! Ugh! You're getting into my nerves!" galit na sigaw niya saka nag-walk out. Probably, magsusumbong na naman sa principal dahil binastos siya ng student. But who cares? Angat kami kaysa sa kanila. Besides, bored na halos lahat ng kaklase namin dahil sa lesson niyang siya lang nakakarinig. Malakas lang boses niya kapag may pagagalitan siya.
"HAHAHAHAHHA!! ayos! Walang klase!!" and as usual, mawawala ba ang masayang-masaya dahil dismiss na ang klase? Inirapan niJess si Kent na tuwang-tuwa pa.
"Will you please stay quite?" naiiritang suway ko dahil nagtatalon-talon pa siya.
"E kung--" hindi na naituloy ni Kent ang sasabihin niya ng may biglang pumasok sa classroom. Napatingin kami sa may pinto at nakita ang isang babae at lalaki na magkamukha. Hmmm, maybe twins. Gosh, ang dami namang mag-kambal dito.
"Excuse me, dito ba ang section one?" tanong nung babae sa isang kaklase namin. Tumango naman ito bilang pag-sagot, "Sabi sayo kambal dito tayo eh!" excited na sabi nito sa lalaking wala man lang emosyon sa mukha.
"Stop calling me 'kambal', will you?" masungit na sambit nito at dere-deretsong naglakad at umupo sa likod namin at sumubsob sa arm chair.
"Hmp! Uhh, bakit walang teacher?"
"Lumabas kasi." sagot nung kaklase ko at tumango-tango naman yung babae. Maya-maya ay lumapit siya sa kakambal niya at umupo. Nakita niya siguro na naka-tingin kami nila Jess sa kanila kaya nginitian niya kami.
"Hello! Ako nga pala si Megan Delvalle at ito naman si Kean Delvalle, kakambal ko."nakangiting pakilala niya sa'min. Nakita kong umirap si Jess, attitude talaga ang babaeng ito.
"We're not even interested." mataray na sabi niya sabay umirap pa kaya bahagya ko siyang binatukan, napahawak naman siya sa ulo niya, "Ouch!" sinamaan pa ako ng tingin kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Don't be rude, Jess. Hi, I'm Hailey Cassandra Ynarez. Just call me Cass" nakangiting sabi ko kay Megan saka nakipag-shake hands.
"Hi Megan! I'm Kent Xavier Sy. May kakambal din ako, si Brent Xander Sy. Kaso nasa dorm siya. May nangyari--ouch!" binatukan ko din si Kent, napaka-daldal! Magpapakilala na lang ang dami pang sinasabi.
"Daldal mo"
"Psh! Paki mo ba?!" sigaw niya sakin kaya sinamaan ko siya ng tingin para tumigil na siya, "Tsk. Jess, magpakilala ka naman kay Megan." baling ko kay Jess na masama din ang tingin sakin.
"Fine. I'm sorry earlier. I'm Jessica Yoon. Jess for short. Nice to meet you."ngumiti si Jess kay Megan pero di na plastic. Mabait naman talaga 'to e, maarte lang sa una pero kapag nakilala mo she's fun to be with.
"Ay okay lang ano ka ba. Uyy Kean! Gumising ka nga! Nakakahiya sa kanila oh."panggigising ni Megan sa kambal niya. Ayos a, puro kambal na mga kakilala ko. She's good looking too and also her twin brother.
"Huy~ Kean--"
"Ugh! f**k it!" sigaw ni Kean saka tumayo at lalabas na sana ng makabunggo niya si Lhei. Bakit ba ang iinit ng ulo ng mga tao ngayong araw?
"Psh. Haharang-harang. Tabi!" sigaw ulit ni Kean na ikinagulat na namin. Tinignan siya ni Lhei. Uh-oh! Galit na si Lhei! No one dares to shout at her, lalo na't kilala sila dito ng lahat ng tao.
"Guys, sabihin niyo... may mangyayaring hindi maganda, diba?" tanong ko kay Kent at Jess na naka-abang lang sa mga susunod na magaganap. Tumango naman sila.
"Huh? Cass, what do you mean?" tanong ni Megan pero di ko na siya pinansin at nakatingin lang sa mga mangyayari kay Lhei at Kean. Mukhang nangangamoy away.
***
[Alexcia's P.O.V.]
Iniwan ko na muna si Alex at Brent sa dorm. Tapos na din naman ang lunch e. Aattend ako ng pang-hapon na subject. First day pa naman ngayon. Si Alex, tinatamad na daw pumasok kaya matutulog na lang sila ni Brent.
Pagpasok ko sa room may nakabangga ako na lalaki... no, binangga niya talaga ako.
"Psh. Haharang-harang. Tabi!" biglang nag-init ang ulo ko nang sigawan niya ako.. what the heck?! Siya na may kasalanan siya pa galit?! Di niya ba ako kilala?! Ni wala pang nakaka-sigaw sakin ng ganoon except sa mga kaibigan ko.
Tinignan ko lang siya. Sino ba 'to?Bigla niyang tinulak yung balikat ko pero di ako natinag.
"What the hell is that guy doing?!"
"Hindi niya ba kilala si Alexcia Empire?!"
"Lagot na siya!"
"Ikaw na may kasalanan, ikaw pa galit. Nice." sarcastic na sabi ko sabay ngisi sa kanya at deretso lamang na naka-tingin sa mga mata niya. Hindi naman siya natinag.
"Hindi porque babae ka di na kita papatulan! Tumabi ka na dyan bago pa ako may magawa sayo." galit na sabi niya kaya lalo akong nainis dahil hindi man lang siya natitinag sa presensya ko.
"You're a transferee if I am not mistaken, right?"
"Pake mo? Tabi sabi e!" tinulak niya ulit ako pero hindi ako umalis sa kinatatayuan ko.
"Transferee nga.. oh well, hindi mo nga ako kilala. tsk." nagtitimpi pa ako habang papalapit sa kanya, "Magpapakilala--" he cut me off.
"No need. I'm not interested, so get out of my way!" hindi na ako nakapag-timpi at akmang ibabalibag ko na siya sa sahig nang mag-salita si Jess, "Uhm, haha. Lhei, calm down."
"Lhei, wag mong gagawin ang binabalak mo. Hehe. Transferee yan eh."napapakamot sa ulo na sabi ni Kent.
"Better to get out of this room now, Mr. Kean Delvalle." seryoso naman na sabi ni Hailey na para bang lahat sila ay takot sa maari kong magawa sa lalaking nasa harapan ko.
"Shut up the three of you!" galit na sigaw ko kaya tumahimik ang tatlo, hinarap ko ulit ang lalaki na hindi pa din natatakot sakin.
"f**k you, Miss. get out!"
Isang malakas na suntok ang ibinigay ko sa mukha niya. Napatumba ko naman siya. I guess he doesn't see that coming. Agad siyang tumayo at susuntukin sana ako nang awatin siya nila Kent.
"Let him." seryosong sabi ko sa kanila kaya binitawan nila si Kean Delvalle. Sumugod siya sa'kin. Susuntukin niya din sana ako ng hawakan ko ang kamao niya.
"Not so fast, Delvalle." mayabang na sabi ko at sinuntok ulit siya. Napahiga na naman siya sa sahig at napahawak sa labi niyang dumudugo na ngayon. Tatayo sana siya ulit nang apakan ko ang dibdib niya. Bali madudumihan na ang uniform niya.
"Better to know me, Delvalle." may diin sa salita na sabi ko na para bang pinagbabantaan ko siya.
"Kean!" tumingin ako sa babaeng sumigaw na kamukhang-kamukha ng lalaking 'to.
"What are you doing to my twin?!" tinaasan ko siya ng kilay ng sigawan niya din ako, "Hey, Megan. Si Kean naman ang may kasalanan e." sabi ni Kent. Megan? Kunot-noo akong tumingin sa kanya.
"Kahit na! Hindi niya dapat sinasaktan si Kean! Hindi ba't bawal dito yun sa school?!" sigaw pa niya saka lumapit kay Delvalle para tulungang tumayo. Inalis ko ang paa kong nakatuon sa kanya.
"Empire." sambit ko at saka lumabas. Wala na akong ganang pumasok ng class ngayon. First day tapos ganito ang mae-encounter ko? How nice.
***
[Kean's P.O.V.]
"Empire."
Parang nawalan ako ng dugo sa mukha ko nang marinig ko ang sinabi niya. What? Empire? EMPIRE SIYA?! The hell! Hindi kaya siya si--
"She's Alexcia Lhei Empire. So you better stop pissing her." biglang nagsalita ang isang babae na sa pagkaka-rinig ko kanina ay si Cass ba yun?
"Tsk."
Lumabas na ako ng room at pumunta sa school garden.
Alexcia Lhei Empire...
Siya ang babaeng sinaktan noon ni Kuya Cliff. Sinaktan niya at ng mga kabarkada niya, dalawang taon na ang nakakalipas.
Sa pagkakakilala ko sa kanya, mabait siya. Pero bakit naging ganon na siya? Para siyang gangster? Posible kaya na nagbago siya dahil sa ginawa sa kanya nila Kuya? Kapatid ko si Cliff Ash Travinston. Kapatid ko siya sa side ni Mama. Half-brother kumbaga.
Travinston ang ginagamit niyang apilido. Siyempre dahil hindi siya isang Delvalle.
Close kami ni kuya noon, pero simula nung nakita ko lahat ng ginawa niya kay Alexcia, hindi ko na din siya pinapatawad. Naghiwalay kami. Tumira siya sa bahay ng tatay niya. Gangster ang tatay niya, ngunit sa pagkaka-alam ko hindi naging gangster si Cliff.
Pero yung Alexcia. Gusto ko siyang makilala. Gusto ko din malaman kung bakit siya nagkaganon. Kung dahil ba kay Cliff. Naawa ako kay Alexcia noong araw na yun. Hayop sila Cliff. Wala silang awa. Nagi-guilty din kasi ako dahil nandoon ako, pero wala akong ginagawa para matulungan siya. Naduwag ako noon. Dahil sa marami sila at may mga patalim sila na hawak.
Isang taon lang naman ang agwat ng edad sakin ni Cliff. Pero ngayon, hindi na ako duwag. Kahit pa kamatayan ang kahihitnan ko. Kasalanan din ni Cliff kung bakit ako nagbago. Naging matapang ako. Kung hindi ginawa ni Cliff sa'kin yun noon, hindi sana ako magiging ganito ngayon.
Nakita ko si Alexcia na papunta din dito sa garden. Sa itsura niya, mukhang mahinahon na siya.Nagtago muna ako sa isang puno. Nakita ko siya na umupo sa damuhan at nakatingin sa langit. Unti-unti akong lumapit sa kanya, pero maya-maya ay napatingin siya sakin.
"Alexcia" paalis na sana siya ng tawagin ko siya kaya napatigil siya. I am calm now, kaya lang anman uminit ang ulo ko kanina dahil kay Megan kaya nadadamay ang mga nasa paligid ko.
"How did you know my name?" cold na tanong niya. Deretso ang tingin ko sa mga mata niya pero hindi ko din natagalan kaya umiwas ako ng tingin at yumuko.
"I'm sorry.."
***
[Alexcia's P.O.V.]
"I'm sorry..." bahagya akong nagulat sa sinabi niy. Bakit ganon? Pakiramdam ko, hindi tungkol sa nangyari kanina kung bakit siya nagso-sorry?
"What are you talking about? Kung yung nangyari kanina--"
"No. Not that." mas lalo akong nagtaka sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?, "Then what?" pilit kong maging cold ang pakikitungo ko sa kanya ngayon.
"I'm sorry for what happened two years ago..."
"f**k! Pwede bang deretsuhin mo na?!" nainis na naman ako. Lumapit pa ako lalo sa kanya dahil mukhang alam ko na ang tinutukoy niya. May kutob kasi ako na ang tinutukoy niya ay yung nangyari sa'kin at kay Cliff.
"Kapatid ko si Cliff Ash Travinston." parang hindi pa kaagad nag-proseso sa utak ko ang sinabi niya, "Hahaha are you kidding me? You're a Delvalle!" hindi makapaniwalang sabi ko.
"I am. Kapatid ko siya sa mother side."
"f**k!" how come I didn't know?!!
"Nandoon ako noong araw na ginawa-"
"Stop. I don't want to hear any of that! It's now in the past!" I knew it, kaya pala pamilyar ang mukha niya kanina noong titigan ko siya. Isa lang naman siya sa nanonood lamang sa nangyayari sa akin dati sa malayo at walang ginawa para tulungan ako.
"I'm sorry--"
"I said stop!!" lumapit na ako sa kanya saka siya sinakal. Lahat ng alala ay bumabalik na galing sa nakaraan. Napupuno na naman ako ng galit, "f**k!" sigaw niya saka ako itinulak dahil nawawalan na siya ng hangin.
"What's wrong with you?! Nagso-sorry na nga ako eh?!" bumakas na naman sa boses niya ang galit habang sapo ang leeg niya.
"I don't need your f*****g sorry! As if magagawa ng sorry mo na maibalik ang lahat at bawiin ang mga nangyari sakin noon!"
"What's going on here?" pareho kaming napatingin sa nagsalita.
It's Alex.
"Kean! Ano bang ginagawa mo--A-alex?!"napasigaw si Megan ba yun nang makita si Alex. Kadadating niya lang din.
"Megan...." walang ganang sabi ni Alex at tinignan siya nang wala man lang reaksyon sa mukha niya.
Processing......
Megan?!!!
Shit!!! Megan!!
"M-Megan?!"
How come I didn't recognized her face?!