GP 2: (Black Gang)

1865 Words
[Alexcia's P.O.V.] Pagkapasok pa lang namin sa room ni Alex, nagsi-tahimikan agad ang mga kaklase namin. As usual, wala naman nang bago. Sanay na kami na ganito simula pa noong pumasok kami dito. "Kyaaaa!!! Lhei!!" Narindi kaagad ako sa malakas na irit ni Jess kaya sinamaan ko siya ng tingin bago ako umupo sa pwesto ko. Jessica Yoon She's perfectly a b***h. Mabait naman siya, makulit, and also childish but only around us. She's a gangster too like us. She has long brown hair, pointed nose and kissable lips. All of my friends were from rich families. Nagkakilala kaming lahat dahil sa mga parents namin. Siya ay si Violet Gangster iyan and codename na ginagamit niya. "God! Jess, stop shouting will 'ya?!" singhal ko. Napanguso naman siya at inirapan ako bago umupo sa tabi ko. "Sorry my bad." Maarteng sabi ni Jess, napapa-facepalm na lang ako. "Hey, Lhei and Alex!" Tawag naman samin ni Hailey. Hailey Cassandra Ynarez Siya ang pinaka-tahimik sa'min. Tapos siya din ang pinaka-matalino sa aming magka-kaibigan. Maganda din and sexy like us. Lahat naman kami ay good-looking at talaga namang nangunguna dito sa school. Hindi kami dapat nagpapatalo sa mga normal na student lang. Ang codename niya ay Light Gangster. "Oh bakit?" tanong ni Alex sabay upo sa tabi ni Hailey na nasa harapan ko. Hindi halata na gangster ang dalawang ito at isa pa, hindi naha-hack ng iba ang mga informations tungkol sa kanila. Well, sa amin ni Alex alam na sa buong UNDERGROUND. Parents pa lang namin kilalang-kilala na sa industriya. Ano nga ba ang UNDERGROUND? Dito nagaganap ang mga labanan. No need to worry because you will not going to die there. Sa labas ng underground, pwede pa. Sa loob ng underground ay hindi pinapayagan ang ano mang uri ng pagpatay. Ito ay isang lugar kung saan pwede kang mag-hamon ng gusto mong indibiduwal na gangster o di kaya isang gang. Ang mga namamahala sa underground ang maga-ayos ng schedule ng laban at ipapaalam sa iba pa na kabilang sa inudstriya para makanood sila. "Siguro ngayon kilala mo na ang BlackJack Gang, di’ba?" tanong sakin ni Hailey kaya tinaasan ko siya ng kilay, "So, what about them?" "Sila ay ang bagong gang. Under sila ng mga Black Gang." Bahagya akong nagulat sa ibinalita ni Hailey. Wow, are they recruiting new trashes now? "We all know na sila ang bagong gang, pero bakit kasama sila sa Black Gang?" nagtataka naman na tanong ni Alex. Magsasalita pa sana si Hailey nang mapalingon kami sa pinto dahil sa lalaking sumisigaw at tinatawag si Alex. "Bro! Alex!" Kahit kailan talaga ay napaka-ingay ni Kent. Parang akala mo ilang taon silang hindi nagkita ni Alex kung maka-tawag! Kent Xavier Sy He's so good looking along with his twin brother. Siya ay si Blue Gangster. "Bro! Nasan si Brent?" tanong ni Alex sa kanya at nag-man hug pa sila. Brent Xander Sy He is like a boy version of Hailey. Lagi lang din tahimik and unlike Kent na maingay. Hindi din siya playboy like Kent, it's like wala siyang hilig sa mga babae. Red Gangster is his codename. "Oh ayan na pala si-- eh?!" Gulat na sigaw ni Jess kaya napatingin kami sa tinitignan niyang nasa likod ni Kent. "The f**k?!" sigaw ko din nang makita ang itsura ni Brent. Tangina! Bakit ganyan itsura niya?! May black eye siya at dumudugo pa ang labi niya. "What happened to you bro?!" galit na sigaw ni Kent. "B-black g-gang." Nanghihinang sabi niya. It's so impossible na mabubugbog siya ng ganito. We are all trained since we're kids. "Huh? What about them, Brent?!" I was so mad because of what happened to him. Ayoko na ginaganito ang mga kaibigan ko. Napapatingin na din samin ang iba naming kaklase. They are all aware about the gangster industry. "T-they're... s**t! o-outsside of G.U." Pagkasabi ni Brent kung nasaan ang mga bumugbog sa kanya ay agad akong tumakbo palabas ng G.U. Shit! First day of school, ganito na agad?!! f**k that Black Gang! Paglabas ko may nakita akong isang van na itim. Sa harap ay may naka-ukit na BG. I knew it! It was the car of black gang. Ang mga guards ay nakahiga na sa sahig. Lumapit ako sa van nila na paalis na sana. Bigla kong binuksan ang pinto ng driver. "s**t? Boss!" Narinig kong sigaw ng isang tauhan ng black gang nang hablutin ko siya sa kwelyo at ibinalibag sa sahig. "What did you do to Red huh?!" Bakas sa boses ko ang galit. Hindi ko napansin na naka-alis na ang van nila at iniwan ang isang gunggong na ito dito. "Tell me! What did you do to Red?!" Mas lalo akong nagalit nang hindi siya nagsasalita kaya sinapak ko siya sa mukha. Hinawakan ko siya sa leeg at pinilit itayo. "Now speak!" "s**t! GP!" Sigaw ni Alex at tumatakbo palapit sa amin pero hindi ko siya pinansin. Codename ang ginagamit kapag nasa laban kami. Maubo-ubo na ang hawak kong lalaki ngayon, "G-gangster P-princess... I-inutos lang p-po iyon ng b-boss n-namin," nanghihina na sabi niya. Tinadyakan ko siya sa tyan niya dahilan para umubo na siya ng dugo. "Sabihin mo sa boss mo, pakamatay na siya!" sigaw ko saka naunang pumasok ulit ng G.U. Sinalubong ako nila Jess, Kent, at Hailey at pilit na pinapakalma. "Where's Brent?" I asked. "Nasa dorm na niya. Lhei, calm down." "How can I calm down?! One of our friend is hurt." Kahit sila Jess ay takot sakin lalo na kapag galit ako. Mahirap akong pakalmahin lalo na kung may gustong kumalaban sa amin pero madumi makipaglaban. "Tsk. C'mon Lhei, punta na tayong room. Guys, kayo na bahala mag-excuse sa'min sa prof. Thanks." Hinigit na ako ni Alex palabas ng room at dumeretso kami papunta sa dorm namin. Naglakad kami ng naglakad hanggang makarating kami sa isang napakalaking gate sa likod ng G.U. Pagkapasok mo pa lang, makikita mo na ang isang napakalaking Mall. Iisa lang ang Mall dito kaya malaki iyon. Malayo kasi ang Mall dito sa G.U kaya nagtayo na lang sila ng sarili nila para sa mga nagdo-dorm na students. Sa mall na iyon ay may exit sa likod. Kaya kailangan mo muna pumasok ng Mall at makarating sa exit sa likod para makita mo ang gate papunta sa mga dorms. Dahil mabilis kaming maglakad, nakarating agad kami sa exit ng Mall. Pagkalabas namin, bumungad sa'min ang mas malaking gate kumpara sa una. Nandoon ang mga naglalakihang dorm para sa mga 4th year students ng G.U. May kanya-kanyang building ang mga sections. Una mong makikita ang building ng mga taga-last sections. Kapag nagdere-deretso ka, may isa pang gate sa medyo dulo. Kumpara sa dalawang gate na nauna, hindi masyadong kalakihan ito. Ang building ng section one ay nakahiwalay. Hanggang apat na floor lang ang bawat building at malalaki. Ang bawat floor ay mayroong limang dorms lamang. At sa isang dorm, tatlo ang naghahati. Siyempre, hindi ko kasama sa dorm si Alex. Hiwalay pa din naman ang babae at lalaki. Bawal ang nagsasama sa isang dorm. Ang kasama niya sa dorm ay si Brent at Kent. Pumasok kami sa loob at naabutan na nakahiga sa sofa si Brent. "Hey, Brent!! Are you okay now?" bungad ko sa kanya. Kaibigan ko kasi sila at ayaw kong nasasaktan sila. Magaling na gangster naman ito si Brent, kaya nagtataka ako bakit hindi lumaban? "Tsk. I'm fine," masungit na sagot niya. Inirapan ko naman siya. Si Alex naman, pumunta sa kwarto niya at may kukuhanin daw. "Tell me, lumaban ka ba kanina ha?" "Hindi ako handa. Tinatamad nga ako makilag-laban e." Sinamaan ko siya ng tingin, ano ba namang rason yun? "Tanga-tanga mo, Brent. Tsk. Oh, wait! Nakita mo ba ang boss nila?I remembered na may tinawag na boss ang hinila ko kanina." Hanggang ngayon kasi hindi namin kilala kung sino ang boss o leader ng Black Gang kahit matagal na din namin silang tina-track. "Hindi siya lumabas ng van nila. Pero nandon siya." "Alam ko na nandon siya, hindi ko siya nakita pero may pakiramdam ako na parang... matagal ko na siyang kilala?" Halata sa mga mukha nila na nagtataka sila sa sinabi ko. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Kent. Nagkibit-balikat ako, "Ewan ko, basta! Ang gulo e." Feeling ko kasi matagal ko na siyang kilala.Napaka-misteryoso ng leader ng Black Gang. Malalakas din naman ang mga miyembro nito. Ayon sa inpormasyon na nakuha ni Hailey, walo sila sa grupo. At yung isa kanina, sigurado ako hindi talaga siya ka-miyembro. Hindi namin alam ang mga tunay na pangalan nila. Miski codename ay hindi namin alam. Oo nakikipag-laban din sila sa underground pero hindi pa namin sila makalaban. Miski mapanood sila ay hindi pa namin nagagawa. Gusto naming hamunin sila ngunit hindi namin alam kung paano ang galaw nila at ayaw naming sumugal. Black Gang. Last year lang sila dumating. Pero sabi ng iba, malakas ang leader nito at wala pa ni isa ang nakakatalo dito. Paano siya matatalo kung hindi niya ako kakalabanin? Ngunit mahirap kalabanin ang nagtatago. Mahiap kung hindi mo kilala ang kalalabanin mo. Lalo na kung buhay mo ang nakasalalay. "Black Gang ang nangunguna ngayon sa rankings sa underground battle." Napatingin ako kay Alex ng sabihin niya iyon. "Black Gang?!" "Oo Lhei. Sinabi sakin ni Hailey. Natalo nila noong isang gabi ang six rings sa underground battle." "Pero bakit hindi natin alam? Hindi ba dapat nalalaman natin kung may laban o wala?" naaasar na tanong ko. Tumango si Alex, "Hindi nila pinapaalam. Wala ni isa ang nanonood, kundi ang mga management lamang." "Kinausap din namin ang ibang miyembro ng Six Rings kung nakilala ba nila ang Black Gang pero ang sabi lang nila isa tayo sa mga gangster, ibig sabihin kalaban natin sila," dagdag naman ni Brent. "May kutob talaga ako na kilala ko ang leader ng Black Gang." Sa Underground kasi, may mga rankings din. Isa kami sa nasa Ultimate Rank. Wala kaming grupo, pero magkakaibigan kami. Individual kami. At kapag may nanghamon samin sa isang illegal battle, magkakasama kami. Pero kapag isa lang ang hinamon, isa lang din ang pupunta. Oo bawal ang mandaya sa Underground battle. Pero once na nakipaglaban ka sa isang illegal battle, asahan mong dadayain ka ng makakalaban mo. Pero dahil kami ay malalakas, hindi nila kami natatalo. Alam ng lahat ng gangster na kami ay nasa ultimate rank. At kung sila na ang nangunguna ngayon sa ranking, may posibilidad na hamunin na niyang kalabanin and nasa ultimate rank. May kapit siguro sila sa management ng Underground kaya hindi namin nalalaman kung may laban sila o wala. Ako ang nangunguna. Sumunod ay si Alex, pangatlo si Jess, pangapat si Brent, sunod si Kent, at huli si Hailey. Black Gang..... Oras na malaman ko kung sino kayo, humanda na kayo. Hindi ko palalagpasin ang nangyari ngayon kay Brent.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD